< 以斯帖記 7 >

1 君王和哈曼同來與艾斯德爾王后宴飲。
Kaya pumunta ang hari at si Haman sa pista kasama ni Reyna Esther.
2 在這第二天的酒興之餘,王又對艾斯德爾說:「艾斯德爾后! 你要求什麼,我必給你;不論要求什麼,即便是半壁江山,也必照辦。」
Sa ikalawang araw na ito, habang nagsisilbi sila ng alak, sinabi ng hari kay Esther, “Ano ang iyong kahilingan, Reyna Esther? Ipagkakaloob ito sa iyo. Ano ang iyong pakiusap? Hanggang sa kalahati ng kaharian, ipagkakaloob ito.”
3 艾斯德爾后答說:「大王! 如果我獲得你垂青寵愛,如果大王歡喜,請饒我一命,這是我的懇請;也饒我民族一命,這是我的要求,
Pagkatapos ay sumagot si Reyna Esther, “Kung nakasumpong ako ng kagandahang loob sa iyong mga mata, hari, at kung ito ay mamarapatin mo, hayaang ibigay sa akin ang aking buhay—ito ang aking kahilingan, at pakiusap ko rin ito para sa aking lahi.
4 因為我和我的民族,已被人出賣,快要遭受蹂躪、屠殺、毀滅。若是我們只被人賣為奴婢,那麼我必不開口;但這仇人毫不顧及君王所受的災害。」
Dahil kami ay ipinagbili, ako at ang aking lahi, upang wasakin, patayin, at lipulin. Kung kami ay ipinagbili lamang sa pagkaalipin, bilang lalaki at babaing alipin, tatahimik na lang sana ako, sapagkat walang kapighatiang tulad nito na magbigay-katarungan para gagambalain ang hari.”
5 薛西斯王問艾斯德爾后說:「這人是誰﹖那心內打算做這事的人在那裏﹖」
Pagkatapos sinabi ni Haring Assuero kay Esther na reyna, “Sino siya? Nasaan ang taong pumuno sa kanyang puso na gumawa ng ganyang bagay?”
6 艾斯德爾答說:「這仇人和死敵,就是這敗類哈曼。」哈曼立時在君王及王后前,驚惶萬分。
Sinabi ni Esther, “Ang taong napopoot, ang kaaway na iyon, ay itong masamang si Haman!” Pagkatapos lubhang nasindak si Haman sa harap ng Hari at ng reyna.
7 於是君王勃然大怒,即刻退席,走進了御苑;哈曼遂起來懇求艾斯德爾后饒他一命,因為他看出了君王已決意要將他置於死地。
Tumayo ang hari sa matinding galit mula sa pag-inom ng alak sa kapistahan at pumunta sa hardin ng palasyo, ngunit naiwan si Haman upang magmakaawa para sa kanyang buhay mula kay Reyna Esther. Nakita niya na ang kapahamakan ay pinagpapasyahan na ng hari laban sa kanya.
8 王由御苑回到餐廳,哈曼正俯伏在艾斯德爾所坐的榻旁,王惡聲叱叱說:「在王宮內,當著我的面,居然膽敢存心侮辱王后! 」王的話一出口,僕人就蒙起哈曼的臉。
Pagkatapos bumalik ang hari mula sa hardin ng palasyo patungo sa silid kung saan isinilbi ang alak. Kababagsak lamang ni Haman sa upuang kinaroroonan ni Esther. Sinabi ng hari, “Pagsasamantalahan ba niya ang reyna sa aking harapan sa sarili ko pang pamamahay?” Pagkalabas mismo ng mga salitang ito mula sa bibig ng hari, tinakpan ng mga lingkod ang mukha ni Haman.
9 君王座前的一個太監哈波納說:「正巧,在哈曼家裏,有他給那位曾一言造福大王的摩爾德開,豎立的一個五十尺高的刑架。」王說:「將他懸在上面! 」
Pagkatapos si Harbona, isa sa mga opisyal na naglilingkod sa hari, ay nagsabing, “Isang bitayang limampung kubit ang taas ang nakatayo sa tabi ng bahay ni Haman. Itinayo niya ito para kay Mordecai, ang nagsalita upang mapangalagaan ang hari.” Sinabi ng hari, “Bitayin siya roon.”
10 人們遂把嚨哈曼懸在他自己為摩爾德開所做的刑架上;王的忿怒這纔平息。
Kaya binitay nila si Haman sa bitayang kanyang inihanda para kay Mordecai. Pagkatapos humupa ang matinding galit ng hari.

< 以斯帖記 7 >