< 列王纪下 7 >

1 以利沙说:“你们要听耶和华的话,耶和华如此说:明日约到这时候,在撒马利亚城门口,一细亚细面要卖银一舍客勒,二细亚大麦也要卖银一舍客勒。”
Sinabi ni Eliseo, “Pakinggan ninyo ang salita ni Yahweh. Ito ang sinasabi niya: 'Bukas, sa ganitong oras, isang takal ng mainam na harina ang ipagbibili kapalit ng isang sekel, at dalawang takal ng sebada ang ipagbibili kapalit ng isang sekel sa tarangkahan ng Samaria.'”
2 有一个搀扶王的军长对神人说:“即便耶和华使天开了窗户,也不能有这事。”以利沙说:“你必亲眼看见,却不得吃。”
Pagkatapos ang kapitan na kanang kamay ng hari ay sumagot sa lingkod ng diyos, at sinabi, “Masdan mo, kahit na gumawa si Yahweh ng bintana sa langit, maaari bang mangyari ito?” Tumugon si Eliseo, “Masasaksihan mo itong mangyari gamit ang sarili mong mga mata, pero hindi ka makakakain mula dito.”
3 在城门那里有四个长大麻风的人,他们彼此说:“我们为何坐在这里等死呢?
Ngayon, mayroong apat na lalaking may ketong sa labas ng tarangkahan ng lungsod. Sinabi nila sa isa't isa, “Bakit tayo mauupo rito hanggang mamatay tayo?
4 我们若说,进城去吧!城里有饥荒,必死在那里;若在这里坐着不动,也必是死。来吧,我们去投降亚兰人的军队,他们若留我们的活命,就活着;若杀我们,就死了吧!”
Kung sabihin nating papasok tayo sa lungsod, ang taggutom ay nasa lungsod, at mamamatay tayo roon. Pero kung uupo pa rin tayo dito, mamamatay pa rin tayo. Kaya ngayon, halika, pumunta tayo sa hukbo ng mga Aramean. Kung pananatilihin nila tayong buhay, mabubuhay tayo, at kung papatayin nila tayo, mamamatay lang tayo.”
5 黄昏的时候,他们起来往亚兰人的营盘去;到了营边,不见一人在那里。
Kaya tumayo sila nang mag-gagabi na para pumunta sa kampo ng mga Aramean; nang dumating sila sa pinakalabas na bahagi ng kampo, walang naroon.
6 因为主使亚兰人的军队听见车马的声音,是大军的声音;他们就彼此说:“这必是以色列王贿买赫人的诸王和埃及人的诸王来攻击我们。”
Dahil pinarinig ng Panginoon sa mga Aramean ang ingay ng mga karwahe, at ang ingay ng mga kabayo —ang ingay ng isang malaking hukbo, at sinabi nila sa isa't isa, “Inupahan ng hari ng Israel ang mga hari ng mga Hiteo at mga taga-Ehipto para pumunta laban sa amin.”
7 所以,在黄昏的时候他们起来逃跑,撇下帐棚、马、驴,营盘照旧,只顾逃命。
Kaya tumayo ang mga sundalo at tumakas nang mag-gagabi na; iniwan nila ang kanilang mga tolda, mga kabayo, mga asno, at ang kampo sa lagay nito, at tumakas para sa mga buhay nila.
8 那些长大麻风的到了营边,进了帐棚,吃了喝了,且从其中拿出金银和衣服来,去收藏了;回来又进了一座帐棚,从其中拿出财物来去收藏了。
Nang dumating sa pinakalabas na bahagi ng kampo ang mga lalaking may ketong, pumasok sila sa loob ng isang tolda at kumain at uminom, at tinangay ang pilak at ginto at mga damit at tinago ito. Bumalik sila at pumasok sa isa pang tolda at tinangay ang mga nasamsam nila mula roon at tinago itong muli.
9 那时,他们彼此说:“我们所做的不好!今日是有好信息的日子,我们竟不作声!若等到天亮,罪必临到我们。来吧,我们与王家报信去!”
Pagkatapos sinabi nila sa isa't isa, “Hindi tama ang ginagawa natin. Ang araw na ito ay araw ng magandang balita, pero nananahimik tayo patungkol dito. Kung maghihintay tayo hanggang bukang-liwayway, parurusahan tayo. Kaya, halina at sabihin natin ito sa sambahayan ng hari.”
10 他们就去叫守城门的,告诉他们说:“我们到了亚兰人的营,不见一人在那里,也无人声,只有拴着的马和驴,帐棚都照旧。”
Kaya't pumunta sila at tinawag ang mga tagabantay ng tarangkahan ng lungsod. Sinabi nila sa kanila, “Nagpunta kami sa kampo ng mga Aramean, pero walang naroon, wala ni tunog ninuman, pero naroon ang mga kabayo nila, at ang mga asnong nakatali, at ang mga tolda sa lagay nito.”
11 守城门的叫了众守门的人来,他们就进去与王家报信。
At isinigaw ng mga bantay ng tarangkahan ang balita, at pagkatapos sinabi ito sa loob ng sambahayan ng hari.
12 王夜间起来,对臣仆说:“我告诉你们亚兰人向我们如何行。他们知道我们饥饿,所以离营,埋伏在田野,说:‘以色列人出城的时候,我们就活捉他们,得以进城。’”
Pagkatapos bumangon ang hari kinagabihan at sinabi sa kaniyang mga lingkod, “Sasabihin ko sa inyo ngayon ang ginawa ng mga Aramean sa atin. Alam nilang gutom tayo, kaya umalis sila ng kampo para magtago sa mga bukirin. Sinasabi nila, “Sa oras na lumabas sila sa lungsod, kukunin natin sila nang buhay, at papasok tayo sa lungsod.'”
13 有一个臣仆对王说:“我们不如用城里剩下之马中的五匹马(马和城里剩下的以色列人都是一样,快要灭绝),打发人去窥探。”
Sumagot ang isa sa mga lingkod ng hari at sinabing, “Pakiusap, hayaan mong kunin ng ilan sa mga tauhan ang limang kabayong natitira sa lungsod. Tulad sila ng lahat ng natitira sa mga mamamayan ng Israel —karamihan ay patay na; hayaan mong ipadala namin sila at tingnan ito.”
14 于是取了两辆车和马,王差人去追寻亚兰军,说:“你们去窥探窥探。”
Kaya kumuha sila ng dalawang karwahe na may mga kabayo, at sinugo sila ng hari sa hukbo ng mga Aramean, sinasabing, “Tingnan ninyo iyon.”
15 他们就追寻到约旦河,看见满道上都是亚兰人急跑时丢弃的衣服器具,使者就回来报告王。
Sinundan nila sila hanggang sa Jordan, at ang lahat ng daanan ay puno ng mga damit at gamit na iniwan ng mga Aramean sa pagmamadali. Kaya bumalik ang mga mensahero at sinabi sa hari.”
16 众人就出去,掳掠亚兰人的营盘。于是一细亚细面卖银一舍客勒,二细亚大麦也卖银一舍客勒,正如耶和华所说的。
Lumabas ang mga tao at sinamsam ang mga gamit sa kampo ng mga Aramean. Kaya ang takal ng mainam na harina ay ipinagbili sa halagang isang sekel at ang dalawang takal ng sebada ay kapalit ng isang sekel, tulad ng sinabi ni Yahweh.
17 王派搀扶他的那军长在城门口弹压,众人在那里将他践踏,他就死了,正如神人在王下来见他的时候所说的。
Inutusan ng hari ang kapitan, ang kaniyang kanang kamay, para mangasiwa sa tarangkahan, at tinapak-tapakan siya ng mga tao sa daan ng tarangkahan. Namatay siya gaya ng sinabi ng lingkod ng Diyos nang bumaba ang hari sa kaniya.
18 神人曾对王说:“明日约到这时候,在撒马利亚城门口,二细亚大麦要卖银一舍客勒,一细亚细面也要卖银一舍客勒。”
Kaya nangyari iyon gaya ng sinabi ng lingkod ng Diyos sa hari, sinasabing, “Sa oras na ito sa tarangkahan ng Samaria, ang dalawang takal ng sebada ay ipagbibili sa halagang isang sekel, at ang isang takal ng mainam na harina para sa isang sekel.”
19 那军长对神人说:“即便耶和华使天开了窗户,也不能有这事。”神人说:“你必亲眼看见,却不得吃。”
Sinagot ng kapitang iyon ang lingkod ng Diyos at sinabing, “Kahit gumawa si Yahweh ng bintana sa langit, maaari bang mangyari ito?” Sinabi ni Eliseo, “Makikita mong mangyari ito nang sarili mong mga mata, pero hindi ka kakain mula rito.”
20 这话果然应验在他身上;因为众人在城门口将他践踏,他就死了。
At nangyari ito sa kaniya sa ganoong paraan, dahil tinapak-tapakan siya ng mga tao sa tarangkahan, at namatay siya.

< 列王纪下 7 >