< 約伯記 33 >

1 約伯,請你且聽我的話,側耳靜聽我說的一切。
Gayon man, Job, isinasamo ko sa iyo na, dinggin mo ang aking pananalita, at pakinggan mo ang lahat ng aking mga salita.
2 請看,我已開口,舌頭已在口腔內發言。
Narito, ngayon ay aking ibinuka ang aking bibig; nagsalita ang aking dila sa aking bibig.
3 我的話是出於正直的心,我的唇舌要清楚說明真理。
Sasaysayin ng aking mga salita ang katuwiran ng aking puso; at ang nalalaman ng aking mga labi ay sasalitaing may pagtatapat.
4 天主的神造了我,全能者的氣息使我生活。
Nilalang ako ng Espiritu ng Dios, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay.
5 你如果能夠,就回答我,請準備好,來對抗我。
Kung ikaw ay makasasagot ay sumagot ka sa akin; ayusin mo ang iyong mga salita sa harap ko, tumayo ka.
6 看,我與你在天主前都是一樣,我也是用泥土造成的。
Narito, ako'y sa Dios na gaya mo: ako ma'y nilalang mula rin sa putik.
7 所以我的威嚇不會使你恐怖,我的手也不會重壓在你身上。
Narito, hindi ka tatakutin ng aking kakilabutan, ni ang aking kalakhan man ay magiging mabigat sa iyo.
8 你所說的,我已耳聞,聽到了你所說的話:「
Tunay na ikaw ay nagsalita sa aking pakinig, at aking narinig ang tinig ng iyong mga salita, na nagsasabi,
9 我本純潔無罪,清白無瑕。
Ako'y malinis na walang pagsalangsang; ako'y walang sala, ni may kasamaan man sa akin:
10 但天主卻在我身上找錯,視我為他的對頭;
Narito, siya'y nakasumpong ng kadahilanan laban sa akin, ibinilang niya ako na pinakakaaway:
11 他把我的腳縛在木樁上,窺察我的一切行動。」
Inilagay niya ang aking mga paa sa mga pangawan, kaniyang pinupuna ang lahat na aking landas.
12 我答覆你說:你這話說的不對,因為天主遠超世人。
Narito, ako'y sasagot sa iyo, dito'y hindi ka ganap; sapagka't ang Dios ay dakila kay sa tao.
13 他既不答覆你說的一切話,你為何還同他爭辯﹖
Bakit ka nakikilaban sa kaniya? Sapagka't hindi siya nagbibigay alam ng anoman sa kaniyang mga usap.
14 原來天主用一種方法向人講話,人若不理會,他再用另一種方法:
Sapagka't ang Dios ay minsang nagsasalita, Oo, makalawa, bagaman hindi pinakikinggan ng tao.
15 天主有時藉夢和夜間的異像,當人躺在床上沉睡的時候,
Sa isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi, pagka ang mahimbing na pagkakatulog ay nahuhulog sa mga tao, sa mga pagkakatulog sa higaan;
16 開啟人的聽覺,用異像驚嚇他,
Kung magkagayo'y ibinubukas niya ang mga pakinig ng mga tao, at itinatatak ang kanilang turo,
17 使人脫離惡念,使人剷除驕傲,
Upang ihiwalay ang tao sa kaniyang panukala, at ikubli ang kapalaluan sa tao;
18 阻攔他陷於陰府,救他的性命脫離溝壑。
Kaniyang pinipigil ang kaniyang kaluluwa sa pagbulusok sa hukay, at ang kaniyang buhay sa pagkamatay sa pamamagitan ng tabak.
19 天主也有時懲罰人在床上受痛苦,使他的骨頭不斷的刺痛,
Siya nama'y pinarurusahan ng sakit sa kaniyang higaan, at ng palaging antak sa kaniyang mga buto:
20 以致他討厭食物,他的心厭惡美味。
Na anopa't kinayayamutan ng kaniyang buhay ang tinapay, at ng kaniyang kaluluwa ang pagkaing pinakamasarap,
21 他身上的肉已消逝不見,他枯瘦的骨頭,已開始外露。
Ang kaniyang laman ay natutunaw, na hindi makita; at ang kaniyang mga buto na hindi nakita ay nangalilitaw.
22 他的靈魂已臨近墓穴,他的生命已接近死亡之所。
Oo, ang kaniyang kaluluwa ay nalalapit sa hukay, at ang kaniyang buhay sa mga mangwawasak.
23 一千天使中,若有一個在他身傍,作他的代言人,提醒他應行的義務,
Kung doroong kasama niya ang isang anghel, isang tagapagpaaninaw, na isa sa gitna ng isang libo, upang ipakilala sa tao kung ano ang matuwid sa kaniya;
24 且憐憫那人,為他轉求說:「求你拯救他,以免陷於陰府,因為我已找到了贖金。」
Kung magkagayo'y binibiyayaan niya siya at nagsasabi, Iligtas mo siya sa pagbaba sa hukay, ako'y nakasumpong ng katubusan.
25 他的肉身比少年人的肉身必更健美,他的青春歲月又恢復了。
Ang kaniyang laman ay magiging sariwa kay sa laman ng isang bata; siya'y bumabalik sa mga kaarawan ng kaniyang kabataan:
26 他祈求天主,必獲得悅納。他必歡樂得見天主的儀容,天主也必恢復他的正義。
Siya'y dumadalangin sa Dios, at nililingap niya siya: na anopa't kaniyang nakikita ang kaniyang mukha na may kagalakan: at kaniyang isinasa tao ang kaniyang katuwiran.
27 那時,他將在人前重述所經歷的事說:「我犯了罪,顛倒了是非,但他沒有照我的罪罰我。
Siya'y umaawit sa harap ng mga tao, at nagsasabi, Ako'y nagkasala, at sumira ng matuwid, at hindi ko napakinabangan:
28 他救了我生命免入陰府,使我重見光明。」
Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa pagyao sa hukay, at ang aking buhay ay makakakita ng liwanag.
29 這就是天主接二連三為人所做的事,
Narito, ang lahat ng mga bagay na ito ay gawa ng Dios, makalawa, oo, makaitlo sa tao,
30 挽救他脫離陰府,重見生命之光。
Upang ibalik ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay, upang siya'y maliwanagan ng liwanag ng buhay.
31 約伯啊! 請留神傾聽,靜靜地聽我說話!
Pansinin mong mabuti, Oh Job, dinggin mo ako: tumahimik ka, at ako'y magsasalita.
32 你若有話說,請即回覆我,你儘管說,因為我願聽你的理。
Kung ikaw ay may anomang bagay na sasabihin, sagutin mo ako: ikaw ay magsalita, sapagka't ibig kong ariin kang ganap.
33 若沒有話,且聽我說,靜聽我要教給你的智慧。
Kung hindi, dinggin mo ako: tumahimik ka, at tuturuan kita ng karunungan.

< 約伯記 33 >