< 以賽亞書 61 >

1 吾主上主的神臨到我身上,因為上主給我傅了油,派遣我向貧苦的人傳報喜信,治療破碎了的心靈,向俘虜宣告自由,釋放獄中的囚徒,
Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin, dahil hinirang ako ni Yahweh para ipahayag ang mabuting balita sa mapagpakumbaba. Sinugo niya ako para pagalingin ang sugatang-puso, para ipahayag ang kalayaan sa mga nakabilanggo, at ang pagbubukas ng bilangguan sa mga nakagapos.
2 宣佈上主恩慈的喜年,揭示我們天主報仇的日期,安慰一切憂苦的人,
Pinadala niya ako para ipahayag ang taon ng pabor ni Yahweh, ang araw ng paghihiganti ng aming Diyos, at para aliwin ang lahat ng nagluluksa—
3 給熙雍悲哀的人一項冠冕來代替灰塵,喜樂的油以代替喪服,頌讚以代替沮喪的心神。他們將被稱為正義的橡樹,上主為光榮自己所種植的園地。
para ilagay sa lugar ang mga tumatangis sa Sion—para bigyan sila ng isang turban sa halip na mga abo, langis ng kagalakan sa halip na pagtatangis, isang balabal ng papuri kapalit ng isang espiritu ng kalungkutan, para tawagin silang mga puno ng katuwiran, ang pagtatanim ni Yahweh, para siya ay maaaring luwalhatiin.
4 他們要重建古時的廢址,興建往日的荒域,建造傾圮的城邑,數代荒涼的地方。
Muli nilang itatayo ang mga sinaunang lugar na gumuho; papanumbalikin nila ang mga dating pinabayaan. Panunumbalikin nila ang mga gumuhong lungsod, ang mga kasiraan mula sa maraming naunang salinlahi.
5 外邦人要來為你們牧放羊群,外方人的兒子要作你們的農夫和葡萄園丁。
Ang mga dayuhan ay tatayo at magpapakain ng inyong mga kawan, at ang mga anak ng mga dayuhan ay magtatrabaho sa inyong mga bukid at mga ubasan.
6 你們要被稱為「上主的司祭」人要稱你們為「我們天主的侍役;」你們要享用萬民的財物,以他們的財寶而誇耀。
Kayo ay tatawaging mga pari ni Yahweh; kayo ay tatawagin nilang mga lingkod ng aming Diyos. Kakainin ninyo ang kayamanan ng mga bansa, at ipagmamalaki ninyo ang kanilang mga yaman.
7 因為他們受了雙重的恥辱,侮辱與唾罵是他們的家業,因此他們要承受雙倍的土地;永遠的喜樂將歸屬於他們。
Sa halip ng inyong kahihiyan magkakaroon kayo ng kasaganaan; at sa halip ng kasiraang-puri sila ay magagalak sa kanilang bahagi. Kaya sila ay magkakaroon ng isang dobleng bahagi ng kanilang lupa; walang-hanggang kagalakan ay mapapasakanila.
8 因為我是愛慕公義的上主,我惱恨不義的搶劫;我要憑忠實賜給他們報酬,與他們訂立一項永久的盟約。
Dahil Ako, si Yahweh, ay maibigin sa katarungan, at kinasusuklaman ko ang pagnanakaw at marahas na kawalan ng katarungan. Tapat akong gaganti sa kanila, at aking puputulin ang walang hanggang tipan sa kanila.
9 他們的後裔在列國中,他們的苗裔在萬民中,要受人賞識;凡看見他們的,必要承認他們是上主所祝福的後裔。
Ang kanilang mga kaapu-apuhan ay makikilala sa kalagitnaan ng mga bansa, at ang kanilang mga anak sa kalagitnaan ng mga tao. Lahat ng nakakakita sa kanila ay kikilalanin sila, silang bayan na pinagpala ni Yahweh.
10 我要萬分喜樂於上主,我的心靈要歡躍於我的天主,因為他給我穿上救恩的衣服,給我披上義德的外衣,使我有如頭戴花冠的新郎,有如佩帶珍珠的新娘。
Ako ay lubos na magagalak kay Yahweh; sa aking Diyos ako ay labis na magsasaya. Dahil ako ay binihisan niya ng mga kasuotan ng kaligtasan; binihisan niya ako ng may balabal ng katuwiran, tulad ng isang lalaking ikakasal na ginagayakan ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng isang turban, at tulad ng isang babaeng ikakasal na nagpapaganda sa kaniyang sarili ng kaniyang mga hiyas.
11 正如大地怎樣產生苗芽,田園怎樣使種子發芽,吾主上主也要怎樣在萬民前產生正義和讚揚。
Kung paanong pinagsisibol ng lupa ang mga halaman nito, at tulad sa hardin na pinalalago ang itinanim na halaman dito, gayon din ang Panginoong Yahweh ay idudulot na ang katuwiran at papuri ay sumibol sa harapan ng lahat ng mga bansa.

< 以賽亞書 61 >