< 詩篇 2 >

1 【默西亞必勝】萬邦為什麼囂張,眾民為什麼妄想?
Bakit ang mga bansa ay nangagugulo, at ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay?
2 世上列民群集一堂,諸侯畢至聚首相商,反抗上主,反抗他的受傅者:
Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, at ang mga pinuno ay nagsasanggunian, Laban sa Panginoon at laban sa kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:
3 來!我們掙斷他們的綑綁,我們擺脫他們的繩韁!
Lagutin natin ang kanilang tali, at ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.
4 坐於天上者在冷笑,我主對他們在熱嘲。
Siyang nauupo sa kalangitan ay tatawa: ilalagay (sila) ng Panginoon sa kakutyaan.
5 在震怒中對他們發言,在氣焰中對他們喝道:
Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot, at babagabagin (sila) sa kaniyang malabis na sama ng loob:
6 我已祝聖我的君王,在熙雍我的聖山上。
Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari sa aking banal na bundok ng Sion.
7 我要傳報上主的聖旨:上主對我說:你是我的兒子,我今日生了你。
Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita.
8 你向我請求,我必將萬民賜你作產業,我必將八極賜你作領地。
Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.
9 你必以鐵杖將他們粉碎,就如打破陶匠的瓦器。
Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal; iyong dudurugin (sila) na parang isang sisidlan ng magpapalyok.
10 眾王!你們現在應當自覺,大地掌權者!你們應受教:
Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari: mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.
11 應以敬愛之情事奉上主,戰戰兢兢向祂跪拜叩首;
Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, at mangagalak na may panginginig.
12 以免祂發怒將你們滅於中途,因為祂的怒火發怒非常快速。凡一切投奔祂的人真是有福。
Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan, sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.

< 詩篇 2 >