< 历代志下 25 >

1 亚玛谢登基的时候年二十五岁,在耶路撒冷作王二十九年。他母亲名叫约耶但,是耶路撒冷人。
Dalawamput-limang taong gulang si Amazias nang magsimula siyang maghari. Naghari siya ng dalawamput-siyam na taon sa Jerusalem. Joadan ang pangalan ng kaniyang ina na taga-Jerusalem.
2 亚玛谢行耶和华眼中看为正的事,只是心不专诚。
Ginawa niya kung ano ang matuwid sa mata ni Yahweh, ngunit hindi niya ginawa ito nang may ganap na pusong tapat.
3 国一坚定,就把杀他父王的臣仆杀了,
At nangyari, nang ganap na matatag ang kaniyang pamumuno, pinatay niya ang mga lingkod na pumatay sa kaniyang ama na hari.
4 却没有治死他们的儿子,是照摩西律法书上耶和华所吩咐的说:“不可因子杀父,也不可因父杀子,各人要为本身的罪而死。”
Ngunit hindi niya pinatay ang mga anak ng mga pumatay sa kaniyang ama, sa halip ginawa niya kung ano ang nakasulat sa kautusan, sa aklat ni Moises, gaya ng iniutos ni Yahweh, “Ang mga ama ay hindi dapat mamatay para sa kanilang mga anak, at hindi rin dapat mamatay ang mga anak para sa mga ama. Sa halip, ang bawat tao ay dapat mamatay para sa kaniyang sariling kasalanan.”
5 亚玛谢招聚犹大人,按着犹大和便雅悯的宗族设立千夫长、百夫长,又数点人数,从二十岁以外,能拿枪拿盾牌出去打仗的精兵共有三十万;
Bukod dito, tinipon ni Amazias ang mga taga-Juda at itinala sila ayon sa mga bahay ng kanilang mga ninuno, sa ilalim ng mga pinuno ng hukbong libu-libo at mga pinuno ng hukbong daan-daan, ang lahat ng taga-Juda at taga-Benjamin. Sila ay binilang niya mula dalawampung taong gulang at pataas at may 300, 000 na piling lalaki na may kakayahang sumabak sa digmaan, at may kakayahang humawak ng sibat at panangga.
6 又用银子一百他连得,从以色列招募了十万大能的勇士。
Umupa din siya ng 100, 000 na mga lalaking mandirigmang mula sa Israel ng nagkakahalaga ng sandaang talento ng pilak.
7 有一个神人来见亚玛谢,对他说:“王啊,不要使以色列的军兵与你同去,因为耶和华不与以色列人以法莲的后裔同在。
Ngunit pumunta sa kaniya ang isang lingkod ng Diyos at sinabi, “Hari, huwag mong pasamahin sa iyo ang hukbo ng Israel, sapagkat hindi kasama ng Israel si Yahweh, wala sa mga tao ng Efraim.
8 你若一定要去,就奋勇争战吧!但 神必使你败在敌人面前;因为 神能助人得胜,也能使人倾败。”
Ngunit kahit na pumunta ka nang may katapangan at kalakasan sa labanan, pababagsakin ka ng Diyos sa harap ng kaaway sapagkat may kapangyarihan ang Diyos na tumulong at may kapangyarihang magpabagsak.”
9 亚玛谢问神人说:“我给了以色列军的那一百他连得银子怎么样呢?”神人回答说:“耶和华能把更多的赐给你。”
Sinabi ni Amazias sa lingkod ng Diyos, “Ngunit ano ang aming gagawin sa isandaang talento na aking ibinigay sa hukbo ng Israel?” Sumagot ang lingkod ng Diyos, “Kaya ni Yahweh na bigyan ka ng higit pa roon.”
10 于是亚玛谢将那从以法莲来的军兵分别出来,叫他们回家去。故此,他们甚恼怒犹大人,气忿忿地回家去了。
Kaya inihiwalay ni Amazias ang hukbong sasama sa kaniya mula sa Efraim, sila ay muli niyang pinauwi. Kaya lubhang sumiklab ang kanilang galit laban sa Juda at sila ay umuwi nang may matinding galit.
11 亚玛谢壮起胆来,率领他的民到盐谷,杀了西珥人一万。
Tumapang si Amazias at pinangunahan ang kaniyang mga tao na pumunta sa lambak ng Asin. Doon niya tinalo ang sampung-libong mga lalaki ng Seir.
12 犹大人又生擒了一万带到山崖上,从那里把他们扔下去,以致他们都摔碎了。
Dinala ng hukbo ng Juda ang sampung-libong buhay na lalaki. Sila ay dinala nila sa tuktok ng bangin at inihulog sila mula doon, at silang lahat ay nagkabali-bali.
13 但亚玛谢所打发回去、不许一同出征的那些军兵攻打犹大各城,从撒马利亚直到伯·和 ,杀了三千人,抢了许多财物。
Ngunit ang mga lalaki ng hukbong pinauwi ni Amazias upang hindi sila sumamama sa kaniya sa labanan, ay nilusob ang mga lungsod ng Juda mula sa Samaria hanggang sa Bet-horon. Pinatay nila ang tatlong-libong tao at maraming ninakaw.
14 亚玛谢杀了以东人回来,就把西珥的神像带回,立为自己的神,在它面前叩拜烧香。
Ngayon nangyari na pagkatapos bumalik si Amazias mula sa pagpatay sa mga Edomita, dinala niya ang mga diyos ng mga tao ng Sier at itinayo niya ang mga ito upang maging kaniyang mga diyos. Yumuko siya sa harap ng mga ito at nagsunog ng insenso para sa mga ito.
15 因此,耶和华的怒气向亚玛谢发作,就差一个先知去见他,说:“这些神不能救它的民脱离你的手,你为何寻求它呢?”
Kaya sumiklab ang galit ni Yahweh laban kay Amazias. Nagpadala siya ng isang propeta sa kaniya, na nagsabi, “Bakit mo sinamba ang mga diyos ng mga tao na hindi man lamang nakapagligtas ng sarili nitong mga tao laban sa iyong mga kamay?”
16 先知与王说话的时候,王对他说:“谁立你作王的谋士呢?你住口吧!为何找打呢?”先知就止住了,又说:“你行这事,不听从我的劝戒,我知道 神定意要灭你。”
At nangyari na habang kinakausap siya ng propeta, sinabi sa kaniya ng hari, “Ginawa ka ba naming tagapayo ng hari? Tumigil ka. Bakit ka kailangan patayin?” At tumigil ang propeta at sinabi, “Alam kong nagpasya ang Diyos na wasakin ka dahil ginawa mo ito at hindi ka nakinig sa aking payo.”
17 犹大王亚玛谢与群臣商议,就差遣使者去见耶户的孙子、约哈斯的儿子、以色列王约阿施,说:“你来,我们二人相见于战场。”
Pagkatapos, sumangguni si Amazias na hari ng Juda sa mga tagapayo at nagpadala ng mga mensahero kay Joas na hari ng Israel na anak ni Joahaz na anak ni Jehu, nagsasabi, “Halika, magharapan tayo sa isang labanan.”
18 以色列王约阿施差遣使者去见犹大王亚玛谢,说:“黎巴嫩的蒺藜差遣使者去见黎巴嫩的香柏树,说:‘将你的女儿给我儿子为妻。’后来黎巴嫩有一个野兽经过,把蒺藜践踏了。
Ngunit nagpadala din ng mga mensahero si Joas na hari ng Israel kay Amazias na hari ng Juda, nagsasabi, “Nagpadala ang isang dawag na nasa Lebanon ng isang mensahe sa isang sedar na nasa Lebanon, nagsasabi, 'Ibigay mo ang iyong anak na babae upang maging asawa ng aking anak,' ngunit dumaan ang isang mabangis na hayop sa Lebanon at tinapakan ang dawag.
19 你说:‘看哪,我打败了以东人’,你就心高气傲,以致矜夸。你在家里安居就罢了,为何要惹祸使自己和犹大国一同败亡呢?”
Sinabi mo, 'Tingnan mo, napabagsak ko ang Edom' at itinaas ka ng iyong puso. Magmalaki ka sa iyong tagumpay ngunit manatili ka sa tahanan, sapagkat bakit mo ipapahamak at ibabagsak ang iyong sarili, ikaw at ang Juda na kasama mo?”
20 亚玛谢却不肯听从。这是出乎 神,好将他们交在敌人手里,因为他们寻求以东的神。
Ngunit hindi nakinig si Amazias dahil ang kaganapang ito ay mula sa Diyos, upang maipasakamay niya ang mga tao ng Juda sa kanilang mga kaaway dahil humingi sila ng payo sa mga diyos ng Edom.
21 于是以色列王约阿施上来,在犹大的伯·示麦与犹大王亚玛谢相见于战场。
Kaya lumusob si Joas na hari ng Israel, siya at si Amazias na hari ng Juda ay nagsagupaan sa Beth-semes na sakop ng Juda.
22 犹大人败在以色列人面前,各自逃回家里去了。
Bumagsak ang Juda sa harap ng Israel at tumakas papunta sa mga tahanan ang bawat lalaki.
23 以色列王约阿施在伯·示麦擒住约哈斯的孙子、约阿施的儿子、犹大王亚玛谢,将他带到耶路撒冷,又拆毁耶路撒冷的城墙,从以法莲门直到角门,共四百肘;
Binihag ni Joas na hari ng Israel si Amazias na hari ng Juda na anak ni Joas, na anak ni Ahazias, sa Beth-Semes. Siya ay dinala niya sa Jerusalem at giniba ang pader ng Jerusalem mula sa Tarangkahan ng Efraim hanggang sa Tarangkahan sa Sulok, apatnaraang kubit ang layo.
24 又将俄别·以东所看守 神殿里的一切金银和器皿,与王宫里的财宝都拿了去,并带人去为质,就回撒马利亚去了。
Kinuha niya lahat ng ginto at pilak, lahat ng kagamitan na matatagpuan sa tahanan ng Diyos na kay Obed-Edom, at ang mahahalagang mga kagamitan sa tahanan ng hari, kasama ang mga bihag at bumalik sa Samaria.
25 以色列王约哈斯的儿子约阿施死后,犹大王约阿施的儿子亚玛谢又活了十五年。
Nabuhay si Amazias na hari Juda na anak ni Joas, ng labing-limang taon pagkatapos ng kamatayan ni Joas na hari ng Israel na anak ni Joahas.
26 亚玛谢其余的事,自始至终不都写在犹大和以色列诸王记上吗?
Ang ibang mga bagay tungkol kay Amazias sa simula hanggang sa kahuli-hulihan, hindi ba nakasulat ang mga ito sa Ang Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel?
27 自从亚玛谢离弃耶和华之后,在耶路撒冷有人背叛他,他就逃到拉吉;叛党却打发人到拉吉,将他杀了。
Ngayon, mula sa panahon na tumalikod si Amazias sa pagsunod kay Yahweh, sinimulan nilang gumawa ng sabuwatan laban sa kaniya sa Jerusalem. Tumakas siya patungong Laquis, ngunit nagpadala sila ng mga tao na susunod sa kaniya sa Laquis at pinatay siya doon.
28 人就用马将他的尸首驮回,葬在犹大京城他列祖的坟地里。
Siya ay ibinalik nilang nakasakay sa mga kabayo at inilibing siya kasama ng kaniyang mga ninuno sa Lungsod ng Juda.

< 历代志下 25 >