< 箴言 29 >
1 人若屢受譴責,仍然頑固,他必突然喪亡,無法挽救。
Ang isang tao na nakatanggap ng maraming pagsasaway pero pinatitigas ang kaniyang leeg ay mababali sa isang sandali na hindi na mapapagaling.
Kapag silang mga gumagawa ng tama ay umaangat, ang mga tao ay nagdidiwang, pero kapag ang isang masamang tao ang namuno, ang mga tao ay maghihinagpis.
3 喜愛智慧的,使父親喜悅;尋花問柳的,必傾家蕩產。
Sinuman ang nagmamamahal sa karunungan ay nagagawa ang kaniyang ama na magdiwang, ngunit ang isang nananatiling kasama ang mga masasamang tao ay sinisira ang kaniyang kayamanan.
4 君王秉公行義,必將興邦;但若暴斂橫徵,必將喪邦。
Ang hari ay itinatatag ang lupa sa pamamagitan ng katarungan, ngunit wawasakin ito ng isang humuhingi ng suhol.
Ang isang tao na pumupuri sa kaniyang kapit-bahay ay inilalatag ang isang lambat para sa kaniyang mga paa.
Ang isang masamang tao ay nahuli sa isang patibong sa pamamagitan ng kaniyang sariling kasalanan, pero ang isang gumagawa ng tama ay umaawit at nagsasaya.
Siyang gumagawa ng tama ay nakikiusap sa kapakanan ng mahirap; ang masamang tao ay hindi naiintindihan ang ganyang kaalaman.
8 輕狂的人,煽動城市作亂;明智的人,設法挽回狂瀾。
Inilalagay ng mga mangungutya ang isang lungsod sa apoy, pero silang mga matatalino ay nag-aalis ng poot.
Kapag nakikipagtalo ang isang taong matalino sa isang mangmang, siya ay galit na galit at natatawa at ito ay walang tigil.
10 嗜殺的人,常憎恨正人君子;正直的人,卻關懷他的性命。
Ang uhaw sa dugo ay galit sa isang walang kasalanan at hinahanangad ang buhay nang matuwid.
11 愚人忿怒,必盡情發洩;明智的人,必自知抑制。
Ang isang mangmang ay ipinahahayag ang lahat ng kaniyang galit, pero ang isang taong matalino ay pinipigilan ito at kinakalma ang kaniyang sarili.
12 作首長的,如聽信讒言,他的臣僕,必盡屬小人。
Kung ang isang pinuno ay nagbibigay pansin sa mga kasinungalingan, lahat ng kaniyang mga opisyal ay magiging masama.
Ang taong mahirap at mapang-api ay magkatulad, sapagkat si Yahweh ay parehong nagbibigay liwanag sa kanilang mga mata.
Kung ang isang hari ay humahatol sa mga mahihirap sa pamamagitan ng katotohanan, ang kaniyang trono ay maitatatag nang walang hanggan.
15 杖責與懲戒,賜予人智慧;嬌縱的孩子,使母親受辱。
Ang pamalo at pagsaway ay nagbibigay ng karunungan, pero ang isang batang malaya mula sa pagdidisiplina ay inilalagay ang kaniyang ina sa kahihiyan.
16 惡人掌權,罪惡隨之增多;正義的人,必親見其崩潰。
Kapag ang mga masasamang tao ay nasa kapangyarihan, ang pagsuway ay dumadami, ngunit sila na gumagawa nang matuwid ay makikita ang pagbagsak ng taong masama.
Disiplinahin ang inyong anak at bibigyan ka niya nang kapahingahan; bibigyan ka niya ng mga kagalakan sa inyong buhay.
18 神視缺乏時,人民必放縱;遵守法律的,纔蒙受祝福。
Kapag walang pahayag na pangitain, ang mga tao ay mamumuhay nang marahas, ngunit pinagpala ang isang pinapanatili ang batas.
19 要糾正奴才,不宜用言語;即使他明白,他仍不服從。
Ang isang alipin ay hindi maitatama ng mga salita, dahil kahit na naintindihan niya, walang magiging tugon.
20 你是否見過信口開河的人﹖寄望於愚人勝於寄望於他。
Tingnan ang isang tao na padalus-dalos sa kaniyang mga salita? Mayroong higit pang pag-asa para sa isang taong mangmang kaysa sa kaniya.
Ang siyang nagbibigay ng layaw sa kaniyang alipin mula sa kaniyang pagkabata, sa huli nito ay magkakaroon ng kaguluhan.
22 易怒的人,極易引起紛爭;性急的人,必犯很多過錯。
Ang isang taong galit ay pumupukaw ng away at ang isang pinuno ng pagkapoot ay gumagawa ng maraming kasalanan.
Ang pagmamataas ng isang tao ay ang magdadala sa kaniya pababa, pero ang siyang may mapagpakumbabang kalooban ay bibigyan nang karangalan.
24 誰與盜賊合夥,實是痛恨自己;他雖聽見咀咒,卻不敢發一言。
Ang siyang nakikibahagi sa isang magnanakaw ay nasusuklam sa kaniyang sariling buhay; naririnig niya ang sumpa at walang anumang sinasabi.
25 對人畏懼,必陷入羈絆;信賴上主,必獲得安全。
Ang takot ng tao ay gumagawa ng isang bitag, ngunit ang taong nagtitiwala kay Yahweh ay mapapangalagaan.
26 許多人尋求王侯的慈惠,但每人的判決出自上主。
Marami ang humahanap sa mukha ng mga namumuno, ngunit kay Yahweh nanggagaling ang katarungan para sa kaniya.
27 為非作歹的人,為義人所憎惡;行為正直的人,為惡人所憎惡。
Ang isang taong hindi makatarungan ay kasuklam-suklam sa kanilang mga gumagawa ng matuwid, ngunit ang isang may daang matuwid ay kasuklam-suklam sa mga taong masasama.