< 以西結書 18 >

1 上主的話傳給我說:「
Ang salita ni Yahweh ay muling dumating sa akin at sinabi,
2 在以色列地區內,你們有這樣流行的俗話說:『祖先吃了酸葡萄,而子孫的牙酸倒』這話有什麼意思﹖
“Ano ang ibig mong sabihin, ikaw na gumamit ng kawikaang ito tungkol sa lupain ng Israel at nagsasabi, 'Ang mga ama na kumain ng mga maaasim na ubas, at ang ngipin ng mga anak ay nangilo?'
3 我指著我的生命起誓──吾主上主的斷語──在以色列決不能再容許這俗話流行。
Habang Ako ay nabubuhay—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—tiyak na hindi na magkakaroon pa ng anumang okasyon upang gamitin ninyo ang kawikaang ito sa Israel.
4 所有的生命都屬於我,祖先的生命與子孫的生命全屬於我;誰犯罪,誰喪亡。
Tingnan mo! Ang bawat buhay ay sa akin! At gayon din ang buhay ng ama at ang buhay ng anak sila ay sa akin! Ang taong nagkakasala ay mamamatay!
5 一個人若正義,必行公道正義的事。
Sapagkat ang tao, kung siya ay matuwid at taglay ang katarungan at katuwiran—
6 他不上山吃祭物,不舉目瞻仰以色列家族的偶像,不污辱近人的妻子,不接近經期中的婦女,
kung hindi siya kumain sa mga dambana sa bundok, at hindi itinaas ang kaniyang mga mata sa mga diyus-diyosan ng sambahayan ng Israel— kung hindi niya dinungisan ang asawa ng kaniyang kapitbahay, o ni hindi lumapit sa isang babae sa panahong siya ay may regla—
7 不欺壓任何人,清還債戶的抵押,不搶劫,施給饑餓者食物,給赤身者衣穿,
kung wala siyang inaping sinuman sa halip ay nagsauli ng sangla sa umutang—kung hindi niya kinuha ang ninakaw, ngunit sa halip ay ibinibigay niya ang kaniyang pagkain sa mga nagugutom at tinatakpan ng mga damit ang hubad;
8 不放重利,不取息金,使自己的手遠避邪惡,在人與人之間執行公正的審斷,
kung hindi siya nagpapatong ng anumang tubo sa pagpaputang, o kumuha ng labis na kita— kung isinasagawa niya ang katarungan at pinatitibay ang katapatan sa pagitan ng mga tao—
9 遵行我的法度,謹守我的誡命,行事忠信:這樣的人纔是正義的,必得生存──吾主的斷語──
kung lumalakad siya sa aking mga kautusan at sinusunod ang aking mga alituntunin upang kumilos nang tapat—ang taong ito ay matuwid; siya ay mabubuhay! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
10 倘若這人生了一個兒子,性暴好殺,只行這類的事;
Subalit kung may anak siyang marahas na nagpapadanak ng dugo at ginagawa alinman sa mga bagay na ito—
11 對上述的事不但不作,反而上山吃祭物,污辱近人的妻子,
kahit na hindi ginagawa ng kaniyang ama ang alinman sa mga bagay na ito— subalit kung ang kaniyang anak na lalaki ay kumain sa mga dambana sa bundok at sipingan ang asawa ng kapitbahay—
12 欺壓貧窮無告的人,搶劫,不清還抵押,舉目瞻仰偶像,行醜惡之事,
kung inaapi niya ang mahirap at nangangailangan, kung sumasamsam siya at nagnanakaw at hindi ibinabalik ang sangla, kung itinataas niya ang kaniyang mga mata sa mga diyos-diyusan o gumagawa ng mga kasuklam-suklam na gawain;
13 放重利,取利息:這樣的人決不能生存,因為他行了這些醜事,必要喪亡,他的血債必由他自己來負。
at kung nagpapautang siya na nagpapabayad ng tubo at kumukuha ng hindi makatarungang kita, dapat ba siyang mabuhay? Siya ay hindi mabubuhay! Ginawa niya ang lahat ng kasuklam-suklam na ito. Siya ay tiyak na mamamatay; ang kaniyang dugo ay nasa kaniya.
14 倘若這人生了一個兒子,這兒子雖看見了他父親所行的一切罪過,但考慮之後,卻未依照去做;
Subalit tingnan mo! Kung magkaanak siya ng isang lalaking nakikita ang lahat ng kasalanang ginawa ng kaniyang ama, at kung siya mismo ay may takot sa Diyos at hindi ginagawa ang mga ganoong bagay—
15 不在山上吃祭物,不舉目瞻仰以色列家族的偶像,不污辱近人的妻子,
at kung hindi siya kumain sa mga dambana sa bundok o itinaas ang kaniyang mga mata sa mga diyus-diyosan ng sambahayan ng Israel—kung hindi niya sumiping sa asawa ng kaniyang kapitbahay;
16 不欺壓,不索取抵押,不搶劫,施給饑餓者食物,給赤身者衣穿,
Kung hindi niya inaapi ang sinuman, sinasamsam ang sangla, o kinukuha ang mga nakaw na bagay, ngunit sa halip ibinibigay ang kaniyang pagkain sa nagugutom at tinatakpan ng mga damit ang hubad—
17 使自己的手戒絕邪惡,不取重利和利息,謹守我的法律,遵行我的法度:這人必不因他父親的罪而喪亡,必得生存。
kung iniurong niya ang kaniyang kamay sa paghatol sa mahirap at hindi kumukuha ng tubo o hindi makatarungang kita; kung sinusunod niya ang aking mga alituntunin at lumalakad ayon sa aking mga kautusan, hindi siya mamamatay para sa kasalanan ng kaniyang ama. Siya ay tiyak na mabubuhay!
18 至於他的父親,由於暴行,搶劫,在自己人民中從未行過善。看,他必因自己的罪而喪亡。
Ang kaniyang ama, sapagkat inapi niya ang iba sa pamamagitan ng pagkuha nang sapilitan at ninakawan ang kaniyang kapatid na lalaki, at ginawa ang hindi mabuti sa mga tao—tingnan mo, siya ay mamamatay sa kaniyang malaking kasalanan.
19 你們或問:兒子為什麼不承當父親的罪過﹖因為兒子遵行法律和正義,謹守了我一切法度,而一一遵行,他必得生存。
Subalit sinasabi mo, 'Bakit hindi magawang akuin ng anak ang katampalasan ng kaniyang ama?' Dahil isinasagawa ng lalaking anak ang katarungan at katuwiran; at iniingatan ang aking mga utos at ginagawa niya ang mga ito. Tiyak na mabubuhay siya!
20 誰犯罪,誰就該喪亡;兒子不承當父親的罪過,父親不承當兒子的罪過;義人的正義歸於義人自己,惡人的邪惡也歸於惡人自己。
Ang siyang nagkasala, siya ang mamamatay. Hindi dadalhin ng anak ang kasalanan ng kaniyang ama, at hindi dadalhin ng ama ang kasalanan ng kaniyang anak. Ang katuwiran ng taong kumikilos nang makatarungan ay sa kaniyang sarili, at ang kasamaan ng masamang tao ay sa kaniyang sarili.
21 若惡人悔改,遠離所犯的罪過,遵守我的法度,遵行我的法律和正義,必得生存,不至喪亡。
Ngunit kung ang taong makasalanan ay tatalikod sa lahat ng kaniyang mga ginawang kasalanan, at iingatan ang aking mga kautusan at isasagawa ang katarungan at katuwiran, tiyak na mabubuhay siya at hindi mamamatay.
22 他所行的一切邪惡必被遺忘;他必因所行的正義而得生存。
Lahat ng pagsuway na kaniyang ginawa ay hindi na aalalahanin laban sa kanila. Siya ay mabubuhay sa pamamagitan ng katuwiran na kaniyang ginagawa na patuloy na ginagawa.
23 我豈能喜歡惡人的喪亡﹖──吾主上主的斷語──我豈不更喜歡他離開舊道而得生存﹖
Labis ko bang ikinagagalak ang pagkamatay ng makasalanan—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—at hindi ang kaniyang pagtalikod mula sa kaniyang kaparaanan upang siya ay mabuhay?
24 若義人離棄了正義而行惡,一如惡人所慣行的醜惡,他豈能生存﹖他行過的正義必被遺忘,因為他背信違約,犯了罪過,必要喪亡。
Subalit kung ang matuwid na tao ay tumalikod sa kaniyang pagkamakatuwiran at isinagawa ang mga kasuklam-suklam tulad ng lahat ng kasuklam-suklam na ginagawa ng masamang tao, mabubuhay ba siya? Lahat ng matuwid na kaniyang ginawa ay hindi aalalahanin kapag ipinagkanulo niya ako sa kaniyang kataksilan. Kaya siya ay mamamatay sa mga kasalanang kaniyang ginawa.
25 你們或說:上主的作法不公平! 以色列家族,請聽我說:是我的作法不公平嗎﹖豈不是你們的作法不公平﹖
Subalit sinabi mo, 'Ang pamamaraan ng Panginoon ay hindi makatarungan! Makinig ka sambahayan ng Israel! Ang pamamaraan ko ba ay hindi makatarungan?
26 若是義人離棄正義而行惡,因而喪亡,是因為他所行的惡而喪亡。
Kung ang matuwid na tao ay tumalikod sa kaniyang pagkamakatuwiran, at gumawa ng kasalanan at mamatay dahil sa mga ito, mamamatay siya sa kasalanang ginawa niya.
27 若惡人遠離他所行的惡事,而遵行法律和正義,必能保全自己的生命,
Ngunit kapag ang masamang tao ay tumalikod sa kasamaang ginawa niya at gumawa ng katarungan at katuwiran, kung gayon pinangangalagaan niya ang kaniyang buhay!
28 因為他考慮之後,離棄了所行的一切惡事,他必生存,不至喪亡。
Sapagkat nakita niya at tumalikod mula sa lahat ng mga kasalanang ginawa niya. Siya ay mabubuhay; hindi siya mamamatay!
29 若以色列家族還說:吾主的作法不公平。以色列家族! 是我的作法不公平嗎﹖豈不是你們的作法不公平﹖
Sinabi ng sambahayang Israel, 'Ang kaparaanan ng Panginoon ay hindi makatarungan! Paanong ang aking kaparaanan ay hindi makatarungan, sambahayan ng Israel? At paanong ang iyong pamamaraan ay makatarungan?
30 以色列家族! 我要照各人的行為裁判你們──吾主上主的斷語──你們應回心轉意,離開你們的一切罪惡,避免它們再做你們犯罪的絆腳石。
Kaya hahatulan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa inyong kaparaanan, sambahayan ng Israel! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh. Magsisi kayo at talikuran ninyo ang lahat ng inyong mga pagsalangsang upang ang mga ito ay hindi maging kasalanan na katitisuran laban sa inyo.
31 由你們身上拋契一切得罪我的惡行罷! 你們應改造一個新心,一種新的精神! 以色列家族,為何你們偏要喪亡﹖
Itapon palayo mula sa inyong sarili ang lahat ng mga pagsuway na inyong ginawa; magkaroon kayo ng bagong puso at bagong espiritu para sa inyong sarili. Sapagkat bakit kayo mamamatay, sambahayan ng Israel?
32 因為我不喜歡任何人喪亡──吾主上主的斷語--你們回心轉意罷! 你們必得生存!
Sapagkat hindi ako nagagalak sa pagkamatay ng isang namatay—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh- kaya magsisi at mabuhay!”

< 以西結書 18 >