< 耶利米書 17 >

1 猶大的罪是用鐵筆記下來的,用鑽石尖刻在他們的心坎上和他們的祭壇上,好叫他們的子孫記得他們在高崗上,青綠樹下和平原的山上,
“Ang kasalanan ng Juda ay nasulat gamit ang isang panulat na bakal na may diyamante sa dulo. Ito ay nakaukit sa kanilang mga puso at sa mga sungay ng inyong mga altar.
2 設立了祭壇和神木。
Naalala ng kanilang mga anak ang kanilang mga altar at ang imahen ni Ashera na nasa madahong mga puno sa mataas na mga burol.
3 你的財產和所有的寶藏,我必使人掠奪,以抵償你在全境內犯過的一切罪惡。
Naalala nila ang kanilang mga altar na nasa mga bundok sa nayon. Gagawin ko ang inyong mga kayamanan bilang samsam para sa iba. Sapagkat ang inyong kasalanan ay nasa lahat ng mga hangganan.
4 我必由你手中撤回我賜與你的產業,叫你在不相識的地方給你敵人為奴,因為我的怒火已燃起,將永遠不熄。
Mawawala sa inyo ang mga mana na ibinigay ko sa inyo. Aalipinin kayo ng inyong mga kaaway sa lupaing hindi ninyo alam, sapagkat kayo ang nagpaalab ng aking galit, kung saan mag-aapoy magpakailanman.”
5 上主這樣說:「凡信賴世人,以血肉的人為自己的臂膊,決心遠離上主的人,是可咒罵的!
Sinasabi ni Yahweh, “Sumpain ang mga tao na nagtitiwala sa kapwa tao; ang kaniyang kalakasan ay sa laman ngunit itinalikod niya ang kaniyang puso palayo kay Yahweh.
6 他必像在曠野中的檉柳,即使來到,一點也不覺察,只住在乾燥處,滿含鹽質無人居住之地。
Sapagkat siya ay tulad ng maliit na halaman sa Araba at hindi makikita ang anumang kabutihang darating. Siya ay nananatili sa mabatong lugar sa ilang, tigang na lupain na walang nananahan.
7 凡信賴上主,以上主作倚靠的人,是可祝福的;
Ngunit mapalad ang tao na nagtitiwala kay Yahweh, sapagkat si Yahweh ang kaniyang pag-asa.
8 他必像一株栽在水邊的樹木,生根河畔,不怕災熱的侵擊,枝葉茂盛,不愁旱年,不斷結實。
Sapagkat magiging katulad siya ng halaman na itinanim sa tabi ng tubig-batis; ang kaniyang mga ugat ay kakalat. Hindi niya makikita ang init na parating, sapagkat ang kaniyang mga dahon ay malalapad at maganda. At sa panahon ng tag-tuyot hindi siya mangangamba, ni titigil ang kaniyang pamumunga.
9 人心最狡滑欺詐,已不可救藥;誰能透識﹖
Ang puso ay higit na mapanlinlang sa anumang bagay. Ito ay sakit; sino ang nakakaunawa rito?
10 我上主透察人心,考驗肺腑,依照各人的行徑和作為的結果,給人酬報。
Ako si Yahweh, ang nakakasaliksik ng kaisipan, ang sumusubok sa puso. Ibibigay ko sa bawat tao ang nararapat sa kaniya, parurusahan ko siya sa bunga ng kaniyang mga nagawa.
11 誰不以正義積聚財物,就像一隻鷓鴣孵化不是自己產的卵,中途必要拋棄;結果,還是自己糊塗。
Nililimliman ng isang pugo ang itlog na hindi naman siya ang nangitlog. Maaaring may taong yayaman sa kalikuan. Ngunit sa panahon ng kalakasan sa kaniyang buhay, iiwan siya ng mga kayamanang iyon at magiging mangmang sa huli.”
12 我們聖所的地方,從起初就是設在崇高之處的光榮實座。
Ang lugar ng ating templo ay isang maluwalhating trono, nakataas mula sa simula.
13 上主,以色列的希望! 凡離棄你的,必要蒙羞;上主,凡離棄你的,必被記錄在地上,因為他們離棄了活水的泉源。
Si Yahweh ang pag-asa ng Israel. Lahat ng mang-iwan sa iyo ay mapapahiya. Ang mga tumalikod sa iyo na nasa lupain ay puputulin. Sapagkat iniiwan nila si Yahweh, ang bukal ng tubig ng buhay.
14 上主,求你醫治我,我必能痊愈;你拯救我,我必能獲救,因為你是我的榮耀。
Pagalingin mo ako, Yahweh, at ako ay gagaling! Iligtas mo ako, at ako ay maliligtas. Sapagkat ikaw ang aking awit ng papuri.
15 看,世人對我說:上主的話在哪裏﹖讓它來吧!
Tingnan ninyo, sinasabi nila sa akin, 'Nasaan na ang salita ni Yahweh? Hayaang ito ay pumarito!
16 我沒有強迫你加害,也沒有期望災禍的日子;你知道:凡出自我口的,都先向你面陳過。
Para sa akin, hindi ako tumakbo sa pagiging isang pastol na sumusunod sa inyo. Hindi ko hinangad ang araw ng sakuna. Alam mo ang mga pahayag na lumabas sa aking mga labi. Sila ay ginawa sa iyong harapan.
17 請你不要成為我的恐怖,你原是我患難之日的避難所。
Huwag maging katatakutan sa akin. Ikaw ang aking kanlungan sa panahon ng kalamidad.
18 願迫害我的人蒙羞;而不是我驚慌;請你給他們招來災禍的日子,以雙倍的毀滅,消滅他們。
Nawa ang mga tumutugis sa akin ay mapapahiya, ngunit huwag mo akong gawing kahiya-hiya. Nawa sila ay panghinaan ng loob, ngunit huwag mong hayaang panghinaan ako ng loob. Ipadala ang araw ng sakuna laban sa kanila at wasakin sila ng ibayong pagkawasak.”
19 上主這樣對我說:「你去立在猶大出入的本雅明門前,立在耶路撒冷各門前,
Sinabi ni Yahweh ito sa akin: “Pumunta ka at tumayo sa tarangkahan ng mga tao kung saan pumapasok at lumalabas ang mga hari ng Juda, at sa lahat ng ibang tarangkahan ng Jerusalem.
20 向他們說:猶大的君王、全體猶大人和耶路撒冷居民,即由這門進來的,他們聆聽上主的話!
Sabihin mo sa kanila, 'Pakingggan ninyo ang salita ni Yahweh, mga hari ng Juda at lahat ng mga tao ng Juda, at sa bawat naninirahan sa Jerusalem na pumapasok sa mga tarangkahang ito.
21 上主這樣說:你們應該小心,不要在安息日擔運重載,進入耶路撒冷的城門。
Ito ang sinasabi ni Yahweh: “Maging maingat kayo alang-alang sa inyong mga buhay at huwag kayong magpapasan ng mabibigat sa Araw ng Pamamahinga upang dalhin ito sa tarangkahan ng Jerusalem.
22 不要在安息日從你們的家裏擔運重載;不要做任何工作,卻要按照我給你們祖先所吩咐的,聖化安息日。
At huwag kayong magdala ng pasan mula sa inyong bahay sa Araw ng Pamamahinga. Huwag kayong gagawa ng anumang gawain, kundi ilaan ninyo ang Araw ng Pamamahinga kay Yahweh, gaya ng aking inutos sa inyong mga ninuno na gawin.
23 他們不但不側耳傾聽,反而硬著頭頸,不願依從,不願受教。
Hindi sila nakinig o nagbigay pansin, kundi pinatigas nila ang kanilang mga leeg upang hindi na nila ako pinakinggan ni tanggapin ang aking pagtutuwid.
24 設若你們認真聽從我──上主的斷語──在安息日,不將重擔搬進這城門,卻聖化安息日,不做任何工作;
Ito ay mangyayari kung tunay na nakinig kayo sa akin—ito ang pahayag ni Yahweh—at huwag kayong magbuhat ng pasan sa mga tarangkahan ng lungsod na ito sa Araw ng Pamamahinga ngunit sa halip ilaan ninyo kay Yahweh ang Araw ng Pamamahinga at huwag kayong gagawa ng anumang gawain—
25 那麼,坐在達味實座上的君王和王侯,便會乘車騎馬,與自己的公卿、猶大人和耶路撒冷的居民,從這槷的門進來;這城必永遠有人居住;
At ang mga hari, mga prinsipe, at sa mga umupo sa trono ni David na pupunta sa mga tarangkahan ng lungsod na ito na nakakarwahe at may mga nakakabayo, sila at ang kanilang mga pinuno, mga kalalakihan ng Juda at lahat ng naninirahan sa Jerusalem. At ang lungsod na ito ay mananatili magpakailanman.
26 人們從猶大各城、耶路撒冷四週、本雅明地、平原、山地和南方前來,帶著全燔祭。犧牲、素祭和乳香,在上主的殿裏奉獻感恩祭。
Darating sila mula sa mga lungsod ng Juda at sa lahat ng nasa palibot ng Jerusalem, at mula sa lupain ng Benjamin at mula sa mababang lupain, mula sa mga bundok at mula sa Negev, magdadala ng mga susunuging handog, mga alay, at mga pagkaing handog at kamanyang. At magdadala sila ng mga handog pasasalamat sa aking tahanan.
27 但是,我不聖化安息日,反在安息日擔運重載,進入耶路撒冷的城門,我必在城門口放火,吞滅耶路撒冷的宮殿,決不熄滅。
Ngunit kung hindi kayo makikinig, upang ilaan ang Araw ng Pamamahinga kay Yahweh—kung magpapasan kayo ng mga pasanin sa mga tarangkahan ng Jerusalem sa Araw ng Pamamahinga, kung gayon sisindihan ko ng apoy ang mga tarangkahan, apoy na susunog sa mga tanggulan ng Jerusalem, at hindi ito mapapatay.”

< 耶利米書 17 >