< 羅馬書 1 >

1 基督耶穌的僕人保祿,蒙召作宗徒,被選拔為傳天主的福音──
Ako si Pablo, na isang lingkod ni Jesu-Cristo, tinawag upang maging apostol, at inilaan para sa ebanghelyo ng Diyos.
2 這福音是天主先前藉自己的先知在聖經上所預許的,
Ito ang ebanghelyo na noon pa man ay ipinangako na niya sa pamamagitan ng mga propeta sa banal na kasulatan.
3 是論及他的兒子,我們的主耶穌基督,他按肉身是生於達味的後裔,
Ito ay tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak mula sa kaapu-apuhan ni David ayon sa laman.
4 按至聖的神性,由於他從死者中復活,被立為具有大能的天主之子,
Ipinahayag siya bilang Anak ng Diyos ayon sa kapangyarihan ng Espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng muling pagkabuhay mula sa kamatayan, si Jesu-Cristo na ating Panginoon.
5 藉著祂,我們領受了宗徒職務的恩寵,為使萬民服從信德,以光榮他的聖名,
Sa pamamagitan niya ay natanggap namin ang biyaya at ang pagiging apostol upang magdulot ng pagsunod ng pananampalataya sa lahat ng mga bansa, alang-alang sa pangalan niya.
6 其中也有你們這些蒙召屬於耶穌基督的人──
Kasama ng mga bansang ito, kayo rin ay tinawag upang maging kay Jesu-Cristo.
7 我保祿致書與一切住在羅馬,為天主所鍾愛,並蒙召為聖徒的人:願恩寵與平安由我們的父天主,和我們的主耶穌基督賜與你們。
Ang liham na ito ay para sa lahat ng nasa Roma, ang mga minamahal ng Diyos, na tinawag upang maging mga taong banal. Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan na nagmumula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
8 首先我應藉耶穌基督,為你們眾人感謝我的天主,因為你們的信德為全世界所共知。
Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo dahil sa inyong lahat, dahil naipahayag ang inyong pananampalataya sa buong mundo.
9 有天主為我作證,即我在宣傳祂聖子的福音上,全心所事奉的天主,可證明我是怎樣不斷在祈禱中,時常紀念著你們,
Sapagkat ang Diyos ang aking saksi, na pinaglilingkuran ko sa aking espiritu sa ebanghelyo ng kaniyang Anak, kung paano ko kayo laging binabanggit sa kaniya.
10 懇求天主,如果是祂的聖意,賜我終能有一個好機會,到你們那裏去。
Palagi kong hinihiling sa aking mga panalangin na sa kahit anong kaparaanan, nawa sa huli ay magtagumpay ako na makarating sa inyo ayon sa kalooban ng Diyos.
11 因為我切願見你們,把一些屬於神性的恩賜分給你們,為使你們得以堅固,
Sapagkat nais ko kayong makita, nang mabigyan ko kayo ng ilang espirituwal na kaloob upang kayo ay mapalakas.
12 也就是說:我在你們中間,藉著你們與我彼此所共有的信德,共得安慰。
Iyon ay, nananabik akong tayo ay magpalakasan ng loob, sa pamamagitan ng pananampalataya ng bawat isa, ang sa inyo at sa akin.
13 弟兄們! 我願告訴你們:我已多次決定要往你們那裏去,為在你們中間,如在其他外邦人中一樣,得到一些效果;然而直到現在,總是被阻延。
Ngayon hindi ko nais na hindi ninyo malaman, mga kapatid, na ilang ulit kong binalak na magpunta sa inyo, ngunit ako ay hinahadlangan hanggang ngayon. Ninais ko ito upang sa ganoon ay magkaroon ng ilang bunga sa inyo tulad din ng ibang mga Gentil.
14 不但對希臘人,也對化外人,不但對有智慧的人,也對愚笨的人,我都是一個欠債者。
May utang ako sa mga Griyego at sa mga dayuhan, sa mga marurunong at sa mga mangmang.
15 所以,只要由得我,我也切願向你們在羅馬的人宣講福音。
Kaya, para sa akin, handa akong ipahayag ang ebanghelyo sa inyong nasa Roma.
16 我決不以福音為恥,因為福音正是天主的德能,為使一切有信仰的人獲得救恩,先使猶太人,後使希臘人。
Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos upang iligtas ang sinumang sumasampalataya, una ay sa Judio at gayon din sa Griyego.
17 因為福音啟示了天主所施行的正義,這正義是源於信德,而又歸於信德,正如經上所載:『義人因信德而生活。』
Sapagkat dito ang katuwiran ng Diyos ay naihahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya, gaya ng nasusulat, “Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.”
18 原來天主的忿怒,從天上發願在人們的各種不敬與不義上,是他們以不義抑制了真理,
Sapagkat naihayag ang poot ng Diyos mula sa langit laban sa lahat ng kasamaan at kawalan ng katuwiran ng mga tao na sa pamamagitan ng kawalan ng katuwiran ay hinahadlangan ang katotohanan.
19 因為認識天主為他們是很明顯的事,原來天主已將自己顯示給他們了。
Ito ay dahil ang maaaring malaman tungkol sa Diyos ay nakikita nila. Sapagkat niliwanagan sila ng Diyos.
20 其實,自從天主創世以來,祂那看不見的美善,即祂永遠的大能和祂為神的本性,都可憑祂所造的萬物,辨認洞察出來,以致人無可推諉。 (aïdios g126)
Sapagkat ang kaniyang likas na hindi nakikita ay malinaw na nakikita simula pa noong likhain ang mundo. Nauunawaan ang mga ito sa pamamagitan ng mga nilikhang bagay. Ang mga likas na ito ay ang kaniyang walang hanggang kapangyarihan at ang kaniyang pagka-Diyos. Kung kaya, ang mga taong ito ay walang maidadahilan. (aïdios g126)
21 他們雖然認識了天主,卻沒有以祂為天主而予以光榮或感謝,而他們所思所想的,反成了荒謬絕論的;他們冥頑不靈的心陷入了黑暗;
Sapagkat kahit kilala nila ang Diyos, siya ay hindi nila niluwalhati bilang Diyos, ni hindi nila siya pinasalamatan. Sa halip, naging hangal sila sa kanilang pag-iisip at nagdilim ang manhid nilang mga puso.
22 他們自負為智者,反而成為愚蠢,
Sila ay nagmamarunong ngunit sila ay naging mga hangal.
23 將不可朽壞的天主的光榮,改歸為可朽壞的人、飛禽、走獸和爬蟲形狀的偶像。
Ipinagpalit nila ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kamatayan para sa katulad ng imahe ng taong namamatay, ng mga ibon, ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.
24 因此,天主任憑他們隨從心中的情慾,陷於不潔,以致彼此玷辱自己的身體。
Kaya ibinigay sila ng Diyos sa pagnanasa ng kanilang puso sa karumihan, upang malapastangan ang kanilang mga katawan sa kani-kanilang sarili.
25 因為他們將虛妄變作天主的真理,去崇拜事奉受造物,以代替造物主──祂是永遠可讚鎂的,阿們! ── (aiōn g165)
Sila iyong mga ipinagpalit ang katotohanan ng Diyos sa kasinungalingan, at mga sumamba at naglingkod sa nilikha sa halip na ang Lumikha, na pinupuri magpakailanman. Amen. (aiōn g165)
26 因此,天主任慼他們陷於可恥的情慾中,以致他們的女人,把順性之用變為逆性之用;
Dahil dito, ibinigay sila ng Diyos sa mga mahahalay na pagnanasa, sapagkat ipinagpalit ng kanilang mga kababaihan ang kanilang likas na kaugnayan sa kung ano ang laban sa likas,
27 男人也如此,放棄了與女人的順性之用,彼此慾火中燒,男人與男人行了醜事,就在各人身上受到了他們顛倒是非所應得的報應。
Gayon din, iniwan ng mga kalalakihan ang kanilang likas na kaugnayan sa mga babae at nag-aalab sila sa kanilang pagnanasa sa kapwa lalaki. Sila ang mga lalaking gumawa ng kahalayan sa mga kapwa lalaki, at tumanggap sa kanilang sarili ng parusa na nararapat sa kanilang kabuktutan.
28 他們既不肯認真地認識天主,主也就任憑他們陷於邪惡的心思,去行不正當的事,
Dahil ayaw nilang magkaroon ng Diyos sa kanilang kamalayan, hinayaan niya sila sa mahahalay na pag-iisip, upang gawin nila ang mga bagay na hindi nararapat.
29 充滿了各種不義、毒惡、貪婪、兇殘,滿懷嫉妒、謀殺、鬥爭、欺詐、乖戾;任憑他們作讒謗的、
Napuno sila ng pawang kawalan ng katuwiran, kasamaan, kasakiman at kahalayan. Puno sila ng inggit, pagpatay, pag-aawayan, pandaraya at mga masasamang hangarin.
30 詆毀的、恨天主的、悔辱人的、高傲的、自誇的、挑剔惡事的、忤逆父母的、
Sila ay mga tsismoso, mga mapanirang puri at nasusuklam sa Diyos. Sila ay mararahas, mayayabang, at mapagmataas. Mga manlilikha sila ng kasamaan at suwail sa mga magulang.
31 冥頑的、背約的、無情的、不慈的人。
Wala silang pang-unawa, hindi mapagkakatiwalaan, walang pagmamahal at walang awa.
32 他們雖然明知天主正義的規例是:凡作這樣事的人,應受死刑;但他們不僅自己作這些事,而且還贊同作這些事的人。
Nauunawaan nila ang mga tuntunin ng Diyos, na ang mga gumagawa ng ganoong mga bagay ay karapat-dapat sa kamatayan. Ngunit hindi lamang nila ginagawa ang mga ganitong bagay, sumasang-ayon din sila sa iba na gumagawa nito.

< 羅馬書 1 >