< 以賽亞書 66 >
1 上主這樣說:「上天是我的寶座,下地是我的腳凳,你們還能在那裏給我造殿宇,建我休息的地方呢﹖
Ito ang sinabi ni Yahweh, “Ang langit ay aking trono, at ang daigdig ay aking tuntungan. Nasaan na ang bahay na itatayo ninyo para sa akin? Nasaan ang lugar na maari kong pagpahingahan?
2 這一切都是我手造的,這一切都是我的,上主的斷語。我要垂顧的是誰呢﹖是貧苦者、懺悔者和敬畏我言語的人。
Ang kamay ko ang gumawa ng lahat ng mga bagay na ito; ganoon nilikha ang lahat ng mga ito — ito ang pahayag ni Yahweh. Ang taong sinasang-ayunan ko ay ang mga nagpapakumbaba at nagsisipagsisi, at nanginginig sa aking salita.
3 宰殺牛犢的,又擊死了人;祭殺羔羊的,又絞死了狗;奉獻禮品的,又獻了豬血;焚香頂禮的,又祝福了偶像:這些人既都揀選了自己的路,他們的心靈都喜悅他們可憎的事;
Sinumang pumapatay ng baka ay pumapatay din ng isang tao; ang siyang nag-aalay ng isang tupa ay bumabali rin ng leeg ng isang aso; ang siyang naghahandog ng isang butil ay naghahandog din ng dugo ng baboy; ang siyang naghahandog ng isang pang-alaala na insenso ay nagpapala rin ng kasamaan. Pinili nila ang kanilang sariling mga paraan, at natutuwa sila sa kanilang kalapastanganan.
4 那麼,我也要揀選磨難他們的事,使他們所恐懼的,臨到他們身上;因為我呼喚,沒有人回答;我說話,他們都不肯聽,反而去行我視為惡的事,揀選我所不喜樂的事。」
Sa ganun ding paraan ko pipiliin ang kanilang sariling kaparusahan; ipaparanas ko sa kanila kung ano ang kanilang kinatatakutan, dahil ng ako ay tumawag, walang tumugon kahit isa; nang ako ay nagsalita, walang sinumang nakinig. Ginawa nila kung ano ang masama sa aking paningin, at piniling gawin kung ano ang hindi nakalulugod sa akin.”
5 敬畏上主言語的人哪!你們聽上主的話:「那惱恨你們的,因我的名而擯棄你們的弟兄,曾說:『願上主顯示他的光榮!讓我們看看你們的喜樂罷!』他們必要蒙受羞辱!」
Pakinggan ang salita ni Yahweh, kayong mga nanginginig sa kanyang salita. “Ang mga kababayan ninyo na napopoot at nagpapalayas sa inyo ng dahil sa aking pangalan ay nagsabi, “Maluwalhati nawa si Yahweh, para makita namin ang inyong kagalakan,' pero sila ay malalagay sa kahihiyan.
6 有吵鬧的聲音來自城中,有聲音發自殿宇:這是上主報復他敵人的聲音。
Isang tunog ng kaguluhan sa labanan ay dumarating mula sa lungsod, isang tunog mula sa templo, ang tunog ng paghihiganti ni Yahweh sa kanyang mga kaaway.
7 還未受痛便已分娩,陣痛尚未來到她身上,就生了一個男孩。
Bago humilab ang kanyang tiyan, siya ay manganganak; bago siya lukuban ng sakit, siya ay nagsilang ng isang lalaki.
8 誰曾聽過這樣的事﹖誰曾見過這樣的事﹖一個國家豈能在一天之內產生嗎﹖一個民族豈能在一時之間誕生嗎﹖但熙雍剛一覺痛就產生了她的兒子!「
Sino ang nakarinig at nakakita na ng ganung bagay? Maaari bang isilang ang isang lupain sa isang araw? Maaari bang maitatag ang isang bansa sa isang sandali? Gayunman sa sandaling humilab ang tiyan ng Sion, nagsilang siya sa kanyang mga anak.
9 我既開了母懷,難道不使她生產嗎﹖」上主說:「我既使人生產,難道封閉母胎嗎﹖」你的天主這樣說。
Dadalhin ko ba ang isang sanggol sa may labasan ng panganganak at hindi pahihintulutan ang pagluwal nito? — tinatanong ni Yahweh. O dadalhin ko ba ang isang bata sa panahong dapat nang iluwal at pagkatapos pipigilan ang pagsilang nito? — tinatanong ng inyong Diyos.
10 凡愛慕耶路撒冷的,你們都應同她一起快樂,因她而歡喜! 凡為她而憂傷的,你們都要同她盡情歡樂的!
Makisaya sa Jerusalam at magalak para sa kanya, lahat kayong nagmamahal sa kanya, kayo'y makisaya sa kanya, lahat kayong nagdalamhati para sa kanya!
11 如此你們能從她那安慰的懷裏吃奶而得飽飫,你們能從她那豐滿的乳房吸乳而得快樂。
Dahil kayo ay pasususuhin at masisiyahan; sa kanyang dibdib kayo ay magiginhawahan, dahil makakainom kayo ng lubos at masisiyahan kayo sa kasaganaan ng kanyang kaluwalhatian.
12 因為上主這樣說:看! 我要在她身上廣賜和平,有如河流一般;我要賜給她萬國的財寶,好似氾濫的江河;她的乳兒將被抱在懷中,放在膝上搖擺。
Ito ay kung anong sinabi ni Yahweh, “Palalaganapin ko na ang kasaganaan sa kanya tulad ng isang ilog, at ang kayamanan ng mga bansa tulad ng umaapaw na batis. Ikaw ay pasususuhin sa kanyang tabi, bubuhatin sa kanyang mga bisig, at ihehele sa kanyang kandungan.
13 就如人怎樣受母親的撫慰,我也要怎樣撫慰你們,你們必要在耶路撒冷享受安慰。
Gaya ng pag-aaliw ng isang ina sa kanyang anak, gayun din aaliwin ko kayo, at kayo ay aaliwin sa Jerusalem.
14 你們見到這種情形,你們的心必要歡樂,你們的骨骸必要如青草一般的茂盛;那時,上主的手將顯示於他的僕人,他的憤恨必加於他的敵人。
Makikita ninyo ito at masisiyahan ang inyong puso, at ang inyong mga buto ay uusbong gaya ng murang damo. Mahahayag ang kamay ni Yahweh sa kaniyang mga lingkod, pero magagalit siya sa kaniyang mga kaaway.
15 因為!看哪!上主乘火降來,他的車好似暴風;他要在狂風中發洩他的怒氣,在火燄中施展他的威赫,
Kaya masdan ninyo, darating si Yahweh na may apoy, at ang kaniyang mga karwahe ay darating tulad ng malakas na bagyo para dalhin ang sidhi ng kaniyang galit at ang kaniyang pagsaway na may lagablab ng apoy.
16 因為上主要用火審判大地,用刀審判所有血肉的,許多人將被上主消滅。
Dahil pinapatupad ni Yahweh ang paghahatol sa sangkatauhan sa pamamagitan ng apoy at kaniyang espada. Marami ang mapapatay ni Yahweh.
17 凡聖化又潔淨了自己的,一個跟著一個到園子裏去,吃豬肉、爬蟲和鼠肉的人,他們的行為和他們的思念都要被消滅:這是上主的話。
Itinatalaga at ginagawa nilang dalisay ang kanilang mga sarili kay Yahweh para makapasok sila sa mga hardin, kasunod ng mga kumakain ng laman ng baboy at kasuklam-suklam na mga bagay gaya ng mga daga. “Darating sila sa pagwawakas— ito ang pahayag ni Yahweh.
18 我要來聚集萬民及各種語言的民族,他們都要來觀看我的榮耀。
Dahil nalalaman ko ang kanilang mga ginagawa at iniisip. Darating ang panahon na titipunin ko lahat ng mga bansa at mga wika. Darating sila at makikita nila ang aking kaluwalhatian.
19 我要在他們中施行奇事,並派遣免難的人到外邦人那裏去,即往塔爾史士、普特、路得、默舍客、洛士、突巴耳、雅汪,遼遠的海島上,即沒有聽過我的聲譽,沒有見過我的光榮的地方。
Maglalagay ako ng isang makapangyarihang tanda sa kanila. Pagkatapos ipapadala ko ang mga nakaligtas mula sa kanila sa mga bansa: Sa Tarsis, Put, at Lud, mga mamamana na gumagamit ng kanilang mga palaso, sa Tubal, Javan at sa mga malalayong baybayin kung saan sila ay hindi pa nakarinig ng tungkol sa akin ni nakakita ng aking kaluwalhatian. Ipapahayag nila ang aking kaluwalhatian sa mga bansa.
20 他們要從各民族中用馬、車、轎子、騾子、獨峰駝,把你們的弟兄送到我的聖山耶路撒冷來,當作獻於天主的獻儀,好像以色列子民用潔淨的器皿將供物獻於上主的殿中一樣:這是上主說的。
Bilang isang handog kay Yahweh, ibabalik nila ang lahat ng inyong mga kababayan sa lahat ng mga bansa. Sila ay darating na sakay ng mga kabayo, at mga nasa karwahe, sa bagon, sa mga asno, at mga kamelyo patungo sa aking banal na bundok sa Jerusalem— sinabi ni Yahweh. Dahil ang bayan ng Israel ay magdadala ng handog na butil na nasa malinis na sisidlan patungo sa tahanan ni Yahweh.
21 我要從他們中間選拔司祭和肋未人:這是上主說的。
Ang iba sa mga ito ay pipiliin ko bilang mga pari at mga Levita— sinabi ni Yahweh.
22 實在,我行將創造的新天新地怎樣在我面前存在,你們的後裔與你們的名字也要怎樣存在:上主的斷語。
Ito ang pahayag ni Yahweh— kung gaano katagal mananatili sa harapan ko ang bagong langit at ang bagong lupa na aking gagawin, ganoon din katagal mananatili ang inyong kaapu-apuhan, at ang inyong pangalan ay mananatili.
23 將來每逢月朔,每逢安息日,凡屬血肉的,都要來我面前跪拜:上主說。
Sinabi ni Yahweh— Mula sa isang buwan hanggang sa mga susunod, at mula sa isang Araw ng Pamamahinga hanggang sa mga susunod, lahat ng mga tao ay darating para yumukod sa akin.
24 他們要出去看那背叛我的人的屍體;他們的蟲決不會死,他們的火總不會滅;他們為一切有血肉的人將是可憎之物。
Lalabas sila at makikita nila ang mga bangkay ng mga taong nagrebelde laban sa akin, dahil ang mga uod na kakain sa kanila ay hindi mamamatay, at ang apoy na lalamon sa kanila ay hindi maaapula; at ito ay magiging nakakadiri sa buong sangkatauhan.”