< 以西結書 45 >

1 當你們抽籤分地作為產業時,應將一塊聖地獻給上主,當作獻地,長二萬五千肘,寬二萬肘。凡在這範圍之內的地全是聖的。
Kapag nagpalabunutan kayo upang paghatian ang lupain bilang isang mana, dapat kayong gumawa ng isang handog kay Yahweh. Magiging isang banal na bahagi ng lupain ang handog na ito na dalawampu't limanglibong siko ang haba at sampung libong siko ang lawak. Magiging banal ang lahat ng lugar na nakapalibot dito.
2 其中一個作為聖所,長百肘;四面成方形,周圍有空地,寬五十肘。
Mula dito, magkakaroon ng limang daang siko ang haba at limang daang sikong parisukat ang lawak na nakapalibot sa banal na lugar na may hangganang limampung siko ang lawak.
3 在這一區量出二萬五千肘,一萬肘寬的地方其中應有聖所;
Mula sa lugar na ito, susukat kayo ng isang bahagi na dalawampu't limang libong siko ang haba at sampung libo ang lawak. Magiging isang banal na lugar ito para sa inyo, isang kabanal-banalang lugar.
4 這塊聖地,應歸於在聖所內為服事上主供職的司祭,作為的住處和他們羊群的牧場。
Magiging isang banal na lugar ito sa lupain para sa mga paring naglilingkod kay Yahweh, ang mga lumapit kay Yahweh upang maglingkod sa kaniya. Magiging isang lugar ito para sa kanilang mga tahanan at isang banal na bahagi para sa banal na lugar.
5 另一塊五千肘長,一萬肘寬的地方,歸於在殿內服務的肋未人,作為他們的地業,及他們居住的城邑。
Kaya magiging dalawampu't limang libong siko ang haba at sampung libong siko ang lawak nito, at magiging para sa bayan ito ng mga Levitang naglilingkod sa tahanan.
6 再劃出建京城的地段,寬五千肘,長二萬五千肘,在保留的獻地之旁,歸於全以色列家族。
Maglalaan kayo ng isang bahagi para sa lungsod na limang libong siko ang lawak at dalawampu't limang libong siko ang haba, iyan ang magiging kasunod sa bahagi na nakalaan para sa banal na lugar. Magiging pag-aari ng buong sambahayan ng Israel ang lungsod na ito.
7 在保留的獻地,和建城的地段的兩旁,緊靠著保留的獻地和建城的地段,由西邊往西,由東邊往東的土地,全歸於元首。西邊的邊界,東邊的邊界,其長與其他支派所分得的土地相同。
Dapat nasa magkabilang gilid ng lugar na nakalaan para sa banal na lugar at lungsod ang lupain ng mga prinsipe. Nasa dakong kanluran at sa dakong silangan ng mga ito. Tutugma ang haba nito sa haba ng isa sa mga bahaging iyon, mula sa kanluran hanggang sa silangan.
8 這是在以色列劃歸元首的領土:這樣,我的元首不再壓迫我的百姓,並將土地留給以色列家族及他們的各支派o
Magiging pag-aari ng prinsipe ng Israel ang lupaing ito. Hindi na kailanman aapihin ng aking mga prinsipe ang aking mga tao; sa halip, ibibigay nila ang lupain sa sambahayan ng Israel para sa kanilang mga tribu.
9 吾主上主這樣說:「以色列的元首,你們該舒了吧! 你們應放棄強暴與搶掠,實行正義與公道,你們不要再向我的人民橫徵暴歛──吾主上主的斷語──
Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Tama na para sa inyong mga prinsipe ng Israel! Alisin na ninyo ang karahasan at pag-aawayan, gawin ang makatarungan at makatuwiran! Itigil na ninyo ang pagpapalayas sa aking mga tao! —Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
10 你們應用公平的天平,準確的「厄法」,準確的「巴特」。
Dapat magkaroon kayo ng tamang mga timbangan, tamang mga efa at tamang mga bath!
11 「厄法」和「巴特」的容量應當相等:即一「巴特」等於「荷默爾」的十分之一,十分之一「荷默爾」即一「厄法。」分量應依照「荷默爾」而十定。
Magiging pantay ang dami ng efa at bath upang magiging ikasampu ng isang homer ang isang bath at magiging ikasampu ng isang homer ang efa. Dapat tumugma sa homer ang sukat ng mga ito.
12 一「協刻耳」應為二十「革辣。」二十「協刻耳」加二十五「協刻耳」,再加十五「協刻耳」,為你們是一「米納」。
Magiging dalawampung gera ang siklo at gagawa ng animnapung siklo ng isang mina para sa iyo.
13 你們應奉上的獻儀如下:由一「荷默爾」小麥,,應獻六分之一「厄法」;由一「荷默爾」大麥,也應獻六分之一「厄法」。
Ito ang ambag na dapat ninyong ibigay: ang ikaanim na bahagi ng isang efa para sa bawat homer ng trigo, at magbibigay kayo ng ikaanim na bahagi ng isang efa para sa bawat homer ng sebada.
14 對油的規定由一「苛爾」油,應獻十分之一「巴特」, 因為十「巴特」為一「荷爾」。
Ang alituntunin para sa paghahandog ng langis ay magiging ikasampung bahagi ng isang bath para sa bawat kor (na sampung bath) o para sa bawat homer, sapagkat sampung bath din ang isang homer.
15 由以色列茂盛的牧場,每二百隻羊中取出一隻羔羊獻為供物,做全燔祭與笸平祭,為自己贖罪──吾主上主的斷語──
Gagamitin para sa anumang handog na susunugin o handog pangkapayapaan bilang kabayaran para sa mga tao ang isang tupa o kambing mula sa kawan sa bawat dalawang daang hayop mula sa matubig na mga rehiyon ng Israel—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
16 全國人民應將這樣的獻儀交給以色列的元首;
Ibibigay ng lahat ng mga tao sa lupain ang ambag na ito sa prinsipe sa Israel.
17 元首在慶節、月朔和安息日,以及以色列家族所有的慶節,應備辦全燔祭、素祭和奠祭,又應備辦贖罪祭、素祭、全燔祭與和平祭,為以色列家族贖罪。」
Magiging tungkulin ng prinsipe na magbigay ng mga hayop para sa mga alay na susunugin, mga handog na butil, mga handog na inumin sa mga pagdiriwang at ang mga pagdiriwang ng Bagong Buwan, at sa mga Araw ng Pamamahinga—sa lahat ng mga itinakdang pagdiriwang ng sambahayan ng Israel. Magbibigay siya ng mga handog dahil sa kasalanan, mga handog na butil, mga handog na susunugin at mga handog pangkapayapaan para sa kabayaran sa kapakanan ng sambahayan ng Israel.
18 吾主上主這樣說:「正月初一,你應取一頭無瑕的公牛犢,為聖所取潔。
Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Sa unang buwan, sa unang araw ng unang buwan, kukuha kayo ng isang torong walang kapintasan mula sa kawan at magsagawa ng isang paghahandog dahil sa kasalanan para sa santuwaryo.
19 司祭應取贖罪祭祭牲的血,塗在聖殿的門框上,祭壇座的四角上,和內院的門框上。
Kukuha ang pari ng kaunting dugo ng handog dahil sa kasalanan at ilalagay niya ito sa mga haligi ng pintuan ng tahanan at sa apat na sulok ng hangganan ng altar, at sa mga haligi ng pintuan ng tarangkahan sa panloob na patyo.
20 正月初七,為那不慎誤犯的人,也應照樣行,為聖殿取潔。
Gagawin ninyo ito sa ikapito ng buwan para sa bawat taong nagkasala ng hindi sinasadya o dahil sa kamangmangan; sa paraang ito, malilinis ninyo ang templo.
21 正月十四,你們應過逾越節,七天吃無酵餅。
Sa ikalabing apat na araw ng unang buwan, magkakaroon sa inyo ng isang pagdiriwang, pitong araw na pagdiriwang. Kakain kayo ng tinapay na walang pampaalsa.
22 在那一天,元首應為自己和本國人民獻一頭公牛犢,為贖罪祭。
Sa araw na iyon, maghahanda ang prinsipe ng isang toro bilang handog dahil sa kasalanan, para sa kaniyang sarili at para sa lahat ng tao sa lupain.
23 七天的慶節,他應向上主獻全燔祭;七天內每天應獻七頭無瑕的公牛犢,和七隻無瑕的公羊;每天獻一隻小山羊,為贖罪祭。
Para sa pitong araw ng pagdiriwang, maghahanda ang prinsipe ng handog na susunugin para kay Yahweh: pitong toro at pitong walang kapintasang lalaking tupa sa bawat araw para sa pitong araw, at isang lalaking kambing sa bawat araw bilang handog dahil sa kasalanan.
24 還應獻素祭:為每頭公牛犢獻一「厄法」麵;為一「厄法」麵加一「辛」油。
Pagkatapos, magsasagawa ang prinsipe ng isang handog na pagkain ng isang efa para sa bawat toro at isang efa para sa bawat lalaking tupa kasama ang isang hin ng langis para sa bawat efa.
25 七月十五日的慶節,他應獻同樣的祭品;七天之久應獻同樣的贖罪祭、全燔祭、素祭和油。」
Sa ika labinlimang araw ng ikapitong buwan, sa pagdiriwang, magsasagawa ang prinsipe ng mga paghahandog sa pitong araw na ito: mga handog dahil sa kasalanan, mga handog na susunugin, handog na pagkain at mga handog na langis.

< 以西結書 45 >