< 耶利米書 32 >

1 猶大王漆德克雅第十年,拿步高在位第十八年,由上主傳給耶肋米亞先知的話:
Ito ang salitang dumating kay Jeremias mula kay Yahweh sa ikasampung taon ni Zedekias na hari ng Juda, sa ikalabing-walong taon ni Nebucadnezar.
2 那時巴比倫王的軍在隊正在圍攻耶路撒冷,耶肋米亞先知被幽禁在猶大王室監獄的庭院裏。
Sa panahong iyon, sinasalakay ng hukbo ng hari ng Babilonia ang Jerusalem, at si Jeremias na propeta ay nakakulong sa patyo ng bantay sa tahanan ng hari ng Juda.
3 猶大王漆德克雅幽禁了先知,對他說:「你為什麼預言說:上主這樣說:看,我必將這城交在巴比倫王手中,他要佔領這座城;
Ikinulong siya ni Zedekias na hari ng Juda at sinabi, “Bakit ka nagpapahayag at sinasabi, ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo, ibibigay ko ang lungsod na ito sa kamay ng hari ng Babilonia at sasakupin niya ito.
4 猶大王漆德克雅必逃不出加色丁人的手,因為他必被交在巴比倫王的手中,與他面對面相談,眼對眼相視;
Hindi makatatakas si Zedekias na hari ng Juda sa kamay ng mga Caldeo, sapagkat tunay ngang ipinasakamay siya sa hari ng Babilonia. Ang bibig niya ay makikipag-usap sa bibig ng hari, at makikita ng kaniyang mga mata ang mga mata ng hari.
5 他必帶漆德克雅到巴比倫去,住在那裏,我再來看顧他──上主的斷語──你們若抵擋加色丁人,決不會成功﹖」
Sapagkat pupunta si Zedekias sa Babilonia at mananatili siya roon hanggang sa may gawin ako sa kaniya, ito ang pahayag ni Yahweh, sapagkat nilabanan ninyo ang mga Caldeo. Hindi kayo magiging matagumpay.”
6 耶肋米亞說:「有上主的話傳給我說:
Sinabi ni Jeremias, “Ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
7 看,你叔父沙隆的兒子哈納默耳要到你這裏來說:你購買我在阿納托特的那塊田吧! 因為你有買回的權利,應把它買回來」。
'Tingnan mo, pupunta sa iyo si Hanamel ang lalaking anak ng iyong tiyuhin na si Salum at sasabihin, “Bilhin mo ang aking bukid na nasa Anatot para sa iyong sarili, sapagkat nasa iyo ang karapatang bilhin ito.'”
8 我叔父的兒子哈納默耳,正如上主所說,到監獄庭院裏來找我,對我說:「請你購買我在本雅明地內阿納托特木那塊田吧! 因為你有繼承權,和有權買回你為你自己買下吧! 」於是我知道,這是上主的話。
At gaya ng ipinahayag ni Yahweh, pumunta sa akin si Hanamel na lalaking anak ng aking tiyuhin sa patyo ng mga bantay, at sinabi sa akin, 'Bilhin mo ang aking bukid na nasa Anatot sa lupain ng Benjamin, sapagkat nasa iyo ang karapatan sa mana, at nasa iyo ang karapatang bilhin ito. Bilhin mo ito para sa iyong sarili.' At alam ko na salita ito ni Yahweh.
9 便買了我叔父的兒子哈納默刀在阿納托特的那塊地,秤給他十七「協刻耳」銀子,
Kaya binili ko ang bukid na nasa Anatot mula kay Hanamel, ang lalaking anak ng aking tiyuhin, at tinimbang ko ang pilak para sa kaniya, labing-pitong siklo.
10 寫了契約,封上,請人作證,在天秤上秤了銀子;
At sumulat ako sa isang kasulatang binalumbon at sinelyuhan ko ito, at may mga saksing nakasaksi nito. At tinimbang ko ang pilak sa timbangan.
11 然後按照法定條例,拿著加封和未加封的購買契約,
Pagkatapos, kinuha ko ang katibayan ng pagkabili na naselyuhan, bilang pagsunod sa utos at sa mga kautusan, gayon din ang hindi naselyuhang katibayan.
12 當著我叔父的兒子哈納默耳,和在購買契約上簽名的見證人,以及監獄庭院裏在座的眾猶大人眼前,將這購買的契約交給了乃黎雅的兒子,瑪赫色雅的孫子巴路克,
Ibinigay ko ang selyadong kasulatang nakabalumbon kay Baruc na lalaking anak ni Nerias na anak naman ni Maaseias sa harapan ni Hanamel, ang lalaking anak ng aking tiyuhin, at ng mga saksing nakasulat sa selyadong kasulatang binalumbon, at sa harapan ng lahat ng taga-Juda na nakaupo sa patyo ng bantay.
13 並當著左營眼前吩咐巴路克說:
Kaya nagbigay ako ng isang utos kay Baruc sa harap nila. Sinabi ko,
14 「萬軍的上主,以色列的天主這將這些加封和未加封的文件,購買的契約拿去,放在一瓦器內,長久保存,
'Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Kunin mo ang mga kasulatang binalumbon na ito kasama ang resibo ng pagbili na naselyuhan at itong hindi naselyuhan na kasulatang binalumbon. Ilagay mo ang mga ito sa bagong lalagyan upang tumagal ang mga ito sa mahabang panahon.
15 因為萬軍的上主以色列的天主這樣說:在這地方,人還要購買房屋、莊田和葡萄園」。
Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Ang mga tahanan, mga bukirin, at mga ubasan ay muling bibilhin sa lupaing ito.'
16 我將購買的契約交給乃黎雅的兒子巴路克以後,便祈求上主說:
Pagkatapos kong ibigay ang resibo ng pagbili kay Baruc na lalaking anak ni Nerias, nanalangin ako kay Yahweh at sinabi,
17 「啊! 我主上主! 看,你以你的大能和伸展的手臂創造了天地;為你是沒有困難的事。
'Oh, Panginoong Yahweh! Tingnan mo! Ikaw lamang ang lumikha sa kalangitan at sa lupa sa pamamagitan ng iyong dakilang lakas at sa pamamagitan ng iyong nakataas na braso. Wala kang sinabi na napakahirap para sa iyo na gawin.
18 你對千萬人施行仁慈,但也血後世的子孫本人,追討他們祖先的罪債;你們是偉大有力的天主,「萬軍的天主」是你的名號。
Nagpakita ka ng tipan ng katapatan sa libu-libo at ibinuhos mo ang kasamaan ng mga tao sa mga kandungan ng kanilang magiging mga anak. Ikaw ang dakila at makapangyarihang Diyos, Yahweh ng mga hukbo ang iyong pangalan.
19 你有偉大的計謀,行大事的能力;雙目注視人類子孫所有的行徑,依照各人的行徑和行事的結果,給予酬報。
Ikaw ay dakila sa karunungan at makapangyarihan sa mga gawa, sapagkat bukas ang iyong mga mata sa lahat ng ginagawa ng mga tao, upang ibigay sa bawat tao kung ano ang nararapat sa kaniyang pag-uugali at mga gawa.
20 你直到今日在埃及地,在以色列和人世間,施行奇蹟和異事,使你自己成名,有如今日;
Gumawa ka ng mga tanda at mga kababalaghan sa lupain ng Egipto. Maging sa kasalukuyang panahon dito sa Israel at sa lahat ng sangkatauhan, ginawa mong tanyag ang iyong pangalan.
21 你以靈蹟奇事,有力的手腕和伸展的臂膊,巨大恐嚇,從埃及地出了你的人民以色列,
Sapagkat inilabas mo ang iyong mga Israelita sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng mga tanda at mga kamangha-mangha, sa isang malakas na kamay, isang nakataas na braso, at nang may matinding takot.
22 給他們的祖先起誓,要給他們的這塊流奶流蜜的土地。
At ibinigay mo sa kanila ang lupaing ito, na iyong ipinangako sa kanilang mga ninuno na ibibigay sa kanila, isang lupaing umaapaw sa gatas at pulot-pukyutan.
23 他們來了,佔領了這地,郤沒有聽從你的聲音,沒有履行你的法律,沒有做你命他們應做的一切事,為此你給他們招來了這一切災禍。
Kaya pumasok sila at inangkin ito. Ngunit hindi nila sinunod ang iyong tinig o namuhay sa pagsunod sa iyong kautusan. Wala silang ginawa sa mga iniutos mo na kanilang gagawin, kaya dinala mo sa kanila ang lahat ng sakunang ito.
24 看,圍攻的工程已逼近城市,劫勢必攻陷;這個已面臨兵刀飢荒和瘟疫的城市,必落在進攻的加色丁人手中;你所說的,現已實現,你已目睹;
Tingnan mo! Ang mga bunton ng paglusob ay nakaabot sa lungsod upang sakupin ito. Sapagkat dahil sa espada, taggutom at salot, ang lungsod ay naipasakamay sa mga Caldeo na siyang na nakikipaglaban dito. Sapagkat nangyayari na ang sinabi mong mangyayari, at tingnan mo, pinanonood mo.
25 然而,我主上主! 正當這城交在加色丁人手中之際,你卻對我說:你要請人作證,用銀子購買田地」。
At ikaw mismo ang nagsabi sa akin, “Bumili ka ng isang bukid para sa iyong sarili sa pamamagitan ng pilak at tumawag ng mga saksi upang saksihan ito, bagaman ibinigay ang lungsod na ito sa mga Caldeo.””
26 於是有上主的話通過給我說:
Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Jeremias at sinabi,
27 「看,我是上主,是一切有血肉者的天主:難道我有做不到的事嗎﹖
“Tingnan mo! Ako si Yahweh, ang Diyos ng sangkatauhan. Mayroon bang bagay na napakahirap gawin para sa akin?
28 為此,上主這樣說:看,我將這城交在加色丁人和巴比倫拿步高的手中,他必佔領這座城。
Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan, ibibigay ko ang lungsod na ito sa kamay ng mga Caldeo at kay Nebucadnezar, ang hari ng Babilonia. Sasakupin niya ito.
29 進攻這城的加色丁人要來放火焚燒,把這座城和在屋頂上給巴耳焚香,向外神行奠禮,惹我動怒的房屋,燒得乾乾淨淨,
Darating ang mga Caldeo na nakikipaglaban sa lungsod na ito at susunugin ang lungsod na ito, kasama ang mga bahay kung saan ang mga bubungan ay pinagsambahan ng mga tao kay Baal at pinagbuhusan ng mga inuming handog sa ibang diyos upang galitin ako.
30 因為以色列和猶大子民自幼在我眼前只知作惡;實在,以色列子民雙手所行的,無不使我動怒──上主的斷語──
Sapagkat tiyak na ang mga Israelita at ang mga taga-Juda ay mga tao na gumagawa ng kasamaan sa harap ng aking mga mata mula pa sa kanilang pagkabata. Ang mga Israelita ay talagang sinaktan ako sa pamamagitan ng mga gawa ng kanilang mga kamay. Ito ang pahayag ni Yahweh.
31 實在,這座城,自從他們開始建築那一天,直到今日,常惹我動怒生氣,致使我不得不從我面前將她消滅。
sapagkat ang lungsod na ito ang nagpaalab ng aking poot at matinding galit mula noong araw na itinayo nila ito. Ganito pa rin hanggang sa kasalukuyan. Kaya aalisin ko ito mula sa aking harapan
32 這全是出於以色列和猶大子民,即他們、他們的君王、朝臣、司祭、先知,以及猶大人和耶路撒冷和居民,所行的一切使我動怒的惡事。
dahil sa lahat ng kasamaan ng mga tao sa Israel at Juda, ang mga bagay na kanilang ginawa upang galitin ako... sila, ang kanilang mga hari, mga prinsipe, mga pari, mga propeta, at bawat tao sa Juda at mga naninirahan sa Jerusalem.
33 他們對我轉過背來,卻不對我轉過臉來;我雖不斷懇切施教,他們仍不願聽從,接受勸告;
Tinalikuran nila ako, sa halip na harapin, kahit pa masigasig ko silang tinuruan. Sinubukan kong turuan sila, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakinig upang tumanggap ng pagtutuwid.
34 反將可惡之物安置在歸我名下的殿裏,使我殿宇受到了玷污;
At inilagay nila ang kanilang mga kasuklam-suklam na bagay sa tahanan upang dumihan ito, sa tahanan kung saan tinawag ang aking pangalan.
35 又在本希農山谷給巴耳建造了一些祭壇,給摩肋客人火祭自己的子女:這是我從來沒有吩咐,也從來沒有想到過的事;他們竟做出這些可惡的事,來引誘猶大犯罪。
Pagkatapos, nagtayo sila ng dambana para kay Baal sa lambak ng Ben Hinom upang ialay ang kanilang mga anak na lalaki at babae kay Molec, isang bagay na hindi ko iniutos na gawin nila, isang bagay na hindi kailanman sumagi sa aking puso't isipan. Itong kasuklam-suklam na bagay para gawin nila upang magkasala ang Juda.'
36 現在,上主以色列的天主,對這座城你要說因兵戈饑荒瘟疫,而被交在巴比倫王手中的,卻這樣說:
At kaya ngayon, akong si Yahweh, ang Diyos ng Israel ang nagsasabi nito tungkol sa lungsod na ito, ang lungsod na sinasabi ninyong, 'Naipasakamay na ito sa hari ng Babilonia sa pamamagitan ng espada, taggutom, at salot.'
37 看,我必從我生氣憤恨發怒時逐他們所到的各地,召集他們,領他們回到這地方來,安然居住,
Tingnan mo, malapit ko na silang tipunin sa bawat lupain kung saan itinaboy ko sila sa aking galit, poot, at matinding galit. Malapit ko na silang ibalik sa lugar na ito at mamumuhay sila nang matiwasay.
38 作我的,我作他們的天主,
At sila ay magiging aking mga tao, at ako ay magiging Diyos nila.
39 且使他們一心一德,終生敬畏我,造福自己和自己後代的子孫;
Bibigyan ko sila ng isang puso at isang paraan upang parangalan ako sa bawat araw kaya magiging mabuti ito para sa kanila at sa magiging mga kaapu-apuhan nila.
40 與他們訂立一永久的盟約,再不離棄他們,為他們謀幸福,將敬長我之情賦於他們心內,使他們不再離開;
At magtatatag ako ng isang panghabang panahon na kasunduan sa kanila kaya hindi ko na sila tatalikuran. Gagawin ko ito upang magdala ng kabutihan sa kanila at maglagay sa kanilang mga puso ng parangal para sa akin. Kaya hindi na sila tatalikod sa pagsunod sa akin.
41 我樂意好待他們,專心致志將他們安頓在這城裏。
At magagalak ako sa paggawa ng kabutihan sa kanila. Matapat ko silang patitirahin sa lupaing ito nang buong puso at buong buhay ko.
42 因為上主這樣說:我怎樣給這人民招來了這一切大災禍,也要同樣給他們招來我預許的一切幸福。
Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tulad ng pagdala ko sa lahat ng matitinding sakunang ito sa mga taong ito, gayon din, dadalhin ko sa kanila ang lahat ng mabubuting bagay na sinabi kong gagawin ko para sa kanila.
43 在這個你們說成已成荒野,已人獸絕跡,已交在加色丁人手中的地域裏,還有田地的交易;
At bibilhin ang mga bukirin sa lupaing ito, na inyong sinasabi, “Ito ay nawasak na lupain, na walang tao o hayop. Naipasakamay na ito sa mga Caldeo.”
44 在本雅明地,在耶路撒冷城郊,在猶大、山地、平原和南部的城裏,人們還要花錢買田,寫契蓋章,請人作證,因為我要轉變他們的命運──上主的斷語」。
Bibili sila ng mga bukirin sa pamamagitan ng pilak at isusulat sa mga selyadong kasulatang binalumbon. Titipunin nila ang mga saksi sa lupain ni Benjamin, sa palibot ng buong Jerusalem at sa mga lungsod ng Juda, sa mga lungsod sa maburol na bansa at sa mga mababang lugar, at sa mga lungsod ng Negeb. Sapagkat ibabalik ko ang kanilang kayamanan. Ito ang pahayag ni Yahweh.”'

< 耶利米書 32 >