< 箴言 21 >
Ang puso ng hari ay isang batis ng tubig sa kamay ni Yahweh; siya ang pumapatnubay dito kahit saan niya naisin.
2 人對自己的行為,都自覺正直;但審察人心的,卻是上主。
Ang bawat pamamaraan ng tao ay maaaring tama sa kaniyang paningin, ngunit si Yahweh ang sumusukat ng mga puso.
Ang paggawa ng kung ano ang tama at makatarungan ay mas katanggap-tanggap kay Yahweh kaysa sa sakripisyo.
4 傲慢的眼睛,驕傲的心靈,惡人的炫耀,無非是罪惡。
Ang mapagmalaking mga mata at mapagmataas na puso - ang ilawan ng masama - ay kasalanan.
Ang mga plano ng masipag ang tanging daan sa kasaganahan, ngunit ang lahat ng kumikilos ng masyadong mabilis ay sasapit lamang sa kahirapan.
6 以謊言偽語騙得的財寶,是浮雲輕煙,死亡的羅網。
Ang pagtamo ng kayamanan ng isang sinungaling na dila ay panandaliang singaw at isang patibong na nakamamatay.
7 惡人的暴戾,必殃及自身,因他們不肯去履行正義。
Ang karahasan ng kasamaan ay tatangayin sila palayo, sapagkat sila ay tumatanggi na gawin kung ano ang patas.
Ang paraan ng makasalanang tao ay liku-liko; ngunit ang taong dalisay ay gumagawa ng tama.
Mas mabuti pang mamuhay sa sulok ng bubungan kaysa sa bahay na kahati ang palaaway na asawang babae.
10 惡人的心靈,只求邪惡;對自己友伴,毫不關懷。
Ang gana ng masama ay nagmimithi ng labis na kasamaan; ang kaniyang kalapit-bahay sa kaniyang mga mata ay walang nakikitang kabaitan.
11 輕狂人遭受處罰,幼稚者將得明智;智慧人接受教訓,更增加自己知識。
Kapag ang nangungutya ay naparusahan, ang mangmang ay nagiging matalino, at kapag ang taong marunong ay naturuan, nadadagdagan siya ng kaalaman.
12 正義的上主監視惡人的家,且使惡人們都陷於災禍中。
Ang isang gumagawa ng tama ay binabantayan ang bahay ng masama; kaniyang dinadala ang masama sa kasiraan.
13 誰對窮人的哀求,充耳不聞,他呼求時,也不會得到應允。
Ang isa na hindi dininig ang iyak ng mga mahihirap na tao, kapag siya din ay umiyak, hindi siya maririnig.
14 暗中相送的饋贈,可平息忿怒;投入懷中的禮物,可平息狂怒。
Ang lihim na regalo ay nagpapahupa ng galit at ang isang tagong regalo ay nag-aalis nang matinding galit.
15 秉公行義,能叫義人喜樂;但為作惡的人,卻是恐懼。
Kapag ang katarungan ay tapos na, nagbibigay ito ng kagalakan sa gumagawa ng tama, ngunit ito ay nagdadala ng takot sa mga masasamang tao.
Ang siyang naliligaw sa daan ng pang-unawa, ay mamamahinga sa pagpupulong ng mga walang buhay.
17 貪愛享樂的人,必遭受窮困;喜愛酒油的人,必不會致富。
Ang sinumang minamahal ang aliw ay magiging mahirap, ang taong minamahal ang alak at langis ay hindi magiging mayaman.
18 惡人必將為義人作贖金,敗類也將替君子作代價。
Ang masamang tao ay magiging katubusan sa gumagawa ng tama, at ang hindi tapat ay katubusan para sa matuwid.
19 與好爭易怒的女人同居,倒不如獨自住在曠野裏。
Mas mabuti pang mamuhay sa disyerto kaysa makasama ang babaeng nagdudulot nang alitan at sobrang makapagreklamo.
20 珍貴的寶藏和油,積藏在智者家裏;但糊塗愚昧的人,卻將之消耗淨盡。
Ang pinakamahal na yaman at langis ay nasa tahanan ng matalino, ngunit inaaksaya ito ng mangmang na lalaki.
Ang gumagawa ng tama at mabait—ang taong ito ay makasusumpong ng buhay, katuwiran at karangalan.
22 智者必登上勇士的城邑,攻破城邑所憑倚的保壘。
Isang matalinong tao ang pumunta laban sa lungsod nang makapangyarihan, at kaniyang ginigiba ang matibay na moog na nagtatanggol nito.
Sinumang nagbabantay sa kaniyang bibig at dila ay nag-iingat na hindi makasali sa gulo.
Ang hambog at mapagmataas na tao - “mangungutya” ang kaniyang pangalan - kumikilos nang may pagmamataas na kayabangan.
Ang pagnanais ng tamad ay pumapatay sa kaniyang sarili, dahil ang kaniyang mga kamay ay tumatanggi sa pagtatrabaho.
Buong araw siyang nagmimithi at nagmimithi nang labis, ngunit ang isang gumagawa ng tama ay nagbibigay at hindi nagpipigil.
27 惡人的祭獻,已是可憎;若懷惡而獻,更將如何﹖
Ang alay ng masamang tao ay kasuklam-suklam; ito ay mas kasuklam-suklam pa kapag dinala niya ito ng may masasamang motibo.
28 作假見證的人,必要滅亡;但善於聽的人,纔可常言。
Ang hindi totoong saksi ay mamamatay, ngunit ang isang nakikinig ay magsasalita sa lahat ng oras.
29 邪惡的人,常裝腔作勢;正直的人,卻舉止檢點。
Ang masamang lalaki ay ginagawa ang sarili na tila malakas, pero ang matuwid na tao ay maingat sa kaniyang mga kilos.
Walang karunungan, pag-unawa o payo na kayang makatalo kay Yahweh.
31 招兵買馬,是為作作戰之日;但是勝利,卻由上主指使。
Ang kabayo ay handa para sa araw ng labanan, ngunit kay Yahweh ang tagumpay ay nabibilang.