< 約伯記 10 >
1 我實在厭惡我的生活,我要任意苦訴我的怨情,傾吐我心中的酸苦。
Napapagod ako sa aking buhay; magbibigay ako ng malayang pagpapahayag sa aking hinaing; magsasalita ako sa kapaitan ng aking kaluluwa.
2 我要對天主說:不要定我的罪! 請告訴我:你為何與我作對﹖
Sasabihin ko sa Diyos, huwag mo akong basta isumpa; ipakita mo kung bakit mo ako inaakusahan.
3 你對親手所造的,加以虐待和厭棄,卻顯揚惡人的計劃,為你豈有好處﹖
Makakabuti ba para sa iyo na ako ay iyong apihin, na kasuklaman ang mga gawa ng iyong mga kamay habang ikaw ay nakangiti sa mga plano ng masasama?
Mayroon ka bang mga mata? Nakakakita ka ba kagaya ng nakikita ng tao?
Ang mga araw mo ba ay kagaya ng mga araw ng sangkatauhan o ang mga taon mo ba ay kagaya ng mga taon ng mga tao,
na nag-uusisa sa aking mga kasamaan at nagsasaliksik ng aking mga kasalanan,
7 其實你知道我並沒有罪過,也知道無人能拯救我脫離你的掌握。
kahit na alam mong wala akong kasalanan at walang sinumang makakasagip sa akin mula sa iyong mga kamay?
8 你親手形成了我,創造了我;此後你又轉念想消滅我。
Ang iyong mga kamay ang nagbalangkas at humubog sa akin, pero sinisira mo ako.
9 求你記憶:你造我時就像摶泥,難道還使我歸於泥土﹖
Alalahanin mo, nagsusumamo ako sa iyo, na hinubog mo ako gaya ng putik; ibabalik mo ba muli ako sa alabok?
Hindi ba't ibinuhos mo ako na parang gatas at binuo mo ako na parang keso?
11 用皮和肉作我的衣服,用骨和筋把我全身聯絡起來﹖
Binihisan mo ako ng balat at laman at hinabi mo akong magkakasama ng mga buto at mga litid.
12 是你將我生命的恩惠賜給了我,細心照顧維持了我的氣息。
Pinagkalooban mo ako ng buhay at katapatan sa tipan; ang tulong mo ang nagbantay sa aking espiritu.
Gayon man itinago mo ang mga bagay na ito sa iyong puso—alam ko ito ang iyong iniisip:
14 你監視我,看我是否犯罪;如果我有罪;你決不放過。
na kung ako ay nagkasala, napapansin mo ito; Hindi mo ako ipapawalang-sala sa aking mga kasamaan.
15 我若有罪,我就有禍了! 我若有義,也不敢抬頭,因為我已備嘗凌辱,吃盡苦頭。
Kung ako ay masama, sumpain ako; kahit ako ay matuwid, hindi ko maaring itaas ang aking ulo, yamang puno ako nang kahihiyan at pinagmamasdan ang sarili kong paghihirap.
16 我若抬頭,你就像獅子追捕我,向我表現你的奇能,
Kung titingala ang aking ulo, hinuhuli mo ako tulad ng isang leon; muli mong ipinapakita sa akin na ikaw ay makapangyarihan.
Nagdadala ka ng mga bagong saksi laban sa akin at dinadagdagan mo ang iyong galit sa akin; sinasalakay mo ako ng mga bagong hukbo.
18 你為何叫我出離母胎﹖不如我那時斷氣,無人見我,
Bakit, kung gayon, inilabas mo ako mula sa sinapupunan? Sana ay isinuko ko na ang aking espiritu para wala ng mata ang nakakita sa akin kailanman.
19 就好像從未有過我一樣,一出母胎即被送入墳墓。
hindi na sana ako nabuhay; binitbit na sana ako mula sa sinapupunan diretso sa libingan.
Hindi ba kaunti na lang ang aking mga araw? Kung gayon ay tapusin na, hayaan akong mag-isa, para magkaroon naman ako ng kaunting pahinga
bago ako pumunta kung saan hindi na ako makakabalik, sa lupain ng kadiliman at sa anino ng kamatayan,
ang lupain na kasing-dilim ng hatinggabi, sa lupain ng anino ng kamatayan, walang kahit anong kaayusan, kung saan ang liwanag ay kagaya ng hatinggabi.””