< 箴言 26 >
1 有如夏日下雪,秋收降雨,不合時令;同樣愚昧的人獲得光榮,亦不適宜。
Tulad ng niyebe sa tag-araw o ulan sa panahon ng tag-ani, ang isang hangal na hindi karapat-dapat sa karangalan.
2 有如麻雀逃走,燕子飛去:無端的咒罵,也一去無蹤。
Gaya ng isang maya na mabilis na nagpapalipat-lipat at ng layanglayang na humahagibis kapag sila ay lumilipad, gayundin hindi tatalab ang isang sumpa na hindi nararapat.
3 馬需要皮鞭,驢需要轡頭,愚昧人的脊背需要棍棒。
Ang latigo ay para sa kabayo, ang kabisada ay para sa asno, at ang pamalo ay para sa likod ng mga hangal.
Huwag sagutin ang isang hangal at sumali sa kanyang kahangalan, o magiging tulad ka niya.
Sumagot sa isang hangal at sumali sa kaniyang kahangalan upang hindi siya maging marunong sa kaniyang sariling paningin.
6 派遣愚昧人,去作傳話者,是自斷己足,是自尋苦惱。
Sinumang magpadala ng isang mensahe sa pamamagitan ng kamay ng isang hangal ay pinuputol ang kaniyang sariling mga paa at umiinom nang karahasan.
7 猶如跛子的腳虛懸無力,箴言在愚人口中也是如此。
Ang mga binti ng isang paralitiko na nakabitin ay tulad ng isang kawikaan sa bibig ng mga hangal.
Ang pagtatali ng bato sa isang tirador ay gaya ng pagbibigay karangalan sa isang hangal.
Ang halamang tinik na hawak ng isang lasing ay tulad ng isang kawikaan sa bibig ng mga hangal.
10 雇用愚人或過路人的人,無異射傷眾人的弓箭手。
Ang isang mamamana na sumusugat ng lahat ay tulad ng isang umuupa ng isang hangal o ng kahit sinumang dumadaan.
11 愚人一再重複他的愚行,猶如狗再來吃牠嘔吐之物。
Gaya ng isang asong bumabalik sa kanyang sariling suka, ganoon din ang isang hangal na inuulit ang kanyang kahangalan.
12 你是否見過自作聰明的人﹖寄望於愚人必寄望於他更好。
Nakikita mo ba ang taong marunong sa kanyang sariling paningin? Higit na may pag-asa ang isang hangal kaysa sa kanya.
Ang tamad na tao ay nagsasabing, “May isang leon sa kalsada! May isang leon sa pagitan ng mga lantad na lugar!
Kung paanong ang isang pinto ay bumabaling sa kaniyang bisagra, ang tamad na tao naman ay sa ibabaw ng kaniyang kama.
Nilalagay ng isang tamad na tao ang kaniyang kamay sa pagkain, pero wala siyang lakas na isubo ito sa kaniyang bibig.
16 懶惰人自認為聰明人,遠勝過七個善於應對的人。
Ang tamad na tao ay mas marunong sa kanyang paningin kaysa sa pitong lalaking may kakayahang kumilatis.
Tulad ng isang humahawak ng mga tainga ng isang aso ay isang taong dumadaan na nagagalit sa alitan na hindi kanya.
Tulad ng isang baliw na pumapana ng nagliliyab na mga palaso,
ay ang isang nandaraya ng kanyang kapwa at nagsasabing, “Di ba't nagbibiro lang ako?”
Dahil sa kakulangan ng gatong, namamatay ang apoy, at kung saan walang tsismoso, tumitigil ang pag-aaway.
21 誰惹事生非,挑撥爭端,是在火炭上加炭,火上加柴。
Tulad ng isang uling na nagbabaga at panggatong ay sa apoy, ganoon din ang isang palaaway na tao na nagpapasiklab ng alitan.
22 進讒者的話,如可口美味,能深深透入肺腑的深處。
Ang mga salita ng isang tsismoso ay tulad ng masarap na mga pagkain; bumababa sila sa kaloob-loobang mga bahagi ng katawan.
Ang pampakintab na bumabalot sa isang banga ay tulad ng nagbabagang mga labi at isang napakasamang puso.
24 懷恨他人的,善措詞掩飾;但在他心底,卻藏有陰險。
Ang isang namumuhi sa iba ay kinukubli ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng kaniyang mga labi at nag-iimbak ng panlilinlang sa kaniyang sarili.
25 誰聲調過柔,你不要相信;因在他心中,藏有七種惡。
Magiliw siyang mangungusap, pero huwag siyang paniwalaan, dahil may pitong mga pagkasuklam sa kaniyang puso.
26 仇恨雖可以詭計來掩飾,但在集會中險惡必敗露。
Kahit na natatakpan ng panlilinlang ang kaniyang pagkamuhi, ang kaniyang kabuktutan ay malalantad sa kapulungan.
27 挖掘陷阱的必自陷其中,滾轉石頭的必為石所壓。
Sinumang gumagawa ng isang hukay ay mahuhulog dito at ang bato ay gugulong pabalik sa taong tumulak nito.
28 撒謊的唇舌,必痛恨真理;諂媚的嘴臉必製造喪亡。
Ang isang nagsisinungaling na dila ay namumuhi sa mga taong dinudurog nito at ang nambobolang bibig ay nagiging dahilan ng pagkawasak.