< 民數記 21 >
1 客納罕人的阿辣得王,其時住在乃革布,聽說以色列人沿阿塔陵路前來,就與以色列人交戰,據去了一些人。
Nang marinig ng Cananeong hari ng Arad, na siyang naninirahan sa Negev na naglalakbay ang Israel sa daan ng Atarim, nakipaglaban siya laban sa Israel at kumuha siya ng ilang bihag mula sa kanila.
2 以色列人於是向上主許願說:「你若將這人民交在我手內,我必將他們的城毀滅」。
Nangako ang Israel kay Yahweh at sinabi, “Kung bibigyan mo kami ng tagumpay sa mga taong ito, lubos na wawasakin namin ang kanilang mga lungsod.”
3 上主遂聽了以色列人的請求,將客納罕人交在他們手裏,以色列人就毀滅了他們和他們的城;人遂給那地方起名叫曷爾瑪。
Nakinig si Yahweh sa tinig ng Israel at binigyan sila ng tagumpay laban sa mga Cananeo. Lubusan silang winasak at ang kanilang mga lungsod. Tinawag na Horma ang lugar na iyon.
4 他們由曷爾山沿紅海的路起程出發,繞過地;在路上人民已不耐煩,
Naglakbay sila mula sa Bundok ng Hor sa daan ng Dagat ng mga Tambo upang lumiko sa lupain ng Edom.
5 抱怨天主和梅瑟說:「你們為什麼由埃及領我們由埃及上來死在曠野﹖這裏沒有糧食,又沒有水,我們對這輕淡的食物已感厭惡」。
Lubos na napanghinaan ng loob sa paglalakbay ang mga tao. Nagsalita ang mga tao laban sa Diyos at kay Moises: “Bakit mo kami pinalabas sa Ehipto upang mamatay sa ilang? Walang tinapay, walang tubig, at ayaw namin ang nakakasawang pagkaing ito.”
6 上主遂打發火蛇到人民中來,咬死了許多以色列人。
At nagpadala si Yahweh ng mga makamandag na ahas sa mga tao. Tinuklaw ng mga ahas ang mga tao; maraming tao ang namatay.
7 人民於是來到梅瑟前說:「我們犯了罪,抱怨了上主和你;請你轉求上主,給我們趕走這些蛇」。梅瑟遂為人民轉求。
Lumapit ang mga tao kay Moises at sinabin, “Nagkasala kami dahil nagsalita kami laban kay Yahweh at sa iyo. Magdasal ka kay Yahweh upang ilayo niya ang mga ahas mula sa amin.” Kaya nagdasal si Moises para sa mga tao.
8 上主對梅瑟說:「你做一條火蛇,懸在木桿上;凡是被蛇咬的,一瞻仰牠,必得生存」。
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gumawa ka ng isang ahas at ikabit mo ito sa isang poste. At mangyayari na ang bawat isang natuklaw ay makaliligtas, kung titingnan niya ito.”
9 梅瑟遂做了一條銅蛇,懸在木桿上;那被蛇咬了的人,一瞻仰姛蛇,就保存了生命」。
Kaya gumawa si Moises ng isang tansong ahas at ikinabit ito sa isang poste. Kapag natuklaw ng isang ahas ang sinumang tao, kung titingin siya sa tansong ahas, makaliligtas siya.
PAt nagpatuloy ang mga tao ng Israel sa kanilang paglalakbay at nagkampo sila sa Obot.
11 由敖波特天出發,在依耶阿巴陵,即在面朝摩阿布東邊的曠野內紮了營。
Naglakbay sila mula sa Obot at nagkampo sila sa Lye Abarim sa ilang na nakaharap sa Moab sa dakong silangan.
Mula roon naglakbay sila at nagkampo sa lambak ng Zered.
13 由那裏又出發,在阿爾農北岸紮了營。這條河是在曠野中,由阿摩黎人的邊境流出;阿爾農就是阿摩黎的邊界,介於摩阿布和阿摩黎之間。
Mula roon naglakbay sila at nagkampo sa kabilang bahagi ng Ilog Arnon, na nasa ilang na lpatungo sa hangganan ng mga Amoreo. Ang Ilog Arnon ang nagsisilbing hangganan ng Moab, sa pagitan ng Moab at ng mga Amoreo.
14 為此在「上主的戰書」上說:「在蘇法的瓦赫布和阿爾農山谷,
Kaya nga sinasabi sa kasulatang binalumbon ng Mga Digmaan ni Yahweh, “Waheb sa Sufa, at ang mga lambak ng Arnon,
15 以及山谷的斜坡;這斜坡伸展到阿爾地區,緊靠摩阿布的邊境」。
ang libis ng mga lambak na patungo sa bayan ng Ar at pababa patungo sa hangganan ng Moab.”
16 由那裏他們到貝爾,那裏有口井,上主曾指這井對梅瑟說:「你召集人民,我要賜給他們水喝」。
Mula roon naglakbay sila patungo sa Beer, na kung saan ay naroon ang balon na sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sama-sama mong tipunin ang mga tao upang bigyan ko sila ng tubig.”
17 那時以色列人就唱了這首歌說:「井,湧出水來! 你們應對它歌唱!
At inawit ng Israel ang awiting ito: “Bumukal ka, balon. Awitin ang tungkol dito.
18 這井是領袖挖掘的,是民間的貴人,以權杖和棍棒挖鑿的」。他們由曠野到瑪塔納,
Ang balong hinukay ng ating mga pinuno, ang balong hinukay ng mga taong marangal sa pamamagitan ng setro at kanilang mga baston.” Pagkatapos mula sa ilang naglakbay sila patungong Matana.
19 由瑪塔納到了納哈里耳;由納哈里耳了到巴摩特;
Mula sa Matana naglakbay sila patungong Nahaliel, at mula sa Nahaliel patungong Bamot,
20 由巴摩特到了摩阿布的山谷,到了俯瞰曠野的斯加高峰。
at mula sa Bamot patungo sa isang lambak sa lupain ng Moab. Iyon ay kung saan ang tuktok ng Bundok Pisga na natatanaw sa ilang.
Pagkatapos, nagpadala ang Israel ng mga mensahero kay Sihon na hari ng mga Amoreo na nagsasabi,
22 「請讓我由你國內經過,我們決不闖入莊田或葡萄園,也不喝井中的水,只沿王道而行,直至走你的國境」。
“Hayaan mo kaming dumaan sa iyong lupain. Hindi kami liliko sa anumang bukirin o ubasan. Hindi kami iinom ng tubig mula sa iyong mga balon. Maglalakbay kami sa pamamagitan ng maluwang na daanan ng hari hanggang makatawid kami sa kanilang hangganan.”
23 息紅卻不讓以色列人經過他的國境;且調集他己所有的人民,往曠野裏去對抗以色列人;一來到雅哈茲,就與以色列人交戰。
Ngunit hindi pinayagan ni Haring Sihon ang Israel na dumaan sa kanilang hangganan. Sa halip, sama-samang tinipon ni Sihon ang lahat ng kaniyang hukbo at sinalakay ang Israel sa ilang. Nakarating siya sa Jahaz, kung saan nakipaglaban siya sa Israel.
24 以色列人用刀劍將他擊敗,佔領了他的國境,自阿爾農河直到雅波克河,直到阿孟子民的邊界。
Sinalakay ng Israel ang hukbo ni Sihon sa pamamagitan ng talim ng espada at kinuha nila ang lupain mula sa Arnon patungong ilog ng Jabok, hanggang sa lupain ng mga tao ng Ammon. Ngayon ay pinatibay ang hangganan ng mga tao ng Ammon.
25 於是以色列人佔領了那裏所有的城鎮,就住在阿摩黎人所有的城鎮內,並住在赫市朋及其附屬城內。
Kinuha ng Israel ang lahat ng mga lungsod ng Amoreo at tinirhan nilang lahat, kasama ang Hesbon at lahat ng mga nayon nito.
26 赫市朋原是阿摩黎人王息紅的都城。息紅與前任阿摩黎王交戰,佔領了他所有的土地,直到阿爾農河。
Ang Hesbon ay ang lungsod ni haring Sihon ng mga Amoreo, na siyang nakipaglaban sa dating hari ng Moab. Kinuha ni Sihon ang lahat ng kaniyang lupain mula sa kaniyang sinasakupan hanggang sa Ilog Arnon.
27 為此詩人吟詠說:「你們到修建鞏固的赫市朋去,那穩固的息紅城;
Kaya sinabi ng mga nagsalita sa kawikaan, “Pumunta kayo sa Hesbon. Hayaan ninyo ang lungsod ng Sihon na muling maitayo at maitatag.
28 因為由赫市朋發出了火,從息紅的城冒出了火焰,吞滅了摩阿布的阿爾,消滅了阿爾農的高丘。
Isang apoy na umaalab mula sa Hesbon, isang ningas ng apoy mula sa lungsod ng Sihon na lumamon sa Ar ng Moab, at mga nagmamay-ari ng mga burol sa tabi ng Arnon.
29 禍哉,摩阿布! 革摩市人民,你已滅亡! 他的兒子已經逃亡,女兒已被俘,交給了阿摩黎人的君王息紅。
Aba sa iyo, Moab! Napuksa ka, mga tao ng Cemos. Pinabihag niya ang kaniyang mga anak na lalaki at pinabilanggo niya ang kaniyang mga anak na babae kay Sihon na hari ng mga Amoreo.
30 但我們一襲擊他們,赫市朋直到狄朋,盡成廢壚;我們蹂躝一切直到諾法黑,直到默德巴」。
Ngunit nasakop namin si Sihon. Nawasak ang Hesbon hanggang sa Dibon. Tinalo namin sila hanggang sa dulo ng Nofa, na umaabot sa Medeba.”
Kaya nagsimulang manirahan ang Israel sa lupain ng mga Amoreo.
32 梅瑟又派人去偵探雅則爾;他們佔領了這城及其附屬城鎮,驅逐了那裏的阿摩黎人。
At ipinadala ni Moises ang mga lalaki upang tingnan ang Jazer. Kinuha nila ang mga nayon nito at pinaalis ang mga Amoreong naroon.
33 此後前進,上了往巴商的路。巴商王敖格同他全國的人民,就出來對抗他們,在厄德勒與他們交戰。
Pagkatapos tumalikod sila at umakyat sa daan ng Bashan. Lumabas si Og na hari ng Bashan laban sa kanila, siya at ang lahat niyang hukbo, upang labanan sila sa Edrei.
34 上主對梅瑟說:「不必怕他,因為我已將他,他的人民和國土,都交在你手裏了;你要待他,如同待住在赫市朋 木阿摩黎人的君王一樣」。
Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Moises, “Huwag kang matakot sa kaniya, dahil binigyan ko kayo ng tagumpay laban sa kaniya, lahat ng kaniyang hukbo at ng kaniyang lupain. Gawin ninyo sa kaniya ang tulad ng ginawa ninyo kay Sihon na hari ng mga Amoreo, na nanirahan sa Hesbon.”
35 他們擊殺了他,他的兒子和他所有的人民,沒有剩下一個;遂佔據了他的國土。
Kaya pinatay nila siya, ang kaniyang mga anak na lalaki, at lahat ng kaniyang hukbo, hanggang walang natirang buhay sa kaniyang mga tao. Pagkatapos, kinuha nila ang kaniyang lupain.