< 約伯記 24 >
1 全能者為何不劃定一個期限呢﹖忠於他的人為何看不到他的日子﹖
Bakit hindi tinakda ng Makapangyarihan ang panahon ng paghahatol sa masasamang tao? Bakit hindi nakikita ng mga tapat sa Diyos ang paparating na panahon ng kaniyang paghuhukom?
Mayroong mga masasama na tinatanggal ang mga hangganan ng tagamarka; mayroong mga masasama na pilit kinukuha ang mga kawan at nilalagay sa sarili nilang mga pastulan.
Tinataboy nila ang alagang asno ng mga taong walang ama; kinukuha nila ang kapong baka ng balo bilang kasiguraduhan.
Pinapalayas nila ang mga nangangailangan sa kanilang dinaraanan; tinatago ng mga mahihirap sa mundo ang sarili nila mula sa kanila.
5 看啊! 他們像曠野的野驢,出來尋覓食物;他們縱使到晚操作,卻找不到養子女的食物。
Tingnan ninyo, pumupunta ang mga mahihirap na ito sa kanilang trabaho gaya ng mga ligaw na asno sa ilang, maingat na naghahanap ng pagkain; marahil pagkakalooban sila ng pagkain ng Araba para sa kanilang mga anak.
Umaani sa gabi ang mga mahihirap sa palayan ng ibang tao; namumulot sila ng mga ubas mula sa inani ng mga masasama.
Buong gabi silang hubad na nakahiga nang walang damit; wala silang panakip sa lamig.
Basa sila ng mga ambon ng mga bundok; nahihiga sila sa tabi ng malalaking bato dahil wala silang masisilungan.
9 另有些人將孤兒從母懷中搶去,剝去窮人的衣服作抵押,
Mayroong masasama na kinukuha ang mga ulila mula sa dibdib ng kanilang ina, at masasamang tao na kinukuha ang mga bata bilang kasiguraduhan mula sa mga mahihirap.
Pero naglilibot ang mga mahihirap nang walang damit; bagaman sila ay nagugutom, dinadala nila ang bungkos ng mga butil ng iba.
Gumagawa ng langis ang mga mahihirap sa loob ng mga pader ng masasama. Tinatapakan nila ang pampiga ng ubas ng masasama, pero sila mismo ay nagdudusa ng kauhawan.
12 臨死者的呻吟,聲聞城外;負傷者呼求救援,天主卻不理會他們的哀求。
Dumadaing ang mga tao sa lungsod, umiiyak ang mga sugatan, pero hindi pinapansin ng Diyos ang kanilang mga panalangin.
13 另有些人反抗光明,不認識光明的道路,更不走光明的途徑。
Ang ilan sa masasama ay naghihimagsik laban sa liwanag; hindi nila alam ang pamamaraan nito, ni nagpapatuloy sa daan nito.
14 兇手黎明即起,去殺害困苦和貧窮的人,夜間去作盜賊。
Bumabangon ang mamamatay-tao kasabay ng liwanag; pinapatay niya ang mahihirap at nangangailangan; sa gabi ay tulad siya ng magnanakaw.
15 姦夫的眼盼望黃昏,他心裏說:「沒有眼可看見我! 」就將自己的臉遮蔽起來。
Gayundin, inaabangan ng mata ng nakikiapid ang takipsilim, sinasabi niya, 'Walang mata ang makakakita sa akin'. Tinatago niya ang kaniyang mukha.
16 竊賊夜間挖穿屋牆,白日將自己關起,不願看見光明,
Sa kadiliman ay nagbubungkal sa loob ng bahay ang mga masasama; pero kinukulong nila ang kanilang sarili sa araw; wala silang pakialam sa liwanag.
17 因為早晨對這班人有如死影,他們已熟悉了黑暗的恐怖。
Dahil ang umaga para sa kanilang lahat ay gaya ng makapal na kadiliman; maginhawa sila sa mga katakot-takot na mga bagay sa makapal na kadiliman.
18 他們輕如水萍,隨波逐流,地上的家業已被詛咒,榨酒者不再走入他們的葡萄園。
Pero, mabilis silang lumilipas gaya ng bula sa ibabaw ng mga tubig; may sumpa ang bahagi ng kanilang lupa; walang nagtatrabaho sa kanilang ubasan.
19 亢旱酷暑怎樣溶盡雪水,陰府也怎樣將罪犯吸去。 (Sheol )
Tinutupok ng tagtuyot at init ang tubig ng niyebe; gayundin nilalamon ng sheol ang mga nagkasala. (Sheol )
20 懷孕他的要忘掉他,蛆蟲要腐蝕他,人不再記念他,邪惡如樹一般被人砍倒。
Makakalimutan siya ng sinapupunang nagdala sa kaniya; matamis siyang kakainin ng mga uod, hindi na siya maaalala magpakailanman; sa ganitong paraan, mababali ang kasamaan gaya ng puno.
Nilalamon ng masama ang mga baog na babae na kailanman ay hindi nanganak; wala siyang ginagawang mabuti sa balo.
22 然而天主將以威力擄獲強者,他必興起,使他們不能保存生命。
Pero tinatangay ng Diyos ang makapangyarihang mga tao sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan; bumabangon siya at hindi pinalalakas ang kanilang buhay.
23 雖暫時讓他們平安休息,但他的眼正監視著他們的行徑。
Hinahayaan ng Diyos na isipin nila na ligtas sila, at masaya sila roon, pero ang mata niya ay nasa kanilang mga kinikilos.
24 他們居於高位,不久即不見了;他們必喪亡,有如鹹草;必被剪去,猶如麥穗。
Tinatanghal ang mga taong ito; pero, sa ilang sandali lamang, maglalaho sila; tunay nga, ibababa sila; titipunin sila gaya ng ilan; mapuputol sila gaya ng dulo ng butil ng palay.
25 是否如此﹖誰能證明我說謊,誰能以我的話為荒誕﹖
Kung hindi ito totoo, sino ang makapagpapatunay na sinungaling ako; sino ang makapagpapawalang-bisa ng aking mga salita?”