< 創世記 23 >

1 撒辣一生的壽數是一百二十歲。
Nabuhay si Sara ng isandaan at dalawampu't-pitong taon. Ito ang mga taon ng buhay ni Sara.
2 撒辣死在客納罕地的克黎雅特阿爾巴,即赫貝龍。亞巴郎來舉哀哭弔撒辣;
Namatay si Sara sa Kiriat Arba, iyon ay, Hebron, sa lupain ng Canaan. Nagluksa at umiyak si Abraham para kay Sara.
3 然後從死者面前起來,對赫特人說道:
Pagkatapos, tumayo si Abraham at umalis mula sa namatay niyang asawa, at nakipag-usap sa mga anak na lalaki ni Het, na nagsabing,
4 「我在你們中是個外鄉僑民,請你們在這裏賣給我一塊墳地,我好將我的死者移去埋葬。」
“Ako ay isang dayuhan sa inyo. Pakiusap bigyan ninyo ako ng isang ari-arian para gawing libingan dito, para mailibing ko ang aking patay.”
5 赫特人答覆亞巴郎說:「
Sumagot ang mga anak ni Heth kay Abraham, nagsasabing,
6 先生,請聽:你在我們中是天主的寵臣,你可在我們最好的墳地埋葬你的死者,我們沒有人會拒絕你,在他的墳地內埋葬你的死者。」
“Makinig ka sa amin, aking panginoon. Ikaw ay prinsipe ng Diyos sa amin. Ilibing mo ang iyong patay sa aming piling mga libingan. Wala sa amin ang magkakait sa iyo ng libingan, para ilibing ang iyong patay.”
7 亞巴郎遂起來,向當地人民赫特人下拜,
Tumayo si Abraham at yumuko sa mga mamamayan ng lupain, sa mga anak ni Het.
8 然後對他們說:「如果你們實在願意我將死者移去埋葬,請你們答應我,為我請求祚哈爾的兒子厄斐龍,
Nagsalita siya sa kanila, na nagsabing, “Kung sumasang-ayon kayo na dapat kong ilibing ang aking patay, dinggin ninyo ako at pakiusapan si Efron na anak ni Zohar, para sa akin.
9 要他賣給我他那塊田地盡頭所有的瑪革培拉山洞;要他按實價在你們面前賣給我,作為私有墳地。」
Pakiusapan ninyo siyang ipagbili sa akin ang kuweba ng Makpela, na kanyang pagmamay-ari, na nasa dulo ng kanyang bukid. Para sa buong halaga hayaan niyang ipagbili ito sa akin nang hayagan bilang ari-arian para gawing libingan.”
10 當時,厄斐龍也坐在赫特人中間。這赫特人厄斐龍遂在聚於城門口的赫特人面前,高聲答覆亞巴郎說:「
Ngayon nakaupo si Efron kasama ang mga anak ni Het, at sumagot si Efron ang Heteo kay Abraham habang naririnig ng mga anak ni Het at ng lahat ng mga taong pumunta sa loob ng tarangkahan ng siyudad, na nagsabing,
11 先生,不要這樣。請聽我說:我送給你這塊田,連其中的山洞,也送給你。我願在我同族的人民眼前送給你,埋葬你的死者。」
“Hindi, aking panginoon, pakinggan mo ako. Ibibigay ko sa iyo ang bukid, at ang kuwebang narito. Ibibigay ko ito sa iyo, sa harapan ng mga anak ng aking mga kababayan. Ibibigay ko ito sa iyo para mapaglibingan ng iyong patay.”
12 亞巴郎又在當地人民面前下拜,
Pagkatapos yumuko si Abraham sa harapan ng mga mamamayan ng lupain.
13 然後對當地人民高聲向厄斐龍說:「假如你樂意,請你聽我說:我願給你地價,你收下後,我才在那裏埋葬我的死者。」
Kinausap niya si Ephron na naririnig ng mga tao sa lupain, na nagsasabing, “Ngunit kung papayag ka, pakiusap dinggin mo ako. Babayaran ko ang bukid. Tanggapin mo ang pera mula sa akin, at doon ko ililibing ang aking patay.”
14 厄斐龍答覆亞巴郎說:「
Sumagot si Ephron kay Abraham, na nagsasabing,
15 先生,請聽我說:一塊值四百「協刻耳」銀子的地,在你和我之間,算得什麼! 你儘管去埋葬你的死者罷! 」
“Pakiusap, aking panginoon, makinig ka sa akin. Ang pirasong lupain na nagkakahalagang apatnaraang shekel ng pilak, ano ba ito sa pagitan natin? Ilibing mo na ang iyong patay.”
16 亞巴郎明白了厄斐龍的意思,便照他在赫特人前大聲提出的價值,按流行的市價稱了四百「協刻耳」銀子給他。
Nakinig si Abraham kay Efron at tinimbang ni Abraham sa harap ni Efron ang halaga ng pilak na kanyang sinasabi na naririnig ng mga anak ni Het, apatnaraang shekel ng pilak, ayon sa pamantayang panukat ng mga mangangalakal.
17 這樣,厄斐龍在瑪革培拉面對瑪默勒的那塊田地,連田地帶其中的山洞,以及在田地四周所有的樹木,
Kaya ang bukid ni Ephron, na nasa Macpela, na katabi ng Mamre, ang bukid, ang kuweba na nasa loob nito, at ang lahat ng mga punong naroon sa bukid at lahat ng nasa palibot ng hangganan, ay ipinasa
18 當著聚在城門口的赫特人面前,全移交給亞巴郎作產業。
kay Abraham sa pamamagitan ng pagbili sa harapan ng mga anak ni Het, at sa harapan ng lahat ng mga pumunta sa loob ng tarangkahan ng lungsod.
19 事後,亞巴郎遂將自己的妻子撒辣葬在客納罕地,即葬在那塊面對瑪默勒,(即赫貝龍),瑪革培拉田地的山洞內。
Pagkatapos nito, inilibing ni Abraham ang kanyang asawang si Sara sa kuweba sa bukid ng Macpela, na katabi ng Mamre, iyon ay, Hebron, sa lupain ng Canaan.
20 這樣,這塊田地和其中的山洞,由赫特人移交了給亞巴郎作為私有墳地。
Kaya ang bukid at ang kuwebang naroon ay naipasa kay Abraham mula sa mga anak ni Het bilang ari-arian upang gawing libingan.

< 創世記 23 >