< 出埃及記 23 >
Hindi ka dapat magbigay ng isang maling ulat tungkol sa sinuman. Huwag makianib sa taong masama para maging saksi na hindi tapat.
2 不可隨從多數以附和惡事;在爭訟的事上,不可隨從多數說歪曲正義的話。
Hindi mo dapat sundin ang karamihan ng tao para gumawa ng kasamaan, ni maaari kang sumaksi habang pumapanig kasama ang karamihan ng tao para ilihis ang katarungan.
Hindi ka dapat sumang-ayon sa isang taong dukha sa kaniyang kaso sa batas.
4 假使你遇見你仇人的牛或驢迷了路,應給他領回去。
Kung makasalubong mo ang naligaw na baka ng iyong kaaway o ang kaniyang asno, dapat mo itong ibalik sa kaniya.
5 假使你遇見你仇人的驢跌臥在重載下,不可棄而不顧,應幫助驢主卸下重載。
Kung makita mo ang asno ng sinumang napopoot sa iyo na bumagsak sa lupa ang karga nito, hindi mo dapat iwanan ang taong iyon. Dapat siguraduhin mong tulungan siya kasama ang kaniyang asno.
Hindi mo dapat ilihis ang katarungan kapag ito ay dapat pumunta sa iyong bayan sa isang lalaking dukha na may kaso.
7 作偽的案件,你應戒避。不可殺無辜和正義的人,因為我決不以惡人為義人。
Huwag kang makianib sa iba na gumagawa ng maling mga paratang, at huwag kang pumatay ng inosente o banal, dahil hindi ko ipapawalang sala ang masama.
8 不可受賄賂,因為賄賂能使明眼人眼瞎,能顛倒正義者的言語。
Huwag kumukuha ng suhol, dahil ang suhol ang bumubulag sa mga taong nakakakita, at inililihis ang mga salita ng mga taong tapat.
9 不可壓迫外僑,因為你們在埃及國也作過外僑,明瞭在外作客的心情。安息年與安息日
Huwag mo dapat apihin ang dayuhan, dahil alam mo ang buhay ng isang dayuhan, dahil naging mga dayuhan kayo sa lupain ng Ehipto.
Sa loob ng anim na taon magtatanim ka ng buto sa iyong lupain at iipunin ang mga naani.
11 但第七年,你應讓地休息,把出產留給你百姓中的窮人吃;他們吃剩的,給野獸吃。對葡萄和橄欖園,也應這樣行。
Pero sa ikapitong taon lilinangin mo ito nang walang araro at hahayaan, para ang mahihirap sa gitna ninyo ay makakain. Kung ano ang kanilang iniwan, ang mga mababangis na hayop ang kakain. Gagawin mo rin ito sa iyong ubasan at sa iyong halamanang olibo.
12 六天內你應工作,第七天要停工,使你的牛驢休息,使你婢女的兒子和外僑都獲得喘息。
Sa loob ng anim na araw magtatrabaho ka, pero sa ikapitong araw dapat kang magpahinga. Gawin mo ito para makapagpahinga ang iyong baka at asno, at para ang iyong anak na lalaki ng lingkod na babae at anumang dayuhan ay maaaring makapagpahinga at maging masigla.
13 凡我吩咐你們的,都應遵守。你們不可提及外神的名字,決不可讓人由你口中聽到。以色列的慶節
Bigyang-pansin ang lahat ng bagay na aking sinabi sa iyo. Huwag mong banggitin ang mga pangalan ng ibang mga diyos, o ni hayaang marinig ang kanilang mga pangalan mula sa iyong bibig.
Dapat kang maglakbay para magdaos ng isang pista para sa akin tatlong beses sa bawat taon.
15 應遵守無酵節:照我所命的,在阿彼布月所定的日期,七天之久吃無酵餅,因為你在這個月離開了埃及。誰也不可空著手到我台前來。
Ipagdiwang mo ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura. Bilang aking utos sa iyo, kakain ka ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw. Sa panahong iyon, magpapakita ka sa aking harapan sa buwan ng Abib, na itinakda para sa layuning ito. Sa buwang ito lumabas ka galing Ehipto. Pero hindi ka dapat magpakita sa aking harapan na walang-dala.
16 又應遵守收成節,即你在田地播種勞力之後,獻初熟之果的慶節。還應遵守收藏節,即在年尾,由田地中收斂你勞力所得的慶節。
Dapat ipagdiwang mo ang Pista ng Pag-aani, ang unang mga bunga ng iyong pinagtrabahuhan nang nagtanim ka ng buto sa iyong bukirin. At saka dapat mong ipagdiwang ang Pista ng Pagtitipon sa katapusan ng taon, kapag nalikom ninyo ang iyong inani mula sa bukirin.
Dapat magpakita ang lahat ng iyong mga kalalakihan sa harapan ko, si Yahweh, tatlong beses sa bawat taon.
18 不可同酵麵一起祭獻犧牲的血;不可把我節日的犧牲脂肪留到早晨。
Dapat huwag mong ialay ang dugo na galing sa mga handog na ginawa para sa akin kasama ang tinapay na may lamang lebadura. Ang taba na galing sa mga handog ng aking mga kapistahan ay hindi dapat manatili ng buong gabi hanggang sa kinaumagahan.
19 你田中最上等的初熟之果,應獻到上主你天主的殿中;不可煮山羊羔在其母奶中。應許與訓戒
Dapat ninyong dalhin ang unang mga prutas na piling-pili galing sa inyong lupain sa aking bahay, ang templo ni Yahweh na inyong Diyos. Dapat huwag mong ilalaga ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina.
20 看我在你面前派遣我的使者,為在路上保護你,領你到我所準備的地方。
Magpapadala ako ng anghel sa unahan mo para bantayan ka sa iyong landas, at para dalhin ka sa lugar na aking inihanda.
21 在他面前應謹慎,聽他的話,不可違背他,不然他決不赦免你們的過犯,因為在他身上有我的名號。
Maging mapagmatyag ka sa kaniya at sundin mo siya. Huwag mo siyang galitin, dahil hindi ka niya patatawarin sa iyong mga pagsuway. Ang pangalan ko ay nasa kaniya.
22 如果你聽從他的話,作我所吩咐的一切,我要以你的仇人為仇,以你的敵人為敵。
Kung talagang susundin mo ang kaniyang tinig at gagawin ang lahat ng bagay na sinabi ko sa iyo, sa gayon magiging kaaway ko ang iyong mga kaaway at kalaban para sa iyong mga kalaban.
23 我的使者將走在你前,領你到阿摩黎人、赫特人、培黎齊人、客納罕人、希崴人和耶步斯人那裏;我要消滅他們。
Pangungunahan ka ng aking anghel at dadalhin ka niya sa mga Amoreo, Perezeo, Cananeo, Heveo at Jebuseo. Wawasakin ko sila.
24 他們的神像,你不可朝拜,也不可事奉,也不可作那些人所作的;反之,應徹底破壞那些神像,打碎他們的神柱。
Hindi ka dapat yumuko sa kanilang mga diyos, sambahin sila, o gawin ang tulad ng kanilang ginagawa. Sa halip, dapat mong tuluyang patalsikin sila at basagin ang kanilang sagradong batong mga haligi ng pira-piraso.
25 你們事奉上主你們的天主,他必祝福你們的餅和水,使疾病遠離你們。
Dapat sambahin ninyo ako, si Yahweh na iyong Diyos. Kung gagawin mo, pagpapalain ko ang iyong tinapay at tubig. Aalisin ko ang karamdaman mula sa inyo.
26 在你境內沒有流產和不育的婦女;我要滿你一生的壽數。
Walang babae na magiging baog o makukunan sa iyong lupain. Bibigyan kita ng mahabang buhay.
27 我要在你前顯示我的威嚴;凡你所到之處,我要使那裏的百姓慌亂,使你的一切仇敵見你而逃。
Ako mismo ang magpapadala ng takot sa akin para sa mga taong naroon sa lupain kung saan ka susulong. Papatayin ko lahat ang mga taong makakasalubong mo. Gagawin ko ang lahat mong mga kaaway na babalik sa kanilang landas na may takot.
28 我要在你前打發黃蜂,將希威人、客納罕人和郝特人,由你面前趕走。
Magpapadala ako ng mga putakti sa unahan mo para palayasin ang mga Heveo, Cananeo, at ang mga Heteo sa harapan mo.
29 我不在一年之內將他們由們你面前趕走,免得田地荒蕪,野獸多起來害你。
Hindi ko sila itataboy mula sa harapan mo sa loob ng isang taon, o ang lupain ay magiging napabayaan, at ang mga mababangis na hayop ay magiging napakarami para sa iyo.
30 我要漸漸將他們由你面前趕走,一直到你繁殖增多起來,能佔領那地為止。
Sa halip, palalayasin ko sila ng paunti-unti mula sa harapan mo hanggang ikaw ay maging mabunga at manahin ang lupain.
31 我要劃定你的國界,由紅海直到培勒舍特海,從曠野直到大河;並將那地的居民教在你手中,你要在他們面前趕走,
Itatakda ko ang iyong mga hangganan mula sa Dagat ng mga Tambo patungo sa Dagat ng Palestina, at mula sa ilang patungo sa Ilog Eufrates. Ibibigay ko sa iyo ang tagumpay laban sa mga naninirahan sa lupain. Palalayasin mo sila sa harapan mo.
Huwag kang gumawa ng kasunduan sa kanila o sa kanilang diyos.
33 決不准他們住在你境內,免得引你得罪我,引你事奉他們的神:這為你是一種陷阱。」
Hindi sila dapat manirahan sa iyong lupain o gagawin ka nilang makasalanan laban sa akin. Kung sambahin mo ang kanilang diyos, siguradong ito ay magiging bitag para sa iyo.”