< 約書亞記 6 >

1 耶利哥城門緊緊關閉,無人出入,以防以色列子民。
Ngayon nakasara lahat ang mga pasukan ng Jerico dahil sa hukbo ng Israel. Walang sinuman ang lumalabas at pumapasok.
2 上主對若蘇厄說:「看,我已將耶利哥和城中的王子,精銳的戰士,都交在你手中。
Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Tingnan mo, ibinigay ko sa inyo ang Jerico, ang hari nito at mga sundalong sinanay nito.
3 你們所有的戰士要圍繞這城轉一遭,這樣轉六天。
Dapat kayong magmartsa sa palibot ng lungsod, lahat ng kalalakihan sa digmaan ay lilibutin ang lungsod nang minsanan. Dapat ninyong gawin ito sa loob ng anim na araw.
4 七位司祭要帶著七個羊角號,在約櫃前面行走;但第七天,要圍繞城轉七遭,並且司祭要吹號角。
Dapat dalhin ng pitong pari ang pitong trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa sa harapan ng kaban. Sa ikapitong araw, dapat kayong magmartsa ng pitong beses palibot ng lungsod at patunugin ng malakas ang mga trumpeta ng mga pari.
5 當羊號角吹起長聲時,你們聽見了號角的響聲時,眾百姓應當高聲喊叫;那時城牆必要坍塌,百姓個個要往前直衝。」
Dapat silang magpatunog ng isang mahabang tunog gamit ang sungay ng lalaking tupa at kapag marinig ninyo ang tunog ng trumpeta dapat sumigaw ng napakalakas ang lahat ng mga tao at guguho ang pader ng lungsod. Dapat lumusob ang mga sundalo, bawat isa ng deretso lang.”
6 農的兒子若蘇厄將司祭召來,對他們說:「你們應抬著約櫃,七位司祭帶著七個羊角號,走在上主約櫃的前面。」
Pagkatapos tinawag ni Josue na anak na lalaki ni Nun, ang mga pari at sinabi sa kanila, “Buhatin ninyo ang kaban ng tipan, at hayaang dalhin ng pitong pari ang pitong trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa sa harapan ng kaban ni Yahweh.”
7 然後,又對百姓說:「你們要前去圍著城轉,先鋒隊要要走在上主約櫃的前面。」
At sinabi niya sa mga tao, “Lumakad kayo at magmartsa sa palibot ng lungsdo at ang mga armadong kalalakihan ay mauuna sa kaban ni Yahweh.”
8 若蘇厄對百姓說完話以後,那七位帶著羊角號的司祭,走在上主前面,吹著號角,上主的約櫃跟在他們他們後面。
Tulad ng sinabi ni Josue sa bayan, dinala ng pitong pari ang pitong trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa sa harapan ni Yahweh. Habang nauuna sila, pinatunog nila nang malakas ang mga trumpeta. Sumunod sa kanila ang Kaban ng Tipan ni Yahweh.
9 先鋒隊走在吹號角的司祭前面,後衛隨著約櫃,一面走,一面吹號角。
Lumakad ang mga armadong kalalakihan sa harapan ng mga pari, at gumawa sila ng isang malakas na tunog sa kanilang mga trumpeta, pero pagkatapos ang hulihang bantay ay sumusunod sa likod ng kaban, at tuluy-tuloy na hinipan ng mga pari ang kanilang mga trumpeta.
10 若蘇厄向百姓下令說:「你們不可叫喊,不可叫人聽到你們的聲音,連一句話也不可出口,直到我給你們說:「叫喊」那天,你們才可叫喊。
Pero inutos ni Josue sa bayan, sinabing, “Huwag kayong sumigaw. Dapat walang tunog ang lalabas sa inyong mga bibig hanggang sa araw na sabihin kong sumigaw kayo. Sa pagkakataong iyon lamang kayo dapat sumigaw.”
11 這樣上主的約櫃圍城轉了一遭後,眾人就回到中,在營中過夜。
Kaya idinulot niya na ang Kaban ni Yahweh ay ilibot nang minsan sa lungsod sa araw na iyon. Pagkatapos pumasok sila sa kanilang mga kampo at nanatili sila sa kanilang kampo sa gabing iyon.
12 若蘇厄清早起來,司祭又抬起上主的約櫃,
Kaya gumising ng maaga si Josue at binuhat ng mga pari ang Kaban ni Yahweh.
13 七位司祭帶了七個羊號角,走在上主約櫃前面,一面走,一面吹號角;先鋒隊走在他們前面,後衛隊隨在上主約櫃後面,一面走,一面吹號角。
Ang pitong paring may dala ng pitong trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa sa harapan ng Kaban ni Yahweh at matatag na naglalakad, hinipan nilang malakas ang mga trumpeta. Naglalakad sa kanilang harapan ang mga armadong sundalo. Pero nang ang hulihang bantay ay naglakad sa likod ng Kaban ni Yahweh, saka hinipang malakas ng tuluy-tuloy ang mga trumpeta.
14 第二天他們圍城轉了一遭後,又回到營中;他們這樣行了六天。
Nagmartsa sila sa palibot ng lungsod nang minsan sa pangalawang araw at bumalik sa kampo. Ginawa nila ito sa loob ng anim na araw.
15 到了第七天,早晨黎明時,他們起來,照樣圍城轉了七遭。
Maaga silang gumising nang magbubukang liwayway nang ikapitong araw at nagmartsa sila palibot ng lungsod ayon sa nakasanayan nila, sa pagkakataong ito pitong ulit. Sa araw na ito sila nagmartsa palibot ng slungsod nang pitong ulit.
16 到了第七遭,他們吹起了號角,若蘇厄吩咐百姓說:「你們叫喊,因為上主已將這城交給了你們。
Ito ay nasa ikapitong araw nang pinatunog nang malakas ng mga pari ang mga trumpeta, at iniutos ni Josue sa mga tao, “Sumigaw! Dahil ibinigay sa inyo ni Yahweh ang lungsod.
17 這城和城中所有的一切,都應全完毀滅,歸於上主,只有妓女辣哈布和她家中的人口 可以生存,因為她隱藏了我們所派的使者。
Inilaan ni Yahweh para wasakin ang lungsod at ang lahat ng nasa loob nito. Tanging si Rahab ang bayarang babae ang mabubuhay—siya at lahat ng kaniyang sambahayan—dahil itinago niya ang mga lalaking ipinadala natin.
18 但你們要小心,不可私自取用這些應毀之物,免得你們貪心,竊取應毀滅之物,使以色列全營遭受詛咒,陷於不幸。
Pero para sa inyo, mag-ingat kayo tungkol sa mga bagay na itinakda para wasakin, kaya pagkatapos ninyo silang tandaan para wasakin huwag ninyong kunin ang kahit ano sa mga iyon. Kung gagawin ninyo ito, gagawin ninyong isang bagay na dapat wasakin ang kampo ng Israel at magdadala kayo ng kaguluhan dito.
19 至於所有的金銀,以及銅鐵的器皿,都應奉獻給上主,歸入上主的府庫。」
Lahat ng pilak, ginto, at mga bagay na gawa sa tanso at bakal ay nakalaan kay Yahweh. Dapat dalhin ang mga ito sa ingatang yaman ni Yahweh.”
20 百姓於是叫喊,號聲四起;百姓一聽到了號角聲,放聲大叫,城牆便坍塌了;百姓遂上了城,個個向前直衝,攻陷了那城。
Kaya sumigaw ang mga tao at pinatunog nila nang malakas ang mga trumpeta. Nangyari ito nang narinig ng mga tao ang tunog ng trumpeta, sumigaw sila nang napakalakas na sigaw at gumuho ang pader kaya umakyat ang mga tao sa lungsod, sumugod ang bawat isa. At nabihag nila ang lungsod.
21 將城中所有的一切,不詮男女老幼,牛羊驢馬,都用利劍殺盡。
Winasak nila ng ganap ang lahat ng nasa lungsod gamit ang talim ng espada—lalaki at babae, bata at matanda, lalaking baka, tupa at mga asno.
22 若蘇厄吩咐偵探這地的兩個人說:「你們到那妓女家裏去,照你們對她起的誓,將那女人和她所有的家人,從那裏領出來。」
Pagkatapos sinabi ni Josue sa dalawang lalaking nagmanman sa lupain, “Puntahan ang bahay ng bayarang babae. Dalhin palabas ang babae at lahat ng kasama niya, ayon sa inyong sumpa sa kaniya.”
23 那兩個年輕偵探就去將辣哈布和她的父母、兄弟和她所有的親戚,都領了出來,安置在以色列營外。
Kaya ang kabataang lalaki na nagmanman ay pumasok at inilabas si Rahab. Nilabas nila ang kaniyang ama, ina, mga kapatid at lahat ng kamag-anak na kasama niya. Dinala nila sila sa isang lugar sa labas ng kampo ng Israel.
24 此後眾人將城和城中所有的一切都用火燒了;惟獨把金銀以及銅鐵的器皿,送入上主居所的府庫中。
At sinunog nila ang lungsod at lahat ng naririto. Tanging pilak, ginto at mga sisidlang tanso at bakal ang inilagay sa ingatang yaman ng bahay ni Yahweh.
25 至於妓女辣哈布與她父家,並她所有火家人,若蘇厄使之生存,直到今天,她還住在以色列人中,因為她隱藏了若蘇厄派去偵探耶利哥的兩個使者。
Pero pinahintulutan ni Josue si Rahab ang bayarang babae, ang sambahayan ng kaniyang ama, at lahat ng kasama niya na mabuhay. Nanirahan siya sa Israel hanggang sa araw na ito, dahil itinago niya ang mga lalaking ipinadala ni Josue para magmanman sa Jerico.
26 那時若蘇厄起誓說:「凡著手重建這耶利哥城的人,在上主面前是可咒罵的。他奠基時必喪失長子,安門時必喪失幼兒。」
Pagkatapos sa pagkakataong iyon inutusan sila ni Josue kasama ng isang panunumpa at sinabi niya, “Sumpain ang tao sa paningin ni Yahweh na magtatayong muli ng lungsod na ito, ang Jerico. Sa ikapapahamak ng kaniyang panganay na anak na lalaki, ilalatag niya ang pundasyon at sa ikapapahamak ng kaniyang bunsong anak na lalaki, itatayo niya ang mga tarangkahan nito.”
27 上主與若蘇厄同在,他的名聲傳遍了那一帶地方。
Kaya kasama ni Josue si Yahweh at kumalat ang kaniyang katanyagan sa buong lupain.

< 約書亞記 6 >