< 創世記 16 >

1 亞巴郎的妻子撒辣依,沒有給他生孩子,她有個埃及婢女,名叫哈加爾。
Ngayon si Sarai, asawa ni Abram, ay hindi nagkaanak sa kaniya, pero mayroon siyang babaeng lingkod, taga-Ehipto, na ang pangalan ay Agar.
2 撒辣依就對亞巴郎說:「請看,上主既使我不能生育,你可去親近我的婢女,或許我能由她得到孩子。」亞巴郎就聽了撒辣依的話。
Kaya sinabi ni Sarai kay Abram, “Tingnan mo, pinanatili ako ni Yahweh na walang anak. Sipingan mo ang aking lingkod. Baka sakaling magkaroon ako ng anak sa pamamagitan niya.” Nakinig si Abram sa sinabi ni Sarai.
3 亞巴郎住在客納罕地十年後,亞巴郎的妻子撒辣依將自己的埃及婢女哈加爾,給了丈夫亞巴郎做妾。
Iyon ay matapos na si Abram ay nanirahan ng sampung taon sa lupain ng Canaan nang ibinigay ni Sarai, asawa ni Abram, si Agar, na kaniyang lingkod na taga-Ehipto, sa kaniyang asawa bilang asawa.
4 亞巴郎自從同哈加爾親近,哈加爾就懷了孕;她見自己懷了孕;就看不起自己的主母。
Kaya nagkaroon siya ng kaugnayan kay Agar, at nabuntis siya. At nang makita niyang nabuntis siya, tiningnan niya ng may pag-aalipusta ang kaniyang among babae.
5 撒辣依對亞巴郎說:「我受羞辱是你的過錯。我將我的婢女放在你懷裏,她一見自己懷了孕,便看不起我。願上主在我與你之間來判斷! 」
Pagkatapos sinabi ni Sarai kay Abram, “Ang kamaliang ito sa akin ay dahil sa iyo. Ibinigay ko ang aking babaeng lingkod sa iyong mga bisig, at nang makita niyang siya ay nabuntis, hinamak niya ako sa kaniyang paningin. Hayaan mong si Yahweh ang humatol sa pagitan natin.
6 亞巴郎對撒辣依說:「你的婢女是在你手中;你看怎樣好,就怎樣待她罷! 」於是撒辣依就虐待她,她便由撒辣依面前逃跑了。
Pero sinabi ni Abram kay Sarai, “Tingnan mo, nasa iyong kapangyarihan ang iyong babaeng lingkod, gawin mo sa kaniya ang iniisip mong pinakamabuti.” Kaya pinagmalupitan siya ni Sarai, at siya ay tumakas mula sa kaniya.
7 上主的使者在曠野的水泉旁,即在往叔爾道上的水泉旁,遇見了她,
Ang anghel ni Yahweh ay nakita siya sa isang bukal ng tubig sa ilang, ang bukal na matatagpuan sa daan patungong Shur.
8 對她說:「撒辣依的婢女哈加爾! 你從那裏來,要往那裏去﹖」她答說:「我由我主母撒辣依那裏逃出來的。」
Sinabi niya, “Agar, alipin ni Sarai, saan ka nanggaling at saan ka pupunta?” Sinabi niya, “Tumakas ako mula sa aking among babae na si Sarai”.
9 上主的使者對她說:「你要回到你主母那裏,屈服在她手下。」
Sinabi sa kaniya ng anghel ni Yahweh, “Bumalik ka sa iyong among babae, at sumailalim ka sa kaniyang kapangyarihan”.
10 上主的使者又對她說:「我要使你的後裔繁衍,多得不可勝數。」
Pagkatapos sinabi ng anghel ni Yahweh sa kaniya, “Labis kong pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan para maging napakarami nila para bilangin.
11 上主的使者再對她說:「看,你已懷孕,要生個兒子;要給他起名叫依市瑪耳,因為上主俯聽了你的苦訴。
Sinabi rin sa kaniya ng anghel ni Yahweh, “Tingnan mo, ikaw ay buntis, at manganganak ka ng isang anak na lalaki, at pangangalanan mo siyang Ismael, dahil narinig ni Yahweh ang iyong paghihirap”.
12 他將來為人,像頭野驢;他要反對眾人,眾人也要反對他;他要衝著自己的眾兄弟支搭帳幕。」
Siya ay magiging isang lalaking mistulang mabangis na asno. Magiging kalaban siya ng bawat tao at bawat tao ay magiging kalaban niya at mamumuhay siyang hiwalay sa kaniyang mga kapatid.
13 哈加爾遂給那對她說話的上主起名叫「你是看顧人的天主,」因為她說:「我不是也看見了那看顧人的天主嗎﹖」
Pagkatapos binigay niya ang pangalang ito kay Yahweh na nangusap sa kaniya, “Ikaw ang Diyos na nakakakita sa akin,” dahil sinabi niya, “Talaga bang patuloy akong makakakita, kahit na pagkatapos niya akong nakita?”
14 為此她給那井起名叫拉海洛依井。這井是在卡德士與貝勒得之間。
Dahil dito tinawag na Beerlahairoi ang balon; masdan, naroon ito sa pagitan ng Kades at Bered.
15 哈加爾給亞巴郎生了一個兒子,亞巴郎給哈加爾所生的兒子,起名叫依市瑪耳。
Nanganak si Agar ng anak na lalaki ni Abram, at pinangalanan ni Abram ang kaniyang anak, na isinilang ni Agar, na Ismael.
16 哈加爾給亞巴郎生依市瑪耳時,亞巴郎已八十六歲。
Si Abram ay walumpu't-anim na taong gulang nang isilang ni Agar si Ismael para kay Abram.

< 創世記 16 >