< 列王纪下 3 >

1 犹大王约沙法十八年,亚哈的儿子约兰在撒马利亚登基作了以色列王十二年。
Ngayon sa ikalabing walong taon na paghahari ni haring Jehosafat hari ng Juda, si Joram anak ni Ahab ay nagsimulang maghari sa buong Israel sa Samaria; naghari siya ng labindalawang taon.
2 他行耶和华眼中看为恶的事,但不至像他父母所行的,因为除掉他父所造巴力的柱像。
Gumawa siya ng kasamaan sa paningin ni Yahweh, pero hindi gaya ng kaniyang ama at ina; dahil tinanggal niya ang sagradong posteng bato ni Baal na ginawa ng kaniyang ama.
3 然而,他贴近尼八的儿子耶罗波安使以色列人陷在罪里的那罪,总不离开。
Gayun pa man, sumunod siya sa mga kasalanan ni Jeroboam anak ni Nebat, na nagsanhi sa Israel na magkasala; hindi siya lumayo sa kanila.
4 摩押王米沙牧养许多羊,每年将十万羊羔的毛和十万公绵羊的毛给以色列王进贡。
Ngayon, nagparami ng tupa si Mesa hari ng Moab. Kailangan niyang magbigay sa hari ng Israel ng 100, 000 kordero at 100, 000 ng balahibo ng tupa.
5 亚哈死后,摩押王背叛以色列王。
Pero pagkatapos mamatay ni haring Ahab, nagrebelde ang hari ng Moab laban sa hari ng Israel.
6 那时约兰王出撒马利亚,数点以色列众人。
Kaya sa oras na iyon, iniwan si Haring Joram ang Samaria para tipunin ang mga Israelita para sa digmaan.
7 前行的时候,差人去见犹大王约沙法,说:“摩押王背叛我,你肯同我去攻打摩押吗?”他说:“我肯上去,你我不分彼此,我的民与你的民一样,我的马与你的马一样。”
Nagpadala siya ng mensahe kay Jehosafat hari ng Juda, nagsasabing, “nagrebelde ang hari ng Moab laban sa akin. Sasamahan mo ba ako sa labanan sa Moab?” Sumagot si Jehosafat, “Pupunta ako. Ikaw at ako ay iisa, ang aking bayan ay iyong bayan, ang aking mga kabayo ay iyong mga kabayo.”
8 约兰说:“我们从哪条路上去呢?”回答说:“从以东旷野的路上去。”
Pagkatapos kaniyang sinabi, “Saang daanan tayo lulusob?” sumagot si Jehosafat, “Sa daanan sa disyerto ng Edom.”
9 于是,以色列王和犹大王,并以东王,都一同去绕行七日的路程;军队和所带的牲畜没有水喝。
Kaya ang mga hari ng Israel, Juda, at Edom ay naglakad nang halos paikot ng pitong araw. Walang tubig ang matagpuan para sa mga hukbo, ni para sa mga kabayo o ibang mga hayop.
10 以色列王说:“哀哉!耶和华招聚我们这三王,乃要交在摩押人的手里。”
Kaya sinabi ng hari ng Israel, “Ano ito? Tinawag ba ni Yahweh ang tatlong hari ng magkakasama para talunin ng Moab?”
11 约沙法说:“这里不是有耶和华的先知吗?我们可以托他求问耶和华。”以色列王的一个臣子回答说:“这里有沙法的儿子以利沙,就是从前服事以利亚的。”
Pero sinabi ni Jehosafat, “Wala ba ritong propeta ni Yahweh, para makapagsangguni tayo kay Yahweh sa pamamagitan niya?” Isa sa mga alipin ng hari ng Israel ang sumagot at sinabi, “Nandito si Eliseo anak ni Safat, ang nagbuhos ng tubig sa mga kamay ni Elias.”
12 约沙法说:“他必有耶和华的话。”于是以色列王和约沙法,并以东王都下去见他。
Sinabi ni Jehosafat, “Nasasakaniya ang salita ni Yahweh.” Kaya pinuntahan siya ni Jehosafat hari ng Israel, at ng hari ng Edom.
13 以利沙对以色列王说:“我与你何干?去问你父亲的先知和你母亲的先知吧!”以色列王对他说:“不要这样说,耶和华招聚我们这三王,乃要交在摩押人的手里。”
Sinabi ni Eliseo sa hari ng Israel, “Ano ang kinalaman ko sa iyo? Pumunta ka sa mga propeta ng iyong ama at ina.” Kaya sinabi ng hari ng Israel sa kaniya, “Hindi, dahil tinawag kaming tatlong hari ni Yahweh, para matalo kami ng Moab.”
14 以利沙说:“我指着所事奉永生的万军耶和华起誓,我若不看犹大王约沙法的情面,必不理你,不顾你。
Sumagot si Eliseo, “Hanggang nabubuhay si Yahweh ng mga hukbo, na siyang aking pinanaligan, kung hindi ko lang totoong ginagalang ang presensya ni Jehosafat hari ng Juda, ni hindi kita papansinin, o titingnan.
15 现在你们给我找一个弹琴的来。”弹琴的时候,耶和华的灵就降在以利沙身上。
Pero magdala kayo ngayon ng isang manunugtog.” At nang tapos na ang pagtugtog ng manunugtog ng alpa, lumapit ang kamay ni Yahweh kay Eliseo.
16 他便说:“耶和华如此说:‘你们要在这谷中满处挖沟;
Sinabi niya, “Sinabi ito ni Yahweh, 'Gawan ninyo ang tuyong ilog na ito ng maraming kanal.'
17 因为耶和华如此说:你们虽不见风,不见雨,这谷必满了水,使你们和牲畜有水喝。’
Dahil sinabi ito ni Yahweh, 'Hindi kayo makakakita ng hangin, ni makakakita ng ulan, pero mapupuno ng tubig ang ilog na ito, at iinom kayo, ikaw at inyong mga baka at lahat ng inyong mga alagang hayop.'
18 在耶和华眼中这还算为小事,他也必将摩押人交在你们手中。
Madaling bagay lamang ito sa paningin ni Yahweh. Bibigyan niya din kayo ng tagumpay laban sa mga Moabita.
19 你们必攻破一切坚城美邑,砍伐各种佳树,塞住一切水泉,用石头糟踏一切美田。”
Lulusob kayo sa bawat matitibay na lungsod at magagandang lungsod, puputulin ang bawat magagandang puno, ihihinto ang lahat ng tubig na bukal, at sisirain ang bawat magagandang bahagi ng lupain sa pamamagitan ng bato.”
20 次日早晨,约在献祭的时候,有水从以东而来,遍地就满了水。
Kaya kinaumagahan, nang halos oras na ng paghahandog ng alay, dumating ang tubig sa direksyon ng Edom; napuno ang bansa ng tubig.
21 摩押众人听见这三王上来要与他们争战,凡能顶盔贯甲的,无论老少,尽都聚集站在边界上。
Nang narinig ng lahat ng Moabita na dumating ang mga hari para lumaban sa kanila, tinipon nila ang kanilang mga sarili, lahat nang may kakayahan na magsuot ng baluti, at tumayo sila sa hangganan.
22 次日早晨,日光照在水上,摩押人起来,看见对面水红如血,
Gumising sila nang maaga at sumalamin ang araw sa tubig. Nang nakita ito ng mga Moabita, ang tubig sa kanilang banda, mukhang kasing pula ng dugo.
23 就说:“这是血啊!必是三王互相击杀,俱都灭亡。摩押人哪,我们现在去抢夺财物吧!”
Sumigaw sila, “Dugo ito! Tiyak na nawasak na ang mga hari, at pinatay nila ang isa't-isa! Kaya ngayon, Moab, Nakawan na natin sila!”
24 摩押人到了以色列营,以色列人就起来攻打他们,以致他们在以色列人面前逃跑。以色列人往前追杀摩押人,直杀入摩押的境内,
Nang dumating sila sa kampo ng Israel, binigla sila ng mga Israelita at nilusob ang mga Moabita, na tumakas mula sa kanila. Hinabol ng mga hukbo ng Israel ang mga Moabita sa kabilang lupain at pinatay sila.
25 拆毁摩押的城邑,各人抛石填满一切美田,塞住一切水泉,砍伐各种佳树,只剩下吉珥·哈列设的石墙;甩石的兵在四围攻打那城。
Winasak ng Israel ang mga lungsod, at sa bawat magagandang bahagi ng lupain, naghahagis ang bawat tao ng bato at napuno ng bato ang mayabong na mga sakahan. Pinahinto nila ang lahat ng bukal ng tubig at pinutol ang lahat ng magagandang puno, maliban lamang sa Kir-Haseret, kung saan iniwan nila ang mga bato sa lugar. Pero inatake ito ng mga sundalong may tirador.
26 摩押王见阵势甚大,难以对敌,就率领七百拿刀的兵,要冲过阵去到以东王那里,却是不能;
Nang nakita ni Haring Mesa ng Moab na natalo na sila sa laban, sinama niya ang pitong-daan na mga lalaking gumagamit ng espada para lusubin ang hari ng Edom, pero nabigo sila.
27 便将那应当接续他作王的长子,在城上献为燔祭。以色列人遭遇耶和华的大怒,于是三王离开摩押王,各回本国去了。
Pagkatapos, sinama niya ang kaniyang panganay, na maghahari sana pagkatapos niya, hinandog niya ito bilang susunuging alay sa pader. Kaya nagkaroon ng labis na galit laban sa Israel, at iniwan ng hukbo ng Israelita si Haring Mesa at bumalik sa kanilang sariling lupain.

< 列王纪下 3 >