< 列王纪下 6 >

1 先知门徒对以利沙说:“看哪,我们同你所住的地方过于窄小,
Sinabi ng mga anak ng mga propeta kay Eliseo, “Ang lugar kung saan kami nakatira kasama ka ay masyadong maliit para sa ating lahat.
2 求你容我们往约旦河去,各人从那里取一根木料建造房屋居住。”他说:“你们去吧!”
Hayaan mo kaming pumunta sa Jordan, at magputol ng puno roon at magtayo ng matitirahan.” Tumugon si Eliseo sinabing, “Sige.”
3 有一人说:“求你与仆人同去。”回答说:“我可以去。”
Sinabi ng isa sa kanila, “Pakiusap samahan mo ang iyong mga lingkod.” Sumagot si Eliseo, “Sasama ako.”
4 于是以利沙与他们同去。到了约旦河,就砍伐树木。
Kaya sumama siya sa kanila, at nang makarating sila sa Jordan, nag-umpisa silang magputol ng mga puno.
5 有一人砍树的时候,斧头掉在水里,他就呼叫说:“哀哉!我主啊,这斧子是借的。”
Pero habang nagpuputol ang isa sa kanila, nalaglag ang ulo ng palakol sa tubig; sumigaw siya at sinabinig, “Naku, panginoon, hiniram ko lang iyon!”
6 神人问说:“掉在哪里了?”他将那地方指给以利沙看。以利沙砍了一根木头,抛在水里,斧头就漂上来了。
Kaya sinabi ng lingkod ng Diyos, “Saan ito nahulog?” Tinuro ng lalaki kay Eliseo ang lugar. Pumutol siya ngayon siya ng isang patpat, tinapon ito sa tubig at pinalutang ang palakol.
7 以利沙说:“拿起来吧!”那人就伸手拿起来了。
Sinabi ni Eliseo, “Kunin mo.” Kaya inabot ito ng lalaki ng kaniyang kamay.
8 亚兰王与以色列人争战,和他的臣仆商议说:“我要在某处某处安营。”
Ngayon nakikipagdigma ang hari ng Aram laban sa Israel. Sumangguni siya sa kaniyang mga lingkod, sinasabing, “Ang kampo ko ay nasa ganitong lugar.”
9 神人打发人去见以色列王,说:“你要谨慎,不要从某处经过,因为亚兰人从那里下来了。”
Kaya nagpunta ang lingkod ng Diyos sa hari ng Israel, sinasabing, “Sikapin ninyong hindi dumaan sa lugar na iyon, dahil ang mga Aramean ay bababa roon.”
10 以色列王差人去窥探神人所告诉所警戒他去的地方,就防备未受其害,不止一两次。
Pagkatapos nagpadala ang hari ng Israel ng mga tauhan sa lugar na iyon kung saan binalaan siya ng lingkod ng Diyos. Iniligtas siya ng babalang iyon ng ilang beses.
11 亚兰王因这事心里惊疑,召了臣仆来,对他们说:“我们这里有谁帮助以色列王,你们不指给我吗?”
Gulong-gulo ang isip ng hari ng Aram dahil sa babalang ito, at tinawag niya ang kaniyang mga lingkod at sinabi sa kanila, “Wala ba sa inyo ang magsasabi kung sino sa inyo ang pumapanig sa hari ng Israel?”
12 有一个臣仆说:“我主,我王!无人帮助他,只有以色列中的先知以利沙,将王在卧房所说的话告诉以色列王了。”
Kaya sinabi ng isa sa kaniyang mga lingkod, “Hindi, panginoong hari, dahil si Eliseo na propeta ng Israel ang nagsasabi sa hari ng Israel ng mga sinasabi mo sa iyong silid!”
13 王说:“你们去探他在哪里,我好打发人去捉拿他。”有人告诉王说:“他在多坍。”
Tumugon ang hari, “Humayo kayo at tingnan ninyo kung nasaan si Eliseo nang makapagpadala ako ng mga tauhan para dakpin siya.” At sinabi sa kaniya, “Nasa Dotan siya.”
14 王就打发车马和大军往那里去,夜间到了,围困那城。
Kaya nagpadala ang hari ng mga kabayo, mga karwahe at isang malaking hukbo sa Dotan. Dumating sila nang gabi at pinalibutan ang lungsod.
15 神人的仆人清早起来出去,看见车马军兵围困了城。仆人对神人说:“哀哉!我主啊,我们怎样行才好呢?”
Nang ang alipin ng lingkod ng Diyos ay maagang bumangon at lumabas, pagmasdan mo, isang malaking hukbo at mga kabayo ang nakapaligid sa lungsod. Sinabi ng kaniyang alipin sa kaniya, “Panginoon! Anong gagawin natin?”
16 神人说:“不要惧怕!与我们同在的比与他们同在的更多。”
Sumagot si Eliseo, “Huwag kang matakot, dahil ang mga kasama natin ay higit na mas marami kumpara sa kanila.”
17 以利沙祷告说:“耶和华啊,求你开这少年人的眼目,使他能看见。”耶和华开他的眼目,他就看见满山有火车火马围绕以利沙。
Nanalangin si Eliseo at sinabing, “Yahweh, Nakiki-usap ako na buksan mo ang mga mata niya nang makakita siya.” Kaya't binuksan ni Yahweh ang mga mata ng kaniyang alipin at nakakita siya. Ang bundok ay puno ng mga kabayo at karwahe na nag-aapoy sa paligid ni Eliseo!
18 敌人下到以利沙那里,以利沙祷告耶和华说:“求你使这些人的眼目昏迷。”耶和华就照以利沙的话,使他们的眼目昏迷。
Nang bumaba ang mga Aramean sa kaniya, nanalangin si Eliseo kay Yahweh at sinabing, “Hinihiling kong bulagin mo sila.” Kaya't binulag sila ni Yahweh, gaya ng hiling ni Eliseo.
19 以利沙对他们说:“这不是那道,也不是那城;你们跟我去,我必领你们到所寻找的人那里。”于是领他们到了撒马利亚。
Pagkatapos sinabi ni Eliseo sa mga Aramean, “Hindi ito ang daan, ni ito ang lungsod. Sumunod kayo sa akin at dadalhin ko kayo sa taong hinahanap ninyo.” At dinala niya sila sa Samaria.
20 他们进了撒马利亚,以利沙祷告说:“耶和华啊,求你开这些人的眼目,使他们能看见。”耶和华开他们的眼目,他们就看见了,不料,是在撒马利亚的城中。
Nang dumating sila sa Samaria, sinabi ni Eliseo, “Buksan mo ang mga mata nila, Yahweh, nang makakita sila.” Binuksan ni Yahweh ang mga mata nila at nakakita sila, at nakita nilang nasa gitna sila ng lungsod ng Samaria.
21 以色列王见了他们,就问以利沙说:“我父啊,我可以击杀他们吗?”
Nang makita sila ng hari ng Israel, sinabi niya kay Eliseo, “Ama, dapat ko na ba silang patayin? Papatayin ko na ba sila?”
22 回答说:“不可击杀他们!就是你用刀用弓掳来的,岂可击杀他们吗?当在他们面前设摆饮食,使他们吃喝回到他们的主人那里。”
Sumagot si Eliseo, “Huwag mo silang patayin. Papatayin mo ba silang mga kinuha mong bihag gamit ang espada at pana mo? Maghain ka ng tinapay at tubig sa kanila para makakain at makainom sila at makapunta sa kanilang panginoon.”
23 王就为他们预备了许多食物;他们吃喝完了,打发他们回到他们主人那里。从此,亚兰军不再犯以色列境了。
Kaya't naghain ng pagkain ang hari para sa kanila, at nang nakakain at nakainom sila, pinalaya niya sila at pinabalik sa kanilang panginoon. Ang mga grupo ng sundalong Aramean na iyon ay hindi bumalik sa lupain ng Israel nang mahabang panahon.
24 此后,亚兰王便·哈达聚集他的全军,上来围困撒马利亚。
Matapos nito, tinipon ni Ben Hadad, hari ng Aram, ang lahat ng kaniyang hukbo at lumusob sa Samaria at binihag ito.
25 于是撒马利亚被围困,有饥荒,甚至一个驴头值银八十舍客勒,二升鸽子粪值银五舍客勒。
Kaya't nagkaroon ng matinding taggutom sa Samaria. Binihag nila ito hanggang ang isang asno ay maibenta sa halagang walumpung pirasong pilak, at ikaapat na bahagi ng isang kab ng dumi ng kalapati sa halagang limang pirasong pilak.
26 一日,以色列王在城上经过,有一个妇人向他呼叫说:“我主,我王啊!求你帮助。”
Habang dumadaan ang hari ng Israel sa may pader, isang babae ang umiyak sa kaniya, sinasabing, “Tulungan mo ako, panginoong hari.”
27 王说:“耶和华不帮助你,我从何处帮助你?是从禾场,是从酒榨呢?”
Sinabi niya, “Kung hindi ka tinutulungan ni Yahweh, paano kita matutulungan? Mayroon bang nanggagaling sa giikan o pigaan ng alak?”
28 王问妇人说:“你有什么苦处?”她回答说:“这妇人对我说:‘将你的儿子取来,我们今日可以吃,明日可以吃我的儿子。’
Sinabi pa ng hari, “Ano ang bumabagabag sa iyo?” Tumugon siya, “Sinabi ng babeng ito sa akin, 'Ibigay mo sa akin ang iyong anak para kainin natin ngayon, at bukas kakainin natin ang anak ko.'”
29 我们就煮了我的儿子吃了。次日我对她说:‘要将你的儿子取来,我们可以吃。’她却将她的儿子藏起来了。”
Kaya't nilaga namin ang anak ko at kinain ito, at sinabi ko sa kaniya kinabukasan, “'Ibigay mo sa akin ang iyong anak para kainin natin, pero tinago niya ito.”
30 王听见妇人的话,就撕裂衣服;(王在城上经过)百姓看见王贴身穿着麻衣。
Kaya nang narinig ng hari ang sinabi ng babae, pinunit niya ang kaniyang damit (dumadaan siya sa may pader), at tumingin ang mga tao at nakita na mayroon siyang sako bilang panloob na kasuotan.
31 王说:“我今日若容沙法的儿子以利沙的头仍在他项上,愿 神重重地降罚与我!”
Sinabi niya, “Parusahan nawa ako ng Diyos, at lalong higit pa, kung matatapos ang araw na nananatili pa rin ang ulo ni Eliseo sa kaniya, anak ni Safat.”
32 那时,以利沙正坐在家中,长老也与他同坐。王打发一个伺候他的人去;他还没有到,以利沙对长老说:“你们看这凶手之子,打发人来斩我的头;你们看着使者来到,就关上门,用门将他推出去。在他后头不是有他主人脚步的响声吗?”
Pero nakaupo si Eliseo sa kaniyang bahay kasama ng mga nakatatanda. Nagpadala ng tao ang hari pero nang dumating ang mensahero kay Eliseo, sinabi niya sa mga nakatatanda, “Tingnan ninyo kung paanong nagpadala ng tao ang anak ng mamamatay-tao na ito para patayin ako? Kapag dumating siya, isara ninyo ang pinto at pigilan ninyong mabuksan niya ito. Hindi ba't kasunod niya ay ang mga yapak ng kaniyang panginoon?”
33 正说话的时候,使者来到,王也到了,说:“这灾祸是从耶和华那里来的,我何必再仰望耶和华呢?”
Habang nakikipag-usap siya sa kanila, dumating ang mensahero sa kaniya. Sinabi ng hari, “Ang suliraning ito ay galing kay Yahweh. Bakit kailangan ko pang maghintay kay Yahweh?”

< 列王纪下 6 >