< 列王纪下 16 >

1 利玛利的儿子比加十七年,犹大王约坦的儿子亚哈斯登基。
Sa ika-labing pitong taon ni Peka anak ni Remalias, si Ahaz anak ni Jotam hari ng Juda ay nagsimulang maghari.
2 他登基的时候年二十岁,在耶路撒冷作王十六年;不像他祖大卫行耶和华—他 神眼中看为正的事,
Dalampung taong gulang si Ahaz nang magsimulang maghari, at siya ay labing anim na taong naghari sa Jerusalem. Hindi niya ginawa ang matuwid sa paningin ni Yahweh kaniyang Diyos, tulad sa ginawa ni David kaniyang ninuno.
3 却效法以色列诸王所行的,又照着耶和华从以色列人面前赶出的外邦人所行可憎的事,使他的儿子经火,
Sa halip, nilakaran niya ang landas ng mga hari ng Israel; sa katunayan, sinunog niya ang kaniyang anak bilang isang handog na sinusunog, ayon sa nakasusuklam na mga kaugalian ng mga bansa, na itinaboy ni Yahweh sa harapan ng mamamayan ng Israel.
4 并在邱坛上、山冈上、各青翠树下献祭烧香。
Naghandog siya ng mga alay at nagsunog ng insenso sa matataas na lugar, sa tuktok ng burol, at sa lilim ng bawat luntiang puno.
5 亚兰王利汛和以色列王利玛利的儿子比加上来攻打耶路撒冷,围困亚哈斯,却不能胜他。
Pagkatapos si Rezin, hari ng Aram at Peka anak ni Remalias, hari ng Israel, ay dumating at sinalakay ang Jerusalem. Napalibutan nila si Ahaz, pero hindi siya magapi.
6 当时亚兰王利汛收回以拉他归与亚兰,将犹大人从以拉他赶出去。亚兰人就来到以拉他,住在那里,直到今日。
Sa panahong iyon, si Rezin hari ng Aram ay nabawi ang Elat para sa Aram at itinaboy ang mga taga-Juda mula sa Elat. Pagkatapos dumating ang mga taga-Aram sa Elat kung saan sila ay naninirahan hanggang sa mga araw na ito.
7 亚哈斯差遣使者去见亚述王提革拉·毗列色,说:“我是你的仆人、你的儿子。现在亚兰王和以色列王攻击我,求你来救我脱离他们的手。”
Kaya nagsugo ng mga tagapagbalita si Ahaz kay Tiglat Pileser hari ng Asiria, sinasabing, ''Ako ay iyong lingkod at iyong anak. Lumapit ka at iligtas ako mula sa kamay ng hari ng Aram at mula sa kamay ng hari ng Israel, na lumusob sa akin.''
8 亚哈斯将耶和华殿里和王宫府库里所有的金银都送给亚述王为礼物。
Kaya kinuha ni Ahaz ang pilak at gintong mayroon sa tahanan ni Yahweh at kasama ng mga yaman ng palasyo ng hari at ipinadala ito bilang isang handog sa hari ng Asiria.
9 亚述王应允了他,就上去攻打大马士革,将城攻取,杀了利汛,把居民掳到吉珥。
Pagkatapos pinakinggan siya ng hari ng Asiria, at dumating ang hari ng Asiria laban sa Damasco, sinakop ito at ibinilanggo ang kanilang mamamayan sa Kir. Pinaslang din niya si Rezin ang hari ng Aram.
10 亚哈斯王上大马士革去迎接亚述王提革拉·毗列色,在大马士革看见一座坛,就照坛的规模样式作法画了图样,送到祭司乌利亚那里。
Nagtungo sa Damasco si Haring Ahaz para makipagkita kay Tiglat Pileser hari ng Asiria. Sa Damasco nakita niya ang isang altar. Pinadala niya kay Urias ang pari ang isang modelo ng altar at pagpaparisan nito at ang plano ng lahat ng kailangang gawin.
11 祭司乌利亚照着亚哈斯王从大马士革送来的图样,在亚哈斯王没有从大马士革回来之先,建筑一座坛。
Kaya si Urias ang pari ay nagtayo ng altar ayon sa plano na ipinadala ni Haring Ahaz mula sa Damasco. Ito ay natapos bago bumalik si Haring Ahaz mula sa Damasco.
12 王从大马士革回来看见坛,就近前来,在坛上献祭;
Nang dumating ang hari mula sa Damasco nakita niya ang altar; lumapit ang hari sa altar at nag-alay dito.
13 烧燔祭、素祭、浇奠祭,将平安祭牲的血洒在坛上,
Inalay niya ang kaniyang handog na susunugin, at handog na butil, ibinuhos niya ang kaniyang handog na iinumin, at iwinisik ang dugo ng handog ng pakikisama sa altar.
14 又将耶和华面前的铜坛从耶和华殿和新坛的中间搬到新坛的北边。
Ang tansong altar na nasa harap ni Yahweh - inilipat niya ito mula sa harap ng templo, mula sa pagitan ng kaniyang altar at templo ni Yahweh at nilipat ito sa gawing hilaga ng kaniyang altar.
15 亚哈斯王吩咐祭司乌利亚说:“早晨的燔祭、晚上的素祭,王的燔祭、素祭,国内众民的燔祭、素祭、奠祭都要烧在大坛上。燔祭牲和平安祭牲的血也要洒在这坛上,只是铜坛我要用以求问耶和华。”
Pagkatapos inutusan ni Haring Ahaz si Urias ang pari, sinasabing, '' Sa malaking altar sunugin ang pang-umagang handog na susunugin at sa gabi ang handog na butil, at ang handog na susunugin ng hari at kaniyang handog na butil, kasama ang handog na susunugin ng lahat ng mga tao sa lupain, at ang kanilang handog na butil at kanilang handog na iinumin. Wisikan itong lahat ng dugo ng handog na susunugin at lahat ng dugo ng iaalay. Pero ang tansong altar ay para sa aking paghingi ng tulong ng Diyos.
16 祭司乌利亚就照着亚哈斯王所吩咐的行了。
Ginawa nga ni Urias ang pari kung ano ang pinag-utos ni Haring Ahaz.
17 亚哈斯王打掉盆座四面镶着的心子,把盆从座上挪下来,又将铜海从驮海的铜牛上搬下来,放在铺石地;
Pagkatapos inalis ni Haring Ahaz ang mga balangkas at palanggana mula sa mga nalilipat na patungan; inalis din niya ang dagat mula sa bakang tanso na nasa ilalim nito at inilapag sa batong nakalatag.
18 又因亚述王的缘故,将耶和华殿为安息日所盖的廊子和王从外入殿的廊子挪移,围绕耶和华的殿。
Inalis din niya ang may bubong na daanan na kanilang itinayo sa templo para sa araw ng Pamamahinga, kasama ang pasukan ng hari sa labas ng templo, lahat dahil sa hari ng Asiria.
19 亚哈斯其余所行的事都写在犹大列王记上。
Sa iba pang mga bagay tungkol kay Ahaz at kung ano ang kaniyang ginawa, hindi ba ang mga ito ay nakasulat sa Ang Aklat ng mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Juda?
20 亚哈斯与他列祖同睡,葬在大卫城他列祖的坟地里。他儿子希西家接续他作王。
Nahimlay si Ahaz kasama ng kaniyang ninuno at inilibing kasama ang mga ninuno niya sa lungsod ni David. Si Hezekias kaniyang anak ay naging hari kapalit niya.

< 列王纪下 16 >