< 約伯記 9 >

1 約伯答覆說:
Pagkatapos sumagot si Job at sinabi, “
2 我確實知道事情是這樣,但人怎能同天主講理﹖
tunay na alam ko na ganito nga ito. Pero paano magiging matuwid ang isang tao sa harap ng Diyos?
3 人若願意同天主辯論,千個問題中,誰也回答不出一個。
Kung gusto niyang makipagtalo sa Diyos, hindi niya siya sasagutin kahit minsan lang sa libong beses.
4 雖心中明智,力量強大,但誰能對抗天主,而保平安﹖
Ang Diyos ay marunong sa puso at makapangyarihan sa lakas; Sino ang nagmatigas laban sa kaniya ang nagtagumpay kailanman? —
5 他可移山,山卻不知;他一發怒,山即翻轉;
siya na nagtatanggal ng mga bundok na walang babala sa sinuman kapag pinapataob niya ang mga ito dahil sa kaniyang galit—
6 他振搖大地,使之脫離原處,地柱隨之搖撼震動;
siyang yumayanig sa daigdig mula sa kinalalagyan nito at pinapanginig ang mga sandigan nito.
7 他一下令,太陽即不昇起,星辰即封閉不動;
Ito rin ang Diyos na nagsasabi sa araw na huwag sumikat, at ito nga ay hindi sumikat, at siyang nagtatakip sa mga bituin,
8 惟有他展開天空,步行海波之上;
siya na mismong naglatag ng mga kalangitan at siyang yumuyurak at sumusupil sa mga alon ng dagat,
9 他創造了北斗和參宿,昂星及南極星辰;
siya na gumawa sa Oso, sa Orion, sa Pleyades, at sa kumpol ng mga bituin sa katimugan.
10 他所作的大事,不可勝數。
Ito rin ang Diyos na gumagawa ng mga dakilang bagay, mga bagay na hindi kayang maunawaan—sa katunayan, mga kahanga-hangang bagay na hindi mabibilang.
11 他由我身旁經過,我卻沒有看見;他走過去,我仍沒有發覺。
Masdan mo, sinasamahan niya ako, at hindi ko siya nakikita; Dumadaan din siya, pero hindi ko siya napapansin.
12 他若搶奪,誰能阻擋﹖誰能問他說:「你作什麼﹖」
Kung makakahuli siya ng biktima, sino ang makakapigil sa kaniya? Sino ang magsasabi sa kaniya, “Ano ang iyong ginagawa?”
13 天主一憤怒,決不收回。為虎作倀的,必屈伏在他以下。
Hindi babawiin ng Diyos ang kaniyang galit; ang mga katulong ni Rahab ay yumuko sa ilalim niya.
14 如此我怎敢回答,我怎敢措辭與他抗辯﹖
Paano ako makakasagot sa kaniya, maaari ba akong mamili ng mga salita para ikatwiran sa kaniya?
15 縱然有理,也不敢回答,唯有哀求我的判官開恩。
Kahit na ako ay matuwid, hindi ko siya kayang sagutin; ang puwede ko lang gawin ay magmakaawa sa aking hukom.
16 我向他呼求,縱然他答應我,我仍不相信他會聽我的呼聲。
Kahit na ako ay tumawag at sinagot niya ako, hindi ako naniniwala na nakikinig siya sa aking tinig.
17 他為了一根頭髮而折磨我,無故增加我的創傷;
Dahil binabasag niya ako sa pamamagitan ng bagyo at pinaparami ang aking mga sugat nang walang dahilan.
18 致使我不能喘一口氣,使我飽嘗苦辛。
Hindi man lamang ako hinayaang mahabol ang aking hininga; sa halip ay pinuno niya ako nang kapaitan.
19 論力量,他強而有力;論審判,誰能將他傳來﹖
Kung kami ay nagsasalita tungkol sa kalakasan, bakit, siya ay makapangyarihan! At kung pinag-uusapan natin ang tungkol sa katarungan, 'Sino,' sabi niya, 'ang magtatanong sa akin?'
20 我雖自以為正義,他的口卻判定我有罪;我雖自覺無辜,他卻證明我有偏差。
Kahit na ako ay matuwid, ang sarili kong bibig ang hahatol sa akin; kahit na ako ay walang kasalanan, patutunayan pa rin nito na ako ay may pagkakasala.
21 我是無辜的,我已不顧及我的生命,我已厭惡生活下去。
Ako ay walang kapintasan pero wala na akong pakialam sa aking sarili; kinasusuklaman ko ang sarili kong buhay.
22 因此我說:都是一樣。善人惡人,他一概滅絕。
Wala itong pagkakaiba, kaya ko sinasabi na magkasama niyang sinisira ang mga taong walang kasalanan at ang mga masasamang tao.
23 若天災突然降下使人猝死,他便嘲笑無罪者的絕望。
Kung ang isang salot ay biglang pumatay, tatawanan niya ang mga pagdurusa ng mga taong walang kasalanan.
24 大地落在惡人的手裏,蒙蔽判官臉面的,不是他,是誰呢﹖
Ang lupa ay ibinigay sa kamay ng mga masasamang tao; tinatakpan ng Diyos ang mga mukha ng mga hukom nito. Kung hindi siya ang gumagawa nito, kung gayon sino?
25 我的日月過去比跑信的還快;疾走而過,無福樂可享。
Ang aking mga araw ay mas matulin kaysa tumatakbong mensahero; lumilipas ang aking mga araw; wala silang nakikitang mabuti kahit saan.
26 急急駛過,似蘆葦船,如驟降攫食的鷹。
Sila ay kasing-bilis ng mga bangkang tambo ng papirus, at kasing-bilis ng pagsalakay ng agila na dumadagit sa kaniyang biktima.
27 我若決意忘掉我的哀怨,改變愁容,表示愉快;
Kung sinabi kong kakalimutan ko ang aking mga hinaing, na huhubarin ko ang malungkot kong mukha at magpapakasaya,
28 但一想到我的痛苦,我就恐怖。我知道你決不以我為無辜。
ako ay maaring matakot sa lahat ng aking mga kalungkutan dahil alam ko na hindi mo isaalang-alang na ako ay walang sala.
29 我若是有罪,又何苦白費心血﹖
Ako ay hahatulan; kung gayon, bakit pa ako susubok nang wala namang kahihinatnan?
30 我即便用雪洗我身,用鹹水洗我手,
Kung huhugasan ko ang aking sarili ng tubig-niyebe at gagawin kong napakalinis ang aking mga kamay,
31 你卻把我浸在泥坑內,甚至我的衣服都憎惡我。
itutulak ako ng Diyos sa isang hukay, at ang aking mga kasuotan ay mayayamot sa akin.
32 因為他不像我是個人,使我能答覆他,或讓我們同去聽審。
Dahil ang Diyos ay hindi tao, kagaya ko, na maaari ko siyang sagutin, na pareho kaming pupunta sa hukuman.
33 在我們中間沒有仲裁,可按手在我們兩造之間。
Walang hukom sa pagitan namin na maaaring magpatong ng kaniyang kamay sa aming dalawa.
34 但願他的棍杖遠離我,他的威嚴不要恐嚇我,
Walang ibang hukom na maaring mag-alis ng pamalo ng Diyos sa akin, na maaaring pumigil sa kaniyang bagsik para hindi ako matakot.
35 我好能講話而不害怕;但是如今我並非如此。
Sa gayon magsasalita ako at hindi matatakot sa kaniya. Pero sa kasalukuyang kalagayan, hindi ko iyon magagawa.

< 約伯記 9 >