< 出埃及記 27 >

1 應用皂莢木做一祭壇:長五肘,寬五肘,祭壇為方形,高三肘。
Dapat kang gumawa ng altar mula sa kahoy ng akasya, limang kubit ang haba at limang kubit ang luwag. Dapat ang altar ay parisukat na may tatlong kubit na taas.
2 在祭壇四角上做四翹角,四翹角應由祭壇突出,祭壇要包上銅。
Dapat kang gumawa ng karugtong na apat na mga sulok ng parisukat na mga anyong sungay. Gagawin ang mga sungay bilang isang bahagi ng altar, at dapat mong balutin ito ng tanso.
3 再做收灰的盆、、盤、肉叉和火盆:這一切用具都應是銅做的。
Dapat kang gumawa ng kasangkapan para sa altar, mga palayok para sa abo at gayundin ang mga pala, mga palanggana, mga tinidor para sa karne at mga lalagyan ng apoy. Dapat mong gawin ang lahat ng mga kagamitan mula sa tanso.
4 為祭壇要做一架銅格子,好像網的製法,在網的四角上安上四個銅環,
Dapat kang gumawa ng rehas na bakal para sa altar, tanso ang sangkap. Gumawa ng tansong argolya sa bawat apat na mga sulok ng rehas na bakal.
5 將網安在壇下方的圍腰下,直到祭壇半腰。
Dapat kang maglagay ng rehas sa ilalim ng pasamano ng altar, kalahatian pababa hanggang ilalim.
6 再為祭壇做兩根扛桿,杠桿是皂莢木的,包上銅。
Dapat kang gumawa ng mga poste para sa altar, mga poste na kahoy ng akasya, at dapat mong balutin ang mga ito ng tanso.
7 杠桿應穿在環子內;抬祭壇時,杠桿常在祭壇兩邊。
Dapat mailagay ang mga poste sa mga argolya, at ang mga poste ay dapat nasa dalawang tagiliran ng altar, para madala ito.
8 祭應用木板做成,中心是空的。在山上怎樣指示了給你,就怎樣去做。庭院式樣
Dapat mong gawin ang altar na may guwang, na yari sa mga makapal na tabla. Dapat mong gawin ito sa paraan na ipinakita sa iyo sa bundok.
9 應做帳棚的庭院:為向陽的一面,即南面,用捻的細麻做庭院的帷幔;這一面長一百肘。
Dapat kang gumawa ng isang patyo para sa tabernakulo. Dapat may mga nakasabit sa bahaging timog ng patyo, mga nakasabit na pinong pinulupot na lino na isang daang kubit ang haba.
10 柱子二十根,銅卯座二十個,柱鉤和橫棍是銀的。
Dapat ang mga nakasabit ay may dalawampung mga poste, na may dalawampung tansong mga pundasyon. Dapat mayroon ding mga kawit na nakadugtong sa mga poste, at gayundin sa pilak na mga baras.
11 為北面也是一樣:帳幔長一百肘,柱子二十根,銅卯座二十個,柱鉤和橫棍是銀的。
Gayundin naman sa tabi ng hilagang bahagi, dapat mayroong mga nakasabit na isang daang kubit ang haba na may dalawampung mga poste, dalawampung tansong mga pundasyon, mga kawit na nakadugtong sa mga poste, at pilak na mga baras.
12 庭院的西面,帷幔寬五十肘,柱子十根,卯座十個。
Sa tabi ng patyo sa kanlurang bahagi dapat mayroong kurtinang limampung kubit ang haba. Dapat mayroong sampung mga poste at sampung mga pundasyon.
13 庭院的前面即東面,寬五十肘;
Ang patyo ay dapat ding limampung kubit ang haba sa silangang bahagi.
14 這一邊帷幔十五肘,柱子三根,卯座三個;
Ang mga nakasabit para sa isang dako ng pasukan ay dapat labinlimang kubit ang haba. Dapat mayroon silang tatlong mga poste na may tatlong mga pundasyon,
15 另一邊帷幔也十五肘,柱子三根,卯座三個。
Ang ibang bahagi rin ay dapat mayroong mga nakasabit na labinlimang kubit ang haba. Dapat mayroon silang tatlong mga poste at tatlong mga pundasyon.
16 庭院的大門:門簾寬二十肘,是用紫色、紅色、朱紅色的毛線和捻的細麻織成的:柱子四根,卯座四個。
Ang tarangkahan ng patyo ay dapat mayroong isang kurtina na dalawampung kubit ang haba. Ang kurtina ay dapat ginawa sa asul, lila at matingkad na pulang bagay at pinong pinulupot na lino, ang gawa ng isang taga-burda. Dapat mayroong apat na mga poste na may apat na mga pundasyon.
17 庭院所有的柱子,周圍用銀橫棍連貫起來;所有的鉤子是銀的,卯座是銅的。
Ang lahat ng mga poste ng patyo ay dapat mayroong pilak na mga baras, pilak na mga kalawit at tansong mga pundasyon.
18 庭院長一百肘,寬五十肘,高五肘;幃幔是細麻捻的,卯座是銅的。
Ang haba ng patyo ay dapat isang daang kubit, ang lapad ay limampung kubit at ang taas ay limang kubit na may pinong pinulupot na lino ang lahat ng mga nakasabit sa tabi at ang mga pundasyon ay tanso.
19 帳棚內凡是敬禮用的一切器物,帳棚和庭院的一切橛子,都是銅的。燃登規定
Lahat ng kasangkapan na gagamitin sa tabernakulo at ang lahat ng mga tulos ng tolda para sa tabernakulo at patyo ay dapat gawa sa tanso.
20 你應吩咐以色列子民,叫他們把榨得的橄欖清油給你送來,為點燈用,好使燈時常點著。
Dapat mong utusan ang mga Israelita na magdala ng purong langis ng pinisang olibo para sa ilawan para magpapatuloy itong masunog.
21 在會幕內,在約櫃前的帳幔外,亞郎和他的子孫應使這燈,由晚上到早晨,常在上主前點燃:這是以色列子民世世代代當守的常例。
Sa tolda ng pagpupulong, sa labas ng kurtina na nasa harapan ng tipan ng kautusan, si Aaron at kaniyang mga anak na lalaki ay dapat panatilihin ang mga ilawan mula sa gabi hanggang sa umaga sa harapan ni Yahweh. Ang utos na ito ay magiging isang walang hanggang kautusan magpakailanman sa buong mga salinlahi sa bansa ng Israel.

< 出埃及記 27 >