< 撒母耳记上 16 >

1 耶和华对撒母耳说:“我既厌弃扫罗作以色列的王,你为他悲伤要到几时呢?你将膏油盛满了角,我差遣你往伯利恒人耶西那里去;因为我在他众子之内,预定一个作王的。”
Sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Hanggang kailan ka magluluksa para kay Saul, yamang tinanggihan ko siya mula sa pagiging hari sa Israel? Punuin mo ng langis ang iyong sungay na sisidlan at umalis. Ipapadala kita kay Jesse na taga-Bethlehem, sapagkat pumili ako para sa aking sarili ng isang hari sa kanyang mga anak na lalaki.”
2 撒母耳说:“我怎能去呢?扫罗若听见,必要杀我。”耶和华说:“你可以带一只牛犊去,就说:‘我来是要向耶和华献祭。’
Sinabi ni Samuel, “Paano ako pupunta? Kung marinig ito ni Saul, papatayin niya ako.” Sinabi ni Yahweh, “Magdala ka ng dumalagang baka at sabihin, 'Pumarito ako para mag-alay kay Yahweh.'
3 你要请耶西来吃祭肉,我就指示你所当行的事。我所指给你的人,你要膏他。”
Tawagin mo si Jesse para mag-alay, at ipapakita ko sa iyo kung ano ang iyong gagawin. Bubuhusan mo ng langis para sa akin ang isa na sasabihin ko sa iyo.”
4 撒母耳就照耶和华的话去行。到了伯利恒,那城里的长老都战战兢兢地出来迎接他,问他说:“你是为平安来的吗?”
Ginawa ni Samuel ang sinabi ni Yahweh at pumunta sa Bethlehem. Nanginginig ang mga nakakatanda ng lungsod habang sinasalubong siya at sinabi, “Pumarito ka ba para sa kapayapaan?”
5 他说:“为平安来的,我是给耶和华献祭。你们当自洁,来与我同吃祭肉。”撒母耳就使耶西和他众子自洁,请他们来吃祭肉。
Sinabi niya, “Sa kapayapaan; naparito ako upang mag-alay kay Yahweh. Italaga ang iyong sarili kay Yahweh para sa alay at sumama kayo sa akin.” At itinalaga niya si Jesse at ang kanyang mga anak na lalaki kay Yahweh, at pagkatapos tinawag niya sila sa pag-aalay.
6 他们来的时候,撒母耳看见以 利押,就心里说,耶和华的受膏者必定在他面前。
Nang dumating sila, tumingin siya kay Eliab at sinabi niya sa kanyang sarili na ang pinili ni Yahweh ay tunay na nakatindig sa harapan niya.
7 耶和华却对撒母耳说:“不要看他的外貌和他身材高大,我不拣选他。因为,耶和华不像人看人:人是看外貌;耶和华是看内心。”
Ngunit sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Huwag kang tumingin sa kanyang panlabas na anyo, o sa taas ng kanyang tindig; dahil tinanggihan ko siya. Sapagka't hindi tumitingin si Yahweh katulad nang pagtingin ng tao; sa panlabas na anyo tumitingin ang tao, ngunit sa puso tumitingin si Yahweh.”
8 耶西叫亚比拿达从撒母耳面前经过,撒母耳说:“耶和华也不拣选他。”
Pagkatapos tinawag ni Jesse si Abinadab at pinaraan sa harapan ni Samuel. At sinabi ni Samuel, “Hindi rin siya ang pinili ni Yahweh.”
9 耶西又叫沙玛从撒母耳面前经过,撒母耳说:“耶和华也不拣选他。”
Pagkatapos pinaraan ni Jesse si Samma. At sinabi ni Samuel, “Hindi rin siya ang pinili ni Yahweh.”
10 耶西叫他七个儿子都从撒母耳面前经过,撒母耳说:“这都不是耶和华所拣选的。”
Pinaraan ni Jesse ang pito sa kanyang mga anak na lalaki sa harapan ni Samuel. At sinabi ni Samuel kay Jesse, “Hindi pinili ni Yahweh ang sinuman sa mga ito.”
11 撒母耳对耶西说:“你的儿子都在这里吗?”他回答说:“还有个小的,现在放羊。”撒母耳对耶西说:“你打发人去叫他来;他若不来,我们必不坐席。”
Pagkatapos sinabi ni Samuel kay Jesse, “Narito ba lahat ng iyong mga anak na lalaki?” Sumagot siya, “Natitira pa ang bunso, ngunit nagpapastol siya ng mga tupa.” Sinabi ni Samuel kay Jesse, “Ipasundo siya; sapagka't hindi tayo uupo hanggang sa dumating siya rito.”
12 耶西就打发人去叫了他来。他面色光红,双目清秀,容貌俊美。耶和华说:“这就是他,你起来膏他。”
Nagpadala si Jesse at ipinasundo siya. Ngayon ang binatilyong ito ay malusog at may magandang mga mata at makisig na anyo. Sinabi ni Yahweh, “Tumayo ka, buhusan mo siya ng langis; sapagka't siya na iyon.”
13 撒母耳就用角里的膏油,在他诸兄中膏了他。从这日起,耶和华的灵就大大感动大卫。撒母耳起身回拉玛去了。
Pagkatapos kinuha ni Samuel ang sungay ng langis at binuhusan siya sa gitna ng kanyang mga kapatid na lalaki. Mula sa araw na iyon lumukob ang Espiritu ni Yahweh kay David. Pagkatapos bumangon si Samuel at pumunta sa Rama.
14 耶和华的灵离开扫罗,有恶魔从耶和华那里来扰乱他。
Ngayon ang Espiritu ni Yahweh ay umalis na kay Saul, at sa halip isang masamang espiritu na mula kay Yahweh ang bumagabag sa kanya.
15 扫罗的臣仆对他说:“现在有恶魔从 神那里来扰乱你。
Sinabi ng lingkod ni Saul sa kanya, “Tingnan mo, isang masamang espiritu mula sa Diyos ang bumabagabag sa iyo.
16 我们的主可以吩咐面前的臣仆,找一个善于弹琴的来,等 神那里来的恶魔临到你身上的时候,使他用手弹琴,你就好了。”
Hayaang mo na ang aming panginoon ang mag-utos sa iyong mga alipin na nasa iyong harapan na humanap ng isang taong may kasanayang tumugtog ng alpa. At kapag nasa iyo ang masamang espiritu na mula sa Diyos, patutugtugin niya ito at bubuti ang pakiramdam mo.”
17 扫罗对臣仆说:“你们可以为我找一个善于弹琴的,带到我这里来。”
Sinabi ni Saul sa kanyang mga lingkod, “Maghanap kayo para sa akin ng makakatugtog nang mabuti at dalhin siya sa akin.”
18 其中有一个少年人说:“我曾见伯利恒人耶西的一个儿子善于弹琴,是大有勇敢的战士,说话合宜,容貌俊美,耶和华也与他同在。”
Pagkatapos isa sa mga binata ang sumagot, at sinabi, “Nakita ko ang anak na lalaki ni Jesse na taga-Bethlehem, na bihasa sa panunugtog, isang malakas, matapang na lalaki, isang lalaking mandirigma, matalino sa pananalita, isang makisig na lalaki; at kasama niya si Yahweh.”
19 于是扫罗差遣使者去见耶西,说:“请你打发你放羊的儿子大卫到我这里来。”
Kaya't nagpadala ng mga mensahero si Saul kay Jesse, at sinabi, “Ipadala mo sa akin ang anak mong si David, na kasama ng mga tupa.”
20 耶西就把几个饼和一皮袋酒,并一只山羊羔,都驮在驴上,交给他儿子大卫,送与扫罗。
Kumuha si Jesse ng isang asnong may kargang tinapay, isang sisidlan ng alak, at isang batang kambing, at ipinadala sila sa pamamagitan ng kanyang anak na si David kay Saul.
21 大卫到了扫罗那里,就侍立在扫罗面前。扫罗甚喜爱他,他就作了扫罗拿兵器的人。
Pagkatapos pumunta si David kay Saul at naglingkod sa kanya. Labis siyang minahal ni Saul, at siya ay naging tagadala ng kanyang baluti.
22 扫罗差遣人去见耶西,说:“求你容大卫侍立在我面前,因为他在我眼前蒙了恩。”
Ipinasabi ni Saul kay Jesse, “Hayaang mong tumayo si David sa harapan ko, sapagkat nakasumpong siya ng biyaya sa aking paningin.”
23 从 神那里来的恶魔临到扫罗身上的时候,大卫就拿琴,用手而弹,扫罗便舒畅爽快,恶魔离了他。
Sa tuwing na kay Saul ang masamang espiritu na mula sa Diyos, kinukuha ni David ang alpa at tinutugtog ito. Kaya nagiginhawahan si Saul at bumubuti, at aalis sa kanya ang masamang espiritu.

< 撒母耳记上 16 >