< 士師記 6 >
1 以色列的子民又行了上主視為惡的事,上主把他們交於米德楊人手中七年之久。
Ang bayan ng Israel ay gumawa ng kasamaan sa paningin ni Yahweh, at sila'y inilagay niya sa ilalim ng kapangyarihan ng Midianita ng pitong taon.
2 米德楊人的勢力勝過了以色列,以色列子民為了防禦米德楊人,修築了山洞、地洞和山寨。
Ang kapangyarihan ng Midianita ang nagpahirap sa Israel. Dahil sa Midianita, gumawa ang bayan ng Israel ng makukublihan para sa kanilang sarili mula sa mga yungib sa mga burol, sa mga kuweba, at mga matibay na tanggulan.
3 每逢以色列人撒種之後,米德楊人、阿瑪肋克人和東方子民就上來攻打他們;
Nangyari na kapag ang mga Israelita ay nagtanim ng kanilang mga pananim, ang mga Midianita at ang mga Amalekita at ang mga taong mula sa silangan ay sasalakay sa mga Israelita.
4 對著他們紮營,毀壞地產直到迦薩一帶,沒有給以色列留下一點食糧,連羊、牛、驢也沒有留下;
Inilalagay nila ang kanilang mga sundalo sa lupain at winawasak ang mga pananim, hanggang sa Gaza. Wala silang itinitirang pagkain sa Israel, walang tupa, ni mga baka, o mga asno.
5 因為他們總是帶著家畜和帳棚上來,多如蝗蟲;他們來的人和駱駝多得無數,踏入境內,毀壞田地。
Sa tuwing sila at kanilang mga alagang hayop at mga tolda ay dadating, darating sila na gaya ng pulutong ng mga balang, at ito ay hindi kayang bilangin maging ang mga tao o ang kanilang mga kamelyo. Sinakop nila ang lupain para wasakin ito.
6 以色列為了米德楊人的原故,很是窮困,因此以色列子民呼籲了上主。
Pinahina ng Midianita ang mga Israelita ng napakatindi na ang bayan ng Israel ay tumawag kay Yahweh.
Nang tumawag ang mga tao ng Israel kay Yahweh dahil sa Midian,
8 上主就派了一位先知到以色列子民那裏,對他們說:「上主以色列的天主這樣說:是我使你們由埃及上來,領你們離開了為奴之家;
nagpadala ng isang propeta si Yahweh sa mga tao ng Israel. Sinabi ng propeta sa kanila, “Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: 'Dinala ko kayo mula Ehipto, inalis ko kayo mula sa tahanan pagkaka-alipin.
9 是我從埃及人的手中,從一切壓迫你們的人手中救出你們來;是我從你們面前把他們趕走,把他們的地賜給你們。
Sinagip ko kayo mula sa kapangyarihan ng mga taga Ehipto, at mula sa kapangyarihan ng lahat ng mga nagpapahirap sa inyo. Pinalayas ko sila sa inyong harapan, at ibinigay ko sa inyo ang kanilang lupain.
10 我曾對你們說過:我是上主你們的天主,你們在阿摩黎地方,切不可敬畏他們的神! 但是你們沒有聽從我的話。」基德紅被召
Sinabi ko sa inyo, “Ako si Yahweh na inyong Diyos; inutusan ko kayo na huwag sambahin ang mga diyus-diyosan ng mga Amoreo, na ang lupain ay inyong tinirahan.” Pero hindi ninyo sinunod ang tinig ko.'”
11 上主的使者來到,坐在敖弗辣的一棵屬於阿彼厄則爾人約阿士的篤耨樹下,當時他的兒子基德紅正在釀酒池裏打麥子,躲避米德楊人。
Ngayon ang anghel ni Yahweh ay dumating at umupo sa ilalim ng igos sa Ofra, na pag-aari ni Joas (ang Abiezrita), habang si Gideon, anak na lalaki ni Joas, ay hinihiwalay ang trigo sa pamamagitan ng paghampas nito sa sahig, sa pigaan ng ubas—para itago ito mula sa mga Midianita.
12 上主的使者顯現給他,對他說:「英勇的壯士,願上主與你同在! 」
Ang anghel ni Yahweh ay nagpakita sa kaniya at sinabi sa kaniya, “Si Yahweh ay kasama mo, ikaw na malakas na mandirigma!”
13 基德紅回答他說:「我主,請原諒! 如果上主與我們同在,我們怎會遭遇這些困難﹖他們曾向我們說過:看,是上主領我們出離埃及,但是現在上主拋棄了我們,將我們交在米德楊人的掌握中。」
Sinabi ni Gideon sa kaniya, “O, aking panginoon, kung si Yahweh ay kasama namin, bakit nagyayari ang lahat ng ito sa amin? Nasaan na ang lahat ng kaniyang mga dakilang gawa na sinabi sa amin ng aming mga ama, nang sinabi nilang, 'Hindi ba si Yahweh ang nag-alis sa atin mula sa Ehipto?' Pero ngayon pinabayaan kami at ibinigay kami ni Yahweh sa kapangyarihan ng Midian.”
14 上主注視他說:「憑你這種力量,你去拯救以色列脫離米德楊人的掌握。看,是我派遣你。」
Tumingin si Yahweh sa kaniya at sinabing, “Pumunta ka sa lakas na mayroon ka. Iligtas ang Israel mula sa kapangyarihan ng mga Midianita. Hindi kita ipinadala?”
15 他回答說:「我主,請原諒! 我憑什麼拯救以色列﹖看,我家在默納協支派中是最卑微的,我在我父親家中又是最小的一個。」
Sinabi ni Gideon sa kaniya, “Pakiusap, Panginoon, paano ko maliligtas ang Israel? Tingnan mo, ang aking pamilya ang pinakamahina sa Manases, at ako ang pinaka hindi mahalaga sa sambahayan ng aking ama.”
16 上主對他說:「有我與你同在,你必擊敗米德楊人,如擊一個人一樣。」
Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Ako ay sasama sa iyo, at iyong matatalo ang buong hukbo ng Midianita.”
17 基德紅又向他說:「我若在你面前蒙恩,請你給我一個記號,證明與我說話的是你。
Sinabi ni Gideon sa kaniya, “Kung ikaw ay nasisiyahan sa akin, kung gayon bigyan mo ako ng isang palatandaan na ikaw ang siyang nakikipag-usap sa akin.
18 請你不要離開此地,等我回到你這裏,帶來禮物,擺在你前。」他答應說:「我等你回來。」
Pakiusap, huwag kang umalis dito, hanggang ako ay pumunta sa iyo at mag-dala ng aking handog at inilagay ito sa harapan mo.” Sinabi ni Yahweh, “Ako ay maghihintay hanggang ikaw ay makabalik.”
19 基德紅就去預備了一隻小公山羊,又用一「厄法」麥粉作了無酵餅,把肉放在筐裏,把湯盛在罐裏,帶到篤耨樹下獻給他。
Pumunta si Gideon at nag-handa ng isang batang kambing at mula sa isang epha ng harina gumawa siya ng tinapay na walang lebadura. Nilagay niya ang karne sa isang basket, at nilagay niya ang sabaw sa isang palayok at dinala ang mga ito sa kaniya sa ilalim ng punong igos, at inihandog ang mga ito.
20 天主的使者對他說:「拿出肉和無酵餅來,放在這磐石上,把湯倒出來! 」他就照樣作了。
Sinabi ng anghel ng Diyos sa kaniya, “Dalhin ang karne at ang tinapay na walang lebadura at ilagay ang mga ito sa batong ito, at ibuhos ang sabaw sa ibabaw ng mga ito.” At ginawa iyon ni Gideon.
21 上主的使者遂伸出手中的棍杖,杖頭一觸及肉和無酵餅,磐石便起火,把肉和無酵餅吞噬了;上主的使者便從他眼前隱沒了。
Pagkatapos ang anghel ni Yahweh ay iniabot ang dulo ng tungkod na nasa kaniyang kamay. Sa pamamagitan nito dinampian ang laman at ang tinapay na walang lebadura; lumabas ang isang apoy mula sa bato at tinupok ang karne at ang tinapay na walang lebadura. Pagkatapos ang anghel ni Yahweh ay umalis palayo at hindi na siya makita ni Gideon.
22 基德紅遂知道他是上主的使者說:「哎呀!我主上主,我竟然面對面地看見上主的使者!」
Naintindihan ni Gideon na ito ang anghel ni Yahweh. Sinabi ni Gideon, “O, Panginoong Yahweh, Dahil nakita ko ang anghel ni Yahweh na mukha sa mukha!”
23 但上主對他說:「你放心! 不必害怕,你不會死!
Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Sa iyo ang kapayapaan! Huwag kang matakot, hindi ka mamamatay.”
24 基德紅就在那裏給上主立了一座祭壇,稱為雅威沙隆;至今還在阿彼厄則耳人的敖弗辣那裏。德基紅拆毀巴耳祭壇
Kaya gumawa doon si Gideon ng isang altar para kay Yahweh. Tinawag niya itong, “Si Yahweh ay Kapayapaan.” Hanggang sa araw na ito nakatayo parin ito sa Ofra ng lahing Abiezrita.
25 當夜上主對他說:「取你父親的一隻牛,即那隻七歲的肥牛,以後拆毀你父親的巴耳祭壇,打碎旁邊的阿舍辣;
Nang gabing iyon sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Kunin ang toro ng iyong ama, at ang pangalawang toro na labimpitung taong gulang, at tanggalin ang altar ni Baal na pag-aari ng iyong ama, at putulin ang Asera na nasa tabi nito.
26 給上主你的天主在這磐石頂上建一座祭壇,準備妥當,將那隻肥牛獻為全燔祭,用打碎的阿舍辣作木柴。」
Gumawa ng isang altar kay Yahweh na iyong Diyos sa tuktok ng lugar ng kanlungan na ito, at gawin ito sa tamang paraan. Ialay ang pangalawang toro bilang isang handog na susunugin, gamit ang kahoy mula sa Asera na iyong pinutol.”
27 基德紅就從僕人中選出十個人,照上主吩咐他的作了;但因為害怕父親的家人和城裏的人,不敢在白天行事,就在黑夜作了。
Kaya si Gideon ay kumuha ng sampu sa kaniyang mga lingkod at ginawa kung ano ang sinabi ni Yahweh sa kaniya. Dahil masyado siyang natakot sa sambahayan ng kaniyang ama at ang kalalakihan ng bayan para gawin ito sa umaga, ginawa niya ito sa gabi.
28 城裏的人早晨起來,看見巴耳的祭壇已毀,旁邊所有的阿舍辣也被打碎,那隻肥牛也獻於新築的祭壇上,
Kinabukasan nang bumangon ang kalalakihan ng bayan, ang altar ni Baal ay nawasak, at ang Asera na nasa tabi nito ay nabuwal, at ang pangalawang toro na inalay sa altar na naisagawa.
29 就彼此詢問說:「誰作了這事﹖」經過考察追問之後,斷定說:「必是約阿士的兒子基德紅作了這事。」
Sinabi ng kalalakihan ng lungsod sa isa't-isa, “Sino ang gumawa nito?” Nang kinausap nila ang iba at naghanap ng kasagutan, sinabi nila, “Si Gideon na anak ni Joas ang gumawa ng bagay na ito.”
30 因此本城的人對約阿士說:「將你的兒子交出來,將他處死! 因為他拆毀了巴耳的祭壇,打碎了旁邊的阿舍辣。」
Pagkatapos sinabi ng mga kalalakihan ng bayan kay Joas, “Dalhin palabas ang iyong anak na lalaki para siya ay mailagay sa kamatayan, dahil winasak niya ang altar ni Baal, at binuwal niya ang Asera sa tabi nito.”
31 約阿士回答所有反對他的人說:「你們要為巴耳辯護麼﹖或者你們要就助他嗎﹖誰為他辯護,明天早晨便該處以死刑! 他如果是神,讓他為自己辯護罷! 因為有人拆毀了他的祭壇。」
Sinabi ni Joas sa lahat ng tumututol sa kaniya, “Pakikiusapan ba ninyo ang kaso para kay Baal? Kayo ba ang magliligtas sa kaniya? Sinuman ang magmaka-awa sa kaso para sa kaniya, hayaan siyang malagay sa kamatayan habang umaga pa. Kung si Baal ay isang diyos, hayaan siyang ipagtanggol ang kaniyang sarili kapag winasak ng sinuman ang kaniyang altar.”
32 因此當天人就稱基德紅為「耶魯巴耳,」好像說:「讓巴耳與他爭辯,因為基德紅拆毀了他的祭壇。」基德紅求證
Kaya sa araw na iyon si Gideon ay binigyan ng pangalang, “Jeru Baal”, dahil sinabi niya, “Hayaang ipagtanggol ni Baal ang kaniyang sarili laban sa kaniya,” dahil winasak ni Gideon ang kaniyang altar.
33 那時,米德楊、阿瑪肋克和東方子民都聚集起來,過了河,在依次勒耳平原安了營。
Ngayon ang lahat ng mga Midianita, ang mga Amalekita, at ang mga tao sa silangan ay nagtipon ng magkakasama. Tumawid sila ng Jordan at nag-kampo sa lambak ng Jezreel.
34 上主的神充滿了基德紅,他一吹號角,阿彼厄則爾人便應召前來跟隨他;
Pero binalot si Gideon ng Espiritu ni Yahweh. Hinipan ni Gideon ang isang trumpeta, tinawag ang angkan ng Abiezrita, para sila ay maaaring sumunod sa kaniya.
35 他又打發使者走遍默納協,默納協人也應召前來跟隨他;他又打發使者往阿協爾、則步隆和納斐塔里去,他們也都上來與他們會合。
Nagpadala siya ng mga sugo sa buong Manases, at sila rin, ay tinawag para sumunod sa kanya. Siya rin ay nagpadala ng mga sugo sa Asher, Zebulun, at Neftali, at pumunta sila para makipagkita sa kaniya.
36 基德紅就對天主說:「如果你按你所說的,真要藉著我的手拯救以色列,
Sinabi ni Gideon sa Diyos, “Kung binabalak mo akong gamitin para iligtas ang Israel, gaya ng sinabi mo—
37 看我將剪下的一把羊毛放在禾場上,若露水單單落在羊毛上,而遍地都是乾的,那麼我便曉得,如你所說的,你真要藉我的手拯救以色列。」
Tingnan mo, inilalagay ko ang isang tela na gawa sa balahibo ng tupa sa giikang palapag. Kapag merong hamog sa balahibo ng tupa lamang, at tuyo sa lahat ng lupa, kung gayon malalaman ko na gagamitin mo ako para iligtas ang Israel, gaya ng sinabi mo.”
38 次日清早起來,果然如此,基德紅把羊毛一擰,從羊毛裏擰出一碗露水。
Ito ang nangyari—Bumangon si Gideon ng maaga nang sumunod na araw, piniga niyang sabay ang balahibo ng tupa, at piniga ang hamog mula sa balahibo ng tupa, tama lamang para punuin ang isang mangkok ng tubig.
39 基德紅又向天主說:「如果我再說一次,求你別對我發怒! 請讓我用這羊毛再試一次:單單羊毛是乾的,而遍地都是露水。」
Pagkatapos sinabi ni Gideon sa Diyos, “Huwag kang magalit sa akin, magsasalita ako ng isa pang beses. Pakiusap pahintulutan mo ako ng isa pang pagsubok gamit ang balahibo ng tupa. Sa pagkakataong ito gawing tuyo ang balahibo ng tupa, at hayaang mayroong hamog sa lahat ng lupa sa palibot nito.”
40 那一業天主果然這樣作了,單單羊毛是乾的,而遍地都是露水。
Ginawa ng Diyos ang anumang kaniyang hiningi para sa gabing iyon. Ang balahibo ng tupa ay tuyo, at mayroong hamog sa lahat ng lupa sa palibot nito.