< 約伯記 7 >
1 人生在世,豈不像服兵役﹖人的歲月,豈不像傭工的時日﹖
Hindi ba't may mabigat na gawain ang bawat isang tao sa ibabaw ng lupa?
Hindi ba na ang kaniyang mga araw ay gaya ng isang taong upahan?
3 這樣,我也只有承受失意的歲月,為我注定的苦痛長夜。
Katulad ng isang alipin na maalab na ninanais ang mga anino ng gabi, katulad ng isang taong upahan na naghihintay sa kaniyang mga sahod- kaya nagtiis ako sa mga buwan ng kahirapan; nagkakaroon ako ng mga gabing punong-puno ng kaguluhan.
4 我臥下時說:「幾時天亮﹖」我起來時又說:「黑夜何時到﹖」我整夜輾轉反側,直到天亮。
Kapag ako ay humihiga, sinasabi ko sa aking sarili, “Kailan ako babangon at kailan lilipas ang gabi? Punong-puno ako ng kabalisahan hanggang sa magbukang-liwayway.
Ang aking laman ay nadadamitan ng mga uod at mga tipak ng alikabok; nanigas na ang mga sugat sa aking balat at saka malulusaw at mananariwang muli.
Ang aking mga araw ay mas mabilis kaysa sa panghabi; lilipas sila nang walang pag-asa.
7 請你記住:我的生命無非像一口氣,我的眼再也見不到幸福。
Alalahanin mo O Diyos na ang aking buhay ay isa lamang hininga; ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng kabutihan.
8 注目於我的,再也見不到我;你的眼看我時、我已不在了。
Ang mata ng Diyos, na nakikita ako, ay hindi na muli ako makikita; Ang mga mata ng Diyos ay tutuon sa akin pero hindi na ako mabubuhay.
9 他去了,好像雲消霧散;下到陰府的,再也不得上來, (Sheol )
Gaya ng isang ulap na napapawi at nawawala, gayon din ang siyang bumababa sa sheol ay hindi na aahon pa. (Sheol )
Siya ay hindi na babalik pa sa kaniyang tahanan; ni makikilala pa siya muli sa kaniyang lugar.
11 為此,我不能再閉口不言,我要吐露我心靈的憂愁,陳述我靈魂的苦楚。
Kaya hindi ko pipigilin ang aking bibig; Magsasalita ako sa kadalamhatian ng aking espiritu; Ako ay dadaing sa kapaitan ng aking kaluluwa.
Ako ba ay isang dagat, o isang halimaw sa dagat para lagyan mo ng bantay?
13 我若想:「我的床榻會寬慰我,我的臥舖會減輕我的痛苦。」
Kapag sinasabi ko, 'Aaliwin ako ng aking higaan, at pakakalmahin ng aking upuan ang aking daing,
pagkatapos tinatakot mo ako sa mga panaginip at ako ay sinisindak sa mga pangitain,
kaya pipiliin ko ang magbigti at kamatayan sa halip na panatilihin pang buhay ang aking mga buto.
16 我已筋疲力盡,活不下去。任憑我去罷! 因為我的日月僅是一口氣。
Kinasusuklaman ko ang aking buhay; Hindi ko hinahangad na patuloy akong mabuhay; hayaan mo akong mag-isa dahil walang silbi ang aking mga araw.
Ano ang tao na dapat bigyan mo ng pansin, na dapat iyong ituon ang isip sa kaniya,
na dapat mong bantayan tuwing umaga at sinusubok mo siya sa bawat sandali?
Gaano katagal bago mo alisin ang iyong tingin sa akin? bago mo ako hayaang mag-isa nang may sapat na panahon para lunukin ang aking sariling laway?
20 監察人者啊! 我犯罪與你何干﹖為何叫我當你的箭靶,使我成為你的重擔﹖
Kahit ako ay nagkasala, ano ang magagawa nito sa iyo, ikaw na nagbabantay sa mga tao? Bakit mo ako ginawang isang pakay, para ba ako ay maging pasanin sa iyo?
21 為何你不肯容忍我的過錯,寬赦我的罪惡﹖不久我將臥在塵土中,任你尋找我,我已不在了。
Bakit hindi mo mapatawad ang aking mga pagsuway at alisin ang aking kasamaan? Sa ngayon ako ay hihiga sa alikabok; maingat mo akong hahanapin, pero wala na ako.”