< 历代志上 12 >
1 大卫因怕基士的儿子扫罗,躲在洗革拉的时候,有勇士到他那里帮助他打仗。
Ito ang mga kalalakihang pumunta kay David sa Ziklag, nang siya ay natatago kay Saul na anak ni Kish. Kasama sila sa mga kawal, na mga katulong niya sa pakikipaglaban.
2 他们善于拉弓,能用左右两手甩石射箭,都是便雅悯人扫罗的族弟兄。
Sila ay may dalang mga pana at kaya nilang gamitin ang parehong kanan at kaliwang kamay sa pagtirador at sa pagpana ng mga palaso mula sa pana. Sila ay galing sa lahi ni Benjamin, na kalahi ni Saul
3 为首的是亚希以谢,其次是约阿施,都是基比亚人示玛的儿子。还有亚斯玛威的儿子耶薛和毗力,又有比拉迦,并亚拿突人耶户,
Ang pinuno ay si Ahiezer; sumunod si Joas —sila ay parehong anak ni Semaa na taga-Gibea. Sina Jeziel at Pelet na mga anak ni Asmavet. Naroon din si Beraca at Jehu na taga-Anatot,
4 基遍人以实买雅(他在三十人中是勇士,管理他们),且有耶利米、雅哈悉、约哈难,和基得拉人约撒拔、
si Ismaias na taga-Gebion na isang sundalo na kasama sa tatlumpu at siyang namumuno sa tatlumpu, sina Jeremias, Jahaziel, Johanan, at Jozabad na mga taga-Gedera,
5 伊利乌赛、耶利摩、比亚利雅、示玛利雅,哈律弗人示法提雅,
Sina Eluzai, Jerimot, Balias, Semarias at Sefatias na taga-Haruf,
6 可拉人以利加拿、耶西亚、亚萨列、约以谢、雅朔班,
ang mga taga-Korah na sina Elkana, Isaias, Azarel, Joezer, Jesobeam, at
Joela, at Zebadias, na mga anak ni Joram na taga-Gedor.
8 迦得支派中有人到旷野的山寨投奔大卫,都是大能的勇士,能拿盾牌和枪的战士。他们的面貌好像狮子,快跑如同山上的鹿。
Ilan sa mga taga-Gad ay umanib kay David sa matibay na tanggulan sa ilang. Sila ay mga mandirigma, mga kalalakihang sinanay para sa digmaan, na kayang humawak ng kalasag at sibat; na ang mga mukha ay kasing bangis ng mga mukha ng leon. Sila ay kasing bilis ng mga gasel sa mga bundok.
Si Ezer ang pinuno, si Obadias ang ikalawa si Eliab ang ikatlo,
si Mismana ang ikaapat, si Jeremias ang ikalima,
si Attai ang ikaanim, si Eliel ang ikapito,
si Johanan ang ikawalo, si Elzabad ang ikasiyam,
si Jeremias ikasampu, si Macbanai ang ikalabing-isa.
14 这都是迦得人中的军长,至小的能抵一百人,至大的能抵一千人。
Itong mga anak ni Gad ay mga pinuno ng hukbo. Ang pinamunuan ng pinakamababa ay isang daan at ang pinamunuan ng pinakadakila ay isanglibo.
15 正月,约旦河水涨过两岸的时候,他们过河,使一切住平原的人东奔西逃。
Tinawid nila ang Jordan sa unang buwan, nang umapaw ang mga pampang nito at pinalayas ang lahat ng mga naninirahan sa mga kapatagan papuntang silangan at papuntang kanluran.
Ang ilan sa mga kalalakihan sa lipi ni Benjamin at Juda ay pumunta sa matibay na tanggulan ni David.
17 大卫出去迎接他们,对他们说:“你们若是和和平平地来帮助我,我心就与你们相契;你们若是将我这无罪的人卖在敌人手里,愿我们列祖的 神察看责罚。”
Lumabas si David upang salubungin sila at sinabi niya: “Kung pumunta kayo na may kapayapaan upang tulungan ako, maaari kayong sumama sa akin. Subalit kung kayo ay pumarito upang ipagkanulo ako sa aking mga kalaban, sawayin nawa kayo ng Diyos ng ating mga ninuno, sapagkat wala akong ginawang mali.”
18 那时 神的灵感动那三十个勇士的首领亚玛撒,他就说: 大卫啊,我们是归于你的! 耶西的儿子啊,我们是帮助你的! 愿你平平安安, 愿帮助你的也都平安! 因为你的 神帮助你。 大卫就收留他们,立他们作军长。
Pagkatapos, ang Espiritu ay dumating kay Amasai na pinuno ng tatlumpu. Sinabi niya, “Kami ay sa iyo, David. Kami ay nasa iyong panig, anak ni Jesse. Kapayapaan, magkaroon nawa ng kapayapaan sa sinumang tutulong sa iyo. Kapayapaan sa mga tumutulong sa iyo, sapagkat tinutulungan ka ng Diyos.” Pagkatapos, tinanggap sila ni David at ginawa silang mga pinuno sa kaniyang mga tauhan.
19 大卫从前与非利士人同去,要与扫罗争战,有些玛拿西人来投奔大卫,他们却没有帮助非利士人;因为非利士人的首领商议,打发他们回去,说:“恐怕大卫拿我们的首级,归降他的主人扫罗。”
Ang ilan mula sa Manases ay umalis upang sumama kay David nang dumating siya kasama ang mga Filisteo upang labanan si Saul. Ngunit hindi nila tinulungan ng mga Filisteo, sapagkat ang panginoon ng mga Filisteo ay sumangguni sa isa't isa at pinaalis si David. Sinabi nila, “Iiwan niya tayo at sasama sa kaniyang panginoon na si Saul at malalagay sa panganib ang ating buhay.”
20 大卫往洗革拉去的时候,有玛拿西人的千夫长押拿、约撒拔、耶叠、米迦勒、约撒拔、以利户、洗勒太都来投奔他。
Nang pumunta siya sa Ziklag, ang mga kalalakihan ng Manases na sumama sa kaniya ay sina Adna, Jozabad, Jidiael, Micael, Eliu, at Zillettai, na mga kapitan sa libu-libong mula sa Manases.
21 这些人帮助大卫攻击群贼;他们都是大能的勇士,且作军长。
Tinulungan ng mga lalaking mandirigma si David na lumaban sa mga lumilibot na pangkat ng mga magnanakaw. Pagkatapos, naging mga pinuno sila sa mga hukbo.
22 那时天天有人来帮助大卫,以致成了大军,如 神的军一样。
Araw-araw, may mga lalaking pumupunta kay David upang tulungan siya hanggang sa magkaroon ng malaking hukbo tulad ng hukbo ng Diyos.
23 预备打仗的兵来到希伯 见大卫,要照着耶和华的话将扫罗的国位归与大卫。他们的数目如下:
Ito ang talaan ng mga armadong kawal para sa labanan na nagpunta kay David sa Hebron upang ibigay ang kaharian ni Saul sa kaniya, na tumupad sa salita ni Yahweh.
24 犹大支派,拿盾牌和枪预备打仗的有六千八百人。
Mula sa Juda ang mga nagdala ng kalasag at sibat ay 6, 800, na armado para sa digmaan.
Mula sa tribu ni Simeon ay may 7, 100 na lalaking mandirigma.
Mula sa mga Levita ay may 4, 600 na mga lalaking mandirigma.
27 耶何耶大是亚伦家的首领,跟从他的有三千七百人。
Si Joiada ang pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Aaron at ang kasama niya ay 3, 700.
28 还有少年大能的勇士撒督,同着他的有族长二十二人。
Kasama ni Zadok, isang binatang malakas at matapang, ang dalawampu't dalawang pinuno mula sa angkan ng kaniyang ama.
29 便雅悯支派,扫罗的族弟兄也有三千人,他们向来大半归顺扫罗家。
Mula kay Benjamin, na tribu ni Saul ay may 3, 000. Karamihan sa kanila ay nanatiling tapat kay Saul hanggang ngayon.
30 以法莲支派大能的勇士,在本族著名的有二万零八百人。
Mula sa tribu ni Efraim ay may 20, 800 na lalaking mandirigma, mga lalaking tanyag sa sambahayan ng kanilang ama.
31 玛拿西半支派,册上有名的共一万八千人,都来立大卫作王。
Mula sa kalahating tribu ni Manases ay may 18, 000 na mga lalaking tanyag na dumating upang gawing hari si David.
32 以萨迦支派,有二百族长都通达时务,知道以色列人所当行的;他们族弟兄都听从他们的命令。
Mula kay Isacar, ay may dalawandaang pinuno na may pag-unawa sa mga panahon at nalalaman kung ano dapat gawin ng Israel. Ang lahat ng kanilang kamag-anak ay nasa ilalim ng kanilang utos.
33 西布伦支派,能上阵用各样兵器打仗、行伍整齐、不生二心的有五万人。
Mula kay Zebulun ay may 50, 000 na lalaking mandirigma, na nakahanda para sa digmaan, na dala ang lahat ng sandata ng digmaan at handang ibigay ang hindi nahahating katapatan.
34 拿弗他利支派,有一千军长;跟从他们、拿盾牌和枪的有三万七千人。
Mula kay Neftali ay may isang libong opisyal at kasama nila ang may 37, 000 na lalaki na may mga kalasag at mga sibat.
Mula sa angkan ni Dan ay may 28, 600 na mga kalalakihan na nakahanda para sa labanan.
Mula kay Asher ay may apatnapung libong mga kalalakihan na nakahanda para sa labanan.
37 约旦河东的吕便支派、迦得支派、玛拿西半支派,拿着各样兵器打仗的有十二万人。
Mula sa kabilang panig ng Jordan, mula sa tribu ni Ruben, Gad, at sa kalahating tribu ni Manases ay may 120, 000 na lalaking armado ng lahat ng uri ng sandata para sa labanan.
38 以上都是能守行伍的战士,他们都诚心来到希伯 ,要立大卫作以色列的王。以色列其余的人也都一心要立大卫作王。
Ang lahat ng mga kawal na ito, na handa para sa labanan, ay dumating sa Hebron na may matatag na hangarin na gawing hari si David sa buong Israel. Ang lahat ng iba pang Israelita ay sumang-ayon na gawing hari si David.
39 他们在那里三日,与大卫一同吃喝,因为他们的族弟兄给他们预备了。
Sila ay naroon ng tatlong araw kasama si David na kumain at uminom, sapagkat pinadalhan sila ng kanilang mga kamag-anak ng kailangang pagkain at inumin.
40 靠近他们的人以及以萨迦、西布伦、拿弗他利人将许多面饼、无花果饼、干葡萄、酒、油,用驴、骆驼、骡子、牛驮来,又带了许多的牛和羊来,因为以色列人甚是欢乐。
Bukod pa rito, ang mga malapit sa kanila, hanggang Isacar, Zebulun at Neftali, ay nagdala ng tinapay na isinakay sa mga asno, mga camelyo, mga mola at mga baka, at tinapay na gawa sa igos, mga kumpol ng pasas, alak, langis, baka at tupa, sapagkat nagdiriwang ang Israel.