< 以斯拉記 1 >
1 波斯王居魯士元年,為應驗上主藉耶肋米亞的口所說的話,上主感動波斯王居魯士的心,叫他出一道號令,並向全國頒發上諭說:
Noong unang taon ni Ciro, hari ng Persia, tinupad ni Yahweh ang kaniyang salita na dumating mula sa bibig ni Jeremias at inudyukan ang espiritu ni Ciro. Ang tinig ni Ciro ay narinig sa kaniyang buong kaharian. Ito ang nasusulat at nasabi:
2 「波斯王居魯士這樣說:上天的神「雅威」將地上萬國交給了我,囑咐我在猶大的耶路撒冷,為衪建築一座殿宇。
Sabi ni Ciro, hari ng Persia: Ibinigay sa akin ni Yahweh, ang Diyos ng Langit, ang lahat ng mga kaharian sa daigdig, at itinalaga niya ako na magtayo ng isang templo para sa kaniya sa Jerusalem na nasa Judea.
3 你們中間凡作衪子民的,願他的神與他同在,上赫特4的耶路撒冷,建築以色列的神「雅威」的──是在耶路撒冷的神。
Sinuman sa inyo na nagmula sa kaniyang mga tao, sumainyo nawa ang kaniyang Diyos, para kayo ay umakyat sa Jerusalem at magtayo ng templo para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, na siyang Diyos ng Jerusalem.
4 所有的遺民,無論僑居在地方,那地方的人都應捐獻金銀、貨財、牲畜,以及自願的獻儀,為那在耶路撒冷的神修建殿宇」。
Ang mga tao saanmang bahagi ng kaharian kung saan naninirahan ang mga nakaligtas sa lupaing iyon ay dapat magbigay sa kanila ng pilak at ginto, mga ari-arian at mga hayop, gayundin ang kusang-kaloob na handog para sa templo ng Diyos sa Jerusalem.
5 於是,猶大和本雅明的族長、司祭、肋未人,以及那些受天主感動了心的人,就起身上去,要建築耶路撒冷的上主的殿宇;
Pagkatapos, ang mga pinuno ng mga angkan ng mga ninuno ng Juda at Benjamin, mga pari at mga Levita, at bawa't isa na ang espiritu ay ginising ng Diyos na pumunta at magtayo ng kaniyang tahanan ay tumayo.
6 四鄰八舍都拿出a的金銀、貨財、牲畜和珠實來協助他們,另外還有各種自願的獻儀。
Ang mga nakapalibot sa kanila ay tumulong sa kanilang gawain sa pilak at gintong mga kagamitan, mga ari-arian, mga hayop, mga mahahalagang bagay, at mga kusang-kaloob na mga handog.
7 居魯士王也將上主殿內的器皿,即先前拿步高從耶路撒冷掠奪而放在他神殿裏的器皿,
Ibinalik din ni Haring Ciro ang mga kagamitang nabibilang sa templo ni Yahweh na dinala ni Nebucadnezar mula sa Jerusalem at inilagay sa tahanan ng kaniyang sariling mga diyos.
8 波斯王居魯士司庫官米特達特,將那些東西拿出,點交給猶太人的首領舍士巴匝,
Ipinagkatiwala lahat ni Ciro kay Mitredat na tagapag-ingat yaman, na nagbilang ng mga ito para kay Sesbazar, na tagapamahala ng Judea.
Ito ang kanilang bilang: Tatlumpung gintong palanggana, isang libong pilak na palanggana, dalawamgpu't siyam na iba pang palanggana,
tatlumpung gintong mangkok, 410 na maliliit na pilak na mangkok, at isang libong karagdagang kagamitan.
11 一切金銀器皿,共五千四百件。舍市巴匝就帶著這一切與充軍的人,從巴比倫回了耶路撒冷。
Mayroong 5, 400 na ginto at pilak na kagamitan sa lahat. Dinala ni Sesbazar ang lahat ng mga ito nang ang mga taong tinapon ay nagpunta sa Jerusalem mula sa Babilonia.