< 撒迦利亞書 7 >
1 達理阿王四年九月,即「基色婁」月四日,上主的話傳給匝加利亞。
Nang apat na taon nang pinuno si Haring Dario, sa ikaapat na araw ng Kislev (kung saan ito ang ikasiyam na buwan), dumating kay Zacarias ang salita ni Yahweh.
2 由貝特耳派遺了官員撒辣責爾和他的侍從去向上主請示,
Ipinadala ng mga tao ng Bethel sina Sarazer at Regem Melec at ang kanilang mga tao upang humingi ng tulong kay Yahweh.
3 去問上主殿裏的司祭和q們 2我是否在五月裏仍要哭泣和齋戒,像我多年以來所作的一樣﹖」
Kinausap nila ang mga pari na nasa tahanan ni Yahweh ng mga hukbo at ang mga propeta, sinabi nila, “Dapat ba akong magdalamhati sa ikalimang buwan sa pamamagitan ng pag-aayuno, gaya ng ginawa ko sa loob ng maraming taon?”
Kaya dumating sa akin ang salita ni Yahweh ng mga hukbo at sinabi,
5 「你向國全體民眾和司祭們說:你們在五月和七月齋戒哭泣,至今已七十年了,豈是為了我而齋戒嗎﹖
“Magsalita ka sa lahat ng tao sa lupa at sa mga pari, sabihin mo, 'Nang nag-ayuno at nagdalamhati kayo sa ikalima at ikapitong buwan sa loob ng pitumpung taon na ito, nag-aayuno ba talaga kayo para sa akin?
6 你們幾時吃喝,豈不是為你們自己吃,為你們自己喝嗎﹖
At nang kumain at uminom kayo, hindi ba kayo kumain at uminom para sa inyong mga sarili?
7 難道你們不知道,當耶路撒冷還有人安居,她四週的城邑,南部平原也有人居住時,上主藉先知們所宣佈的訓令嗎﹖」
Hindi ba ito katulad ng mga salitang ipinahayag ni Yahweh sa pamamagitan ng bibig ng mga naunang propeta, nang naninirahan pa lamang kayo sa Jerusalem at sa karatig na mga lungsod sa kasaganaan at namalagi sa Negeb at sa mga paanan ng bundok sa kanluran?'”
Dumating ang salita ni Yahweh kay Zacarias at sinabi,
9 「萬軍的上主這樣說:你們應照公正裁判,以仁義和友愛彼此相待;
“Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Humatol nang may tunay na katarungan, katapatan sa kasunduan at habag. Gawin ito ng bawat lalaki para sa kaniyang kapatid na lalaki.
10 不可欺壓寡婦和孤兒,外方人和貧窮人;不可心中圖謀惡事陷害人。
Tungkol naman sa balo at ulila, ang dayuhan at ang mahirap na tao, huwag silang apihin. At sa paggawa ng anumang masama sa bawat isa, hindi kayo dapat magbalak ng anumang masama sa inyong puso.'
Ngunit tumanggi silang magbigay ng pansin at pinatigas ang kanilang mga balikat. Pinigilan nila ang kanilang mga tainga upang hindi sila makarinig.
12 他們使自己的心硬如金剛石,不聽從法律,和萬軍的上主以自己的神感動古先知們所發表的訓令,為此,萬軍的上主曾大發憤怒。
Ginawa nilang kasing tigas ng bato ang kanilang mga puso upang hindi nila marinig ang kautusan o ang mga salita ni Yahweh ng mga hukbo. Ipinadala niya ang mga mensaheng ito sa mga tao sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu noong unang panahon, sa pamamagitan ng bibig ng mga propeta. Ngunit tumangging makinig ang mga tao, kaya nagalit sa kanila si Yahweh ng mga hukbo.
13 那麼,就如我呼喚時,你們不肯聽;同樣他們呼喊時,我也不肯聽──萬軍的上主說──
Nangyari ito nang tumawag siya, hindi sila nakinig. 'Sa ganoon ding paraan', sabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'tatawag sila sa akin ngunit hindi ako makikinig.
14 因此,我把他們驅散到他們所不認識的各民族中,以致他們去後,國土荒廢,無人住來;他們竟使美好的土地變成了一片荒野。」
Sapagkat ikakalat ko sila sa lahat ng bansa na hindi pa nila nakikita sa pamamagitan ng ipu-ipo at mapapabayaan ang lupain kapag wala na sila. Sapagkat walang sinuman ang makakadaan sa lupain o makakabalik dito yamang pinabayaan ng mga tao ang kanilang kaaya-ayang lupain.'”