< 創世記 47 >

1 若瑟遂去呈報法郎說:「我父和我兄弟,帶著他們的牛羊和一切所有,從客納罕地來了,現今都在哥笙地方。」
Pagkatapos pumasok si Jose at sinabi sa Paraon, “Ang aking ama at ang aking mga kapatid na lalaki, ang kanilang mga hayop, ang kanilang mga alagang kawan, at ang lahat ng kanilang pagmamay-ari, ay dumating na galing sa lupain ng Canaan. Tingnan mo, sila ay nasa lupain na ng Gosen.
2 若瑟由他兄弟中選了五人,引他們去謁見法郎。
Sinama niya ang lima sa kanyang mga kapatid na lalaki at ipinakilala sila sa Paraon.
3 法郎問若瑟的兄弟們說:「你們有何職業﹖」他們回答法郎說:「你的僕人們是放羊的人,我們和我們的祖先,都是如此。」
Sinabi ng Paraon sa kanyang mga kapatid na lalaki, “Ano ang hanapbuhay ninyo?” Sinabi nila sa Paraon, “Ang iyong mga lingkod ay mga pastol, katulad ng aming mga ninuno.
4 繼而又對法郎說:「我們來僑居此地,因為客納罕地饑荒很凶,你僕人們的羊群找不到草地,所以請陛下讓你的僕人們住在哥笙地方。」
Pagkatapos sinabi nila kay Paraon, “Pumunta kami bilang pansamantalang mamamayan sa lupain. Wala ng pastulan para sa mga hayop ng inyong mga lingkod, dahil malubha na ang taggutom sa lupain ng Canaan. Kaya ngayon, pakiusap hayaan niyo ang iyong mga lingkod na manirahan sa lupain ng Gosen.”
5 法郎遂面對若瑟說:「你父親和你兄弟既來到了你這裏,
Pagkatapos nagsalita ang Paraon kay Jose, at sinabing, “Ang iyong ama at ang iyong mga kapatid na lalaki ay pumunta sa iyo,
6 埃及國全在你面前,你可叫你父親和你兄弟住在最好的地方,叫他們住在哥笙地;你若知道他們中有能幹的可派他們管我的牲畜。」
Ang lupain ng Ehipto ay nasa harapan mo. Patirahin mo ang iyong ama at ang iyong mga kapatid na lalaki sa pinakamainam na rehiyon, sa lupain ng Gosen. Kung may kakilala kang mga lalaki mula sa kanila na may kakayahan, ilagay mo sila bilang tagapamahala sa aking mga alagang hayop.”
7 然後若瑟引他父親來謁見法郎;雅各伯向法郎請安。
Pagkatapos dinala ni Jose ang kanyang ama na si Jacob at ipinakilala siya sa Paraon. Pinagpala ni Jacob si Paraon.
8 法郎遂問雅各伯說:「請問高壽﹖」
Sinabi ng Paraon kay Jacob, “Gaano ka na katagal nabubuhay?”
9 雅各伯回答法郎說:「我寄居人世,已一百三十年;我一生歲月又少又苦,不會達到我祖先寄居人世的年數。」
Sinabi ni Jacob kay Paraon, “Ang mga taon ng aking mga paglalakbay ay isandaan at tatlumpu. Ang mga taon ng aking buhay ay maikli at masakit. Hindi ito kasintagal ng aking mga ninuno.”
10 雅各伯再向法郎請安,辭別法郎出來了。
Pagkatapos pinagpala ni Jacob ang Paraon at umalis mula sa kanyang harapan.
11 若瑟依照法郎的吩咐,給他父親和兄弟安排了住處,將埃及國辣默色斯境內最好的地方,給了他們作產業。
Pagkatapos pinatira ni Jose ang kanyang ama at ang kanyang mga kapatid na lalaki. Binigyan niya sila ng lupain sa Ehipto, ang pinakamainam na lupain, sa lupain ng Rameses, ayon sa utos ng Paraon.
12 若瑟並按照他們的人口,供給他父親和兄弟以及他父親全部家屬的食糧。
Binigyan ni Jose ng pagkain ang kanyang ama, mga kapatid, at lahat ng sambahayan ng kanyang ama, ayon sa bilang ng kanilang kasama sa bahay.
13 那時因為饑荒十分嚴重,各地絕糧,連埃及國和客納罕地也因饑荒缺了糧。
Ngayon wala ng pagkain sa lahat ng lupain; dahil malubha na ang taggutom. Ang lupain ng Ehipto at ang lupain ng Canaan ay nakatiwangwang dahil sa taggutom.
14 若瑟因售糧與民眾,將埃及國和客納罕地內所有的一切銀錢,都聚斂了來,將這些銀錢盡歸入法郎王室。
Naipon ni Jose ang lahat ng salaping nasa lupain ng Ehipto at sa lupain ng Canaan, sa pamamagitan ng pagbebenta ng butil sa mga mamamayan. Pagkatapos dinala ni Jose ang salapi sa palasyo ng Paraon.
15 當埃及國和客納罕地的銀錢都用盡了,埃及人前來見若瑟說:「銀錢已用完了,請給我們糧食,免得我們死在你面前! 」
Nang naubos na ang lahat ng salapi sa mga lupain ng Ehipto at Canaan, lahat ng mga taga-Ehipto ay pumunta kay Jose at sinabing, “Bigyan mo kami ng pagkain! Bakit kami mamamatay sa iyong harapan dahil ubos na ang aming salapi?
16 若瑟回答說:「如果沒有銀錢,可將你們的家畜送來;我將糧食給你們,交換你們的家畜。」
Sinabi ni Jose, “Kung wala na kayong salapi, dalhin ninyo ang inyong mga hayop at bibigyan ko kayo ng pagkain bilang kapalit ng inyong mga alagang hayop.”
17 他們遂將家畜送來,交給若瑟;若瑟便以糧食換取了他們的馬、牛、羊、驢;那一年人們就以所有的家畜,換糧食生活。
Kaya dinala nila ang kanilang mga alagang hayop kay Jose. Binigyan sila ni Jose ng pagkain bilang kapalit ng kanilang mga kabayo, mga hayop, mga kawan, at mga asno. Pinakain niya sila ng tinapay kapalit ng kanilang mga hayop sa taon na iyon.
18 這一年過後,第二年他們又來見他說:「我們實不瞞我主,銀錢都用盡了,畜養的家畜也全歸了我主,在我主面前什麼也沒有了,只剩下了我們自身和我們的田地。
Nang natapos ang taong iyon, pumunta sila sa kanya nang sumunod na taon at sinabi sa kanya, “Hindi kami magtatago sa aming amo na ubos na ang lahat ng aming salapi, at ang mga baka pag-aari na ng aming amo. Wala ng natira pa sa paningin ng aming amo, maliban sa aming katawan at ang aming lupain.
19 為什麼要我們死在你面前﹖讓田地荒蕪呢﹖你用糧食收買我們和我們的田地罷! 好叫我們的田地都歸法郎作主。請給我們穀種,好叫我們生活,不致於死,田地也不致於荒蕪。」
Bakit kami mamamatay sa harap ng iyong mga mata, kami at ang aming lupain? Bilhin mo kami at ang aming lupain kapalit ng pagkain, at kami at ang aming lupain ay magiging mga lingkod ni Paraon. Bigyan mo kami ng binhi para mabuhay kami at hindi mamatay, at ang aming lupain ay hindi mapababayan.
20 埃及人為饑荒所迫,人人出賣了自己的農田;若瑟遂為法郎購得了埃及所有的田地,田地遂盡歸法郎所有。
Kaya nabili ni Jose ang buong lupain ng Ehipto para sa Paraon. Ibinenta ng bawat mamamayan ng Ehipto ang kanilang mga bukid, dahil napakalubha na ng taggutom. Sa paraang ito, ang lupain ay naging pag-aari na ng Paraon.
21 並使埃及境內的人民,從這邊直到那邊,都成了農奴;
Tungkol naman sa mga tao, ginawa niya silang alipin mula sa dulong hangganan ng Ehipto hanggang sa kabilang dulo.
22 只有司祭的田地他沒有買得,因為司祭有得自法郎的常糧,可藉法郎賜與他們的常糧生活,所以沒有賣他們的田地。
Ang lupain lamang ng mga pari ang hindi nabili ni Jose dahil ang mga pari ay binibigyan ng rasyon. Kumakain sila mula sa rasyon na ibinibigay ng Paraon sa kanila. Kaya hindi nila ipinagbili ang kanilang lupain.
23 那時若瑟對人民說:「今天我將你們和你們的田地,都已買下歸於法郎,這裏有你們的穀種,你們拿去播種;
Pagkatapos sinabi ni Jose sa mga tao, “Masdan ninyo, binili ko kayo at ang inyong lupain sa araw na ito para sa Paraon. Ngayon narito ang mga binhi para sa inyo, at tatamnan niyo ang lupain.
24 到了收穫的時候,五分之一應歸法郎,其餘四分歸你們自己,作為田地的穀種,作為你們和你們的家屬以及幼兒的食糧。」
Sa anihan, magbigay kayo ng ikalimang bahagi sa Paraon, at ang apat na bahagi ay para sa inyong sarili, para sa binhi ng lupain at para pagkain ng inyong sambahayan at inyong mga anak.”
25 他們答說:「你救了我們的性命! 唯願我們在我主前蒙恩,我們情願給法郎為奴! 」
Sinabi nila, “Iniligtas mo ang buhay namin. Sana ay maging kalugod-lugod kami sa iyong mga mata. Kami ay magiging mga alipin ng Paraon.”
26 由此若瑟為埃及的田地立了法例,至今有效:五分之一應歸法郎;只有司祭的田地例外,不歸法郎。
Kaya ginawa itong kautusan ni Jose na umiiral pa rin sa lupain ng Ehipto hanggang sa araw na ito, na ang ikalimang bahagi ay magiging pag-aari ng Paraon. Ang lupain lang ng mga pari ang hindi napunta sa Paraon.
27 以色列人住在埃及國哥笙地方,那裏置業繁殖,人數大為增加。
Kaya si Israel ay nanirahan sa lupain ng Ehipto, sa lupain ng Goshen. Ang kanyang mga tao roon ay nakakuha ng mga ari-arian. Sila ay mabunga at dumami ng lubos.
28 雅各伯在埃及國又活了十七年;雅各伯的一生歲月共計一百四十七年。
Si Jacob ay tumira sa Ehipto ng labimpitong taon, kaya ang mga taon ng buhay ni Jacob ay isandaan at apatnapu't pitong taon.
29 以色列自知死期已近,便叫了他兒子若瑟來,對他說:「如果我在你眼內得寵,請將你的手放在我的胯下許下,以恩情和忠實對待我,不要將我埋在埃及。
Nang malapit na ang oras ng kamatayan ni Israel, tinawag niya ang kanyang anak na si Jose at sinabihan siyang, “Kung ngayon ako ay kalugod-lugod sa iyong paningin, ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita, at pakitaan mo ako ng katapatan at pagiging mapagkakatiwalaan. Pakiusap huwag mo akong ilibing sa Ehipto.”
30 我與我的祖先同眠了,你應將我帶出埃及,葬在他們的墓地裏。」若瑟答說:「我必照你的話去行。」
Pagtulog ko kasama ng aking mga ama, ilabas mo ako sa Ehipto at ilibing sa libingan ng aking mga ninuno.” Sinabi ni Jose, “Gagawin ko ang sinabi mo.”
31 雅各伯接著說:「你對我發誓。」若瑟遂對他發了誓;以色列便靠著床頭屈身下拜。
Sinabi ni Israel, “Mangako ka sa akin,” at si Jose ay nangako sa kanya. Pagkatapos yumuko si Israel sa ulunan ng kanyang higaan.

< 創世記 47 >