< 彌迦書 4 >

1 到末日,上主火聖殿山必要矗立在群山之上,超乎一切山岳,萬民都要向它湧來;
Ngunit sa mga huling araw, mangyayari na ang bundok na kinatatayuan ng tahanan ni Yahweh ay itatatag sa ibabaw ng iba pang mga bundok. Ito ay dadakilain nang higit sa mga burol, at magpupuntahan ang mga tao rito.
2 將有許多民族前來說:「來,我們攀登上主的聖山,往雅各伯天主的殿裏去! 衪必指示我們衪的道路,教給我們循行衪的途徑,因為法律將出自熙雍,上主將出自熙雍,上主的話將出自耶路撒冷。」
Maraming bansa ang pupunta at sasabihin, “Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Yahweh, sa tahanan ng Diyos ni Jacob. Ituturo niya sa atin ang kaniyang mga kaparaanan at lalakad tayo sa kaniyang mga landas.” Sapagkat mula sa Zion lalabas ang kautusan, at ang salita ni Yahweh mula sa Jerusalem.
3 衪將統治萬民,遠處的強國宣佈定案;他們必要把自己的刀劍鑄成鋤頭,將自己的槍矛製成鐮刀;民族與民族不再持刀相向,人也不再學習武鬥;
Hahatulan niya ang karamihan sa mga tao at magpapasiya tungkol sa maraming bansa na malalayo. Papandayin nila ang kanilang mga espada upang maging mga talim ng araro at ang kanilang mga sibat upang maging mga kutsilyong pamutol. Ang bansa ay hindi na magtataas ng espada laban sa bansa, ni kailanman matututunan kung paano magsimula ng digmaan.
4 各人只坐在自家葡萄樹和無花果樹下,無人來驚擾,因為萬軍的上主親口說了。
Sa halip, uupo ang bawat tao sa ilalim ng kaniyang tanim na ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos. Walang sinuman ang mananakot sa kanila, sapagkat nagsalita si Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo.
5 雖然萬民各奉自己神祗之名而生活,但是我們卻永遠奉上主我們天主之名而生活。
Sapagkat lumalakad ang lahat ng tao, ang bawat isa, sa pangalan ng kanilang diyos. Ngunit lalakad tayo sa pangalan ni Yahweh na ating Diyos magpakailan pa man.
6 到那一日,──上主的斷語──我要聚集跛行的人,集合被驅散和我所磨難的人;
“Sa araw na iyon”, sinabi ni Yahweh, “Pag-iisahin ko ang mga pilay at titipunin ko ang mga itinakwil, sila aking sinaktan.
7 我必使跛行的人成為遺民,使離散的人成為強大的民族。從今以後,我,上主要在熙雍山上作他們的君王,以至永遠。
Gagawin kong natitira ang mga pilay at ang mga itinaboy sa isang matatag na bansa, at Ako si Yahweh, ang maghahari sa kanila sa Bundok ng Zion ngayon at magpakailan man.
8 你這羊群的守望台,熙雍女子的高崗,昔日的王權必再歸於你,耶路撒冷女子的王國必再臨。
At ikaw, ang bantayan para sa kawan, ang burol ng anak na babae ng Zion, darating ito sa iyo— darating ang dating pamumuno, ang kaharian ng anak na babae ng Jerusalem.
9 現在你為什麼高呼﹖難道你們中間沒有了君王,或者妳的參議已喪亡,令妳痛苦,像臨產的婦女﹖
Ngayon, bakit ka umiiyak nang malakas? Wala na ba sa iyo ang hari, namatay na ba ang iyong tagapayo, sumapit sa iyo ang matinding kirot katulad ng babaeng manganganak?
10 熙雍女子,妳應輾轉呻吟,像個臨產的婦女,因為現在妳應出城,住在田野,並且要到巴比倫去,在那裏你將獲救;在那裏,上主你的的天主,要從仇敵中把妳贖回。
Magdusa ka at maghirap sa panganganak, anak na babae ng Zion, katulad ng isang babaeng nanganganak. Sapagkat ngayon aalis ka sa iyong lungsod, titira sa parang at pupunta sa Babilonia. Doon ay maliligtas ka. Ililigtas ka ni Yahweh doon mula sa kamay ng iyong mga kaaway.
11 現在許多異族集合起來攻擊妳說:「願她赤身裸體,願我們親眼見到熙雍滅亡! 」
Ngayon, maraming mga bansa ang nagtipon laban sa iyo; sabi nila, 'Hayaan siyang madungisan; ititig natin ang ating mga mata sa Zion.”'
12 但是他們不知道上主的心意,不明白衪的策略,原來是上主集合了他們,如把禾梱收在禾場上一樣。
Sinabi ng propeta, Hindi nila alam ang mga kaisipan ni Yahweh, ni nauunawaan man ang kaniyang mga plano, sapagkat tinipon niya sila na gaya ng mga bigkis para sa giikan.
13 熙雍女子,起來打場吧! 因為我要使妳們的角變成鐵角,使妳的蹄變成銅蹄,使妳踏碎許多民族;妳將他們的戰利品奉獻給上主,將他們的財寶o石全地的主宰。
Sinabi ni Yahweh, “Tumindig ka at gumiik, anak na babae ng Zion, sapagkat gagawin kong bakal ang iyong sungay at gagawin kong tanso ang iyong mga kuko. Dudurugin mo ang maraming tao. Itatalaga ko ang kanilang mga kayamanan na kinuha sa hindi makatarungang pamamaraan at ang kanilang mga ari-arian sa akin, ako si Yahweh, ang Panginoon ng buong mundo.”

< 彌迦書 4 >