< 以西結書 32 >

1 十一年十二月一日,上主的話傳給我說:「
At nangyari ito sa unang araw ng ikalabindalawang buwan ng ikalabindalawang taon, na ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi.
2 人子,你要唱哀歌追悼埃及王法郎,向他說:你曾自比作列國的雄獅,其實你卻似海中的鱷魚,衝入你的河中,用爪攪混了水,弄污了河流。
“Anak ng tao, managhoy ka tungkol kay Faraon, ang hari ng Egipto; sabihin mo sa kaniya, 'Para kang isang batang leon sa gitna ng mga bansa, parang isang dambuhala sa mga karagatan; pinalalabo mo ang tubig, pinapagalaw mo ang mga tubig sa pamamagitan ng iyong mga paa at pinapaputik mo ang kanilang mga tubig!
3 吾主上主這樣說:我要藉列國的聯軍向你張開我的羅網,用我的往把你拖上來。
Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Kaya ilaladlad ko sa iyo ang aking lambat sa kapulungan ng maraming tao, at iaahon ka nila sa aking lambat!
4 我要把你丟在地上,拋在田野間,使天上的各種飛鳥落在你身上,使地上的各種野獸吃你個飽。
Pababayaan kita sa lupain! Ihahagis kita sa isang parang at padadapuin ko sa iyo ang lahat ng mga ibon sa kalangitan; ang pagka-gutom ng lahat ng mga nabubuhay na mga hayop sa lupa ay mabubusog sa iyo.
5 我要把你的肉丟在山上,用你的屍首填滿山谷,
Sapagkat ilalagay ko ang iyong mga laman sa mga kabundukan at pupunuin ko ang mga lambak ng mga inuuod mong bangkay!
6 用你的流汁灌溉大地,以你的血灌溉至山邊,以你的腐屍填滿溝壑。
Pagkatapos ibubuhos ko ang iyong dugo sa mga kabundukan at mapupuno ang mga sapa ng iyong dugo!
7 當你被消滅時,我要遮蔽天空,使星辰也昏暗;以雲彩遮住太陽,使月亮不放光明。
At kapag patayin ko ang iyong ilawan, tatakpan ko ang kalangitan at padidilimin ko ang mga bituin nito. Tatakpan ko ang araw sa pamamagitan ng mga ulap, at hindi magliliwanag ang buwan!
8 我要使天上一切照在你身上的光體變為黑暗,使黑暗籠罩你的國土──吾主上主的斷語--
padidilimin ko sa iyo ang lahat ng maningning na liwanag sa kalangitan at ilalagay ko ang kadiliman sa iyong lupain! Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
9 當我在列國把你滅亡的消息,傳到你不認識的國家時,我要使許多民族心神憂傷。
Kaya sisindakin ko ang puso ng maraming tao sa mga lupain na hindi mo nakikilala, kapag dadalhin ko ang iyong pagkabagsak sa mga bansa.
10 當我在他們面前揮動我的刀劍時,我要使許多民族,為了你而驚駭,使她們的君王驚惶失措;在你傾覆之日,他們每人都為自己的性命而戰慄,
Gugulatin ko ang maraming mga tao tungkol sa iyo; ang kanilang mga hari ay mangangatog sa takot tungkol sa iyo kapag aking ikakampay ang aking espada sa kanilang harapan. Bawat sandali, manginginig ang bawat isa dahil sa iyo, sa araw ng iyong pagkabagsak.
11 因為吾主上主這樣說:巴比倫王的刀劍必臨於你。
Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Ang espada ng hari ng Babilonia ay darating laban sa iyo!
12 我必使你的民眾喪身在眾英雄,即列國中最兇殘之人的刀下;他們必要破壞埃及的光華,消滅她的民眾。
Pababagsakin ko ang iyong mga tagapaglingkod sa pamamagitan ng mga espada ng mga mandirigma—kakila-kilabot sa mga bansa ang bawat mandirigma! Ganap na sisirain ng mga mandirigmang ito ang kaluwalhatian ng Egipto at ang lahat ng mga tao nito!
13 我要從大水之旁,把她所有的牲畜滅絕,人腳不再攪混此水,獸蹄也不再使水混濁;
Sapagkat wawasakin ko ang lahat ng mga alagang hayop mula sa tabi ng mga saganang tubig; hindi na kailanman pagagalawin ng paa ng tao ang mga tubig, o kaya pagagalawin ng mga ito sa kuko ng baka!
14 那時,我要澄清他們的水,使他們的河徐徐流下如油一般──吾主上主的斷語──
Pagkatapos pakakalmahin ko ang kanilang mga tubig at padadaluyin ko ang kanilang mga ilog na parang langis. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!
15 當我使埃及地荒蕪,使其他所有的一切荒廢,打擊其中所有居民時,他們必要承認我是上主。
Kapag gagawin ko ang lupain ng Egipto—ang lupaing puno— isang lugar ng pagkawasak, isang lugar na pinabayaan; kapag sasalakayin ko ang lahat na naninirahan dito, saka nila malalaman na ako si Yahweh!
16 這是列國女子所要唱的哀歌,她們詠唱此歌憑弔埃及其人民──吾主上主的斷語。」
Magkakaroon ng isang panaghoy! Sapagkat mananaghoy sa kaniya ang mga anak na babae ng mga bansa; mananaghoy sila para sa Egipto. Mananaghoy sila para sa lahat ng mga tagapaglingkod nito! Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!”'
17 十二年一月十五日,上主的話傳給我說:「
At nangyari ito sa ikalabindalawang taon, sa ikalabinlimang araw ng buwan, na ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
18 人子,你要哀悼埃及的民眾,因為我要將她和各強國的女兒推入陰間,同已下到陰府的人在一起。 (questioned)
“Anak ng tao, tumangis ka para sa mga tagapaglingkod ng Egipto at ihagis mo sila pababa, siya at ang mga anak na babae ng maharlikang mga bansa—sa pinakamababang bahagi ng lupa kasama ang mga bumaba na sa hukay!
19 你比誰更華美呢﹖你下去罷! 同未受割損的人臥在一起罷!
Tanungin mo sila, 'Talaga bang mas maganda kayo kaysa sa sinuman? Bumaba kayo at humiga kasama ang mga hindi tuli!'
20 他們必倒在喪身刀下的人中,刀已交出,必使她和她的群眾一起喪亡。
Babagsak sila sa gitna ng mga pinatay sa pamamagitan ng espada! Ibinigay ang Egipto sa espada; sasakupin siya ng kaniyang mga kaaway at ang kaniyang mga tagapaglingkod!
21 最英勇的戰士和她的同盟,必從陰府中論及她說:他們也下來了,同未受割損的人,同那些喪身刀下的人,臥在一起。 (Sheol h7585)
Ang pinakamalakas na mandirigma sa sheol ay magpapahayag tungkol sa Egipto at sa kaniyang mga kaanib, 'Bumababa na sila rito! Hihiga sila kasama ang mga hindi tuli na namatay sa pamamagitan ng espada!' (Sheol h7585)
22 在那裏有亞述,她的民眾都圍繞著她的墳墓:他們都是被殺而喪身刀下的。
Naroon ang Asiria kasama ang lahat ng kaniyang kapulungan! Nakapalibot ang kanilang mga libingan sa kaniya; lahat sila ay pinatay sa pamamagitan ng espada.
23 他們的墳墓位於極深的坑中,她的民眾圍繞著她的墳墓:他們都是被殺而喪身刀下的,他們曾在活人地上,散布過恐怖。
Sa mga libingan na nakatalaga sa pinakamalalim na hukay ay nandoon, kasama ang lahat ng kaniyang kapulungan. Nakapalibot sa kaniyang libingan ang lahat ng pinatay, at bumagsak sa pamamagitan ng espada, Sa mga nagdala ng kakila-kilabot sa lupain ng mga buhay!
24 在那裏有厄藍,她的民眾都圍繞著她的墳墓:他們都是被殺而喪身刀下的,未受割損而降入陰間的;他們曾在活人地上,散布過恐怖,所以他們與已下到深淵的人一同蒙受羞辱。 (questioned)
Naroon si Elam kasama ang lahat ng kaniyang mga tagapaglingkod! Nakapalibot sa kaniya ang kaniyang mga libingan; lahat sila ay pinatay! Sa mga bumagsak sa pamamagitan ng espada, sa mga hindi tuli na bumaba sa pinakamababang bahagi ng lupa, na siyang nagdala ng kanilang kakila-kilabot/matinding takot sa lupain ng buhay at ngayon ay dala-dala nila ang kanilang kahihiyan, sila ay pababa sa hukay!
25 在喪亡者中為她安置了床榻,她的民眾圍繞著她的墳墓:他們全是未受割損,喪身刀下的,因為他們曾在活人地上,散布過恐怖,所以被安置在被殺的人中,與已下到深淵的人一同蒙受羞辱。
Naglatag sila ng isang nirolyong/binilot na higaan para kay Elam at lahat niyang mga lingkod sa gitna/kalagitnaan ng mga pinatay; Nakapalibot sa kaniya ang kaniyang mga libingan! Silang lahat ay mga hindi tuli, silang mga pinatay sa pamamagitan ng espada, sila na nagdala ng kanilang mga kakila-kilabot sa lupain ng mga buhay! Kaya dala-dala nila ang kanilang sariling kahihiyan na nasa kanila, kasama ang mga bumababa sa hukay sa gitna ng mga pinatay, iyong mga pababa sa hukay. Si Elam ay nasa gitna ng lahat ng mga pinatay.
26 在那裏有默舍客和突巴耳,她們的民眾都圍繞著她們的墳墓:他們全是未受割損,喪身刀下的;他們曾在活人地上散布過恐怖。
Sina Mesech, Tubal at ang lahat ng kaniyang mga tagapaglingkod ay naroon! Ang kanilang mga libingan ay nakapalibot sa kanila! Lahat sila ay hindi tuli, na pinatay sa pamamagitan ng espada, dahil dinala nila ang kanilang mga kakila-kilabot sa lupain ng buhay.
27 他們不得與古代已死的英雄臥在一起,這些人帶著武器降入陰府,人們把他們的刀劍放在他們頭下,盾牌放在他們的骨骸上,因為他們曾在活人地上,散布過恐怖。 (Sheol h7585)
Hindi ba sila hihiga kasama ng mga bumagsak na mandirigma na hindi tuli na bumaba sa sheol dala-dala ang lahat ng kanilang mga sandata sa pakikipagdigma, at ang kanilang mga espada na nakalagay sa ilalim ng kanilang mga ulo? Ang kanilang mga kalasag ay nakalagay sa ibabaw ng kanilang mga buto. Sapagkat sila ang mga mandirigmang kakila-kilabot sa lupain ng mga buhay! (Sheol h7585)
28 至於你,你要臥在未受割損的人中,同喪身刀下的人在一起。
Kaya ikaw, Egipto ay mawawasak sa gitna ng mga hindi tuli! At ikaw ay hihiga kasama ng mga pinatay sa pamamagitan ng espada!
29 在那裏有厄東和她的君王,以及她所有的首長,他們雖然英勇,卻同喪身刀下的人被安置在一起,同未受割損而下到深淵的人臥在一起。
Ang Edom ay naroon kasama ang kaniyang mga hari at lahat ng kaniyang mga pinuno. Makapangyarihan sila, ngunit nakahiga sila ngayon kasama ang mga pinatay sa pamamagitan ng espada, kasama ang hindi tuli, sila na bumaba na sa hukay.
30 在那裏有北方的一切首領和所有的漆冬人,他們雖然英勇,令人驚駭,也同被殺者一起下去了;他們同未受割損的人和喪身刀下的臥在一起,與已下到深淵的人一同蒙受羞辱。
Ang mga prinsipe ng hilaga ay naroon—silang lahat at lahat ng mga taga-Sidon na bumaba kasama ang mga patay! Makapangyarihan sila at nagagawang takutin ang iba, ngunit ngayon nakahiga sila roon na kahiyahiya, sa mga hindi tuli kasama ang mga pinatay sa pamamagitan ng espada. Dala-dala nila ang kanilang sariling kahihiyan, kasama ang mga iba pang bumababa sa hukay.
31 法郎看見那些人,便為自己所有的人民,感到安慰,因為法郎和他的軍隊也都是喪身刀下的──吾主上主的斷語──
Makikita ng Faraon at mapapanatag tungkol sa lahat ng kaniyang mga tagapaglingkod na pinatay sa pamamagitan ng espada. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
32 因為他曾在活人地上,散布過恐怖,所以法郎和他所有的人民,也都要臥在未受割損的人中,與喪身刀下的人在一起──吾主上主的斷語。」
Pinahintulutan ko siyang gumawa ng kakila-kilabot sa lupain ng buhay, ngunit hihiga siya sa gitna ng mga hindi tuli, kasama ang mga pinatay sa pamamagitan ng espada. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!”

< 以西結書 32 >