< 出埃及記 30 >

1 你應做焚香的壇,用皂莢木製造,
Dapat kang gumawa ng altar para magsunog ng insenso. Dapat mong gawin ito sa kahoy ng akasya.
2 長一肘,寬一肘,方形,高二肘,四角從壇上突出。
Ang haba nito ay dapat isang kubit, at ang lapad nito ay isang kubit. Ito ay dapat maging parisukat, at ang taas nito ay dapat dalawang kubit. Ang mga sungay nito ay dapat gawin bilang kaisang piraso nito.
3 壇、壇的上面、四壁、周圍和四角,都包上純金;壇周圍做上金花邊。
Dapat mong balutin ang altar ng insenso sa purong ginto—ang tuktok nito, ang mga gilid nito, at ang mga sungay nito. Dapat kang gumawa ng isang hangganang ginto sa palibot para dito.
4 壇兩側花邊下,做兩個金環,兩面都做,為穿紅桿,抬香壇之用。
Dapat kang gumawa ng dalawang argolyang ginto para maisama dito sa ibaba ng hangganan nito sa dalawang magkabilang bahagi nito. Ang mga argolya ay dapat maging mga lalagyan ng mga baras para madala ang altar.
5 用皂莢木做兩根紅桿包上金。
Dapat ninyong gawin ang mga baras sa kahoy ng akasya, at dapat ninyong balutin ang mga ito sa ginto.
6 把香壇安置在約櫃前面掛的帳幔前,就是在我與你會晤的約櫃上的贖罪蓋之前。
Dapat ninyong ilagay ang altar ng insenso bago sa kurtina na nasa kaban ng mga kautusang tipan. Ito ay bago sa takip ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng mga kautusang tipan, kung saan ako ay makikipagtagpo sa inyo.
7 亞郎要在壇上焚燒香料;每天早晨整理燈盞時要焚香;
Dapat si Aaron ang magsunog ng mabangong insenso sa tuwing umaga. Dapat niyang sunugin ito kapag inaayos niya ang mga lampara.
8 晚間亞郎換放燈盞時也要焚香:這是你們世世代代在上主前不斷的焚香禮。
Kapag sisindihan ni Aaron ang mga lampara muli sa gabi, dapat siyang magsunog ng insenso sa altar ng insenso. Dapat itong maging isang palagiang pagsusunog ng insenso sa harap ko, si Yahweh, sa buong salinlahi ng inyong bayan.
9 在這壇上不准焚別的香,也不准獻全燔祭和素祭或奠祭。
Pero kayo ay mag-aalay ng walang ibang insenso sa altar ng insenso, o anumang pagsusunog ng alay o handog na pagkaing butil. Dapat mong buhusan ng walang inuming handog dito.
10 亞郎每年一次為這壇的四角上行贖罪禮,用贖罪祭贖罪犧牲的血,每年一次為這壇行贖罪禮。你們世世代代應行此禮,將壇祝聖於上主為至聖之物。」造會幕的人丁稅
Dapat si Aaron ay gumawa ng luklukan ng awa sa mga sungay ng altar ng insenso minsan sa isang taon. Dapat niyang gawin ito gamit ang dugo ng handog para sa pagbayad ng kasalanan. Ang punong pari ang siyang dapat na gumawa nito sa buong salinlahi ng inyong lahi. Ang pag-aalay na ito ay ganap na ilaan sa akin, si Yahweh.”
11 上主訓示梅瑟說:「
Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabing,
12 當你統計以色列子民人數的時候,凡被統計的人,每人應獻給上主贖命金,免得在統計的時候,災禍降在他們身上。
“Kapag kumuha ka ng isang talaan ng mga Israelita, pagkatapos ang bawat tao ay dapat magbigay ng pangtubos para sa kaniyang buhay kay Yahweh. Dapat mong gawin ito pagkatapos mo silang bilangin, para walang maging salot sa kanila kapag binibilang mo sila.
13 凡被統計過的,每人應按聖所的衡量繳納半「協刻耳,」─一「協刻耳」等於二十「革辣,」─這半「協刻耳」是給上主的獻儀。
Ang bawat isa na nabilang sa talaan ay magbabayad ng kalahating pilak na sekel, ayon sa timbang ng sekel ng santuwaryo (isang sekel ay kapareho ng dalawampung gera). Itong kalahating sekel ay magiging alay sa akin, si Yahweh.
14 凡被統計過的,自二十歲以上起,要獻給上主獻儀:
Ang bawat isa na nabilang, mula dalawampung taong gulang at pataas, ay dapat magbigay nitong alay sa akin.
15 富的不多納,窮的也不少,一概出半「協刻耳,」給上主作獻儀,作你們的贖命金。
Kapag magbibigay ang mga tao nitong alay sa akin para gumawa ng pambayad sa kasalanan para sa kanilang mga buhay, ang mayayaman ay hindi dapat magbigay ng higit pa sa kalahating sekel, at ang mga mahihirap ay hindi dapat magbigay ng kulang.
16 你從以色列子民所取得的贖命金,應拿來為會幕用。這是子民在上主前是一個記念,也贖回了你們的性命。」銅盆
Dapat mong tanggapin itong perang pambayad sa kasalanan mula sa mga Israelita at dapat mong ilaan ito para sa gawain sa tolda ng pagpupulong. Ito ay dapat maging isang paalala sa mga Israelita sa akin, para gumawa ng pangtubos ng kasalanan para sa inyong mga buhay.”
17 上主訓示梅瑟說:「
Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
18 你應作一銅盆座,為洗濯,之用;把盆安在會幕和祭壇之間,盆中放上水,
“Dapat ka ring gumawa ng isang malaking tansong palanggana na mayroong tansong tuntungan, isang palanggana para hugasan. Dapat mo itong ilagay sa pagitan ng tolda ng pagpupulong at ng altar, at kailangan mo itong lagyan ng tubig.
19 好叫亞郎和他的兒子們在盆中洗手洗腳。
Si Aaron at kaniyang mga anak na lalaki ay dapat maghugas ng kanilang mga kamay at kanilang mga paa ng tubig nito.
20 他們進會幕,或走近祭壇行禮,或向上主焚燒火祭時,要用水洗,免得死亡。
Kapag pumasok sila sa tolda ng pagpupulong o kapag lumalapit sila sa altar para maglingkod sa akin sa pagsusunog ng handog, dapat silang maghugas ng tubig sa gayon ay hindi sila mamatay.
21 他們應洗手洗腳,免得死亡:這為他和他的子孫世世代代是永遠的規律。」傅禮的油
Dapat nilang hugasan ang kanilang mga kamay at paa para hindi sila mamatay. Dapat itong maging palagiang batas para kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan sa buong salinlahi ng kanilang bayan.”
22 上主訓示梅瑟說:「
Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
23 你要拿上等的香料:純鄭沒藥五百「協刻耳,」香肉桂為沒藥的一半,即二百五十「協刻耳,」香菖蒲二百五十「協刻耳,」
“Kunin mo itong mga pinong pampalasa: limandaang sekel ng umaagos na mira, 250 sekel ng matamis na halimuyak na kanela, 250 sekel ng matamis na halimuyak na tubo,
24 桂皮按聖所的衡量五百「協刻耳,」橄欖油一「辛,」
limandaang sekel ng kassia, sinukat sa timbang ng sekel ng santuwaryo, at isang hin ng langis ng olibo.
25 用這些材料配製傅禮用的聖油,像配製香膏的方法配製,作為傅禮用的聖油。
Dapat kang gumawa ng banal na langis ng pagpapahid kasama ang mga sangkap na ito, ang gawa ng tagapagpabango. Ito ay magiging banal na langis ng pagpapahid, inilaan para sa akin.
26 用此油傅會幕和約櫃,
Dapat mong basbasan ang tolda ng pagpupulong ng langis na ito, gayon din sa kaban ng kautusang tipan,
27 供桌和其上的一切器具,燈台和一切用具,香壇,
ang mesa at ang lahat ng mga kasangkapan nito, ang tuntungan ng ilaw at ng kasangkapan nito, ang altar ng insenso,
28 全燔祭壇和壇上的一切用具、盆和盆座。
ang altar para sa sinunog na mga alay kasama ng lahat ng mga kasangkapan nito, at ang palanggana kasama ng kaniyang tuntungan.
29 你祝聖過的,都成了至聖之物,凡接觸這些物件的,也成為聖的。
Dapat mong ilaan ang mga ito sa akin para ang mga ito ay ganap na mailaan sa akin. Ang anumang humawak sa kanila ay ibubukod din para sa akin.
30 你也要給亞郎喊他的兒子們傅油,祝聖他們作我的司祭。
Dapat mong basbasan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki at ilaan mo sila sa akin para sila ay maglingkod sa akin bilang mga pari.
31 你要吩咐以色列子民說:你們應世世代代以此為傅禮用的聖油,
Dapat mong sabihin sa mga Israelita, 'Ito dapat ang langis ng pagpapahid na inilaan kay Yahweh sa buong salinlahi ng iyong bayan.
32 不准將此油倒在俗人身上,也不准用這配製的方法配製這樣的油,因為是聖油,你們應以為聖物。
Ito ay hindi dapat mailapat sa balat ng mga tao, o gumawa man lang kayo sa alinmang langis na kaparehong sangkap, dahil inilaan ito kay Yahweh. Dapat mong isaalang-alang ito sa ganitong paraan.
33 無論誰若配製這樣的油,或用這由傅了凡人,應將他從百姓中剷除。」製香法
Ang sinumang gumawa ng pabango gaya nito, o kung sinumang maglagay ng alinman nito sa isang tao, ang taong iyon ay dapat alisin sa kaniyang bayan.”
34 上主向梅瑟說:「你要取這些香料:就是蘇合香、香螺和白松香;這些香料與純乳香應有相等的分量,
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kumuha ng mga pampalasa—estacte, onycha, at galbano—matamis na mga pampalasa kasama ng purong kamanyang, ang bawat isa ay magsindami.
35 以香膏的配製法配成香,再加上鹽,使之成為純潔和聖的。
Gawin ito sa paraan ng insenso, hinalo ng isang tagapagpabango, pinalasa ng asin, puro at inilaan sa akin.
36 將一部份研成碎末,獻在會幕中的約櫃前,即我與你會晤的地方;這為你是至聖之物。
Gigilingin mo ito sa napakapinong paghalo. Maglagay ng bahagi nito sa harap ng kaban ng mga kautusang tipan, na nasa tolda ng pagpupulong, kung saan ako ay makikipagtagpo sa inyo. Ituturing mo ito bilang ganap na pag-aalay sa akin.
37 你所配製的這種香,不准配製為自己用,應當作聖物,只為上主用。
Bilang para sa insensong ito na iyong gagawin, hindi ka dapat gumawa ng anumang kaparehong mga sangkap para sa iyong sarili. Ito ay dapat maging pinakabanal sa iyo.
38 無論誰若配製這樣的香料,為聞香氣,應將他從百姓中鏟除。」
Ang sinumang gumawa ng anumang gaya nito para gamitin bilang pabango ay dapat alisin mula sa kaniyang bayan.”

< 出埃及記 30 >