< 以賽亞書 45 >

1 上主這樣對他的受傅者居魯士說:--我牽著他的右手,使他蹂躪他面前的列國,解除列王的腰帶;我在他前開啟城門,使門戶不再關閉--「
Ito ang sinasabi ni Yahweh, sa kaniyang hinirang, kay Ciro na ang kanang kamay ay aking hawak, para lupigin ang mga bansa sa harap niya, para tanggalan ng sandata ang mga hari, at para buksan ang mga pintuan sa kaniyang harapan, kaya ang mga tarangkahan ay mananatiling nakabukas:
2 我要走在你前面,把岐嶇的路修平;我要把銅門打破,將鐵閂擊碎,
Ako ay mauuna sa iyo at ang mga bundok ay aking papatagin; aking wawasakin ang mga pintuang tanso at puputol-putulin ang kanilang bakal na rehas,
3 把隱藏的錢財和秘密的寶物賜給你,為叫你知道:是我上主,以色列的天主,提著你的名召叫了你。
at ibibigay ko sa iyo ang mga kayamanang nasa kadiliman at ang mga natatagong kayamanan, para inyong malaman na ako ito, si Yahweh, na tumatawag sa iyong pangalan, ako, ang Diyos ng Israel.
4 為了我的僕人雅各伯和我揀選的以色列的緣故,我提著你的名召叫了你,給你起了這個稱號,縱然你還不認識我。
Para sa kapakanan ni Jacob na aking lingkod, at sa Israel na aking pinili, tinawag kita sa iyong pangalan: bibigyan ka ng isang pangalan na may karangalan, kahit hindi mo ako kinilala.
5 我是上主,再沒有另一位;除我以外,沒有別的神;雖然你還不認識我,我卻武裝了你,
Ako si Yahweh, at walang iba; walang ibang Diyos maliban sa akin. Bibigyan kita ng sandata para sa digmaan, kahit hindi mo ako kinilala;
6 為叫從日出到日落之地的人都知道:除我之外,再沒有另一位。我是上主,再沒有另一位;
Para malaman ng mga tao mula sa pagsikat ng araw, at mula sa kanluran, na walang ibang diyos maliban sa akin: ako si Yahweh, at wala ng iba.
7 是我造了光明,造了黑暗;造了幸福,降了災禍:是我上主造成了這一切。」
Ako ang lumikha ng liwanag at dilim; Ako ang nagbibigay ng kapayapaan at lumilikha ng kapahamakan; Ako si Yahweh, na gumagawa ng lahat ng bagay na ito.
8 諸天,請由上滴下甘露,望雲彩降下仁義,願大地裂開生出救恩,願正義一同出生!我上主創造了這事。
Kayong mga langit, ibagsak ninyo ang ulan mula sa itaas! Hayaan ang mga himpapawid na umulan ng makatarungang kaligtasan. Hayaan ito ay sipsipin ng lupa, nang kaligtasan ay sumibol, at kasama nito tutubo ang katwiran. Ako, si Yahweh, ang lumikha sa kanilang dalawa.
9 禍哉,那與自己的製造者爭辯的!瓦器豈能與摶泥者爭辯﹖陶器豈能對陶工說:「你做的是什麼啊!」或說:「你手製的不精美!」
Kaawa-awa ang sinumang nakikipagtalo sa lumalang sa kanya! Isang basag na palayok sa kalagitnaan ng lahat ng basag na palayok sa lupa! Dapat bang sabihin ng putik sa manlililok,' 'Ano ang iyong ginagawa? o, Ano ang iyong nililikha— wala ka bang mga kamay noong likhain mo ito?
10 禍哉!那向父親說:「你為什麼生子﹖」或向母親說:「你為什麼生育」的人!
Kaawa-awa ang nagsasabi sa isang ama, Para saan pa ang iyong pagiging ama? o sa isang babae, 'para saan at ikaw ay manganganak pa?'
11 以色列的聖者、安排將來的上主這樣說:「關於我子女的事,你們要質問我嗎﹖或者對我手中的工作,你們有所吩咐嗎!
Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Banal ng Israel, kaniyang Manlilikha: tungkol sa mga bagay na darating, tinatanong ninyo ba ako tungkol sa aking mga anak? Sasabihin niyo ba sa akin kung ano ang gagawin ko sa gawa ng aking mga kamay?'
12 是我造了大地,又造了地上的人;是我親手展開了諸天,佈置了天上的星辰;
Aking nilikha ang lupa at nilalang ang tao mula rito. Itong aking mga kamay ang naglatag ng kalangitan, at aking inutos sa lahat ng mga bituin na lumitaw.
13 是我由於仁義喚起了他;我要修平他的道路,他要修建我的城池,遣回我的俘虜,而不索取贖金,也不要求報酬。」這是萬軍上主說的。
Pinakilos ko si Ciro sa katuwiran, at tutuwirin ang lahat ng kaniyang mga landas. Itatayo niya ang aking lungsod; pauuwiin niya ang aking bayang ipinatapon, nang walang kapalit na bayad o suhol, “sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo.
14 上主這樣說:「埃及的工人,雇士的商人,以及色巴的巨人,都要過來,歸屬於你;他們都要帶著鎖鍊追隨你後;並俯伏在你面前,懇求你說:惟獨你這裏有天主,以外沒有別的神明。」
Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Ang yaman ng Ehipto, at pangangalakal ng Ethiopia sa mga Sabeo, mga taong matataas ang kalagayan, ay dadalhin sa iyo. Sila ay magiging inyo. Sila ay magsisisunod sa inyo, magsisidating na may mga tanikala. Sila ay magpapatirapa sa iyo, at sila ay makikiusap sa iyo na sinasabing, Tunay na ang Diyos ay nasa iyo, at walang iba liban sa kanya.
15 以色列的天主,救主!你真是隱密的天主。
Tunay nga na ikaw ay isang Diyos na kinukubli ang iyong sarili, Diyos ng Israel, na Tagapagligtas.
16 製造偶像的人必蒙羞受辱,一同歸於羞慚。
Mapapahiya at kahiya-hiya silang lahat; silang mga gumagawa ng diyus-diyosan ay lalakad sa kahihiyan.
17 但以色列必因上主而得救,獲享永遠的救恩:你們不會蒙羞受辱,直到永遠。
Pero ang Israel ay ililigtas ni Yahweh nang walang hanggang kaligtasan; kayo ay hindi na muli mapapahiya.
18 因為那創造諸天的上主--只有他是天主,是他創造、形成和奠定了大地:他並非創造了一團混沌,而是為使人居住纔造了它--他這樣說:「我是上主,沒有另一位。
Ito ang sinasabi ni Yahweh, na lumikha ng kalangitan, ang tunay na Diyos na gumawa ng lupa at lumikha nito, na siyang nagtatag nito. Kaniyang nilikha ito, hindi para masayang, para panahanan: “Ako si Yahweh, at wala akong kapantay.
19 我沒有在隱秘處或黑暗之地說過話,我沒有給雅各伯的子孫說過:你們徒然尋求了我!我上主,只說真實,惟講公理。
Ako ay hindi nagsalita ng palihim, sa mga tagong lugar; hindi ko sinabi sa lahi ni Jacob, 'Hanapin ninyo ko ng walang katuturan!' Ako si Yahweh, ay nagsasalita ng totoo; inihahayag ko ang mga bagay na matuwid.
20 列國的餘民!你們一起集合起來,一同前來罷!凡抬過偶像,敬拜過不能施救的神祇的,真是無知!
Tipunin ang inyong mga sarili at lumapit! Magsama-sama kayong mga nakasumpong ng kanlungan mula sa mga bansa! Sila ay walang nalalaman, sila na nagdadala ng larawang inukit at nanalangin sa mga diyos na hindi nakapagliligtas.
21 請你們陳述,請你們證明,也讓你們一同商量商量:是誰從古時就叫人聽到這事呢﹖是誰早已宣佈了呢﹖不是我,上主嗎!的確,除我以外,沒有別的神!除我以外,再沒有一個仁義的神和救主。
Magsilapit at ipahayag ito sa akin, magdala ng katibayan! Hayaan silang magsisabwatan. Sino ang nagpakita nito mula nang unang panahon? Sinong nagpahayag nito? Hindi ba ako, na si Yahweh? At walang ibang Diyos maliban sa akin, ang makatarungang Diyos at ang Tagapagligtas; walang iba maliban sa akin.
22 大地四極的人!你們歸依我,必能得救,因為只有我是天主,再沒有另一個。
Bumalik kayo sa akin at maligtas, lahat ng nasa sulok ng mundo; dahil ako ang Diyos, at walang ibang diyos.
23 我指著我自己起誓:真理一出我口,那話決不返回;人人都將向我屈膝,眾舌都要指著我起誓。
Ako ay sumusumpa sa aking sarili, sinasabi ang aking makatarungang atas, at hindi ito babalik: Sa akin ang bawat tuhod ay luluhod, bawat dila ay susumpa,
24 人都要說:唯有在上主前有仁義和力量。凡向他發怒的,必要含羞地歸依他。
na nagsasabing, “Kay Yahweh lamang ang kaligtasan at kalakasan. Ang lahat ng nagagalit sa kaniya ay manliliit sa kahihiyan sa kaniyang harapan.
25 以色列所有的後裔,必要因上主獲勝誇耀。」
Kay Yahweh, ang lahat ng kaapu-apuhan ng Israel ay mapapawalang sala; ipagmamalaki nila siya.

< 以賽亞書 45 >