< 耶利米書 20 >
1 依默爾的兒子帕市胡爾司祭,上主殿宇的總監督,聽見了耶肋米亞預言這些事,
Si Pashur na lalaking anak ni Imer na pari—siya ang namumunong opisyal—narinig si Jeremias na nagpapahayag ng mga salitang ito sa harapan ng tahanan ni Yahweh.
2 帕市胡爾便打了耶肋米亞先知,給他加上腳鐐,把他囚在上主殿內本雅明上門的監牢裏。
Kaya hinampas ni Pashur si Jeremias na propeta at pagkatapos inilagay siya sa mga pangawan na nasa Itaas na Tarangkahan ni Benjamin sa tahanan ni Yahweh.
3 次日,帕市胡爾給耶肋米亞去了腳鐐;耶肋米亞便對他說:「上主不再稱你為「帕市胡爾」,卻稱你為「驚慌四起」。
Nangyari sa sumunod na araw, pinalaya ni Pashur si Jeremias mula sa mga pangawan. At sinabi ni Jeremias sa kaniya, “Hindi ka pinangalanan ni Yahweh na Pashur, ngunit ikaw ay si Magot Missabib.
4 因為上主這樣說:看,我必使你和你的一切友人遭受慌;他們必倒在敵人的刀下,而且你要親眼看見這事;我將全猶大人交在巴比倫王的手中,他要將他們擄到巴比倫去,用刀擊殺。
Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan mo, gagawin kitang isang bagay na kakikilabutan—ikaw at lahat ng iyong minamahal—sapagkat mabubuwal sila sa pamamagitan ng espada ng kanilang mga kaaway at makikita ito ng iyong mga mata. Ibibigay ko ang buong Juda sa kamay ng hari ng Babilonia. Gagawin niya silang mga bihag sa Babilonia o lulusubin sila gamit ang espada.
5 這城的一切財物,一切積蓄,一切珍寶,以及猶大列王的一切寶藏,我都要交在他們敵人的手中,讓他們搶劫掠奪,運到巴比倫去。
Ibibigay ko sa kaniya ang lahat ng karangyaan at lahat ng kasaganaan ng lungsod na ito, lahat ng mahahalagang bagay at lahat ng kayamanan ng mga hari ng Juda. Ilalagay ko ang mga bagay na ito sa kamay ng inyong mga kaaway at sasamsamin nila ang mga ito. Kukunin nila ang mga ito at dadalhin sa Babilonia.
6 至於你,帕市胡爾! 以及凡住在你家中的人,都要被擄去充軍;你和你向他們講假預言的一切友人,都要到巴比倫去,死在那裏,埋在那裏。」
Ngunit ikaw Pashur at ang lahat ng naninirahan sa iyong tahanan ay mabibihag. Pupunta ka sa Babilonia at mamamatay doon. Ikaw at ang lahat ng iyong minamahal na siyang pinagpahayagan mo ng mapanlinlang na mga bagay ay maililibing doon'”.
7 上主,你引誘了我,我讓我自己受了你的引誘;你確實比我強,你戰勝了。我終日成為笑柄,人都嘲笑我。
Hinikayat mo ako, Yahweh. Tunay nga akong nahikayat. Tinalo at nilupig mo ako. Ako ay naging katatawanan. Araw-araw akong kinukutya ng mga tao, sa lahat ng araw.
8 因為我每次發言,必得叫喊,必得高呼:「暴虐! 破壞! 」實在,上主的話,為我日日成為受侮辱和譏笑的因由。
Sapagkat sa tuwing magsasalita ako, isinisigaw at ipinapahayag ko ang, 'Karahasan at pagkawasak.' At ang salita ni Yahweh ay naging paninisi at pangungutya para sa akin araw-araw.
9 假使我說:我不再想念他,不再以他的名發言;在我心中就像有火在焚燒,蘊藏在我的骨髓內;我竭力抑制,亦不可能。
Kung sasabihin kong, 'Hindi ko na iisipin si Yahweh. Hindi ko na ipapahayag ang kaniyang pangalan.' Magiging tulad ito ng apoy sa aking puso na nasa aking mga buto. Kaya nagsusumikap akong pigilan ito ngunit hindi ko kaya.
10 實在,我聽到了多少人私相耳語:「驚慌四起! 你們揭發,我們就必對他提出控訴。」甚至我一切的友好都在偵察我的破綻:「也許他會入彀,那我們必能制勝他,對他施行報復。」
Nakarinig ako ng usap-usapan ng katatakutan mula sa maraming tao sa paligid. 'Iulat! Dapat natin itong iulat!' Ang mga malapit sa akin ay nanonood upang makita kung babagsak ako. 'Marahil maaari siyang madaya. Kung gayon, maaari natin siyang mahigitan at makapaghiganti sa kaniya.'
11 但是與我同在的上主,好像是一位孔武有力的戰士,為此迫害我的人只有失敗,決不能制勝;由於謀事不成,必蒙受極大的恥辱,永不可磨滅的羞辱。
Ngunit kasama ko si Yahweh tulad ng makapangyarihang mandirigma, kaya ang mga humahabol sa akin ay matitisod. Hindi nila ako matatalo. Labis silang mapapahiya dahil hindi sila magtatagumpay. Magkakaroon sila ng walang katapusang kahihiyan at hindi ito kailanman malilimutan.
12 噫萬軍的上主! 你考驗義人,洞察人的肝膽肺腑;我既給你訴說了我的案情,你使我見到你對他們的報復。
Ngunit ikaw, Yahweh ng mga hukbo, ikaw na sumusuri sa matuwid at nakakaalam ng isip at puso. Hayaan mong makita ko ang iyong paghihiganti sa kanila sapagkat ipinakita ko ang aking kalagayan sa iyo.
13 你們應歌頌上主,讚揚上主,因為他從惡人的手中,救出了窮苦人的性命。
Umawit kay Yahweh! Purihin si Yahweh! Sapagkat iniligtas niya ang mga buhay ng mga naapi mula sa kamay ng mga gumagawa ng masama.
14 願我誕生的那一天,是可咒罵的;願我母親生我的那一天,不蒙受祝福!
Isumpa nawa ang araw ng aking kapanganakan. Huwag pagpalain ang araw na ipinanganak ako ng aking ina.
15 願那給我父親報信說:「給你生了一個男孩,」叫他異常高興的人,是可詛咒的!
Isumpa ang taong nagsabi sa aking ama na, 'Isang sanggol na lalaki ang ipinanganak para sa iyo,' na nagdulot ng labis na kagalakan.
16 願這人像上主不顧惜消滅的城市:早晨聽到哀號,正午聽到警報;
Hayaan ang taong iyon ay maging tulad ng mga lungsod na winasak ni Yahweh nang nawala ang kaniyang awa. Nawa ay marinig niya ang isang panawagan ng tulong sa madaling araw at ang sigaw ng labanan sa tanghali.
17 因為他沒有叫我死在母胎,使我的母親成為我的墳墓,叫她永遠不分娩生我!
Mangyari nawa ito, yamang hindi ako pinatay ni Yahweh sa sinapupunan o ginawang libingan ko ang aking ina, isang sinapupunang buntis magpakailanman.
18 為什麼我要從母胎裏出來,眼見辛酸痛苦,在羞辱中消磨我的歲月﹖
Bakit ako lumabas sa sinapupunan upang makita ang mga kaguluhan at matinding paghihirap, upang mapuno ng kahihiyan ang aking mga araw?”