< 創世記 34 >

1 肋阿給雅各伯生的女兒狄納,要去看看當地的女人。
Ngayon si Dina, na babaeng anak ni Lea kay Jacob ay lumabas para makilala ang mga dalaga ng lupain.
2 當地酋長希威人哈摩爾的兒子舍根看見她,就抓住她,強姦了她,玷辱了她。
Nakita siya ni Sechem, na anak ni Hamor na Hevita ang prinsipe ng lupain at hinila siya, nilapastangan at hinalay.
3 他的心迷戀雅各伯的女兒狄納,深愛這少女,說寬慰她心的話。
Naakit siya kay Dina, na anak ni Jacob. Minahal niya ang dalaga at magiliw na kinausap siya.
4 事後,舍根向自己的父親哈摩爾說:「請給我娶這少女為妻。」
Kinausap ni Sechem ang kanyang amang si Hamor, sinabing, “Kunin mo ang dalagang ito para sa akin upang maging asawa ko.”
5 雅各伯聽見舍根污辱了女兒狄納,但因他的兒子們那時正在鄉間看守他的牲畜,所以沒有作聲,等他們回來。
Ngayon narinig ni Jacob na dinungisan niya si Dina na kanyang anak. Nasa bukid ang kanyang mga anak na lalaki kasama ng kanyang mga alagang hayop, kaya nanahimik si Jacob hanggang sa dumating sila.
6 舍根的父親哈摩爾前來見雅各伯,與他商議。
Pumunta kay Jacob si Hamor na ama ni Sechem.
7 那時雅各伯的兒子已由鄉間回來,一聽見這消息,就人人憤恨,非常惱怒,因為有人對以色列做出了這樣的醜事:竟與雅各伯的女兒同臥;這是不應該做的。
Dumating ang mga anak na lalaki ni Jacob na galing sa bukid nang marinig nila ang nangyari. Nasaktan ang mga lalaki. Labis silang nagalit dahil pinahiya nila ang Israel sa pagpupumilit sa kanyang sarili sa anak na babae ni Jacob, dahil ang bagay na iyon ay hindi dapat ginawa.
8 哈摩爾與他們商議說:「我兒舍根的心迷戀你們的女兒,請你們將她嫁給他為妻。
Nakipag-usap si Hamor sa kanila at sinabing, “Iniibig ng aking anak na si Sechem ang iyong anak na babae. Pakiusap ibigay mo siya sa kanya bilang asawa.
9 你們可與我們互通婚姻:將你們的女兒嫁給我們,你們也可娶我們的女兒;
Makipag-asawa kayo sa amin, ibigay mo ang mga anak mong babae sa amin, at kunin ninyo ang mga anak naming babae para sa inyong sarili.
10 這樣你們可同我們住在一起,本地都擺在你們面前,你們可在其中居住、行動、置業。」
Maninirahan kayo sa amin, at magiging bukas ang lupain para sa inyo para manirahan at makipagkalakalan, at makakuha ng ari-arian.”
11 舍根也對狄納的父親和她的兄弟們說:「只要我在你們眼中蒙恩,凡你們要求的,我必依從。
Sinabi ni Sechem sa kanyang ama at sa kanyang mga kapatid na lalaki, “Hayaan ninyong makasumpong ako ng pabor mula sa inyong mga mata, at anuman ang sabihin ninyo sa akin ay ibibigay ko.
12 任憑你們向我要多少聘金和禮品,我必照你們提出的交付,只要你們將這少女給我為妻。」
Hingiin ninyo sa akin gaano man kalaki ang dote at ragalong naisin ninyo, at ibibigay ko ang anumang sabihin ninyo sa akin, ngunit ibigay ninyo ang dalaga bilang asawa.”
13 雅各伯的兒子因為舍根污辱了他們的妹妹狄納,就用欺詐的話答覆舍根和他父親哈摩爾,
Sumagot ang mga anak na lalaki ni Jacob kay Sechem at kay Hamor na kanyang ama na may panlilinlang, sapagkat dinungisan ni Sechem si Dina na kanilang kapatid.
14 說:「將我們的妹妹嫁給一個沒有受割損的人,為我們實是一大恥辱,我們不能這樣作。
Sinabi nila sa kanila, “Hindi namin magagawa ang bagay na ito, ang pagbibigay ng aming kapatid na babae sa sinumang hindi tuli; sapagkat iyan ay magiging kahihiyan sa amin.
15 除非有這個條件,我們不能同意:你們都應和我們一樣,使你們中所有的男子都受割損;
Sa kondisyong ito lamang kami makikipagkasundo sa inyo: kung magpapatuli kayo kagaya namin, kung ang bawat lalaki sa inyo ay tutuliin.
16 以後我們可將我們的女兒嫁給你們,我們也可娶你們的女兒;我們與你們住在一起,成為一個民族。
Sa gayon ibibigay namin ang aming mga anak na babae sa inyo, at kukunin namin ang inyong mga anak na babae para sa aming sarili, at makipamuhay kami sa inyo at tayo ay magiging isang bayan.
17 如果你們不肯聽從我們而受割損,我們就帶著我們的女兒離去。」
Ngunit kung hindi kayo makikinig sa amin at magpatuli, sa gayon kukunin namin ang aming kapatid at aalis kami.”
18 哈摩爾和他的兒子舍根認為他們的建議很好。
Kinalugdan ni Hamor at ng kanyang anak na si Sechem ang kanilang mga sinabi.
19 這少年毫不遲延地要照這建議進行,因為他喜愛雅各伯的女兒,更何況他還是他父親全家族中最重要的人物。
Hindi na nag-atubili ang binatang gawin kung ano ang sinabi nila, dahil siya ay nalugod sa anak na babae ni Jacob, at dahil siya ang pinakamarangal na tao sa buong sambahayan ng kanyang ama.
20 哈摩爾和自己的兒子舍根於是來到城門口,向本城的人提議說:「
Pumunta si Hamor at Sechem sa kanyang anak sa tarangkahan ng kanilang siyudad at nakipag-usap sa mga kalalakihan ng kanilang siyudad na sinasabing,
21 這些人對我們很和善,讓他們住在本地內,在這裏活動;本地原很廣闊,足夠容納他們。我們可娶他們的女兒為妻,也可將我們的女兒嫁給他們。
“Ang mga taong ito ay namumuhay ng payapa kasama natin, kaya hayaan natin silang mamuhay sa lupain at mangalakal dito, dahil tunay na ang lupain ay malawak na sapat para sa kanila. Kunin natin ang mga anak nilang babae bilang mga asawa, at ibigay natin sa kanila ang ating mga anak na babae.
22 但是,這些人只有一個條件,才同意與我們住在一起,形成一個民族:就是我們中所有的男子都應受割損,如同他們受了割損一樣。
Sa ganitong kondisyon lamang papayag ang mga kalalakihan na manirahan kasama natin at tayo'y maging isang bayan: kung tutuliin ang bawat lalaki sa atin, tulad ng sila ay tuli.
23 這樣,他們的家畜和財產,以及一切牲口,豈不都歸了我們! 只要我們同意,他們就肯同我們住在一起。」
Hindi ba maaaring ang kanilang mga alagang hayop at ang kanilang ari-arian—lahat ng kanilang mga hayop ay magiging atin? Kaya makipagkasundo tayo sa kanila, at maninirahan sila kasama natin.”
24 凡由城門出入的人,都聽從了哈摩爾和他的兒子舍根的話;由城門出入的男子,都受了割損。
Lahat ng mga lalaki ng lungsod ay nakinig kay Hamor at Sechem, na kanyang anak. Nagpatuli ang bawat lalaki.
25 第三天他們正疼痛難忍時,雅各伯的兩個兒子,狄納的哥哥西默盎和肋未,各自拿了一把刀,不慌不忙進了城,殺了所有的男子;
Sa ikatlong araw, nang matindi ang sakit ng sugat nila, ang dalawa sa mga anak na lalaki ni Jacob, sina Simeon at Levi na mga kapatid ni Dina, ang kanilang espada at pumunta sa lungsod na walang bantay, at pinatay ang lahat ng mga kalalakihan.
26 又用刀殺了哈摩爾和他的兒子舍根,由舍根房內領出狄納而去。
Pinatay nila si Hamor at Sechem na kanyang anak, sa pamamagitan ng talim ng espada. Kinuha nila si Dina mula sa bahay ni Sechem at umalis.
27 雅各伯其餘的兒子因了自己的妹妹受污,乘人被殺就前來洗劫城邑,
Ang ibang anak na lalaki ni Jacob ay pumunta sa mga patay na katawan at ninakawan nila ang siyudad, dahil nilapastangan ng mga tao ang kanilang kapatid na babae.
28 奪去了他們的羊群、牛群和驢,並城內和鄉間所有的一切。
Kinuha nila ang kanilang mga kawan, mga pangkat ng hayop, mga asno at lahat ng bagay na nasa siyudad at nakapalibot na mga bukid kasama
29 凡是他們的財物,連他們所有的孩子和婦女都擄了去;凡屋內所有的一切,都奪了去。
ang lahat ng kanilang kayamanan. Hinuli nila ang lahat ng kanilang mga anak at mga asawa. Kinuha nila maging ang lahat ng bagay na nasa mga bahay.
30 雅各伯事後對西默盎和肋未說:「你們害了我,使我在本地的居民,即客納罕人和培黎齊人中,成了個可恨的人。我的人數少,如果他們聯合起來反對我,攻擊我,那末我和我全家就必同歸於盡。」
Sinabi ni Jacob kay Simeon at Levi, “Nagdala kayo ng gulo sa akin upang bumaho ako sa mga naninirahan sa lupain, sa mga Cananeo at mga Perezeo. Kakaunti na lamang ang aking bilang. Kung iipunin nila ang kanilang mga sarili laban sa akin at lulusubin ako, malilipol ako, ako at ang aking sambahayan.
31 他們回答說:「難道人應待我們的妹妹如同一個妓女﹖」
Ngunit sinabi ni Simeon at Levi, “Maari bang pakitunguhan ni Sechem ang aming kapatid na katulad ng babaeng bayaran?”

< 創世記 34 >