< 創世記 29 >

1 雅各伯取道前行,來到了東方人的地方;
Pagkatapos nagpatuloy si Jacob sa kanyang paglalakbay at nakarating sa lupain ng mga mamamayan sa silangan.
2 舉目看見田間有口井,還有三群羊,臥在井旁。--因為人慣常由這井取水飲羊,井口上蓋著塊大石頭;
Nang siya ay nagmasid, mayroon siyang nakitang balon sa bukid, at nakita niya, na may tatlong mga kawan ng tupa na namamahinga sa paligid nito. Dahil mula sa balong iyon pinapainom nila ang mga kawan, at ang bato sa bunganga ng balon ay malaki.
3 幾時羊群都聚集在那裏,人就將井口的石頭挪開,取水飲羊;然後再將石頭蓋在井口原處。
Kapag sama-samang napagtipon ang lahat ng mga kawan doon, igugulong ng mga pastol ang bato mula sa bunganga ng balon at paiinumin ang mga tupa, at pagkatapos ibabalik muli ang bato sa bunganga ng balon, pabalik sa kinalalagyan nito.
4 雅各伯對他們說:「弟兄們,你們是那裏的﹖」他們答說:「我們是哈蘭人。」
Sinabi ni Jacob sa kanila, “Mga kapatid ko, saan kayo nanggaling?” At sinabi nila, “Kami ay nanggaling sa Haran”.
5 雅各伯問他們說:「你們認識納曷爾的兒子拉班嗎﹖」他們答說:「我們認識。」
Sinabi niya sa kanila, “Kilala ba ninyo si Laban na anak ni Nahor?” At sinabi nila, “Kilala namin siya”.
6 雅各伯又問說:「他好嗎﹖」他們答說:「他好。看,那不是他的女兒辣黑耳領著羊群來了。」
Sinabi niya sa kanila “Mabuti ba ang kalagayan niya?” Sinabi nila, “Mabuti naman siya, at, tumingin ka roon, si Raquel na kanyang anak ay paparating kasama ang mga tupa.”
7 雅各伯說:「看,太陽還很高,尚不到聚集家畜的時候,你們取水飲了羊,然後再領去牧放。」
Sinabi ni Jacob, “Tingnan mo, ito katanghaliang-tapat. Hindi pa oras para sa mga kawan na sama-samang tipunin. Painumin ninyo ang mga tupa at pagkatapos umalis kayo at hayaan silang manginain ng damo.”
8 他們回答說:「不能夠;因為除非等所有羊群都聚集起來,才可挪開井口的石頭,取水飲羊。」
Sinabi nila, “Hindi namin sila mapapainum hangga't hindi pa sama-samang natitipon ang mga kawan. Saka pa lamang igugulong ng mga kalalakihan ang bato mula sa bunganga ng balon, at paiinumin namin ang mga tupa.”
9 他還同他們說話的時候,辣黑耳領著他父親的羊群到了;因為她是個牧羊女。
Habang si Jacob ay nakikipag-usap pa rin sa kanila, dumating si Raquel kasama ang mga tupa ng kanyang ama, dahil inaalagaan niya ang mga ito.
10 雅各伯一見了舅父拉班的女兒辣黑耳,和舅父拉班的羊群,就上前去,挪開井口的石頭,取水飲他舅父拉班的羊。
Nang makita ni Jacob si Raquel, anak na babae ni Laban, kapatid na lalaki ng kanyang ina, lumapit si Jacob, pinagulung ang bato mula sa bunganga ng balon, at pinainom ang kawan ni Laban, na kapatid ng kanyang ina.
11 然後雅各伯口親辣黑耳,放聲大哭,
Hinalikan ni Jacob si Raquel at umiyak ng malakas.
12 告訴辣黑耳,自己是她父親的外甥,黎貝加的兒子。辣黑耳便跑回去,告訴她父親。
Sinabi ni Jacob kay Raquel na siya ay kamag-anak ng kanyang ama, at siya ay anak ni Rebeca. Pagkatapos tumakbo si Raquel at sinabi niya sa kanyang ama.
13 拉班一聽得了關於他外甥雅各伯的消息,就跑來迎接他,抱住他,親他,領他到自己的家中。雅各伯遂將所遇的事全告訴了拉班。
Nang marinig ni Laban ang balita tungkol kay Jacob na anak ng kanyang kapatid na babae, siya ay tumakbo para salubungin siya, yakapin, halikan at dalhin sa kanyang bahay. Sinabi ni Jacob kay Laban ang lahat ng mga bagay na ito.
14 拉班對他說:「你實在是我的骨肉。」雅各伯遂同他住下了。過了一月,
Sinabi ni Laban sa kanya, “Tunay nga na ikaw ay aking buto at laman,” Pagkataposnanatili si Jacob sa piling niya ng isang buwan.
15 拉班對雅各伯說:「豈可因為你是我的外甥,就該白白服事我﹖告訴我,你要什麼報酬﹖」
Pagkatapos sinabi ni Laban kay Jacob, “Pagsisilbihan mo ba ako sa wala dahil kamag-anak mo ako? Sabihin mo sa akin, ano ang iyong magiging kabayaran?”
16 拉班有兩個女兒:大的名叫肋阿,小的名叫辣黑耳。
Ngayon si Laban ay may dalawang anak na babae. Ang pangalan ng nakatatanda ay Lea at ang pangalan ng nakababatang kapatid ay Raquel.
17 肋阿雙眼無神;辣黑耳卻相貌美麗;
Si Lea ay may mapupungay na mga mata, pero si Raquel ay maganda sa anyo at itsura.
18 為此雅各伯喜愛辣黑耳,遂回答說:「我願為你小女兒辣黑耳服事你七年。」
Minahal ni Jacob si Raquel, kaya sinabi niya, “Maninilbihan ako sa iyo ng pitong taon para kay Raquel, ang iyong nakababatang anak na babae.”
19 拉班答說:「我將她給你,比給外人好;你就同我住下。」
Sinabi si Laban, “Mas mabuti na ibigay ko siya sa iyo, kaysa ibigay ko siya sa ibang lalaki. Manatili ka sa akin.”
20 這樣,雅各伯為得到辣黑耳,服事了拉班七年;由於他喜愛這少女,看七年好像幾天。
Kaya naninilbihan si Jacob ng pitong taon para kay Raquel; at tila ang mga ito ay parang iilang araw lamang sa kanya, dahil sa pagmamahal na mayroon siya sa kanya.
21 雅各伯遂對拉班說:「期限已滿,請將我的妻子給我,我好與她親近。」
Pagkatapos sinabi ni Jacob kay Laban, “Ibigay mo na ang aking asawa, dahil ang mga araw ko ay natapos na—para mapakasalan ko na siya!”
22 拉班也請了當地所有的人士,擺了婚宴。
Kaya tinipon ni Laban ang lahat ng mga lalaki sa lugar at nagpista.
23 到了晚上,他卻將自己的女兒肋阿,引到雅各伯前,雅各伯就親近了她。--
Kinagabihan, kinuha ni Laban si Lea na kanyang anak at dinala kay Jacob, na siyang sumiping sa kanya.
24 拉班且將自己的婢女齊耳帕給了女兒肋阿作婢女。--
Binigay rin ni Laban ang kanyang babaeng lingkod na si Zilpa sa kanyang anak na si Lea, para maging lingkod niya.
25 到了早晨,他一見是肋阿,便對拉班說:「你對我作的是什麼事﹖我服事你,豈不是為了辣黑耳﹖你為什麼欺騙我﹖」
Kinaumagahan, nagulat siya, dahil si Lea ang kasama niya! Sinabi ni Jacob kay Laban, “Ano ba itong ginawa mo sa akin?” Hindi ba nanilbihan ako sa iyo para kay Raquel? Bakit dinaya mo ako?”
26 拉班回答說:「我們這地方沒有先嫁幼女,而後嫁長女的風俗。
Sinabi ni Laban, “Hindi namin kaugalian na ibigay ang nakababatang anak na babae bago ang panganay.
27 你同長女滿了七天以後,我也將幼女給你,只要你再服事我七年。」
Tapusin mo ang isang linggong kasalan sa anak kong ito, at ibibigay rin namin sa iyo ang isa bilang kapalit ng iyong paninilbihan sa akin ng karagdagang pitong taon.”
28 雅各伯就這樣做了。與肋阿滿了七天以後,拉班便將自己的女兒辣黑耳給了他為妻。--
Kaya ginawa iyon ni Jacob, at natapos ang isang linggo para kay Lea. Pagkatapos ay ibinigay ni Laban sa kanya si Raquel bilang kanyang asawa rin.
29 拉班且將自己的婢女彼耳哈給了女兒辣黑耳作婢女。--
Ibinigay rin ni Laban si Bilha sa kanyang anak na babaeng si Raquel, para maging lingkod.
30 雅各伯也親近了辣黑耳,而且他愛辣黑耳甚於肋阿;於是又服事了拉班七年。
Kaya pinakasalan ni Jacob si Raquel, dahil minahal niya si Raquel nang mas higit pa kay Lea. Kaya nanilbihan si Jacob kay Laban ng karagdagang pitong taon.
31 上主見肋阿失寵,便開了她的胎;但辣黑耳卻荒胎不孕。
Nakita ni Yahweh na si Lea ay hindi minahal, kaya binuksan niya ang kanyang sinapupunan, pero si Raquel ay walang anak.
32 肋阿懷孕生了一子,給他起名叫勒烏本,說:「上主垂視了我的苦衷,現在我的丈夫會愛我了。」
Si Lea ay nagdalang-tao at nagsilang ng isang batang lalaki, at pinangalanan niyang Ruben. Sinabi niya, “Dahil nakita ni Yahweh ang aking paghihirap; tiyak ngayon na mamahalin na ako ng aking asawa.
33 她又懷孕生了一子,說:「上主聽說我失了寵,又給了我一個。」遂給他起名叫西默盎。
Pagkatapos muli siyang nagdalang-tao at nagsilang ng lalaki. Sinabi niya, “Dahil narinig ni Yahweh na hindi ako minahal, kaya binigyan din niya ako ng anak na lalaki,” at pinangalanan niya itong Simeon.
34 她又懷孕生了一子,說:「這次,我的丈夫可要戀住我了,因為我已給他生了三個兒子。」遂給他起名叫肋未。
Pagkatapos nagdalang-tao siya muli at nagsilang ng lalaki. Sinabi niya, “Ngayon, sa pagkakataong ito, ang aking asawa ay magiging malapit na sa akin dahil nakapagsilang ako para sa kanya ng tatlong lalaki.” Kaya nga ang kanyang pangalan ay tinawag na Levi.
35 她又懷孕生了一子,說:「這次我要讚頌上主。」為此給他起名叫猶大。以後就停止生育。
Nagdalang-tao siya muli at nagsilang ng lalaki. Sinabi niya, “Sa pagkakataong ito pupurihin ko si Yahweh.” Kaya nga pinangalanan niya itong Juda; Pagkatapos huminto na siya sa pagkakaroon ng anak.

< 創世記 29 >