< 創世記 4 >
1 亞當認識了自己的妻子厄娃,厄娃懷了孕,生了加音說:「我賴上主獲得了一個人。」
Ang lalaki ay sumiping sa kanyang asawang si Eva. Siya ay nabuntis at isinilang niya si Cain. Sinabi niya, “Nagkaroon ako ng lalaki sa tulong ni Yahweh.”
2 以後她生了加音的弟弟亞伯爾;亞伯爾牧羊,加音耕田。
Pagkatapos ay isinilang niya ang lalaking kapatid nitong si Abel. Naging pastol si Abel, pero si Cain ay nagbungkal ng lupa.
At nangyari na sa paglipas ng panahon dinala ni Cain ang ilan sa bunga ng lupa bilang handog kay Yahweh.
4 同時亞伯爾獻上自己羊群中最肥美而又是首生的羊;上主惠顧了亞伯爾和他的祭品,
Si Abel naman ay nagdala ng ilan sa panganay ng kanyang kawan at ilan sa taba. Tinanggap ni Yahweh si Abel at ang kanyang handog,
5 卻沒有惠顧加音和他的祭品;因此加音大怒,垂頭喪氣。
pero hindi niya tinanggap si Cain at ang kanyang handog. Kaya lubhang nagalit si Cain, at sumimangot siya.
6 上主對加音說:「你為什麼發怒﹖為什麼垂頭喪氣﹖
Sinabi ni Yahweh kay Cain, “Bakit ka nagagalit at bakit ka sumisimangot?
7 你若做得好,豈不也可仰起頭來﹖你若做得不好,罪惡就伏在你門前,企圖對付你,但你應制服它。」
Kung gagawin mo ang tama, hindi ka ba tatanggapin? Pero kung hindi mo ginagawa ang tama, ang kasalanan ay nag-aabang sa pinto at ninanais na mamahala sa iyo, subalit dapat mo itong pamunuan.”
8 事後加音對他弟弟亞伯爾說:「我們到田間去! 」當他們在田間的時候,加音就襲擊了弟弟亞伯爾,將他殺死。
Kinausap ni Cain si Abel na kanyang kapatid. At nangyari na habang sila ay nasa bukid, tumindig si Cain laban sa kanyang kapatid na si Abel at pinatay niya ito.
9 上主對加音說:「你弟弟亞伯爾在那裏﹖」他答說:「我不知道,難道我是看守我弟弟的人﹖」
Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Cain, “Nasaan ang iyong kapatid na si Abel?” Sinabi niya, “Hindi ko alam. Tagapangalaga ba ako ng aking kapatid?”
10 上主說:「你作什麼事﹖聽! 你弟弟的血由地上向我喊冤。
Sinabi ni Yahweh, “Ano ang ginawa mo? Tumatawag sa akin ang dugo ng iyong kapatid mula sa lupa.
11 你現在是地上所咒罵的人,地張開口由你手中接收了你弟弟的血,
Ngayon isinumpa ka mula sa lupa, na nagbukas ng bunganga nito upang tanggapin ang dugo ng iyong kapatid mula sa iyong kamay.
12 從此你即使耕種,地也不會給你出產;你在地上要成個流離失所的人。」
Kapag ikaw ay magbubungkal ng lupa, mula ngayon hindi na nito isusuko sa iyo ang kanyang lakas. Magiging palaboy at pagala-gala ka sa mundo.”
Sinabi ni Cain kay Yahweh, “Ang parusa ko ay higit kaysa sa aking makakaya.
14 看你今天將我由這地面上驅逐,我該躲避你的面,在地上成了個流離失所的人;那麼凡遇見我的,必要殺我。」
Sa katunayan, itinaboy mo ako sa araw na ito mula sa lupang ito, at ako ay itatago mula sa iyong mukha. Magiging palaboy ako at pagala-gala sa mundo, at kung sinuman ang makasusumpong sa akin ay papatayin ako.”
15 上主對他說:「決不這樣,凡殺加音的人,一定要受七倍的罰。」上主遂給加音一個記號,以免遇見他的人擊殺他。
Sinabi ni Yahweh sa kanya, “Kung sinuman ang papatay kay Cain, makapitong beses siyang gagantihan.” Kaya nilagyan ni Yahweh ng palatandaan si Cain upang sinumang makasumpong sa kanya, hindi siya lulusubin ng taong iyon.
16 加音就離開上主的面,住在伊甸東方的諾得地方。
Kaya umalis si Cain mula sa presensya ni Yahweh at nanirahan sa lupain ng Nod, sa silangan ng Eden.
17 加音認識了自己的妻子,她懷了孕,生了哈諾客。加音建築了一座城,即以他兒子的名字,給這城起名叫「哈諾客。」
Sinipingan ni Cain ang kanyang asawa at nabuntis ito. Isinilang niya si Enoc. Nagtatag siya ng isang lungsod at pinangalanan niya ito sunod sa kanyang anak na si Enoc.
18 哈諾客生了依辣得;依辣得生了默胡雅耳;默胡雅耳生了默突沙耳;默突沙耳生了拉默客。
Kay Enoc isinilang si Irad. Si Irad ang naging ama ni Mehujael. Si Mehujael ang naging ama ni Metusael. Si Metusael ang naging ama ni Lamec.
19 拉默客娶了兩個妻子:一個名叫阿達,一個名叫漆拉。
Si Lamec ay kumuha ng dalawang asawa para sa kanyang sarili: ang pangalan ng isa ay si Ada, at ang pangalan ng isa pa ay si Zilla.
20 阿達生了雅巴耳,他是住在帳幕內畜牧者的始組。
Isinilang ni Ada si Jabal. Siya ay ama ng lahat ng nakatira sa mga tolda na may mga alagang hayop.
21 他的弟弟名叫猶巴耳,他是所有彈琴吹簫者的始祖。
Ang pangalan ng kanyang kapatid na lalaki ay Jubal. Siya ang ama ng lahat ng mga manunugtog ng alpa at plauta.
22 同時漆拉也生了突巴耳加音,他是製造各種銅鐵器具的匠人。突巴耳加音有個姊妹名叫納阿瑪拉。
Si Zilla naman, naging anak niya si Tubal Cain, ang nagpapanday ng mga kagamitang tanso at bakal. Ang babaeng kapatid ni Tubal Cain ay si Naama.
23 默客對自己的妻子說:「阿達和漆拉傾聽我的聲音,拉默客的妻子,靜聆我的言語:因我受傷,殺了一成年;因我受損,殺了一青年;
Sinabi ni Lamec sa kanyang dalawang asawa, “Ada at Zilla dinggin ninyo ang aking tinig; kayong mga asawa ni Lamec, makinig kayo sa sasabihin ko. Nakapatay ako ng isang tao dahil sinugatan ako, isang binata dahil sa pananakit sa akin.
24 殺加音的受罰是七倍,殺拉默客的是七十七倍。」
Kung ipaghihiganti si Cain ng makapitong ulit, sa gayon si Lamec ay ipaghihiganti ng pitumpu't-pitong ulit.”
25 亞當又認識了自己的妻子,她生了個兒子,給他起名叫舍特說:「天主又賜給了我一個兒子,代替加音殺了的亞伯爾。」
Si Adan ay muling sumiping sa kanyang asawa, at siya ay nagkaanak ng isa pang anak na lalaki. Tinawag niya itong Set at sinabing, “Binigyan muli ako ng Diyos ng anak na lalaki kapalit ni Abel, dahil pinatay siya ni Cain.”
26 舍特也生了一個兒子,給他起名叫厄諾士。那時人才開始呼求上主的名。
Si Set ay nagkaroon ng anak na lalaki at tinawag niya itong Enos. Sa panahong iyon ang mga tao ay nagsimulang tumawag sa pangalan ni Yahweh.