< 詩篇 41 >

1 達味詩歌,交與樂官。 眷顧貧窮人的人,真是有福,患難時日,他必蒙上主救助。
Mapalad siya na may malasakit para sa mga mahihina; sa araw ng kaguluhan, Si Yahweh ang magliligtas sa kaniya.
2 上主必保護他,賜他生存,在世上蒙福,決不將他交給他的仇敵而任敵所欲。
Pangangalagaan siya ni Yahweh at buhay niya ay pananatilihin, at sa lupa siya ay pagpapalain. Hindi siya ibibigay ni Yahweh sa kapangyarihan ng kaniyang mga kaaway.
3 他呻吟床榻,上主給他支援,他患病時,必使他轉危為安。
Si Yahweh ang aalalay sa kaniya sa higaan ng paghihirap; gagawin mong higaan ng kagalingan ang kaniyang higaan ng karamdaman.
4 我曾哀求你:上主,求你憐憫我」,求你治癒我,因為我得罪了你。
Sinabi ko, “Yahweh, maawa ka sa akin! Pagalingin mo ako dahil nagkasala ako laban sa iyo.”
5 我的仇敵反而惡言辱罵我說:「他何時死,他的名字幾時泯滅?
Ang mga kaaway ko ay nagsasalita ng masama laban sa akin, nagsasabing, “Kailan kaya siya mamamatay at maglalaho ang kaniyang pangalan?
6 前來訪我的人,只以虛言相待,其實是心懷惡意,出去便說出來。
Kapag pumupunta ang kaaway ko para makita ako, nagsasabi siya ng mga bagay na walang kwenta; iniipon ng kaniyang puso ang aking sakuna para sa kaniyang sarili, kapag lumayo siya mula sa akin, ipinagsasabi niya sa iba ang tungkol dito.
7 恨我的人,個個竊竊私議,咒我遭殃生疾:
Lahat ng mga napopoot sa akin ay sama-samang nagbubulungan laban sa akin; laban sa akin, umaasa (sila) na masaktan ako.
8 願他身患惡疾! 願他一病不起!
“Isang masamang karamdaman,” sinasabi nila, “ang kumakapit ng mahigpit sa kaniya; ngayon na nakahiga na siya, hindi na siya makakabangon pa.”
9 連我素來信賴的知心友好,吃過我飯的人,也舉腳踢我。
Sa katunayan, kahit ang sarili kong malapit na kaibigan na aking pinagkakatiwalaan, ang siyang kumain ng aking tinapay, ay inangat ang sakong niya laban sa akin.
10 上主,求你可憐我,使我病除,為使我能對他們加以復仇。
Pero ikaw, Yahweh, ay naawa sa akin at ibinangon ako para pagbayarin ko (sila)
11 我以此作為你真愛我的記號:就是不讓我的敵人向我誇耀;
Sa pamamagitan nito nalaman ko na nasisiyahan ka sa akin, dahil ang mga kaaway ko ay hindi nagtatagumpay laban sa akin.
12 你時常保持我無災無難,使我永遠站在你的面前。
Para sa akin, tinulungan mo ako sa aking katapatan at iingatan ako sa harap ng iyong mukha magpakailanman.
13 願上主,以色列天主,受讚頌,自永遠直到永遠,阿們,阿們
Nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ay purihin magpakailan pa man. Amen at Amen. Ikalawang Aklat

< 詩篇 41 >