< 列王纪上 16 >

1 耶和华的话临到哈拿尼的儿子耶户,责备巴沙说:
Dumating ang mensahe ni Yahweh kay Jehu na anak ni Hanani laban kay Baasa, at nagsabing,
2 “我既从尘埃中提拔你,立你作我民以色列的君,你竟行耶罗波安所行的道,使我民以色列陷在罪里,惹我发怒,
“Sa kabila ng pag-angat ko sa iyo mula sa alikabok at paghirang ko sa iyo bilang pinuno ng aking bayang Israel, lumakad ka sa yapak ni Jeroboam at hinimok ang aking bayang Israel para magkasala, upang magalit ako dahil sa kanilang mga kasalanan.
3 我必除尽你和你的家,使你的家像尼八的儿子耶罗波安的家一样。
Tingnan mo, tuluyan kong itataboy si Baasa at ang kaniyang pamilya, at itutulad ko ang iyong pamilya sa pamilya ni Jeroboam na anak ni Nebat.
4 凡属巴沙的人,死在城中的必被狗吃,死在田野的必被空中的鸟吃。”
Kakainin ng mga aso ang sinumang nabibilang kay Baasa na mamamatay sa lungsod, at ang mga ibon sa himpapawid ay kakainin ang sinumang mamamatay sa mga parang.
5 巴沙其余的事,凡他所行的和他的勇力,都写在以色列诸王记上。
At sa iba pang mga bagay tungkol kay Baasa, ang kaniyang mga ginawa, ang kaniyang kadakilaan, hindi ba ito nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel?
6 巴沙与他列祖同睡,葬在得撒。他儿子以拉接续他作王。
Nahimlay si Baasa kasama ng kaniyang mga ninuno at inilibing sa Tirza, at ang kaniyang anak na si Ela ang naging hari kapalit niya.
7 耶和华的话临到哈拿尼的儿子先知耶户,责备巴沙和他的家,因他行耶和华眼中看为恶的一切事,以他手所做的惹耶和华发怒,像耶罗波安的家一样,又因他杀了耶罗波安的全家。
Kaya dumating ang mensahe ni Yahweh laban kay Baasa at sa buo niyang pamilya sa pamamagitan ni propetang Jehu na anak ni Hanani dahil sa mga masasamang bagay na ginawa ni Baasa sa paningin ni Yahweh, na nagpagalit sa kaniya sa pamamagitan ng kaniyang mga ginawa na tulad ng pamilya ni Jeroboam, at dahil sa pagpatay niya sa buong pamilya ni Jeroboam.
8 犹大王亚撒二十六年,巴沙的儿子以拉在得撒登基作以色列王共二年。
Sa ika-dalawampu't anim na taon ni Asa, hari ng Juda, si Ela na anak ni Baasa ay nagsimulang maghari sa buong Israel sa Tirza; siya ay naghari sa loob ng dalawang taon.
9 有管理他一半战车的臣子心利背叛他。当他在得撒家宰亚杂家里喝醉的时候,
Ang kaniyang lingkod na si Zimri, ang pinuno ng kalahati ng kaniyang mga karuwaheng pandigma, ay nagbalak ng masama laban sa kaniya. Sa panahong iyon si Ela ay nasa Tirza, na nilalasing ang sarili sa bahay ni Arza, na namamahala sa buong sambahayan sa Tirza.
10 心利就进去杀了他,篡了他的位。这是犹大王亚撒二十七年的事。
Pumasok sa loob si Zimri, sinalakay at pinatay niya si Ela, at naging hari kapalit niya sa ika-dalawampu't pitong taon ni Asa hari ng Juda.
11 心利一坐王位就杀了巴沙的全家,连他的亲属、朋友也没有留下一个男丁。
Noong nagsimulang maghari si Zimri, pagka-upo niya sa kaniyang trono, pinatay niya ang lahat ng pamilya ni Baasa. Hindi siya nag-iwan ng buhay, kahit na isang batang lalaki, maging kamag-anak o kaibigan ni Baasa.
12 心利这样灭绝巴沙的全家,正如耶和华借先知耶户责备巴沙的话。
Kaya winasak ni Zimri ang lahat ng pamilya ni Baasa, na gaya ng sinabi sa kanila ni Yahweh sa pamamagitan ni Jehu na propeta,
13 这是因巴沙和他儿子以拉的一切罪,就是他们使以色列人陷在罪里的那罪,以虚无的神惹耶和华—以色列 神的怒气。
dahil sa lahat ng mga nagawang kasalanan ni Baasa at ng kaniyang anak na si Ela, at ng dahil sa hinikayat din din nila ang Israel para magkasala at galitin si Yahweh, ang Diyos ng Israel, nang dahil sa kanilang mga diyus-diyosan.
14 以拉其余的事,凡他所行的,都写在以色列诸王记上。
At sa iba pang mga bagay tungkol kay Ela, ang lahat ng kaniyang ginawa, hindi ba naisulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel?
15 犹大王亚撒二十七年,心利在得撒作王七日。那时民正安营围攻非利士的基比顿。
Noong ika-dalawampu't pitong taon ni Asa hari ng Judah, naghari lamang si Zimri sa loob ng pitong araw sa Tirzah. Ngayon ang hukbo ay nagkampo sa Gibeton, na nasa teritoryo ng mga Filisteo.
16 民在营中听说心利背叛,又杀了王,故此以色列众人当日在营中立元帅暗利作以色列王。
Narinig ng hukbo na nasa kampo doon na, “Nagtaksil si Zimri at pinatay niya ang hari.” Kaya sa araw na iyon sa kampo, ang buong Israel ay idineklara si Omri, ang pinuno ng hukbo, bilang hari sa buong Israel.
17 暗利率领以色列众人,从基比顿上去,围困得撒。
Pumunta paakyat si Omri kasama ang buong Israel mula sa Gibeton, at nilusob ang Tirza.
18 心利见城破失,就进了王宫的卫所,放火焚烧宫殿,自焚而死。
Kaya nang makita ni Zimri na ang lungsod ay nasakop na, pumunta siya sa tanggulan na nakadugtong sa palasyo ng hari at sinilaban ang gusali kung nasaan siya, sa paraang ito namatay siya sa sunog.
19 这是因他犯罪,行耶和华眼中看为恶的事,行耶罗波安所行的,犯他使以色列人陷在罪里的那罪。
Ito ay para sa mga kasalanan na kaniyang ginawa sa paningin ni Yahweh, sa paglakad sa yapak ni Jeroboam at sa kasalanang kaniyang mga nagawa, at sa paghimok niya na magkasala ang Israel.
20 心利其余的事和他背叛的情形都写在以色列诸王记上。
At para naman sa iba pang bagay patungkol kay Zimri, at sa pag-aklas na ginawa niya, hindi ba nakasulat ang mga iyon sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel?
21 那时,以色列民分为两半:一半随从基纳的儿子提比尼,要立他作 王;一半随从暗利。
Pagkatapos ang bayan ng Israel ay nahati sa dalawang bahagi. Sumunod ang kalahati kay Tibni na anak ni Ginat para gawin siyang hari at ang kalahati ay sumunod kay Omri.
22 但随从暗利的民胜过随从基纳的儿子提比尼的民。提比尼死了,暗利就作了王。
Pero ang mga taong sumunod kay Omri ay mas malakas kaysa sa mga sumunod kay Tibni na anak ni Ginat. Kaya namatay si Tibni at si Omri ang naging hari.
23 犹大王亚撒三十一年,暗利登基作以色列王共十二年;在得撒作王六年。
Nagsimulang maghari si Omri sa buong Israel noong ika tatlumpu't isang taon ni haring Asa sa Juda, at siya ay naghari ng labindalawalang taon. Naghari siya sa Tirza ng anim na taon.
24 暗利用二他连得银子向撒玛买了撒马利亚山,在山上造城,就按着山的原主撒玛的名,给所造的城起名叫撒马利亚。
Binili niya ang bulubundukin ng Samaria kay Semer sa halagang dalawang talentong pilak. Nagtayo siya ng lungsod sa bulubundukin at tinawag niya itong Samaria, ayon sa pangalan ni Semer, ang dating may-ari ng bulubundukin.
25 暗利行耶和华眼中看为恶的事,比他以前的列王作恶更甚。
Ginawa ni Omri ang masamang bagay sa paningin ni Yahweh at naging masahol pa sa mga nauna sa kaniya.
26 因他行了尼八的儿子耶罗波安所行的,犯他使以色列人陷在罪里的那罪,以虚无的神惹耶和华—以色列 神的怒气。
Dahil sa pagsunod niya sa yapak ni Jeroboam na anak ni Nebat at sa kasalanan nito, hinikayat niya ang Israel sa kasalanan na gumalit kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, dahil sa kanilang mga diyus-diyosan.
27 暗利其余的事和他所显出的勇力都写在以色列诸王记上。
At para sa iba pang mga bagay na ginawa ni Omri, at ang lakas ng puwersa na pinakita niya, hindi ba nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel?
28 暗利与他列祖同睡,葬在撒马利亚。他儿子亚哈接续他作王。
Pagkatapos, nahimlay si Omri kasama ng kaniyang mga ninuno at inilibing sa Samaria, si Ahab na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.
29 犹大王亚撒三十八年,暗利的儿子亚哈登基作了以色列王。暗利的儿子亚哈在撒马利亚作以色列王二十二年。
Sa ika-tatlumpu't walong taon ng pamumuno ni Haring Asa ng Juda, si Ahab na anak ni Omri ay naging hari sa buong Israel.
30 暗利的儿子亚哈行耶和华眼中看为恶的事,比他以前的列王更甚,
Naghari si Ahab na anak ni Omri sa buong Israel nang dalawampu't dalawang taon. Gumawa ng masama si Ahab sa paningin ni Yahweh, na mas masahol pa sa mga nauna sa kaniya.
31 犯了尼八的儿子耶罗波安所犯的罪;他还以为轻,又娶了西顿王谒巴力的女儿耶洗别为妻,去事奉敬拜巴力,
Bale wala lang sa kaniya ang paglakad sa yapak ni Jeroboam na anak ni Nebat, kaya ginawa niyang asawa si Jezebel na anak ni Etbaal, hari ng mga taga-Sidon; pumunta siya at sinamba si Baal at yumukod sa kaniya.
32 在撒马利亚建造巴力的庙,在庙里为巴力筑坛。
Nagtayo siya ng altar para kay Baal sa tahanan ni Baal, na itinayo niya sa Samaria.
33 亚哈又做亚舍拉,他所行的惹耶和华—以色列 神的怒气,比他以前的以色列诸王更甚。
Nagtayo si Ahab ng poste para kay Asera. Gumawa si Ahab ng mga bagay na mas masahol pa sa mga nauna sa kaniya na mas lalong ikinagalit ni Yahweh, na Diyos ng Israel.
34 亚哈在位的时候,有伯特利人希伊勒重修耶利哥城;立根基的时候,丧了长子亚比兰;安门的时候,丧了幼子西割,正如耶和华借嫩的儿子约书亚所说的话。
Sa kaniyang panahon, tinayo muli ni Hiel ang Jerico. Tinayo niya ito kapalit ang buhay ng kaniyang panganay na anak na si Abiram at ginawa ang mga tarangkahan kapalit ang buhay ni Segub, ang kaniyang bunso. Ginawa nila ito dahil sinunod nila ang salita ni Yahweh na sinabi noong panahon ni Josue anak ni Nun.

< 列王纪上 16 >