< 馬太福音 5 >
1 耶穌一見群眾,就上了山,坐下;他的門徒上他跟前來,
Noong nakita ni Jesus ang maraming tao, umakyat siya sa bundok. Nang makaupo na siya, lumapit sa kaniya ang mga alagad niya.
Nagsalita siya at tinuruan sila na sinasabi,
“Pinagpala ang mahihirap sa espiritu, sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit.
Pinagpala ang mga nagdadalamhati sapagkat sila ay aaliwin.
Pinagpala ang mga maamo, sapagkat mamanahin nila ang mundo.
Pinagpala ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila ay bubusugin.
Pinagpala ang mga mahabagin sapagkat sila ay kahahabagan.
Pinagpala ang may pusong dalisay, sapagkat makikita nila ang Diyos.
9 締造和平的人是有福的,因為他們要稱為天主的子女。
Pinagpala ang mga mapagpayapa, sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos.
Pinagpala ang mga inuusig alang-alang sa katuwiran, sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit.
11 幾時人為了我而辱罵迫害你們,你們是有福的,捏造一切壞話毀謗你們,你們是有福的。
Pinagpala kayo kung inaalipusta kayo at inuusig ng mga tao o pagsalitaan ng lahat ng uri ng mga masasamang bagay na pawang mga kasinungalingan ng dahil sa akin.
12 你們歡喜踴躍罷!因為你們在天上的賞報是豐富的,因為在你們以的先知,人也曾這樣迫害過他們。
Magsaya kayo at labis na magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Sapagkat sa ganitong paraan inusig ng mga tao ang mga propetang nabuhay noon bago pa kayo.
13 你們是地上的鹽,鹽若失了味,可用什麼使它再鹹呢﹖它再毫無用途,只好拋在外邊,任人踐踏罷了。
Kayo ang asin ng mundo. Ngunit kung nawala ang lasa ng asin, paano muling maibabalik ang alat nito? Wala na itong pakinabang pa kundi itapon at tapak-tapakan ng mga tao.
Kayo ang ilaw ng mundo. Ang lungsod na nakatayo sa isang burol ay hindi maitatago.
15 人點燈,並不是於在斗底下,而是於在燈台上,照耀屋人所有的人。
Ni hindi nagsisindi ang mga tao ng lampara at ilagay sa loob ng basket, bagkus sa isang patungan ng ilawan, at magliliwanag ito sa lahat ng nasa bahay.
16 照樣,你們的光也當在人前照耀,好使他們看見你們的善行,光耀你們在天之父。
Hayaan ninyong magliwanag ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao sa paraang makikita nila ang inyong mga mabubuting gawa at papurihin ang inyong Amang nasa langit.
17 你們不要以為我來是廢除法律或先知;我來不為廢除,而是為成全。
Huwag ninyong isipin na pumarito ako upang sirain ang kautusan o ang mga propeta. Naparito ako hindi upang sirain ang mga ito kundi upang ito ay tuparin.
18 我實在告訴你們:既使天地過去了,一撇或一劃也決不會從法律上過,必待一切完成。
Sapagkat totoo itong sinasabi ko sa inyo, hanggang hindi lilipas ang langit at lupa, wala ni isang tuldok o kudlit man ang mawawala sa kautusan, hanggang sa ang lahat ng mga bagay ay maganap.
19 所以,誰若廢除這些誡命中最小的一條,也這樣教訓人,在天國裏他將稱為最小的;但誰若實行,也這樣教訓人,這人在天國裏將稱為大的。
Kung gayon, sinuman ang lalabag ng kahit isa sa kaliit-liitan sa mga kautusang ito at nagtuturo sa iba na gawin ang paglabag nito ay tatawaging pinakahamak sa kaharian ng langit. Ngunit ang sinumang tumupad sa mga ito at itinuturo sa iba na tupariin ito ay tatawaging dakila sa kaharian ng langit.
20 我告訴你們:除非你們的義德超過經師和法利賽人的義德,你們決進不了天國。
Sapagkat sinasabi ko sa inyo na hangga't hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.
21 你們一向聽過給古人說:『不可殺人!』誰吝殺了人,應受裁判。
Inyong narinig na sinabi sa kanila noong mga unang panahon, 'Huwag kang pumatay,' at 'Sinumang papatay ay manganganib sa paghuhukom.'
22 我卻對你們說:凡向自己弟兄發怒的,就要受裁判,誰若向自己的弟兄說「傻子」,就要受議會的裁判;誰若說「瘋子」就要受火獄的罰。 (Geenna )
Ngunit sinasabi ko sa inyo na sinumang magalit sa kaniyang kapatid ay manganganib sa paghuhukom. At kung sinuman ang magsabi sa kaniyang kapatid na, 'Wala kang kuwentang tao!' ay manganganib sa konseho. At sinumang magsabi ng, 'Hangal ka!' ay manganganib sa apoy ng impiyerno. (Geenna )
23 所以,你們若在祭壇前,要獻你們的禮物時,在那裏想起你們的弟兄有什麼怨你的事,
Kaya kung ikaw ay naghahandog ng iyong kaloob sa altar at maalala mo doon ang iyong kapatid na may anumang bagay laban sa iyo,
24 就把你們的禮物留在那裏,留在祭壇前,先去和你們的弟兄和好,然後再來獻你的禮物。
iwan mo doon ang iyong kaloob sa harap ng altar at humayo ka. Makipag-ayos ka muna sa iyong kapatid, pagkatapos ay pumunta ka at ihandog mo ang iyong kaloob.
25 當你和你的對頭還在路上,趕快與他和解,免得對頭把你交給判官,判官交給差役,把你投在獄裏。
Makipagkasundo ka agad sa nagsakdal sa iyo habang siya ay kasama mo pa sa daan patungo sa hukuman, o ipapasakamay ka ng nagsakdal sa iyo sa hukom at ipapasakamay ka ng hukom sa pinuno at ikaw ay ipapatapon sa bilangguan.
26 我實在告訴你。非到你還了最後的一文,決不能從那裏出來。
Totoo itong sinasabi ko sa inyo, hindi ka kailanman makalalabas doon hanggang mapagbayaran mo ang kahuli-hulihang salapi na iyong inutang.
Narinig ninyo na sinabi, 'Huwag kang mangangalunya.'
28 我卻對你們說:凡注視婦女,有意貪戀她的,他已在心裏奸淫了她。
Ngunit sinasabi ko sa inyo, sinumang tumingin sa isang babae upang siya ay pagnasaan ay nangalunya sa babaing iyon sa kaniyang puso.
29 若是你的右眼使你跌倒,剜出它來,從你身上扔掉,因為喪失你一個肢體,比你全身投入地獄裏,為你更好; (Geenna )
At kung ang iyong kanang mata ang nagiging sanhi ng iyong pagkatisod, dukutin mo ito at itapon sa malayo sapagkat mas mabuti para sa iyo na mapahamak ang isa sa mga bahagi ng iyong katawan kaysa maitapon ang buo mong katawan sa impiyerno. (Geenna )
30 若你的右手手使你跌倒,砍下它來,從你身上扔掉,因為喪失你一個肢體,比你全身投入地獄裏為你更好。 (Geenna )
At kung ang iyong kanang kamay ang sanhi ng iyong pagkadapa, putulin mo ito at itapon sa malayo. Sapagkat mas mabuti na mapahamak ang isa sa mga bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ay mapunta sa impiyerno. (Geenna )
At sinabi din, 'Kung sinuman ang magpalayas sa kaniyang asawang babae, dapat niya itong bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay.'
32 我卻對你們說:除了姘居外,凡休自已的妻子的,便是叫她受奸污;並且誰若娶被休的婦人,就是犯奸淫。
Ngunit sinasabi ko sa inyo, sinumang makipaghiwalay sa kaniyang asawang babae maliban lamang kung sa sekswal na imoralidad ang dahilan nito ay nagiging sanhi ng pangangalunya ng kaniyang asawa. At kung sinumang magpakasal sa kaniya pagkatapos siyang hiwalayan ay nangangalunya rin.
33 你們又一向聽過對古人說:『不可發虛誓,要向上主償還你的誓願!』
Narinig ninyo rin na sinabi nang mga tao noong unang panahon, 'Huwag kang manunumpa ng kasinungalingan ngunit tuparin mo ang iyong mga sumpa sa Panginoon.'
34 我卻對你們說:你們總不可發誓:不可指天,因為天是天主的寶座;
Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag na lamang kayong manumpa, huwag sa langit dahil ito ang trono ng Diyos,
35 不可指地,地是他的腳凳,不可指耶路撒冷,因它是大王的城市;
huwag sa lupa dahil ito ang tapakan ng kaniyang mga paa, huwag din sa Jerusalem dahil ito ang lungsod ng dakilang Hari.
36 也不可指你的頭發誓,因為你不能使一根頭髮變白或變黑。
Huwag ka ring manumpa sa pamamagitan ng iyong ulo sapagkat ni isa mang buhok ay hindi mo kayang gawing puti o itim.
37 你們的話當是:是就說是,非就說非;其他多餘的便是出於邪惡。
Ngunit hayaan mo ang iyong salita ay maging, 'Oo, kung oo' o 'Hindi, kung hindi.' Anuman ang lalabis pa sa mga ito ay galing sa kaniya na masama.
Narinig ninyo itong sinabi, 'Mata para sa mata at ngipin para sa ngipin.'
39 我卻對你們說:不要抵抗惡人:而且,若有人掌擊你的右頰,你把另一面也轉給他。
Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag ninyong labanan ang taong masama, sa halip, sinumang sumampal sa iyong kanang pisngi, iharap mo rin sa kaniya ang kabila.
40 那願與你爭訟,拿你的內衣的,你連外衣也讓給他。
At kung hiniling ng sinuman na magpunta sa hukuman kasama ka at kunin ang iyong tuniko, hayaan mo rin na mapasakaniya ang iyong balabal.
At sinumang pumilit sa iyo na maglakad ng isang milya, lumakad ka ng dalawang milya kasama niya.
Ibigay mo ang nanghihingi sa iyo at huwag mong talikuran ang sinumang nanghihiram sa iyo.
43 你們一向聽說過:『你應愛你的近人,恨你的仇人!』
Inyong narinig na sinabing, 'Mahalin ninyo ang inyong kapwa at kamuhian ang inyong kaaway.'
44 我卻對你們說:你們當愛你們的仇人,當為迫害你們的人祈禱,
Ngunit sinasabi ko sa inyo, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa inyo,
45 好使你們成為你們在天之父的子女,因為衪使太陽上升,光照惡人,也光照善人;降雨給義,也給不義的人。
upang magiging mga anak kayo ng inyong Amang nasa langit, sapagkat pinasisikat niya ang kaniyang araw sa mga masama at mabuti at kaniyang ipinadadala ang ulan sa mga matutuwid at sa mga hindi matutuwid.
46 你們若只愛那愛你們的人,你們還有什麼賞報呢? 稅吏不是也這樣做嗎﹖
Sapagkat kung mamahalin ninyo lamang ang mga nagmamahal sa inyo, anong gantimpala ang inyong makakamit? Hindi ba't ganiyan din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis?
47 你們若只問候你們的弟兄,你們做了什麼特別的呢? 外邦人不是也這樣做嗎﹖
At kung ang mga kapatid ninyo lamang ang inyong babatiin, ano ang ginawa ninyo na higit sa iba? Hindi ba't ganiyan din ang ginagawa ng mga Gentil?
48 所以你們應當是成全的,如同你們的父是成全的一樣。
Kaya dapat kayong maging ganap sapagkat ang inyong Amang nasa langit ay ganap.