< 箴言 4 >

1 孩子,你們要聽父親的教訓,專心學習明智,
Makinig, mga anak na lalaki, sa tagubilin ng ama, at bigyang pansin para malaman ninyo kung ano ang pang-unawa.
2 因為我把好教訓授給你們,你們不要拋棄我的規勸。
Ibinibigay ko sa inyo ang mga mabuting tagubilin; huwag ninyong pabayaan ang aking katuruan.
3 我也曾在父親面前作過孝子,在我母親膝下是唯一的嬌兒。
Nung ako ay anak na lalaki ng aking ama at tanging anak ng aking ina,
4 我父曾訓誨我說:你應留心牢記我的話,遵守我的命令,好使你生存;
tinuruan niya ako at sinabi sa akin, “Panghawakan mong mabuti sa iyong puso ang aking mga salita; panatilihin ang aking mga utos at ipamuhay.
5 你應緊握智慧,握住明智,不要忘記,也不要離棄我口中的教訓:
Pagsumikapan na magkaroon ng karunungan at kaunawaan; huwag kalilimutan at huwag tatanggihan ang mga salita sa aking bibig;
6 你若不捨棄她,她必護佑你;你若喜愛她,她必看顧你。
huwag iiwanan ang karunungan at ikaw ay kaniyang babantayan; mahalin mo ito at pananatilihin kang ligtas.
7 首先應爭取的是智慧,因此你應尋求智慧,應犧牲一切去爭取明智。
Ang karunungan ay ang pinakamahalagang bagay, kaya pagsumikapan ang karunungan at gamitin lahat ng mayroon ka para ikaw ay maaaring makakuha nang pang-unawa.
8 你若顯揚智慧,智慧也必顯揚你;你若懷抱她,她也必光榮你:
Pahalagahan ang karunungan at ikaw ay kaniyang itataas; pararangalan ka kapag niyakap mo ito.
9 將華冠加在你的頭上,將榮冕賜給你。
Ito ay maglalagay ng isang korona ng karangalan sa iyong ulo; bibigyan ka nito ng isang magandang korona.”
10 我兒,你若聽取我的訓言,你必延年益壽。
Makinig, aking anak, at pansinin ang aking mga salita, at ikaw ay magkakaroon ng maraming mga taon sa iyong buhay.
11 我要教給你智慧的道路,引你走上正直的途徑:
Papatnubayan kita sa daan ng karunungan; pangungunahan kita sa matuwid na mga landas.
12 這樣,你若行走,你的腳決不會受阻礙;即便你奔馳,也決不致顛仆。
Kapag ikaw ay lumalakad, walang hahadlang sa iyong daanan at kapag ikaw ay tatakbo, hindi ka matitisod.
13 你要堅持教訓,切勿把她拋棄;你應保存她,因為她是你的生命。
Kumapit ka sa disiplina, huwag itong bibitawan; bantayan ito, dahil ito ay iyong buhay.
14 惡人的道路,你不要進去;壞人的途徑,你不要踏入;
Huwag sumunod sa landas ng masama at huwag sumama sa kaparaanan ng mga gumagawa ng masama.
15 反應躲避,不經其上;遠遠離去,繞道他往。
Iwasan ito, ito ay huwag magpatuloy; tumalikod mula dito at tumungo sa ibang daan.
16 因為他們不作惡,不能入睡;不使人跌倒,就要失眠。
Dahil hindi sila nakakatulog hanggang sila ay makagawa ng masama at nanakawan sila ng tulog hanggang sila ay magdulot ng pagkatisod ng isang tao.
17 他們吃的是邪惡的餅,飲的是暴虐的酒。
Dahil sila ay kumakain ng tinapay ng kasamaan at iniinom ang alak ng karahasan.
18 但是,義人的途徑,像黎明的曙光,越來越明亮,直至成日中;
Ngunit ang landas ng isang tao na gumagawa ng matuwid ay katulad ng unang liwanag na patuloy na nagliliwanag; ito ay lalong nagliliwanag hanggang sa kapunuan ng araw ay dumating.
19 惡人的道路,卻宛如幽暗,他們不知道,要跌在何處。
Ang daan ng masama ay katulad ng kadiliman- hindi nila alam kung ano itong kanilang kinatitisuran.
20 我兒,你要注意我的訓言,側耳傾聽我的教導;
Aking anak na lalaki, bigyang pansin ang aking mga salita; makinig sa aking mga kasabihan.
21 不要讓她離開你的視線,卻要牢記在心中。
Huwag hayaan silang malayo mula sa iyong paningin; panatilihin sila sa iyong puso.
22 因為,凡找著她的,必獲得生命;他整個身軀,必獲得健康。
Dahil ang aking mga salita ay buhay sa mga nakakatagpo sa kanila at kalusugan sa kanilang buong katawan.
23 在一切之上,你要謹守你的心,因為生命是由此而生。
Panatilihing ligtas ang iyong puso at bantayan ito nang may buong sigasig, dahil mula dito dumadaloy ang mga bukal ng buhay.
24 你應摒絕口舌的欺詐,遠避唇舌的乖謬。
Ilayo ang baluktot na pananalita mula sa iyo at ilayo ang maruruming salita mula sa iyo.
25 你的眼睛應向前直視,你的視線應向前集中。
Hayaan mong tumingin nang tuwid ang iyong mga mata at ipirmi ng tuwid ang iyong pagtitig sa harap mo.
26 你要修平你腳下的行徑,要鞏固你一切的路途。
Gumawa ng isang patag na landas para sa iyong paa; sa gayon lahat ng iyong mga daraanan ay magiging ligtas.
27 你斷不可左傾右依,務使你的腳遠離邪惡。
Huwag kang liliko sa kanan o sa kaliwa; ipihit ang iyong paa palayo mula sa kasamaan.

< 箴言 4 >