< 耶利米書 14 >

1 有上主的話傳給耶肋米亞說:
Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Jeremias tungkol sa tagtuyot,
2 「猶大悲哀,城門蕭條,人人垂頭至地,耶路撒冷哀號四起。
“Hayaang magluksa ang Juda, hayaang gumuho ang kaniyang mga tarangkahan. Tumataghoy sila para sa lupain, lumalakas ang kanilang pag-iyak para sa Jerusalem.
3 顯貴派童僕去打水,來到井邊,卻不見有水,帶著空器回去,迷惑慚愧,遮住自己的頭。
Pinadadala ng kanilang mga makapangyarihang tao ang kanilang mga lingkod para sa tubig. Kapag pumunta sila sa mga balon wala silang mahahanap na tubig. Babalik silang lahat na bigo, tinatakpan nila ang kanilang mga ulo na kahiya-hiya at hindi iginagalang.
4 因為地上不落雨,田地無法耕耘,農夫們都已絕望,遮住自己的頭。
Dahil dito, nabitak ang lupa sapagkat walang ulan sa lupain. Nahihiya ang mga mag-aararo at tinatakpan nila ang kanilang mga ulo.
5 甚至母鹿在田間生產,因為沒有青草,也得拋棄自己的幼雛。
Sapagkat iniiwan din maging ng babaing usa ang kaniyang maliliit na anak sa parang at pinababayaan ang mga ito sapagkat walang damo.
6 野獸站在童山上,像黟狗一般喘息;雙目失神,因為沒有草吃。
Tumatayo sa mga tigang na kapatagan ang mga maiilap na asno at humihingal sa hangin tulad ng mga asong-gubat. Lumalabo ang kanilang mga mata dahil walang halaman.”
7 上主,我們的罪過若指證我們,但求你因你的名而施救,因為我們屢次失節,得罪了你。
Kahit na nagpapatotoo laban sa amin ang aming mga kasamaan, Yahweh, kumilos ka para sa kapakanan ng iyong pangalan. Nagkasala kami sa iyo sapagkat lumalala ang kawalan ng aming pananampalataya.
8 你是以色列的希望,是她在患難中的救主。為什麼你在本鄉好像是個陌生人,好像是個投宿一夜的旅客﹖
Ang pag-asa ng Israel, ang siyang nagligtas sa kaniya sa panahon ng matinding pagkabalisa, bakit ka magiging katulad ng isang dayuhan sa lupain, katulad ng isang banyagang gumagala na nagpapalipas at nananatili lamang ng isang gabi?
9 為什麼你好像是個沈睡的人,好像是個不能施救的勇士﹖上主,你常在我們之中,我們是歸你名下的人,求你不要離棄我們。
Bakit ka magiging katulad ng isang taong nalilito, katulad ng isang mandirigma na hindi kayang sagipin ang sinuman? Sapagkat nasa kalagitnaan ka namin, Yahweh! Ipinahayag sa amin ang iyong pangalan. Huwag mo kaming iwanan.
10 上主論人民說:「他們這樣愛好遊蕩,沒有約束自己的腳,為此上主不喜悅他們;現在憶起了他們的過犯,就懲罰他們的罪惡」。
Sinabi ito ni Yahweh sa mga taong ito: “Yamang ibig nilang maglibot at hindi nila pinigil ang kanilang mga paa na magpatuloy.” Hindi nalugod si Yaweh sa kanila. Ngayon, inalala niya ang kanilang kasamaan at pinarusahan niya ang kanilang mga kasalanan.
11 上主對我說:「你不要為這人民求情!
Sinabi ni Yahweh sa akin, “Huwag kang manalangin para sa ikabubuti ng mga taong ito.
12 既使他們齋戒,我也不會俯聽他們的呼籲;既使他們奉獻全燔祭和素祭,我也不會悅納,反而要用戰爭、飢饉和瘟疫將他們消滅」。
Sapagkat, kapag nag-ayuno sila, hindi ako makikinig sa kanilang pagdaing at kapag nag-alay sila ng mga handog na susunugin at mga handog na pagkain, hindi ako malulugod sa mga ito. Sapagkat lilipulin ko sila sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot.”
13 我於是說:「哎呀! 我主上主! 你看,先知們對他們說:你們決不會見到戰爭,你們決不會遭受饑荒,在這地方我必賜給你們真正的平安」。
At sinabi ko, “O, Panginoong Yahweh! Tingnan mo! Sinasabi ng mga propeta sa mga tao, 'Hindi kayo makakakita ng espada, walang taggutom para sa inyo, sapagkat bibigyan ko kayo ng tunay na katiwasayan sa lugar na ito.”'
14 上主對我說:「先知們以我的名預言謊話,我並沒有派遺他們,也沒有對他們說過話。他們給你們所預言的,是荒謬的幻象空妄的卜筮,存心騙人的欺詐。
Sinabi sa akin ni Yahweh, “Panlilinlang sa aking pangalan ang pahayag ng mga propeta. Hindi ko sila isinugo, ni binigyan ng anumang utos o kinausap sila. Ngunit ang mapanlinlang nilang mga pangitain, ang walang kabuluhan at ang mga mapanlinlang na hula ay nagmumula sa kanilang mga sariling puso, ito ang mga ipinahahayag nila sa inyo.”
15 為此上主這樣說:關於那些以我名義說預言的先知,我既沒有他們,而他們反說:在這 中2不會有戰爭和饑饉,他們就必死於戰爭和饑饉。
Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh, “Tungkol sa mga propeta na nagpapahayag sa aking pangalan ngunit hindi ko ipinadala at ang mga nagsasabing walang espada at taggutom sa lupaing ito. Mamamatay ang mga propetang ito sa pamamagitan ng espada at taggutom.
16 至於聽他們向自己講說預言的人民,必因饑饉和戰爭,陳屍在耶路撒冷街頭,沒有人掩埋他們和他們的妻室子女;我必將他們的邪惡都傾注在他們身上。
At ang mga tao na kanilang pinagpahayagan ay maitatapon sa labas ng mga lansangan ng Jerusalem dahil sa taggutom at espada, sapagkat walang sinuman ang maglilibing sa kanila. Sa kanila, sa kanilang mga asawang babae o sa kanilang mga anak. Sapagkat ibubuhos ko sa kanila ang kanilang mga kasamaan.
17 你應將這話轉告他們:我眼淚直流,晝夜不息,因為我的處女──人民──大受摧殘,受了嚴重的打擊。
Sabihin mo ang salitang ito sa kanila: 'Hayaang dumaloy sa aking mata ang mga luha sa araw at gabi. Huwag itong pigilan, sapagkat magkakaroon ng isang matinding pagkawasak ang birhen na anak ng aking mga tao. Isang napakalaki at walang lunas na sugat.
18 我若走入田間,看見刀劍的遺屍;我若進入城裏,看見饑饉的可怖慘狀;就連先知和先知們也流亡到他們素不相識的地方」。
Kung lalabas ako sa parang at tumingin! mayroong mga pinatay sa pamamagitan ng espada. At kung pupunta ako sa lungsod at tumingin! mayroong mga nagkasakit dahil sa taggutom. Kahit na ang mga propeta at ang mga paring naglilibot sa lupain ay walang nalalaman.”'
19 難道你決意拋棄猶大,實心厭惡熙雍﹖為什麼你打擊我們,致使我們醫治無望﹖我們原是期待和平,卻不見好轉;希望醫治的時日,卻只見恐怖!
Ganap mo bang tinalikuran ang Juda? Galit ka ba sa Zion? Bakit mo kami hinahayaang magkasakit gayong walang kagalingan sa amin? Naghangad kami ng kapayapaan, ngunit walang anumang kabutihan. Ngunit tingnan ninyo, para sa oras ng kagalingan, kaguluhan lamang ang mayroon.
20 上主,我們承認我們的罪惡,和我們祖先的過犯;我們實在得罪了你。
Inaamin namin, Yahweh, ang aming mga kasalanan at ang kasamaan ng aming mga ninuno, sapagkat nagkasala kami sa iyo.
21 願你為了你的名,不要嫌棄,不要輕慢你光榮的御! 望你記憶,不要廢除你與我們訂的盟約!
Huwag mo kaming itakwil! Huwag mong gawing kahihiyan ang iyong maluwalhating trono para sa kapakanan ng iyong pangalan. Alalahanin at huwag sirain ang iyong kasunduan sa amin.
22 異民的「虛無」中,有能降雨的嗎﹖或是諸天能自施甘霖﹖難道不只是你,上主我們的天主! 我們寄望於你,因為你行了這一切事。
Mayroon ba sa mga diyus-diyosan ng mga bansa na kayang gawin ang sinuman na paulanin ang kalangitan sa panahon ng tagsibol? Hindi ba ikaw Yahweh, na aming Diyos ang gumawa ng mga ito? Umaasa kami sa iyo, sapagkat ikaw ang gumawa ng lahat ng mga bagay na ito.

< 耶利米書 14 >