< 耶利米書 9 >

1 恨不得我的頭髮變成水源,我的眼化為淚泉,好能日夜哭泣我被殺死的女兒──人民!
Kung maaari lamang magpalabas ng tubig ang aking ulo at maging bukal ng luha ang aking mga mata! Sapagkat nais kong umiyak sa umaga at gabi para sa mga anak ng aking mga tao na pinatay.
2 誰能在o石我找一個旅棧,叫我好離開我的人民,離他們而遠去﹖因為都是些亂之徒,是一群反叛;
Kung may makapagbibigay lamang sa akin ng isang lugar sa ilang na para sa mga manlalakbay upang panirahan, na aking mapupuntahan upang talikuran ang aking bayan. Kung maaari ko lamang silang iwanan, yamang mga nakikiapid silang lahat, isang pangkat ng mga taksil!
3 他們彎起像弓的舌頭,使 在地上得勢的,是虛偽而不是誠實,因為他們變本加厲作惡,全不理睬我──上主的斷語。
Ipinahayag ni Yahweh, “Nagsasabi ang kanilang mga dila ng mga kasinungalingan, na kanilang mapanlinlang na sandata, ngunit hindi sila dakila sa katapatan sa lupa. Patuloy silang gumagawa ng masama sa iba. Hindi nila ako kilala.”
4 你們應各自提防自己的近人,不要信任弟兄,因為所有的弟兄都愛好欺詐,一般的近人都好說讒言;
Bantayan ng bawat isa sa inyo ang inyong kapwa at huwag magtiwala sa sinumang kapatid. Sapagkat mandaraya ang bawat kapatid at namumuhay sa paninirang-puri ang bawat kapwa.
5 人都欺騙自己的近人,不講實話,使自己的舌頭慣於說謊,謁力行惡,
Kinukutya ng bawat isa ang kaniyang kapwa at hindi nagsasabi ng katotohanan. Nagtuturo ng mga mapanlinlang na bagay ang kanilang mga dila. Pagod na pagod sila sa paggawa ng malaking kasalanan.
6 不願悔悟,卻強暴上又加強暴,欺詐上又加欺詐,全不理睬我──上主的斷語。
Namuhay kayo sa gitna ng pandaraya. Sa kanilang panlilinlang, tinanggihan nila akong kilalanin. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
7 為此萬軍的上主這樣說:「看,我要將他們淨化,提煉;否則,我將怎樣處理我的女兒──人民──的邪惡﹖
Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, “Tingnan ninyo, susubukin at susuriin ko sila. Ano pa ang aking gagawin para sa anak ng babae ng aking mga tao?
8 他們的舌頭像毒箭,好出詐言;嘴上對鄰友說話溫和,心中卻設計陷害。
Matatalas na palaso ang kanilang mga dila at nagsasalita sila ng mga bagay na kasinungalingan. Sa pamamagitan ng kanilang mga bibig, naghahayag sila ng kapayapaan sa kanilang kapwa, ngunit sa kanilang mga puso inaabangan nila sila.
9 為這些事我豈能不懲罰﹖──上主的斷語──像這樣的一個民族,我豈能不圖報復﹖
Hindi ko ba sila dapat parusahan dahil sa mga bagay na ito at hindi ko ba ipaghihiganti ang aking sarili sa bansang tulad nito? Ito ang pahayag ni Yahweh.
10 我要為群山號咷痛哭,為原野高唱哀歌,因為全都被焚毀,沒有人往來,再聽不到牲畜的聲音;自天空的飛鳥到地上的走獸,都逃去無蹤。
Aawit ako ng mga awiting panluksa at panaghoy para sa mga kabundukan, at isang awit na panlibing ang aawitin para sa kaparangan. Sapagkat nasunog ang mga ito kaya walang sinuman ang makadadaan dito. Hindi sila makaririnig ng anumang huni ng baka. Nagsilayo lahat ang mga hayop at ang mga ibon sa kalangitan.
11 我要使耶路撒冷成為廢壚,成為豺狼的巢穴;使猶大的城市荒涼,無人居住。
Kaya gagawin kong bunton ng pagkasira ang Jerusalem, isang taguan ng mga asong-gubat. Gagawin kong mga wasak na lugar ang mga lungsod ng Juda na walang maninirahan.
12 誰夠聰明,明白這事﹖上主親口吩咐誰公佈這事﹖「為什麼像這地方遭受毀滅,荒蕪得有如無人經過的曠野﹖」
Sino ang matalinong tao na makauunawa nito? Ano ang ipinahayag ni Yahweh sa kaniya upang maaari niya itong iulat? Bakit nawasak ang kalupaan? Nawasak ito tulad ng ilang, kung saan walang sinuman ang makadadaan dito.
13 上主說:因為他們離棄了我給他們立的法律,沒有聽從我的聲音,沒有按照法律而行;
Sinasabi ni Yahweh, “Dahil ito sa pagtalikod nila sa kautusan na aking ibinigay sa kanila at dahil hindi nila pinakinggan ang aking tinig o ipinamuhay ito.
14 反而去順從自己頑固的心,追隨祖先教給他們的巴耳神。
Ito ay dahil namuhay sila sa pamamagitan ng kanilang mga matitigas na puso at sa pagsunod sa mga Baal tulad ng itinuro sa kanila ng kanilang mga ama na gagawin nila.
15 為此萬軍的上主,以色列的天主這樣說:看,我必使這人民吃毒艾,飲毒水;
Kaya, ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel. 'Tingnan ninyo, pakakainin ko ang mga taong ito ng mapapait na halaman at paiinumin ng nakalalasong tubig.
16 使他們流離到他們和他們祖先素不相識的民族中;派刀劍追擊他們,直至將他們完全消滅。
At ikakalat ko sila sa mga bansa na hindi nila nakikilala maging ng kanilang mga ninuno. Magpapadala ako ng espadang tutugis sa kanila hanggang sa ganap ko silang mawasak.”'
17 萬軍的上主這樣說:你們應該明白,快召哀悼的婦女來,派人去叫擅長哭泣的女人來,
Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, “Unawain ninyo ito: Tawagin ninyo ang mga mang-aawit sa paglilibing at hayaan silang lumapit, magpadala kayo ng mga babaeng mahuhusay sa pagdadalamhati at hayaan silang lumapit.
18 叫她們迅速前來,我們啼哭,使我們的眼睛流下眼淚,使我們的睫毛湧出睙水,
Madaliin sila at paawitin ng awiting panluksa sa atin, upang dumaloy ang luha sa ating mga mata at daluyan ng tubig ang talukap ng ating mga mata.
19 因為從熙雍那裏可以聽到哭聲:我們怎樣崩潰了,受了許多多大的恥辱! 竟要離開本國,拋棄我們的家園!
Sapagkat narinig sa Zion ang hiyaw ng panaghoy. 'Ganap kaming nawasak. Labis kaming nahiya, sapagkat nilisan namin ang lupain matapos nilang gibain ang aming mga tahanan.'
20 妳們婦女! 都應聽清上主的話,親耳聆聽衪口授的言詞;教妳們的女兒痛哭,彼此互相學唱哀歌:
Kaya kayong mga kababaihan, pakinggan ang salita ni Yahweh, bigyang pansin ang mga mensahe na nagmula sa kaniyang bibig. At turuan ninyo ang inyong mga anak na babae ng awiting panluksa at sa kapwa babae ng awiting panlibing.
21 因為死亡已從我們的窗戶爬進來,進入了我們的宮殿,殲滅了街上的孩童,和廣場上的青年。
Sapagkat dumating na ang kamatayan sa ating mga bintana, pupunta ito sa ating mga palasyo, pupuksain nito ang mga bata na nasa labas at mga kabataang nasa mga pamilihan ng lungsod.
22 你應這樣說──上主的斷語──人的屍體僵臥著,好像在田野裏的糞堆;又像遺留在收割者後面無人拾取的麥束。
'Ito ang pahayag ni Yahweh. 'Ipahayag ninyo ito, Malalaglag ang mga bangkay ng mga tao tulad ng dumi sa kabukiran at tulad ng mga tangkay ng butil sa likod ng manggagapas at walang sinuman ang magtitipon sa kanila.'”
23 上主這樣說:「智者不應誇耀自己的智慧,力士不應誇耀自己的力量,富人不應誇耀自己的財富。
Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Huwag ninyong hayaang magyabang ang mga matatalino sa kanilang karunungan o ang mandirigma sa kaniyang kalakasan. Huwag ninyong hayaang magyabang ang mayamang tao sa kaniyang kayamanan.
24 凡要誇耀的,只應該在「知道和認識我」這件事誇耀,因為在地上是我,上主,施行仁慈、公道和正義,因為我喜愛這樣事──上主的斷語。
Sapagkat kung magyayabang ang isang tao sa anumang bagay, ito dapat ang mayroon sa kaniya, na mayroon siyang pang-unawa at pagkilala sa akin. Sapagkat ako si Yahweh, na gumagawa ng matapat na kasunduan, katarungan at katuwiran sa sanlibutan. Sapagkat ito ang mga bagay na aking kinagagalak. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
25 看,時日將到──上主的斷語──我要懲罰所有受過割損而仍存有包皮的人,
Tingnan ninyo, darating ang mga araw na parurusahan ko ang lahat ng tuli lamang sa kanilang mga katawan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
26 即埃及、猶大、厄東、阿孟子民、摩阿布和所有住在曠野剃除鬚髮的人,因為這一切民族都未受過割損,至於以色列全家卻是未受過內心的割損」。
Parurusahan ko ang Egipto, Juda, Edom, mga tao sa Ammon, Moab at lahat ng tao na nagpaputol ng kanilang mga buhok sa ulo, na naninirahan sa disyerto. Sapagkat hindi tuli ang lahat ng bansang ito at matigas ang puso ng lahat ng nasa sambahayan ng Israel.”

< 耶利米書 9 >