< 民數記 29 >
1 七月初一日,你們應召開聖會,一切勞工都不許做:這是你們應歡呼吹號的日子。
“Sa ikapitong buwan, sa unang araw ng buwan, dapat magkaroon kayo ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh. Hindi kayo dapat gumawa ng karaniwang gawain sa araw na iyon. Ito ay magiging isang araw kung kailan hihipan ninyo ang mga trumpeta.
2 應獻給上主馨香的全燔祭,即公牛犢一頭,公綿羊一隻,一歲無瑕疵的公羔羊七隻。
Dapat kayong mag-alay ng isang susunuging handog upang magbigay ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh. Dapat kayong mag-alay ng isang batang toro, isang lalaking tupa, at pitung lalaking tupa tig-iisang taong gulang, bawat isang walang kapintasan.
3 至於同獻的素祭,應是油調的細麵:為每隻公牛犢獻大分之三「厄法」,為每隻公綿羊獻十分之二「厄法」;
Dapat kayong mag-alay kasama ng mga iyon ng kanilang handog na butil, pinong harinang hinaluan ng langis, tatlo sa sampung bahagi ng isang epa para sa toro, dalawa sa sampung bahagi para sa lalaking tupa,
at isa sa sampung bahagi ng bawat tupa sa pitong tupa.
At dapat kayong mag-alay ng isang lalaking kambing para sa handog ng pambayad ng inyong sariling kasalanan.
6 除月朔的全燔祭及同獻的素祭,日常全燔祭及同獻的素祭和依禮規應同獻的奠祭外,還應作為中悅上主的馨香火祭。
Ialay ninyo ang mga handog na ito sa ikapitong buwan bilang karagdagan sa lahat ng mga alay na inyong iaalay sa unang araw ng bawat buwan: ang natatanging alay na susunugin at ang handog na butil kasama nito. Dapat karagdagan ang mga ito sa karaniwang alay na susunugin, ang mga handog na butil nito, at ang mga inuming handog. Habang ginagawa ninyo ng mga handog na ito, susundin ninyo kung ano ang inatas sa inyo upang magbigay ng isang mabangong halimuyak, isang handog na ipinaraan sa apoy para kay Yahweh.
7 七月初十,你們也應召開聖會,苦身克己,一切勞工都不許做。
Sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, dapat magkaroon kayo ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh. Dapat kayong magpakumbaba at hindi magtrabaho.
8 應給上主獻馨香的全燔祭:即公牛犢一頭,公綿羊一隻,一歲無瑕疵的公羔羊七隻。
Dapat kayong maghandog ng isang alay na susunugin upang magbigay ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh. Dapat kayong maghandog ng isang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking tupa na tig-iisang taong gulang. Dapat walang kapintasan ang mga ito.
9 至於同獻的素祭,應是油調的細麵:為每隻公牛犢獻十分之三「厄法」,為每隻公綿羊獻十分之二「厄法」;
Dapat kayong maghandog kasama ng mga iyon ng isang handog na butil, pinong harinang hinaluan ng langis, tatlo sa sampung bahagi ng isang epa para sa toro, dalawa sa sampung bahagi para sa isang lalaking tupa,
10 至於那七隻公羔羊,為每隻獻十分之一「厄法」。
at isa sa sampung bahagi ng isang epa para sa bawat isa sa pitong tupa.
11 除贖罪節日的贖罪祭,日常全燔祭及同獻 的素祭和應獻的奠外,還應獻一隻公山羊作贖罪祭。
Dapat kayong mag-alay ng isang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan. Bukod pa ito sa handog para sa kasalanan ng pagbabayad kasalanan, ang karaniwang handog na susunugin, at ang mga handog na butil, at mga inuming handog.
12 七月十五日,你們也應召開聖會,w勞工都不許做,為上主舉行七天慶節。
Sa ika labing limang araw ng ikapitong buwan dapat magkaroon kayo ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh. Hindi kayo dapat gumawa ng karaniwang gawain sa araw na iyon, at dapat ninyong ipagpatuloy ang pagdiriwang sa loob ng pitong araw para sa kaniya.
13 你們應祭全燔祭,作為中悅上主的火祭:即公牛犢十三頭,公綿羊二隻,一歲的公羔羊十四隻。
Dapat kayong maghandog ng isang handog na susunugin, isang alay na ipinaraan sa apoy para magbigay ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh. Dapat maghandog kayo ng labing tatlong batang toro, dalawang lalaking tupa, at labing-apat na lalaking tupa na tig-iisang taong gulang. Dapat walang kapintasan ang bawat isa.
14 至於同獻的素祭,是油調的細麵:十三頭公牛犢,為每頭獻十分之三「厄法」,二隻公綿羊,為每隻獻十分之二「厄法」。
Dapat kayong maghandog kasama ng mga iyon ng isang handog na butil, pinong harina na hinaluan ng langis, tatlo sa sampung bahagi ng isang epa para sa bawat toro ng labing tatlong toro, dalawa sa sampung bahagi para sa bawat lalaking tupa ng dalawang lalaking tupa,
at isa sa sampung bahagi ng isang epa para sa bawat isa sa labing apat na mga tupa.
16 除日常全燔祭及同獻的素祭和奠祭外,還應獻一隻公山羊作贖罪祭。
Dapat maghandog kayo ng isang lalaking kambing bilang isang alay para sa kasalanan bukod pa sa karaniwang handog na susunugin, mga handog na butil, at inuming handog kasama nito.
17 第二日,應獻公牛犢十二頭,公綿羊二隻,一歲無瑕疵的公羔羊十四隻。
Sa ikalawang araw ng pagpupulong, dapat maghandog kayo ng labindalawang batang toro, dalawang lalaking tupa, at labing apat na tupa na tig-iisang taong gulang bawat isa, na walang kapintasan.
18 至於公牛犢、公綿羊和公羔羊應同獻的奠祭和素祭,依數照例奉獻。
Dapat gumawa kayo kasama ng mga iyon ng isang handog na butil at ang mga inuming handog para sa mga toro, para sa mga lalaking tupa, at para sa mga batang tupa, gagawa ng maraming handog gaya ng inutos.
19 除日常全燔祭及同獻的素祭和奠祭外,還應獻一隻公山羊作為贖罪祭。
Dapat kayong mag-handog ng isang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalananbukod pa sa karaniwang alay na susunugin, handog na butil, at kanilang mga inuming handog.
20 第三日,應獻公牛犢十一頭,公綿羊二隻,一歲無瑕疵的公羔羊十四隻。
Sa ikatlong araw ng pagpupulong, dapat maghandog kayo ng labing-isang toro, dalawang lalaking tupa, at labing apat na lalaking tupang tig-iisang taong gulang, walang kapintasan ang bawat isa.
21 至於與公牛犢、公綿羊和公羔羊應同獻的素祭和奠祭外,還應獻一隻公山羊作贖罪祭。
Dapat gawin kasama ng mga iyon ang isang handog na butil at mga inuming handog para sa mga toro, para sa mga lalaking tupa, at para sa mga batang tupa, gagawa ng maraming handog gaya ng inutos.
22 除日常全燔祭及同獻的素祭和奠祭外,還應獻一隻公山羊作贖罪祭。
Dapat mag-handog kayo ng isang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan bukod pa sa karaniwang handog na susunugin, handog na butil, at mga inuming handog.
23 第四日,應獻公牛犢十頭,公綿羊二隻,一歲無瑕疵的十四隻,
Sa ikaapat na araw ng pagpupulong, dapat maghandog kayo ng sampung toro, dalawang lalaking tupa, at labing apat na lalaking tupa na tig-iisang taong gulang, walang kapintsan ang bawat isa.
24 至於公牛犢、公綿羊和公羔羊應同獻的素祭和奠祭,依數照例奉獻。
Dapat gumawa kayo kasama ng mga iyon ng isang handog na butil at mga inuming handog para sa mga toro, para sa mga lalaking tupa, at para sa mga batang tupa, gagawa ng maraming handog gaya ng inutos.
25 除日常全燔祭及同獻的素祭和奠祭外,還應獻一隻公山羊作贖罪祭。
Dapat kayong maghandog ng isang kambing bilang isang handog para sa kasalanan bukod pa sa karaniwang handog na susunugin, mga handog na butil, at mga inuming handog.
26 第五日,應獻公牛犢九頭,公綿羊二隻,一歲無瑕疵的十四隻。
Sa ikalimang araw ng pagpupulong, dapat maghandog kayo ng siyam na toro, dalawang lalaking tupa, at labing apat na lalaking tupang tig-iisang taong gulang, walang kapintasan ang bawat isa.
27 至於與公牛犢、公綿羊和公羔羊應同獻的素祭和奠祭,依數照例奉獻。
Dapat gumawa kayo kasama ng mga iyon ng isang handog na butil at ang inuming handog para sa mga toro, para sa mga lalaking tupa, at para sa mga batang tupa, gagawa ng maraming handog gaya ng inutos.
28 除日常全燔祭及同獻的素祭和奠祭外,還應獻一隻公山羊作贖罪祭。
Dapat maghandog kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan bukod pa sa karaniwang handog na susunugin, mga handog na butil, at kanilang mga inuming handog.
29 第六日,應獻公牛犢八頭,公綿羊二隻,一歲無瑕疵的十四隻。
Sa ikaanim na araw ng pagpupulong, dapat maghandog kayo ng walong toro, dalawang lalaking tupa, at labing-apat na lalaking tupa na tig-iisang taong gulang, walang kapintasan ang bawat isa.
30 至於與公牛犢、公綿羊和公羔羊同獻的素祭和奠祭,依數照例奉獻。
Dapat gumawa kayo kasama nila ng isang handog na butil at mga inuming handog para sa mga toro, para sa mga lalaking tupa, at para sa mga batang tupa, gagawa ng maraming handog gaya ng inutos.
31 除日常全燔祭及同獻的素祭外,還應獻一隻公山羊作贖罪祭。
Dapat kayong maghandog ng isang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan bukod pa sa karaniwang handog na susunugin, mga handog na butil, at mga inuming handog.
32 第七日,應獻公牛犢七頭,公綿羊二隻,一歲無瑕疵的十四隻。
Sa ikapitong araw ng pagpupulong, dapat maghandog kayo ng pitong toro, dalawang lalaking tupa, at labing apat na lalaking tupa na tig-iisang taong gulang, walang kapintasan ang bawat isa.
33 至於與公牛犢、公綿羊和公羔羊應同獻的素祭和奠祭,依數照例奉獻。
Dapat gumawa kayo kasama ng mga iyon ng isang handog na butil at inuming handog para sa mga toro, para sa mga lalaking tupa, at para sa mga batang tupa, gagawa ng maraming handog gaya ng inutos.
34 除日常全燔祭及同獻的素祭和奠祭外,還應獻一隻金山羊作贖罪祭。
Dapat maghandog kayo ng isang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan bukod pa sa karaniwang handog na susunugin, mga butil ng handog, at kanilang mga inuming handog.
Sa ikawalong araw dapat magkaroon kayo ng isa pang mataimtim na pagpupulong. Hindi kayo dapat gumawa ng karaniwang gawain sa araw na iyon.
36 應獻全燔祭作為中悅上主的馨香火祭:即公牛犢一頭,公綿羊一隻,一歲無瑕疵的七隻。
Dapat mag-alay kayo ng isang handog na susunugin, isang handog naipinaraan sa apoy upang magbigay ng mabangong halimuyak para kay Yahweh. Dapat kayong mag-alay ng isang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking tupa na tig-iisang taong gulang, walang kapintasan ang bawat isa.
37 至於與公牛犢、公山羊和公羔羊及同獻的素祭和奠祭,依數照例奉獻。
Dapat ninyong ihandog ang kanilang handog na butil at kanilang mga inuming handog para sa toro, para sa lalaking tupa, at para sa mga batang tupa, gagawa ng maraming handog gaya ng inutos.
38 除日常全燔祭及同獻的素祭和奠祭外,還應獻一隻公山羊作贖罪祭。
Dapat maghandog kayo ng isang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan bukod pa sa karaniwang handog na susunugin, at kanilang mga inuming handog.
39 這是你們在慶節內,除那些為還願或自願所獻全燔祭、素祭、奠祭及和平祭外,所應獻給上主的祭獻」。
Ito ang dapat ninyong ihandog kay Yahweh sa inyong mga itinakdang pagdiriwang. Dapat ay karagdagan ang mga ito sa inyong mga panata at mga kusang handog. Dapat ihandog ninyo ang mga ito bilang inyong handog na susunugin, mga handog na butil, mga inuming handog, at handog para sa pagtitipon-tipon.”
40 梅瑟全照上主所吩咐的一切,教訓了以色列子民。
Sinabi ni Moises sa mga tao ng Israel ang lahat ng bagay na inutos ni Yahweh na kaniyang sabihin.