< 历代志下 31 >

1 这事既都完毕,在那里的以色列众人就到犹大的城邑,打碎柱像,砍断木偶,又在犹大、便雅悯、以法莲、玛拿西遍地将邱坛和祭坛拆毁净尽。于是以色列众人各回各城,各归各地。
Ngayon nang matapos ang lahat ng ito, pumunta sa lungsod ng Juda ang lahat ng mga Israelita naroon at dinurog ang sagradong haliging mga bato, pinutol ang mga imahen ni Ashera, at giniba ang mga dambana at mga altar sa buong Juda at Benjamin. Ginawa rin nila ito sa Efraim at Manases, hanggang sa mawasak nilang lahat ang mga ito. At bumalik ang mga tao ng Israel, bawat isa sa kaniyang sariling lupain at lungsod.
2 希西家派定祭司利未人的班次,各按各职献燔祭和平安祭,又在耶和华殿门内事奉,称谢颂赞耶和华。
Itinalaga ni Ezequias ang mga pari sa kanila mga pangkat at ang mga Levita at isinaayos ayon sa kanilang mga pangkat, itinalaga ang bawat isa sa kani-kaniyang gawain, ang mga pari at mga Levita. Itinalaga niya sila upang ihanda ang mga handog na susunugin at mga handog para sa pangkapayapaan, upang maglingkod, upang magbigay pasasalamat, at upang magpuri sa mga tarangkahan ng templo ni Yahweh.
3 王又从自己的产业中定出分来为燔祭,就是早晚的燔祭和安息日、月朔,并节期的燔祭,都是按耶和华律法上所载的;
Itinalaga rin niya ang ibabahagi ng hari para sa handog na susunugin mula sa kaniyang sariling ari-arian, ito ay, para sa umaga at sa gabing handog na susunugin, at ang mga handog na susunugin para sa araw ng mga pamamahinga, sa mga bagong buwan, at sa mga nakatakdang pista, ayon sa nakasulat sa kautusan ni Yahweh.
4 又吩咐住耶路撒冷的百姓将祭司、利未人所应得的分给他们,使他们专心遵守耶和华的律法。
Bukod dito, inutusan niya ang mga taong nakatira sa Jerusalem na ibigay ang mga nakalaan para sa mga pari at sa mga Levita, upang mapag-ukulan nila ng panahon ang kanilang pagsunod sa kautusan ni Yahweh.
5 谕旨一出,以色列人就把初熟的五谷、新酒、油、蜜,和田地的出产多多送来,又把各物的十分之一送来的极多。
Nang mailabas ang kautusan, nagbigay agad ng masagana ang mga Israelita ng unang bunga ng butil, bagong alak, langis, pulot, at lahat ng mula sa kanilang inani sa mga bukirin; at masagana rin nilang dinala ang ikasampung bahagi ng lahat ng bagay.
6 住犹大各城的以色列人和犹大人也将牛羊的十分之一,并分别为圣归耶和华—他们 神之物,就是十分取一之物,尽都送来,积成堆垒;
Nagdala rin ang mga tao ng Israel at judah na naninirahan sa lungsod ng Juda ng ikasampung bahagi ng bakahan, kawan ng tupa, at ang ikasampung bahagi ng mga bagay na nailaan kay Yahweh na kanilang Diyos, at inilatag ang mga ito sa maraming bunton.
7 从三月积起,到七月才完。
Inumpisahan nilang ilatag ang mga bunton noong ikatlong buwan at natapos nila sa ikapitong buwan.
8 希西家和众首领来,看见堆垒,就称颂耶和华,又为耶和华的民以色列人祝福。
Nang pumunta si Ezequias at ang mga namumuno at nakita ang napakaraming bunton, pinagpala nila si Yahweh at ang mga taga-Israel.
9 希西家向祭司、利未人查问这堆垒。
At tinanong ni Ezequias ang mga pari at ang mga Levita tungkol sa mga napakaraming bunton.
10 撒督家的大祭司亚撒利雅回答说:“自从民将供物送到耶和华殿以来,我们不但吃饱,且剩下的甚多;因为耶和华赐福给他的民,所剩下的才这样丰盛。”
Sinagot siya ni Azarias, ang pinakapunong pari sa tahanan ni Zadok, at sinabing, “Nang magsimulang magdala ng mga handog sa tahanan ni Yahweh ang mga tao, nakakain kami ng higit sa sapat at marami pang natira, sapagkat pinagpala ni Yahweh ang kaniyang mga tao. At malaking bilang pa rin ang naiwan sa mga ito.”
11 希西家吩咐在耶和华殿里预备仓房,他们就预备了。
Pagkatapos, nag-utos si Ezequias na maghanda ng silid imbakan sa tahanan ni Yahweh, at inihanda ang mga ito.
12 他们诚心将供物和十分取一之物,并分别为圣之物,都搬入仓内。利未人歌楠雅掌管这事,他兄弟示每为副管。
At tapat silang nagdadala ng mga handog, ng ikapu at ng lahat ng bagay na para kay Yahweh. Si Conanias, na isang Levita, ang tagapangasiwa sa mga ito, at si Simie na kaniyang kapatid ang pumapangalawa sa kaniya.
13 耶歇、亚撒细雅、拿哈、亚撒黑、耶利末、约撒拔、以列、伊斯玛基雅、玛哈、比拿雅都是督理,在歌楠雅和他兄弟示每的手下,是希西家王和管理 神殿的亚撒利雅所派的。
sina Jehiel, Azazias, Nahat, Asael, Jerimot, Josabad, Eliel, Ismaquias, Mahat, at Benaias ang mga tagapangasiwa sa ilalim ng pamamahala ni Conanias at si Simei na kaniyang kapatid, sa pamamagitan ng pagtalaga ni Ezequias, na hari at si Azarias, na tagapangasiwa sa tahanan ng Diyos.
14 守东门的利未人音拿的儿子可利,掌管乐意献与 神的礼物,发放献与耶和华的供物和至圣的物。
At si Korah na anak ni Imna na Levita, na bantay sa silangang tarangkahan, ang namamahala sa mga kusang kaloob na handog sa Diyos, at siya ang namamahala sa pamamahagi ng mga handog kay Yahweh at ng mga handog na inilaan kay Yahweh.
15 在他手下有伊甸、珉雅珉、耶书亚、示玛雅、亚玛利雅、示迦尼雅,在祭司的各城里供紧要的职任,无论弟兄大小,都按着班次分给他们。
Sa ilalim ng kaniyang pamamahala ay sina Eden, Minyamin, Jeshua, Semaya, Amarias, Semaya, Amarias at si Secanias sa mga lungsod ng mga pari. Sila ang nasa takdang katungkulan upang maibigay ang handog na ito sa kanilang mga kapatid sa bawat pangkat, sa mahalaga at hindi mahalaga.
16 按家谱,三岁以外的男丁,凡每日进耶和华殿、按班次供职的,也分给他;
Nagbigay din sila sa mga lalaking may tatlong gulang at pataas na kabilang sa talaan ng mga angkan—ang lahat ng pumasok sa tahanan ni Yahweh, ayon sa nakatakda araw-araw, upang gawin ang kanilang tungkulin sa bawat pangkat.
17 又按宗族家谱分给祭司,按班次职任分给二十岁以外的利未人,
Nagbigay din sila sa mga kabilang sa mga talaan ng angkan ng kanilang mga ninuno, at sa mga Levitang dalawampu at pataas ang gulang, bawat pangkat ay nabigyan ng kani-kanilang tungkulin.
18 又按家谱计算,分给他们会中的妻子、儿女;因他们身供要职,自洁成圣。
Nagbigay sila sa mga—kabilang sa talaan ng angkan—kasama ang kanilang mga maliliit na anak, ang kanilang mga asawa, kanilang mga anak na lalaki at mga anak na babae, sa lahat ng kabuuan ng mga tao—sapagkat inilaan nila ang kanilang mga sarili kay Yahweh upang maging banal para sa kanilang tungkulin na ipinagkatiwala sa kanila.
19 按名派定的人要把应得的分给亚伦子孙,住在各城郊野、祭司所有的男丁和一切载入家谱的利未人。
Ang mga pari na kaapu-apuhan ni Aaron, na nakatira sa mga bukirin sa mga nayon na kabahagi ng kanilang mga lungsod, o sa bawat lungsod, doon ay may pinangalanan na mga kalalakihan na nakatalaga upang magbigay ng bahagi para sa lahat ng mga kalalakihang kasama ng mga pari, at ang lahat na kabilang sa talaan ng angkan na kasama ng mga Levita.
20 希西家在犹大遍地这样办理,行耶和华—他 神眼中看为善为正为忠的事。
Ginawa ni Ezequias ang mga ito sa buong Juda. Ginawa niya kung ano ang mabuti, tama, at tapat sa harapan ni Yahweh na kaniyang Diyos.
21 凡他所行的,无论是办 神殿的事,是遵律法守诫命,是寻求他的 神,都是尽心去行,无不亨通。
Sa bawat proyekto na kaniyang sinimulan sa paglilingkod sa tahanan ng Diyos, sa batas, at sa mga kautusan, upang hanapin ang kaniyang Diyos, ginawa niya ito nang buong puso, at nagtagumpay siya.

< 历代志下 31 >